You are on page 1of 7

Dugo ni Juan Lazaro

ni Rogelio L. Ordoñez
Bawat nilalang ay hindi isang pulo sa kanyang sarili. Nararapat lamang na makilala niya ang
kaniyang pananagutan sa kapwa.
Waring nakalulunos na mga daing sa pandinig ni Mando ang malakas at hindi
magkamayaw na hugong ng mga makina sa pabrikang iyon ng tela. May ibinubulong ang mga
iyon, may ibinabadya, katulad ng sunud-sunod at nagmamadaling tibok ng kaniyang puso, ng butil-
butil na pawis na nagsisimulang maglandas sa malapad niyang noo, ng init na unti-unting
sumasangkap sa daloy ng kaniyang dugo. At maging ang malaking orasan, na waring madilat na
mata na nakamasid sa bawa’t bahagi ng bilangguang iyon ng mga makina, ay may kakaibang
kislap na ipinahihiwatig sa kaniya.
“Mga ‘Adre. . . malapit na!” saglit na nangingibabaw sa hugong ng mga makina ang tinig na iyon.
“Nakahanda na kami!” maraming sumigaw.
“Walang kakabila?” makapangyarihang tanong ng isa.
“Wala!” waring iisang tinig ang nakipagpaligsahan sa hugong ng mga makina.
Iginala ni Mando ang kaniyang tingin. Matitigas at may ipinahahayag ang mukha ng
kaniyang mga kasamahan. Nasisinag niya ang damdaming naghahari sa mga ito – nag-aalab,
nagpupumiglas, naghihimagsik. At sa mga mata nila, naroroon ang kapasiyahang mahirap mabali,
ang paninindigang mahirap igupo. Ngunit sa kaniya, ang paghihimagsik na nadarama niya ay hindi
kawangis ng paghihimagsik na ipinahahayag ng matitigas na mukha ng kaniyang mga kasamahan.
Patuloy ang nagpapaligsahang hugong ng mga makina sa walang humpay na paghabi ng
tela. Patuloy ang banayad na paggapang ng minutero ng orasan, ang paglalandas ng butil-butil na
pawis sa malapad na noo ni Mando, at ang pagpupumiglas ng isang kapasyahang kangina pa ay
hindi niya maitatwa. At ang lahat ng iyon ay sangkap ng pangamba at alinlangan na sumusuno
sa kaniyang diwa,
na lalong pinatitingkad ng makahulugang mga sulyap ng kanIyang mga kasama at ng init na ngayon
ay naghahari sa buo niyang katauhan.
Maya-maya ay unti-unting humina ang hugong ng mga makina, na tila ngayon ay paos at
namamaalam na daing ng isang nagdurusa, hanggang tuluyang mapawi ang alingawngaw ng
mga iyon, maliban sa isang makina na numanakaw sa katahimikang dulot ng mga nagsihintong
makina – ang makina ni Mando.
Batid niya kung bakit huminto ang mga iyon, kung bakit ang makina niya lamang ang
nagpapatuloy sa paghugong. Alam din niya kung ano nang oras, kahit hindi niya tinitingnan ang
malaking orasan. Ikadalawa’t kalahati na ng hapon.
Sapagka’t ang oras na yaon ang paghinto ng mga makina, ang patuloy na paghugong ng makina
niya, ay bahaging lahat ng paghihimagsik na nadarama niya, ng magugulong patlig ng alaala, ng
nagpupumiglas na kapasiyahang kangina pa ay hindi niya maitatwa.
Muling iginala ni Mando ang kanyang tingin. Isa-isang nagsitindig ang kanyang mga
kasamahan sa harap ng kani-kanilang makina gayong hindi pa oras. Bawat isa, bago lumabas sa
bilangguang iyon ng mga makina, ay nag-iiwan sa kanya ng sulyap na may lakip na pagbabanta.
“Adre, matigas ang ulo mo!” si Kadyo ang sumisigaw na siyang puno ng
aklasang iyon na matagal na nilang binalak isagawa. “Ikaw ang bahala, ‘Adre. . . ayaw mong
makisama!”
