You are on page 1of 4

MCQ

1. C – Filipino
2. A – 1987
3. B - Tanggol Wika
4. C - Bisaya
5. D – Virgilio Almario

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa papel ang iyong mga
sagot.

Ano ang isinasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng Konstitustong 1987? (5 pts)

Isinasaad sa Artikulo XIV Konstitustong 1987 Seksyon 6 na ang wikang pambansa


ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tandhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Ipaliwanag ang nilalaman ng Artikulo XIV Seksyon 6 ng Konstitustong 1987.


(10 pts)

Nakasaad sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV., Seksyon 6, na ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino. Ang wikang pambansa ay isang wikang ginagamit ng mga
mamamayan sa isang bansa sa pakikipag-komunikasyon, pasalita man o pasulat. Ito
ang wikang nauunawaan at ginagamit ng karamihan sa bansa. Ito rin ay wika na dapat
ay pangturo sa sistema ng edukasyon, upang mas mapayabong pa natin ang pag gamit
ng wikang Filipino at gamitin itong madalas.

Ipaliwanag ang kaibahan ng Wikang Filipino sa Tagalog? (10 pts.)

Ang Tagalog ay isa sa mga dayalekto (dialect) sa Pilipinas kung saan ang
pambansang wika na FIlipino ay i-binase. Samantalang ang Filipino, ito ang asignatura
na tinuturo ng ating paaralan.
Ang primus inter pares o nangunguna sa lahat ng magkakapantay (first among
equals) ay nangangahulugang? (5 pts)

Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa Konstitusyon na ang terminong o ang


primus inter pares ay nangangahulugang nangunguna sa lahat ng magkakapantay
ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at
multicultural ng Pilipinas. At bagamat pare-parehong mahalaga ang wikang
pambansa at iba pang mga wika ng Pilipinas, dapat bigyang prayoridad sa
pambansang anta sa paggamit ng wikang Filipino.

Ipaliwanag ang Limang Hakbang na dapat Isakatuparan sa Ikauunlad ng


Pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino ni San Juan (2017) (25 pts.)

Ang unang hakbang ay nagpapahiwatig na atin pang mas ipabilis and enternet
connection sa ating bansa sapagkat tayu ay nasa makabagong panahon na kung
saan ay patuloy na umuusbong ang mga bagong teknolohiya, kaya’t tayo ay dapat
na maki-ayon. Pangalawa ay dapat maagkaroon tayo ng mga kagamitan batay sa
pananaliksik. Pangatlo ay maging responsible. Pang-apat ay mag-aral para
magkaroon ng karagdagang kaalaman. At panghuli ay maging mapanuri.
YUNIT II

MCQ
1. A – Pananaliksik
2. B – Paraphrase
3. C – Rebyu
4. A – Abstrak
5. B – Presentasyon at publikasyon

Gawain ng Pagkatuto:

Narito ang kabuuang bahagi ng pananaliksik:


A. Introduksiyon
Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng
may
akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng layunin ng pananaliksik.
Tinatalakay dito
ang batayan ng pag-aaral. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya
ng isang
organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.
Narito ang kabuuang bahagi ng pananaliksik:
A. Introduksiyon
Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksyon, nagpapakilala ng
halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng
layunin ng pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng pag-aaral. Madalas
nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o
departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.

B. Paglalahad ng Suliranin
Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa
bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o
pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa
kabuuan ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik
sapagkat dito nakabatay ang lahat ng bahagi ng saliksik.

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral


Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang layunin ng pag-aaral.
Iminumungkahi na kung ano ang nasa paglalahad ng suliranin, dapat ito rin
ang itatakdang layunin o bibigyang kasagutan at inaasahang matamo
matapos ang pag-aaral. Ang kahalagahan ay tumutukoy sa kung ano ba ang
kapakinabangan ng isinasagawang pag-aaral. Ano ba ang magiging
kontribusyon nito sa lipunan, paaralan o pangkat ng taong kinabibilangan at
sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga


kaugnay na literatura at pagaaral. Binubuo ito ng dayuhang literatura, lokal na
literatura, dayuhang pagaaral at lokal na pag-aaral. Ang mahalaga sa
bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa
literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag-aaral. Sa madaling salita,
mayroong pagaanalisa at naikokonekta nito ang mga kaisipan.

E. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas Ang bahaging ito ay


tumatalakay sa pinaghanguang teorya, modelo, paradaym at kaugnay na
paglalahad ng suliranin at haypotesis ng isang naunang pag-aaral. Ang
konseptuwal na balangkas ay naglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik
at paraan ng pagsusuri ng datos. Isa itong pagpaplano ng mga proseso ng
pananaliksik.

F. Saklaw at Limitasyon Dito naman makikita ang lugar at bilang ng kalahok sa


pag-aaral. Maging ang grupo na kanilang kinabibilangan. Gayon din ang hindi
kabilang sa pag-aaral at kung bakit.

You might also like