You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST

GRADE III – FILIPINO

Pangalan:_____________________________________ Grade and Section:_________

I. Piliin sa kahon at isulat sa papel ang angkop na mga sumusuportang kaisipan batay sa
ibinigay na pangunahing kaisipan.

Mahalaga ang punongkahoy sa ating kalikasan.


Pangunahing kaisipan
Pantulong na kaisipan:
1._________________________________________________________
2._________________________________________________________
3._________________________________________________________
4._________________________________________________________
5._________________________________________________________

II. Piliin sa kahon ang maaari mong hinuha sa sumusunod na pangyayari. Isulat sa papel
ang letra ng tamang sagot.

a. Nagluluto si Pedro.
b. Nilalagnat ang sanggol.
c. Mangingisda si Mang Diego.
d. Nag-aral nang mabuti si Luisa buong gabi.
e. Dumating na ang tatay ni Beth galing Japan.
_______6. Maagang bumangon si Pedro. Pumunta siya sa kusina at maya-maya ay
umuusok na ang kalan.
_______7. Dala-dala ang lambat, sumakay si Mang Diego sa bangkang-de-motor at
pumalaot sa dagat.
_______8. Madaling nasagutan ni Luisa ang pagsusulit. Pinuri siya ng kaniyang gurodahil
siya ang nangunguna sa klase.
_______9. Panay ang iyak ng sanggol na si Jed. Hindi siya mapatahan kahit binigyan na
ng gatas. Idinampi ng ina ang kaniyang palad sa noo ni Jed at nag-alala ito.
_______10. Matagal nang nagtatrabaho sa Japan ang tatay ni Beth. Pagdating sa bahay
may nakita siyang mga pasalubong at malaking bagahe. Tinawag siya ng isang
pamilyar na boses.

III. Piliin ang angkop na pamagat sa bawat sitwasyon na ipinapakita ng larawan.

____11. Inutusan si Allan ng kaniyang Ina sa tindahan upang bumili ng bigas. Pagkatapos
bumili, buong pag-iingat niya itong binuhat pauwi. Agad na nagsaing ang kaniyang
Ina para sa kanilang hapunan. Natuwa siya dahil masunurin ang kaniyang anak.

a. Ang Hapunan b. Si Allan at ang Bigas c. Ang Batang Masunurin

____12. Naglabasan na ang lahat ng mga bata upang bumili sa kantina. Napansin ni
Romeo na naiwan ang isa sa mga kaklase niya. Niyaya niya si Liza sa kantina
at binigyan ng pagkain na binili niya.

a. Sina Romeo at Liza b. Sa Paaralan ni Romeo c. Ang Batang Mapagbigay

____13. Nakalbo ang makapal na kabundukan. Nawalan ng tirahan ang mga ibon dahil
pinutol ng mga tao ang mga kahoy. Naisip ng kabataan na magtanim ng mga puno.
Dahil dito, bumalik ang mga ibon sa kabundukan.

a. Ang mga Ibon b. Ibon sa Kabundukan c. Kabundukan Noon at Ngayon

____14. Sabado ng umaga, maagang nagtanim ng mga gulay si Bob sa bukirin. Lumipas
ang ilang araw ay lumago at namunga ang mga ito. Pinitas ni Bob ang mga gulay
at niluto ang mga ito.

a. Ang Tanim ni Bob b. Ang Gulay na Malago c. Ang Gulay sa Bukirin ni Bob

____15. Agad nagmano si Mila sa kaniyang ama’t ina pagdating sa kanilang bahay galing
sa paaralan. Matapos magbihis ay dali-dali niyang inilabas sa bag ang mga
kuwarderno upang pag-aralan ang kaniyang leksiyon. Napakasipag mag-aral ni
Mila.

a. Sa Paaralan ni Mila b. Ang Pag-aaral ni Mila


c. Ang Batang Masipag Mag-aral

You might also like