Saglit na tila nawala sa sarili si Mando. Ngunit batid niya, nadarama niya, natitiyak niya na
ang kapasiyahang matagal niyang nililimi ay mahirap ding mabali, katulad ng kapasyahan nila na
ipinamamarali ng mga mata, inihahantad ng matitigas na mukha.
Naudlot si Mando nang may tumapik sa kaniyang balikat. Nakatayo sa tabi niya ang
tagapamahala ng pabrika ng tela. Pinahinto ni Mando ang kaniyang makina.
“Hindi ka sumama sa kanila?” sabi ng tagapamahala. “Gugutumin ko
ho lamang ang aking pamilya.” “Magtatrabaho ka pa?”
“Di ho ako p’wedeng di magtrabaho,” tumikhim si Mando. “Ako ho lamang ang inaasahan ng
aking pamilya.”
Tumango-tango ang tagapamahala. Batid ni Mando ang kahalagahan niya ngayon sa
pabrikang iyon. Kung walang makinang magpapatuloy sa pag-andar sa paghabi ng tela, mahihinto
ang gawain sa buong pabrika. Marami ang mawawalan ng gawain sa buong pabrika. Marami ang
mawawalan ng gawain, katulad ng mga tagatabas ng tela, tagapagbalumbon, tagahakot sa bodega,
at maging ang mga kimiko. At sa loob lamang ng iilang buwan, malaking salapi ang mawawala sa
kompanya.
“Basta magpatuloy ka lang sa pagtatrabaho, daragdagan ko ng limampung piso ang sahod
mo,” sabi ng tagapamahala. “At kahit matapos ang welga, mananatiling gayon ang iyong sahod.”
“Pilitin mo lang na makalimampung yarda ka araw-araw,” patuloy ng tagapamahala. “marami
pa tayong nakatinggal na tela sa bodega. Marahil, kahit tumagal ng dalawang buwan ang welga, di
pa tayo maaagad ng mga pumipido at hindi pa rin maaano ang kompanya.”
Katahimikan.
Muling humugong ang makina ni mando, na siya na lamang pumupuno ngayon sa
kabuuan ng bulwagang iyon, na waring humahalakhak sapagka’t wala nang kalaban sa
paghugong, na waring ipinagsusumigaw ang karapatang magpatuloy sa pag-andar, kawangis ng
tibok ng puso ni Mando – ibinubulong ang karapatang mabuhay at bumuhay!
At ang buong kamalayan ni Mando ay inalipin ng buo at malakas na hugong niyon. Ngunit
tuwing mapapatingin siya sa malaking orasan na tila madilat na matang nakatitig sa kaniya, hindi
niya maiwasan ang pangamba.
Natatakot siya sa larawang iyon: nanlilisik na mga mata na nakapako sa kanya, mga
malalamang bisig na handing ipadama sa katawan niya ang kinukulob na ngitngit. At humiwa sa
diwa niya ang talim ng dila ni Kadyo.
“Agrab’yado tayo,” sabi ni Kadyo isang hapong lumalabas silang mga trabahador ng
pabrikang iyon ng tela. “Basta maraming pumipido kahit Linggo, pinagtratrabaho tayo. Kalimitan,
lampas na sa oras, ayaw pa tayong pauwiin… kakarampot naman ang inuumento sa sahod
natin.”
“Ano’ng magagawa natin?” sabad ng isang trabahador. “Alam mo naming mahirap humanap
ng trabaho… aba!”
Dumahak si Kadyo.
“Aba… e, habang panahon ba naming paloloko tayo? Sobra-sobra na nga ang tinutubo nila,”
muling dumahak si Kadyo. “Tayo n’ng bumubuhay sa kanila… pero, ano’ng buhay natin… kumain-
dili!”
Walang umimik sa kanila. Waring ang hindi pag-imik na iyon ay nangangahulugang
nauunawaan nila si Kadyo. At kay Mando, may katwiran si Kadyo.
Nadarama rin niya ang ipinaghihimagsik ni Kadyo. Matagal na nilang pinagtitiisan ang hindi
makatwirang pagpapasunod ng may-ari ng pabrika. Ilang taon na silang nagtratrabaho sa pabrikang
