Orca Share Media1706215614031 7156386974794334638

You might also like

You are on page 1of 5

Chapter 244

VERONICA POV

Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay kay Tatay at kaagad naman itong lumabas
sa loob ng palengke kasama ang dalawa sa mga bodyguard ni Rafael. Pagkasakay nito
kaagad na kaming umuwi ng bahay.

Kaagad akong nakaramdam ng tuwa nang nakita ko ang ilan sa mga kapatid ko sa labas
ng bahay. Mukhang inaabangan nila ang pagbalik namin dahil kaagad na gumuhit ang
kanilang ngiti sa labi ng mapansin nila ang pagdating ng sasakayan.

"Ate!" pagkababa ko pa lang ng kotse kaagad na akong sinalubong ng mga kapatid ko.
Unahan sila sa paglapait sa akin at isa-isang nagsipagyakap.

"Ate... Ikaw na nga...ang ganda-ganda mo na lalo!" kaagad na bulalas ni Charmaine.


Twelve years old at pang-apat sa aming magkakapatid. Hindi ko naman maiwasan ang
matawa. Sa aming magkapatid ito ang pinakamadaldal sa lahat.

"Matagal ng maganda si Ate. Kahit naman hindi pa siya ganoon kaputi noon maganda na
siya!" Nakalabing sabat naman ni Ana. Ang panglima sa aming magkakapatid.

"Alam ko naman iyun. Pero mas maganda siya ngayun. Kita mo nga ang kinis na nya at
ang puti tapos ang bango pa." muling sagot ni Charmaine. Ayaw talaga nitong patalo.
Bago pa magkainitan ang dalawa pumagitna na ako.

"oohhh tama na iyan! Baka kung saan- saan na naman mapunta ang usapan na iyan. Siya
nga pala, mag 'hello' muna kayo sa Kuya Rafael niyo! May pasalubong pa naman siyang
dala para sa inyo!" nakangiti kong sagot at binalingan si Rafael na nakatayo sa
tabi ko. Kita ang tuwa sa mga mata nito habang nakatingin sa mga makukulit kong
kapatid.

"Jowa mo siya Te?" Muling tanong ni Charmaine. Si Rafael na ang sumagot dito

"Nope...asawa na ako ng Ate mo!" sagot ni Rafael at kaagad akong hinalikan sa


pisngi. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. Pabirong nakurot ko naman
si Rafael sa kanyang tagiliran. Pilyo talaga ito. Pati mga kapatid ko gusto pa
yatang pagtripan. Ang dami pa namang mga Marites na nakatingin sa gawi namin

"Ayyyiiii! Ang sweet nila!" Kinikilig na wika ni Charmaine sabay napatakip ng bibig
nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa pagitan naming dalawa ni Rafael.

"Halaka! Lagot ka Ate. Nag-asawa ka na pala! Sabi ni nanay kanina boyfriend lang
eh." sabat naman ni Ana. Sabay pa kaming natawa ni Rafael dahil sa naging reaction
nito. Samantalang ang iba ko pang mga kapatid nagsipasok na sa loob ng kotse.

"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa ng Ate mo? Mabait naman ako at pogi pa."
nagbibirong sagot ni Rafael. Muli akong natawa. Ni sa hinagap hindi ko akalain na
makikipag-usap ito ng ganito sa makulit kong kapatid.

"Gusto na lang..... kasi totoo naman talagang pogi kayo eh tsaka sabi ni Nanay
kanina mabait daw po kayo! Kuya na lang ang itawag namin sa iyo ha? Maiinggit
talaga nito ang mga kaibigan ko dahil may Kuya na akong pogi!" Si Charmaine na
naman ang sumagot.. Natawa naman si Rafael dahil sa sinabi nito. Simpleng salita na
lumabas sa bibig ng kapatid ko pero tuwang tuwa ito. Nakikinita ko na mukhang
magiging mabuting ama ito ng mga anak namin kapag nagkataon. Hindi ko naman
maiwasan na ipilig ang ulo ko dahil sa naisip ko.
Ano ba itong tumatakbo sa isip ko. Kakaumpisa pa lang naming dalawa ni Rafael sa
aming relasyon napunta na kaagad sa pagkakaroon ng anak ang imahinasyon ko.
Nakakahiya kapag malaman ni Rafael ito. Hindi pa nga ako nakakaapak sa college kung
anu- ano na ang tumatakbo sa isip ko.

"Tama na muna iyan! Charmaine, tigilan mo muna iyang Ate at Kuya mo. Huwag ka muna
mangulit at tulungan mo si Kuya Angelo mo na magbalat ng mga gulay sa Kusina."
Narinig kong saway ni Nanay kay Charmaine na noon palagay kaagad ang loob kay
Rafael. Nagawa na nitong makipagkulitan sa Kuya niya. Sabagay, sa aming lahat ito
lang ang hindi mahiyain.

