You are on page 1of 2

BALANGIGA MASSACRE

Mga Tauhan:
Narrator
Kapitan Valeriano Abandor
Heneral Jacob Smith
Tauhan 1
Tauhan 2
Tauhan 3
Tauhan 4
Tauhan 5
Sundalo 1
Sundalo 2

Narrator: Madilim na bahagi ng kasaysayan ang relasyon ng Pilipinas at Amerika. Dumating sa


Balangiga sa Samar ang Company C ng 9th US Infantry Regiment noong Agosto 11, 1901.
Mainam sa simula ang pakikitungo ng mga Americano sa mga mamamayan. Ngunit, ginalit ng
mga aksyon ng mga sundalong Amerikano ang ilang mga residente ng Balangiga.

Tauhan 1: (Tumatakbo) Kapitan! Kapitan! Nakita ko ang mga amerikano, sinisira nila ang mga
pananim natin. Pati ang mga kamote ay kanilang binibunot.

Tauhan 2: Sinasabi ko na nga bang sila ang dahilan bakit tayo naghihirap, tayo ang nawawalan
ng sarili nating pagkain.

Tauhan 3: Napag alaman ko din na pati ang asawa ni Aleng Ester ay kanila ng kinulong dahil
pinigilan nya ang isang amerikano na sirain ang pananim nito.

Tauhan 4: Ano na ang ating gagawin, hindi ito maaari na patuloy nila tayong
pinagsasamantalahan.

Tauhan 5: Kapitan, tulungan mo kami. Tulungan mo ang ating bayan na ipaglaban ang ating
Karapatan.

Kapitan Valeriano Abandor: Dapat mayroon tayong gawin. Magkakaroon ng prusisyon ng


mga patay na mga bata dahil sa epidemya ng kolera. Kayo ay aking inuutusan na
magbalatkayo bilang mga babae. At sa paghudyat ko ng pagtunog ng kampana, ito ang
palatandaan ng pagsisimula ng ating pag aalsa.

Narrator: Sa pagsisimula ng prusisyon, ipinasok na sa simbahan ang kabaong ng batang


nasawi sa epidemya. Ang kanilang mga itak ay itinago nila sa kanilang kasuotan at sa loob ng
kabaong. Tumunog ang kampana ng simbahan sa ganap na 6:20 am.

Kapitan Abanador: (Pinatulong ang kampana) “Atake, mga Balangigan-on!”

Narrator: Nagsimula na ang kanilang labanan, nabaril ni Kapitan si Private Adolf Gamlin.
Nilusob nila kapwa ang kumbento at ang kampo malapit sa munisipyo ng mga pupungas-
pungas pa at nag-aalmusal na mga Amerikano.

(Pinulong ng mga amerikano ang natitira nilang sundalo)


Sundalo 1: Sir! Our company in Samar had been destroyed.

Sundalo 2: Our American soldier lost their lives.

Heneral Jacob Smith: How did this happen? We are more powerful than them, Goddamnit!

Sundalo 1: Our fellow soldiers had caught of guard Sir.

Heneral Jacob Smith: You stupid, how dare are they. How many have died?

Sundalo 2: More than 500 Filipinos attack, 36 American soldiers had killed in action, followed
by 8 others, 22 were wounded and 4 still missing.

Heneral Jacob Smith: I want no prisoners. I wish you to kill and burn; the more you kill and
burn, the better it will please me… The interior of Samar must be made a howling wilderness. I
want all persons killed who are capable of bearing arms in actual hostilities against the United
States. Kill everyone over 10. I Jacob Smith, the mighty general of the US ordering all of you.

Lahat ng sundalo: Affirmative sir.

Narrator: At kanila na ngang inumpisahan ang pagpatay sa mga Pilipinong residente ng


Balangiga. Walang habas na pinagbabaril pati mga bata. Bagama’t may mga napatay sa
retalyasyon ng mga Amerikano, ang pagkasunog ng mga ari-arian, kabuhayan at pagpatay sa
mga hayup ang nagkaroon ng mas malaking epekto sa pagiging lugmok at walang-wala, waray-
waray, ng mga Samareño.

Heneral Jacob Smith: Get those bells. Those bells will be served as our war trophy!

Sundalo 1: Yes Sir.

(Kinuha na nila ang bell at nagtatawanan habang nakikita ang umiiyak ang mga asawa ng
nabaril na humihingi ng tulong)

Sundalo 2: You all deserve it.

(Umiiyak at sumisigaw na babae habang inaalo ang asawang nabaril)

Tauhan 1: Tulungan niyo kami. Maawa kayo sa amin.

Narrator: Patuloy na ginagawang sariwa ang sugat na nilikha ng insidente. Ang balangiga ay
tuluyan na ngang kinuha at nanatili sa kamay ng mga amerikano ng napakahabang panahon.
Hanggang sa panunungkulan ng ating President Duterte, hiniling nila na ito ay maibalik sa atin.

President Duterte: Give us back those balangiga bell. They are ours! They belong to the
Philippines they are part of our national heritage. Isauli naman ninyo, masakit iyon sa amin.

Narrator: Hindi man naging madali ang pagkuha ng balangiga bell sa mga amerikano, naging
matagumpay pa rin itong nakabalik sa dati nitong kinaroroonan, sa Balangiga Samar. Sana,
maalala natin na ang Balangiga ay katibayan ng giting, tapang at kakayahang magtagumpay ng
mga Pilipino kahit sa napakalakas na kalaban lalong lalo na ng mga taga Samar.

You might also like