You are on page 1of 3

Chapter 268

VERONICA POV

Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang tahimik na pinapanood si Jeann na


naglalakad sa gitna ng Isle. Kasama nito ang kanyang mga magulang na sina Ate
Arabella at Kuya Kurt.

Gandang ganda ako kay Jeann. Malayo ang hitsura nito noong mga panahon na kinu-
comfort ko pa lang ito noong nalaman niya na may ibang nobya si Drake. Sa ngayun
nakikita ko na kung gaano ito kasaya. Mukhang mahal na mahal din nito si Drake kaya
naman alam kong magiging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

"Kapag ikasal tayo, gusto ko mas maganda pa dito." narinig ko pang wika ni Rafael.
Hawak nito ang aking kamay habang tahimik na nag- oobserba sa mga kaganapan sa
buong paligid.

Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng tuwa dahil sa sinabi nito. Lalo na ngayun
at sa mismong bibig nito ko narinig na may balak din pala akong pakasalan sa
simbahan.

Siyempre naman, katulad ng ibang mga kababaihan pangarap ko din maglakad sa gitna
ng isle habang nakasuot ng puting traje de boda. Pangarap ko din na sabay kaming
manumpa ni Rafael sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa habang saksi
ang buo naming pamiya at ilang malalapit na mga kaibigan.

Mabilis na lumipas ang oras. Natapos din ang seremonya ng kasal nila Jeann at
Drake. Kita ko ang tuwa sa mga mata ng bagong kasal pati na din ng lahat ng mga
bisita. Kita ko din kung paano ka- proud sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel sa
kanilang apo.

"Gusto ko silang personal na i- congratulate Rafael." nakangiti kong bulong kay


Rafael. Kanya-kanya nang lapit sa mga bagong kasal ang ilang bisita para bumati.
Kaagad naman akong inalalayan ni Rafael palapit kina Jeann.

"Jeann, congratulation. Sa wakas proud Mrs. Jeann Santillan Davis ka na. "
nakangiti kong wika dito at kaagad na nakipagbeso. Medyo halata na pala ang umbok
ng tiyan ni Jeann. Sabagay, nasa four months na pala ang tiyan nito ngayun. lang
buwan na lang at masisilayan na nila ang kanilang. panganay na anak.

"Thank you Nica. Naku, sana kayo naman ni Uncle RAfael ang isusunod na ikasal sa
simbahan." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapasulyap kay Rafael
na noon ay abala din sa pagbati kay Drake.

"Well, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan, pero isa iyan sa
mga pangarap ko." Halos pabulong kong sagot. Iniiwasan ko na marinig iyun ni
Rafael. Nakakahiya kasi. Baka isipin nito na masyado naman yata akong atat na
ikasal kami sa simbahan.

"I know na mangyayari din iyan and excited na ako. Sya nga pala, hindi pa pala kita
personal na na-congratulate tungkol sa pagbubuntis mo. Ilang buwan lang ang
bibilangin at pareho na pala tayong maging Mommy." nakangiti nitong wika sa akin.
Hindi ko naman maiwasan ang matawa.

"Oo nga eh. Hayyy medyo hirap ako ngayun sa morning sickness pero kakayanin para
kay baby at sa Daddy niya." nakangiti kong wika.

"Truth! And besides, alam kong hindi ka naman pababayaan ni Uncle. Nakikita ko nga
kung paano ka nya alagaan eh." sagot nito.
"At iyan ang lubos kong ipinag- pasalamat. Halos ayaw ng umalis sa tabi ko ang
Uncle mo. Minamadali palagi ang trabaho sa opisina para lang mabantayan ako." sagot
ko.

"ahhh Ang sweet nila noh? Ganyan din sa akin si Drake." nakangiti nitong wika.

"Yess... kaya super swerte tayo sa mga asa-asawa natin." nakangiti kong sagot.

Hindi pa sana kami titigil ni Jeann sa pagkukwentuhan kaya lang inanunsyo na ng


organizer ng kasal na mag- uumpisa na daw ang picture taking. Muli akong hinawakan
ni Rafael at bumalik sa dating kinauupuan namin para hintayin na tawagin kami para
sa picture-picture. Kailangan daw kasi magpapicture buong pamilya by batch.

"Nica!" nakatoon ang buong attention ko sa mga bagong kasal ng marinig ko ang boses
ni Charlotte. Ito ang maid of honor at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang
gown. Parang sa lahat ng apo ng Villarama, siya ang nakakuha ng malaking
pagkakahawig kay Mommy Carissa. Para tuloy bigla kong na-imagine ang hitsura ni
Mommy Carissa noong kasing edaran din nito si Charlotte.