"Veronica anak, dalhin mo na dito sa loob si Rafael. Sa sala na lang muna kayo
kumain dahil masyadong magulo ang kusina." ako naman ang binalingan ng tingin ni
Nanay kaya

kaagad na akong tumalima. Nakakaramdam na din ako ng gutom at isa pa kanina pa ako
natatakam sa mga kakanin na binili namin.

Katulad ng sinabi ni Nanay sa sala na kami pumwesto ni Rafael. Sa sobrang dami ng


mga binili na lulutuing pagkain ni Tatay kanina mukhang kailangan ni Nanay ng
makakatulong doon.

Iyung mga bodyguard naman binigyan na din namin ng makakain. Napansin ko din kanina
si Angelo na inaasikaso nya ang mga ito. May napansin na din akong mga tasa na may
lamang kape kanina kaya nasisiguro ko na hindi naman sila magugutuman dito sa amin.

Ang iniisip ko lang ngayun kung kaya bang kumain ng kakanin ni Rafael. Never pa
kasi akong nakakita ng ganitong pagkain sa mansion kaya hindi ko alam kung
mapapakain ko ito ngayun dahil hanggang ngayun hindi pa nag-umipisang magluto sila
Nanay. Nasa proseso pa lang sila ng paghihiwa.

"Gusto mo bang maghanap tayo ng ibang pagkain sa labas?" tanong ko kay Rafael sabay
lapag ng black coffee sa kanyang harap. Naglagay na din ako ng isang pitcher ng
malamig na tubig. Ang mga kakanin naman ay nakapatong na sa center table at may
dalawang platito na din na nakalagay.

Suman, biko at palitaw ang nabili namin kanina. Iyung na lang kasi ang available
doon sa store. Hindi ko talaga sure kung magugustuhan ito ni Rafael.

"Mukhang masarap naman. Dont worry, nakakain na ako ng ganitong pagkain noong bata
pa ako." wika nito habang nakatitig sa suman. Nagulat pa ako ng kumuha ito ng isang
piraso, binalatan at direchong isinubo.

"Sure ka?" tanong ko. Kaagad itong tumango.

"Yup! Palaging inuutusan noon ni Ate Arabella ang dati namin na cook na gumawa ng
ganito sa mansion. Pero noong nagresign na dahil sa katandaan nahinto na din ang
pagkain namin ng mga ganito hangang sa nakalimutan na namin." sagot nito at kumagat
ulit ng suman.. Kinuha nito ang tasa na may kape at sumimsim ng kaunti.

Natutuwang sinabayan ko na din itong kumain. mabuti na lang at hindi naman pala
maarte itong mahal ko. Kahit na ipinanganak itong nakahiga sa salapi nagawa pa din
nitong makibagay sa kung ano man ang meron sa kanyang paligid. Gusto ko siyang
ipagmalaki sa lahat.

Paubos na ang kape ng biglang lumapit sa amin si Angelo. Tinanong pa ito ni Rafael
kung nakakain na ba ito pero kaagad itong tumango.
"Ate, nasa labas si Mayor." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Paanong
nandito ang Mayor namin? Ano ang kailangan nito?

"Ha? bakit daw?" tanong ko.

"Hindi ko po alam. Kausap po ni Tatay ngayun sa labas." sagot ni Angelo. Napatitig


ako kay Rafael ng tumayo ito. Hinawakan ako sa kamay at sabay na kaming lumabas ng
bahay.

Pagkalabas namin kaagad na tumampad sa paningin ko ang Mayor nga ng lugar namin.
May mga kasama ito habang kausap ni Tatay. Ang mga bodyguard naman ni Rafael
tahimik lang na nakamasid

Nang mapansin ni Mayor ang paglabas namin ni Rafael dito sa loob ng bahay kaagad na
gumuhit ang ngiti sa labi nito. Mabilis kaming sinalubong sabay lahad ng kanyang
kamay.

"Mr. Rafael Villarama! Bunsong anak ng magaling na business tycoon na si Gabriel


Villarama. Ikinagagalak kong maging bisita kayo sa lugar namin." nakangiti nitong
wika. Kaagad naman tinaggap ni Rafael ang pakikipagkamay nito.

"Thank you po! Sinamahan ko lang ang wife ko na bumisita dito. Ikinagagalak ko din
po kayong makilala."
nakangiting sagot naman ni Rafael.

"Ikaw na ba si Veronica? Abat kay gandang bata!" nakangiting wika naman ng babaeng
katabi nito. Ito iyung asawa ni Mayor at himala kilala ako nito.

"Salamat po Mam." nakangiti kong sagot. Nagulat pa ako at hinawakan ako sa kamay
sabay nakipagbeso sa akin. Nahihiya man pero nagpatianod na lang ako.

"Hindi pa pala kayo nagsabay ng kapatid mo. Si Mrs. Arabella Villarama Santillan at
Kurt Santillan. Kausap ko sila kagabi at sinabi nila na bibisita daw sila ngayun
para i- finalized ang pagbili sa isang resort na napupusuan ni Mrs. Santillan noong
nakaraang pagbisita nila dito." Nakangiting muling wika ng Mayor. Kaagad naman
kaming nagkatingin ni Rafael.

