You are on page 1of 3

ISTORYANG GAWA-GAWA:

Alamat ng
BACKPACK
Group Three

Kwento ng isang batang tamad at laging


nagpapabuhat.
CALE GUECO, KEZIA ACUB, SHEKINAH DAVID, TIFA PARIAL
Alamat ng
BACKPACK
Sa munting tirahan ng pamilyang Tolino, naninirahan
ang dalawang kambal na magkapatid. Ang panganay
sa kanilang dalawa ay si Makmak habang ang bunso
naman ay si Rakrak. Tuwing pagtaas ng araw ay
laging nakikita si Rakrak na lumalabas ng maaga para
pumasok sa eskwelahan, habang naman si Makmak
ay nakahilata parin sa kaniyang higaan. Ilang minuto
nang nagtatawag ang kanyang ina para kumain ng
almusal ngunit nagmatigas siyang ulo at patuloy
paring natulog. Nang dahil sa galit ng kanyang ina ay
sinermunan si Makmak ng walang tigil hanggang sa
kanyang pagpunta ng paaralan.
Oras na ng kanilang pag kain at pagkabalik ni
Makmak ay pinuntahan siya ng kanyang mga
kagrupo. “Gagawa tayo ng proyekto mamaya ha,
umambag ka.” Nainis si Makmak dahil tinatamad ito
gumawa, kaya’t hindi siya sumunod sa kanyang mga
kagrupo. Makalipas ang ilang oras ay ang mga
kagrupo ni Makmak ay malapit nang magalit dahil sa
wala siyang naging ambag sa proyekto. “Makmak!
Makmak, gising!” Paulit ulit na sinasabi ng kanilang
lider na si Anton. At ilang minuto ang nakalipas at
nagising na rin si Makmak. “Ano ba wala ka pang
inaambag dito oh.” Bungad ni Anton sa kanya. “Lagi
ka nalang nagpapabuhat, pabigat ka talaga!” Dagdag
ng isa nilang kagrupo na si Yanna. At doon na nga
tumunog ang school bell na ibig sabihin ay uwian na.
Mabilis na tumakas si Makmak para hindi na ito
istorbohin tungkol sa kanilang proyekto. “Kaya na rin
naman nilang gawin ‘yon nang wala ako.” Bulong nito
sa sarili at nagulat nang bigla itong tinapik ni Rakrak
sa likod. “Bat ka nanaman nahuli sa klase natin kanina
kuya? Pinagsasabihan ka ulit ng mga guro natin pati
na mga kaklase natin.” Nais sumagot ni Makmak,
ngunit dahil sa kanyang inis at inggit sa kanyang
mabuting kapatid ay biglang hinampas niya ang
kanyang kamay at iniwasan si Rakrak.

Group
Three
Alamat ng
BACKPACK
Ilang minuto lamang at silang dalawa’y nakauwi na.
“Kamusta araw niyo?” Bati ng kanilang ina. “Ayos lang
po, inay.” Sagot ni Rakrak habang si Makmak ay
dumiretso lamang sa kanyang kwarto para maglaro.
Habang ito’y naglalaro ay naisip niya muli ang sinabi
ng kanyang mga kagrupo dahil simula’t-simula pa
lamang ay hindi na siya tumutulong sa mga proyekto.
Sumunod din ang mga araw-araw na sigaw ni mama
at pagkokompara ni tatay sa kanyang kakambal na
kapatid. Punong-puno ang kanyang isip at luha ay
tuloy-tuloy na dumalos sa kaniyang mukha hanggang
sa siya’y nakatulog.
Nang dumating na ang panibagong umaga, si
Makmak ay nabigla sa pakiramdam na parang siya ay
nawalan ng mga paa at kamay. Inayos niya ang
kanyang pag-upo at saka nalang niya nalaman ang
nangyari sa kanyang katawan, wala talagang uubra,
siya nga talaga ay naging isang backpack! Lumipas
ang ilang minuto at sa oras na ito ay palagi siyang
hinahanap ng kanyang ina para kumain, ngunit ang
nakitang eksena ni Makmak ay ang kanyang
dalawang magulang na mabuting tinatrato ang
kanyang kambal. Lumapit ang tatlo papunta sa
kanyang direksyon at binuhat ng ama ang isang dilaw
na backpack at isinuot kay Rakrak, si Makmak ay
sigaw ng sigaw sakanila ng tulong ngunit ni-isa
sakanila ay nakakarinig. Walang ibang pwede
mapagsisihan si Makmak kundi ang kanyang sarili, sa
bawat tulong at tiyaga ng ibang tao para siya lamang
ay maka-angat sa buhay. Totoo ngang isang lugar
lamang sa buhay ang mararating ng isang pabuhat
tulad niya, kaya sa pagiging isang backpack ay
magsisilbi siyang tulong sa iba.

Group
Three

You might also like