"Charlotte! Ang ganda-ganda mo talaga! Bagay sa iyo ang suot mo!" nakangiti kong
wika. Kaagad kong napansin ang pagkislap ng tuwa sa mga mata nito. Kung tutuusin,
napakabata pa ni Charlotte. Sixteen pa lang ito pero kung kumilos parang dalagang
dalaga na. Parang buhay na manika ito sa sobrang ganda.

Siguro masyadong malakas ang dugo ni Mommy Carissa. Halos lahat ng apo nito may
pagkakahawig sa kanya. Sabagay, ang gwapo din kasi ni Daddy Gabriel. Sa kanya
nagmana si Rafael kung hitsura rin lang ang pag- uusapan. Maganda at gwapo din ang
mga asa-asawa ng mga anak nila. Kaya siguro lumabas na parang mga artistahin ang
hitsura ng mga apo nila.

Hayyy sino kaya ang susunod na ikakasal sa mga apo nila. Halos mga dalaga at binata
na din ang karamihan. Bibilang pa siguro ng ilang taon matutupad din siguro ang
pangarap nila Mommy Carissa at DAddy Gabriel na punuin ang mansion ng mga paslit.
Mga apo na nila sa tuhod.

"Grabe ka naman makapuri sa akin. Baka mamaya maging kamukha ko iyang first baby
niyo ni Uncle." natatawa nitong sagot sa akin sabay nakipagbeso-beso sa akin. Muli
akong napangiti dito. Kaagad naman nakuha nito ang attention ni Rafael. Masamang
tinitigan ang pamangkin bago nagsalita.

"Ohhh come on...huwag ka ng umasa.

Magiging kamukha ko ang baby namin kasi ako ang Daddy." wika nito. Halatang hindi
ito sang ayon sa sinabi ni Charlotte kani-kanina lang. Tingnan mo nga naman ang
lalaking ito. Pati dalagitang pamangkin gustong inisin. Maano ba naman na
mananahimik na lang muna at hayaan kaming mag- usap ni Charlotte. Isa pa kung
magiging kamukha ng baby namin si Charlotte wala namang problema. Ayaw niya pa noon
magiging kamukha din ni Mommy Carissa ang first baby namin.

"Well, tingnan natin paglabas niya. "

sagot naman ni Charlotte. Mukhang game na game itong makipag-asaran sa kanyang


Uncle.

Sasagot pa sana si Rafael pero tinawag na kami ng organizer. Picture-picture na daw


ng buong pamilya. Kaagad naman akong inalalayan ni Rafael papunta sa bagong kasal.
Napansin ko din na naglalakad na ang buong pamilya Villarama para sa group picture.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa ng masulyapan ko sila Mommy Carissa at
Daddy Gabriel. Mukhang bati na silang dalawa. Tama nga ang sinabi ni Rafael sa akin
kanina na mabilis lang m*****i ang mga ito pagkatapos ng kauting pagtatalo.

Natapos din sa wakas ang picture taking. Masaya ako dahil feel na feel ko na talaga
na bahagi na ako ng pamilya Villarama. Lalabas daw sa mga pahayagan ang tungkol sa
kasal ng apo ng mga Villarama. Hindi naman nakapagtataka iyun dahil tinitingala
talaga sa lipunan ang pamilyang kinabibilangan ko na ngayun.

Sa hotel ang reception kaya naman muli kaming bumalik ng kotse.

"Are you sure na kaya mo pang pumunta ng reception?" kaagad na tanong ni Rafael sa
akin. Nandito na kami sa loob ng sasakyan at hinihintay na lang namin ang pagsakay
nila Mommy at Daddy. May kausap pa ang mga ito sa labas ng simbahan.

"Kaya ko pa. Mukhang ang bait ng baby natin. Nakikisama siya sa importanteng araw
ng kanyang pinsan. " nakangiti kong sagot. Kaagad naman napatango si Rafael sabay
hawak sa aking tiyan.

"Hmmm oo nga eh. Mabuti na din iyun para ma-enjoy mo din ang kasal ng best friend
mo." sagot nito sabay kabig sa akin. Pinasandal ako nito sa kanyang balikat na
siyang kaagad ko naman ginawa.

"Pikit mo muna ang mga mata mo para makapagpahinga ka ng kahit kaunti." nakangiti
nitong wika. Kaagad ko naman ginawa iyun habang ninanamnam ang init ng katawan na
nagmumula dito.

You might also like