iyon, nguni’t gayon pa rin ang kanilang buhay: kumain-dili, sabi nga ni Kadyo.
Bahagya nang makasapat sa kanilang pangangailangan ang sinasahod nila. Parang ang
may karapatan lamang umunlad ay ang may-ari ng pabrika. Lalo itong yumayaman, at lalo rin
naman silang naghihirap na mga trabahador.
“Tingnan n’yo ang Chuang, yan,” si Kadyo rin ang nagsabi isang araw, “dahil sa pawis natin,
tatlo na ang Cadillac… pero tayo, kahit dalawampung taon pa tayong magtrabaho rito, mahirap pa
rin tayo sa daga!”
Nguni’t kahit may katwiran si Kadyo, ipinasya ni Mandong hindi siya sasama, magwelga
man sina Kadyo. Natatakot siyang mawalan ng gawain. Siya lamang ang inaaasahan ng
kaniyang asawa at tatlong anak.
Kanginang umaga, bago sila pumasok sa pabrika, tiniyak niya sa sarili na talagang hindi
siya sasama kina Kadyo. Nasa katwiran sina Kadyo, alam niya. At alam din niyang
makatarungan para kina Kadyo ang hindi pagsanib sa aklasan.
May pamilya si Kadyo. Bihira ang walang pamilya sa mga trabahador na sumama kay
Kadyo upang mag-aklas. At gaya niya, ang mga iyon ang inaasahan ng kani-kanilang pamilya. E,
ano sa kanya? Bakit niya iintindihin si Kadyo at ang mga trabahador na iyon?
Sarili niya ang dapat niyang intindihin!
Kailangan niyang mabuhay, makatwiran man o hindi!
NAMAYANING muli sa pandinig ni Mando ang hugong ng makina niya. Patuloy ang paglabas ng
nahabing tela. Nang ihudyat ng orasan ang ikaapat at kalahati ng hapon, pinahinto ni Mando ang
makina.
Saglit siyang namalagi sa loob ng pabrika hanggang sa mapawi ang huling alingawngaw ng
hugong niyon. Nagmistulang libingan ang bilangguang iyon ng mga makina sa humaliling
katahimikan. Nakumutan ng lungkot ang bawa’t bahagi niyon.
Lumabas si Mando. Malayo pa siya sa pinto ng pabrika natanaw na niya ang mga nagsipag-
aklas. May mga tangan nang karatula ang mga ito, nakapako ang mga tingin sa kaniya, at
waring siya ang inaabangan.
Higit na ganap ngayon ang nakatatakot na larawang iyon. Naroroon. Hindi Malabo, hindi
hungkag: mga nanlilisik na mata, mga malamang bisig na handing ipadama sa katawan niya ang
kinukulob na ngitngit. Ngunit ngayon, hindi sapat iyon upang baliin ang kanyang kapasiyahan,
upang igupo ang kanyang paninindigan.
Ngayon pa lang ibinigay na sa kaniya ang hinihingi nina Kadyo, isang iglap lamang?
Tinahak niya ang bakuran ng pabrika. Malapit na siya sa pintuan ng pabrika. Matatag siya, at
ang kaniyang paninindigan.
“Mando… saglit lang!” Si Kadyo ang sumigaw. Ibinadha ng mukha nito ang tinitimping galit. Ang
kalamnan ng bisig nito ay nag-aalpas sa pagkakabilanggo sa maitim na balat.
Lumapit siya sa kinaroroonan nina Kadyo. Pinalibutan siya ng mga ito.
“Adre, pinaalalahanan na kita kangina,” sabi ni Kadyo, “nagtigas-tigasan ka pa rin! Sipsip kang
talaga kay Chua… ibig mo’y ikaw na lang ang mapabuti!”
Tinitigan ni Mando si Kadyo.
“Karapatan n’yo ang magwelga… karapatan ko naman na ‘wag sumama sa inyo!”
Matapang ang tinig ni Mando.
“A, gayon!” nang-uuyam na sabi ni Kadyo. “Matigas ka, ha!”
Hindi pa napapawi ang alingawngaw ng tinig ni Kadyo, tila hayok na mga asong dinaluhong ng mga
trabahador si Mando. At naramdaman niya ang matinding palo, suntok, dagok, kadyot.