Wala kasi kaming idea tungkol dito. Isa pa walang nababanggit si Ate Arabella
tungkol sa balak nitong pagpunta dito sa lugar namin. Kung alam ko lang sana
nagsabay na lang kami. Mukhang wala din alam si Rafael dahil kaagad kong napansin
ang pagkagulat sa mukha nito.

"Well, masyadong busy ang pamilya namin. Hindi nabanggit ni Ate ang balak nilang
mag-asawa. Gayunpaman we are willing to support naman kung ano ang gusto nila.
Mahilig talaga sa nature ang kapatid kong iyun." sagot naman ni Rafael.

"Kung may time pa kayo Mr. Villarama, iimbitahan sana namin kayo bahay namin."
muling wika ni Mayor. Tumingin muna sa akin si Rafael bago sumagot.

"Kakarating lang po namin. I think gusto ng wife ko na sulitin ang time sa pamilya
ngayung araw. But dont worry, kapag may time kami, kami na mismo ang dadalaw sa
bahay niyo. Masaya ako sa mainit na pagtanggap mo sa amin sa lugar na ito Mayor!"

Nakangiting sagot ni Rafael.

"Mr. Villarama, mas natutuwa kami sa inyong presensya sa lugar namin. Bihira lang
makarating sa lugar namin ang mga taong kagaya niyo na tinitingala sa lipunan.
Kapag may kailangan ka pa para mas lalong maging kumportable ang pag-stay niyo sa
lugar namin hwag kang mahiya na magsabi sa amin Mr. Villarama." muling sagot ni
Mayor.

Ngayun ko lang napatunayan na kapag mapera ka pala igagalang ka ng kahit sino.


Napatunayan ko palagi iyan sa tuwing kasama ko si Rafael.

Natigil lang ang pag-uusap ni Mayor at Rafael ng may humintong sasakyan sa harap ng
bahay. Kaagad na lumabas si Kuya Kurt kasunod ni Ate Arabella. Napabitaw ako sa
pagkakahawak ni Rafael at masaya silang sinalubong.

"Ate Arabella!" nakangiti kong wika. Kaagad ako nitong niyakap ng magkaharap na
kami.

"Grabe, kung alam ko lang na pupunta din kayo dito sumabay na lang sana kayo sa
amin." nakangiti nitong wika.

"Hindi po kasi namin alam Ate eh. Kay Mayor lang po namin nalaman na pupunta din
kayo ngayun " nakangiti kong sagot. Iniwan na kami ni Kuya Kurt at lumapit na ito
sa nag-uusap na si Rafael at Mayor.

"Oo, kailangan eh. May bibilihin kaming beach resort malapit dito. Samahan niyo
kami mamaya para tingnan ulit bago namin bayaran."" nakangiti nitong sagot. Kaagad
naman akong tumango.

"Talaga po! Naku, excited na ako. Teka lang po pala, hindi po ba kasama si Jeann?
tanong ko. Kaagad itong umling.

"Hindi na muna. Inaatake na palagi ng morning sickness at ayaw kong sa yate pa siya
magsusuka." nakangiti nitong sagot. Yate pala ang sinakayan nila. Kung ganoon ma?
nauna pala silang umalis ng Maynila compare sa amin ni Rafael. Mas mabilis
makarating kapag chopper ang sasakayan.

"Ate, alam niyo po kanina ko lang nalaman na pumupunta pala kayo dito palagi. Ang
daya nyo po, hindi nyo man lang nababanggit sa akin." maya-maya wika ko dito. Sa
mahigit isang taon ko na pagtira ng mansion at nakakasama sila tuwing weekend
naging palagay na ang loob ko sa kanya. Sa kanya ako pinaka-closed kumpara sa ibang
mga kapatid ni Rafael.

"Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa iyo dahil alam kong sasama ka. Alam kong
malaki ang pagkagusto sa iyo ni Rafael at ayaw pumayag ng lokong iyun na umaalis ka
ng mansion ng hindi siya kasama." natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan
ang matawa.

"Salamat po Ate Arabella ha? Sa dami ng naitulong mo kila Nanay hindi ko po alam
kung paano kayo pasalamatan." pag-iiba ko ng usapan.

"Anong ako? Hindi mo ba alam na galing kay Rafael ang mga kaperahan na pinapadala
dito sa pamilya mo?"
sagot nito. Hindi ko maiwasan na magulat.

"Galing kay Rafael lahat ng ginastos sa pagpapagawa ng bahay ninyo Veronica. Ako
lang ang inuutusan niyang mag- asikaso ng lahat dahil masyado siyang busy. Hindi
nya ba nabanggit sa iyo?" nagtataka nitong tanong. Kaagad akong tumango. Nagulat
naman si Ate Arabella at napakagat pa ito sa kanyang labi. Kaagad kong napansin ang
paguhit ng guilt sa mga mata nito.

"Naku sorryy.. Lagot ako nito sa kapatid ko. Akala ko talaga alam mo na eh." muling
wika nito.

You might also like