Gawain 1.1. Talasalitaan:

A. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. pananagutan (tungkulin) (panuntunan) (kalagayan) (kapasyahan)

2. nakalulunos (mahina) (naaapi) (lungkot) (pasakit)
3. nakamasid (nakatayo) (naisambit) (nakatingin) (umaaligid)
4. maitatwa (huminto) (magpatawa) (magpahirap) (itinatakwil)
5. ipinamamaral (ibinabahagi) (binabanggit) (iniyayabang) (isinisigaw)

Gawain 1.2. Mga Gabay na Tanong: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagwewelga ng mga trabahador sa pabrika ng tela?

2. Saan mo mas nanaising magtrabaho, dito sa Pilipinas o sa ibang bansa? Pangatwiranan.
3. Bakit ayaw sumama ni Mando sa welgang isinasagawa nina Kadyo?
4. Kung ikaw ang isa mga trabahador sa pabrika, saan ka papanig? Bakit? Ipaliwanag ang kasagutan.

gawain.
B. Paghahabi ng
Layunin (5
minuto)
MAGULO AKO, AYUSIN MO
AKO!
Panuto: Ayusin ang magugulong
letra upang
makabuo ng isang salita.
1. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan
ng salita.
MOLOAYIHITE
2. Naglalarawan sa salita batay sa
tunog nito
AIEONOPOTAM
3. Tumutukoy sap ag-aaral sa
pagbabago ng
anyo at istruktura ng mga salita.
OLOPRMOAYI
4. Tumutukoy sa mga salitang
banyaga na
walang katumbas sa wikang Filipino
RHIAM AN ALTISA
Magaling at nasagutan ninyo ang
mga katanungan.
Bago tayo magpatuloy sa ating
talakayan ay nais ko
munang ilatag sa inyo ang
ating layunin para sa
araw na ito.
Pagkatapos ng araling ito ang
mga mag-aaral ay
inaasahang;
a. Napag-iiba ang mga uri ng
pinagmulan ng
salita
b. Makapagbibigay ng mga
halimbawa ng mga
uri ng salita
c. Malaman ang kahalagan ng
mga salita sa
pakikipag komunikasyon
1. ETIMOLOHIYA
2. ONOMATOPOEIA
3. MORPOLOHIYA
4. HIRAM NA
SALITA
C. Pang uugnay ng
mga halimbawa
sa bagong aralin
(15mins)
Etimolohiya ay ang pag-aaral ng
kasaysayan ng
mga salita at ang pagbabago ng
kahulugan at anyo
nito. Hango ito sa salitang griyego na
“etymon”, na
ang ibig sabihin ay tunay na
kahulugan.
PINAGMULAN NG SALITA
1. Pagsasama ng Salita ay ang
nabuo sa
pamamagitan ng pagsasama ng
dalawa o
higit pang salita.
Halimbawa:
Teledyaryo – mula sa
pinagsamang salita na
telebisyon at dyaryo
Silid-aralan – mula sa pinagsamang
salita na silid at
aralan
Hating-gabi – pinagsamang salita na
hati at gabi
2. Hiram na Salita ay mga
banyagang salita o
galing sa ibang wika at kultura
ngunit,
inaangkop ang salita para sa
local at
pangkaraniwang paraan.

You might also like