Professional Documents
Culture Documents
Orca Share Media1702107432358 7139156011971619811
Orca Share Media1702107432358 7139156011971619811
Orca Share Media1702107432358 7139156011971619811
VERONICA POV
Halos manginig ang buo kong laman sa katawan ng lalo nitong ibinaon ang kanyang
mukha sa leeg ko. Damang- dama ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa balat
ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin dahil 4 pakiramdam ko unti-unting bumibigay
ang depensa ko dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Rafael ngayun. Kung may iba
sigurong tao na nakakakita sa posisyon namin ngayun baka isipin nilang
magkasintahan kami na naglalambingan.
"Pwede naman magpahinga na muna kayo Sir sa loob ng Villa kung pagod kayo." mahina
kong sagot. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang paghimas ng palad nito sa
bandang tiyan ko. Muli akong nakaramdam ng pagkaasiwa dahil sa kanyang ginawa.
Parang may kung anong maliliit na boltahe ng kuryente ang biglang kumalat sa buo
kong katawan dahil sa kanyang ginagawang paghimas sa tiyan ko patungo sa pusod ko.
Ano ba ang ginagawa nya sa akin? Normal pa ba ito?
"Ayos na ito. Mas gusto ko ang ganito." mahina nitong sagot. Hindi ako nakaimik at
itinoon na lang ang attention sa malawak na karagatan. Pilit ko din pinapakalma ang
sarili ko at umaasa na masasanay din ako sa ginagawang ito sa akin ni Sir Rafael.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ko napansin ang isang may
edad ng babae na parating. Agad ko naman kinalabit si Sir Rafael at itinuro ito.
Mabuti na lang at hininto na din nya ang paghimas sa tiyan ko at kusang ibinaba ang
medyo nakataas ko ng t-shirt.
"Good Afternoon Sir Rafael, dumating po pala kayo! Pasensya na po, hindi kami
nakapaghanda." agad na bati nito. Saglit ako nitong sinulyapan tsaka ako nginitian.
"Ayos lang Manang Bering. Hindi naman kami magtatagal sa lugar na ito. Gusto ko
lang makita ni Veronica ang magandang tanawin dito sa resort. Sya nga pala, si
Veronica, asahan nyo po na siya ang lagi kong kasama kapag pupunta ako dito." sagot
nito. Masaya naman itong tumango.
"Naku Sir Rafael, kagandang babae naman ng kasama mo. Siya na ba ang magiging asawa
mo?" agad na sagot ng matanda. Agad naman akong nakaramdam ng pagkapahiya.
Napagkamalan pa kaming magshota ni Manang Bering. Kung bakit naman kasi nakayapos
pa rin sa akin si Sir Rafael eh.
"Kung papayag sya Manang." sagot ni Sir Rafael. Lalo naman akong nagulat at
napatingin sa mukha nito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito dahil kumindat pa
ito sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na
mapayuko.
Magpapahinga lang po kami saglit." sagot ni Sir Rafael sabay dukot ng wallet sa
kanyang bulsa. Naglabas ito ng ilang lilibuhing pera at inabot kay Manang Bering
"Ayyy kung ano po ang gusto nyo Sir Rafael. Lagi naman namin nililinis ang kwarto
nyo kaya magiging komportable kayo sa pamamahinga nyo. Sige po, hahanapin ko muna
si Lando at utusan ko ang isang boy natin na kumuha na din ng buko. Hindi po bat
iyun ang paborito nyong inumin kapag nandito kayo sa resort Sir?" sagot naman ni
Manang Bering.
Tumango lang si Sir Rafael at muli akong hinawakan sa kamay at iginiya papasok sa
loob ng Villa.
Lalo naman akong namanghan pagkapasok sa loob ng Villa. Kulay ginto ang railings ng
hagdan pati na din ang ilang mga nakadisplay. May malaking Chandelier sa
pinakagitna ng living room at nagkalat ang mga mamahaling Jar sa bawat sulok ng
bahay.
"Sa kwarto tayo. Napagod ako sa pagmamaneho ngayun." wika nito sa akin at hinila
ako paakyat ng hagdan. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping
magsasama kami sa iisang silid?
"Ehhh pwede po bang kayo na lang ang umakyat. Dito na lang po ako. Gusto ko po ka-
kasing ikutin ang buong paligid. " sagot ko sa kinakabahang boses. Sandali akong
tinitigan sa mga mata bago sumagot.
"Takot ka sa akin?" direstsahan nitong tanong. Agad na namilog ang aking mga mata
sa pagkagulat sabay iling.
"Ha" Na-naku hindi po! Bak-bakit naman po a-ako matatakot sa inyo!" sagot ko na
halata pa rin sa boses ko ang kaba. Nagkanda-utal-utal na din ako.
"Hmmm kung ganoon sumama ka muna sa kwarto. Samahan mo akong magpahinga. Mamaya na
natin ikutin ang buong paligid." sagot nito at muli akong hinila paakyat ng hagdan.
Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang
malawak na balcony na may mga sofa at lamesa. Ang galing lang dahil mula sa
kinatatayuan ko ay kitang kita ang buong paligid ng Villa.
"Iidlip muna tayo. Pagod ako at wala akong balak may stay dito sa labas at titigan
ang dagat." mahina nitong wika at hinila ako papasok. Gusto ko sanang magprotesta
pero ng mapansin ko na salubong na naman ang kilay ay hindi na ako umimik pa at
nagpatianod na lang.
Agad nitong isinara ang pintuang salamin. Hinawi ulit nito ang makapal na kurtina
upang matakpan ang buong kwarto. Muli akong nakaramdam ng pagkailang lalo na ng
bitawan ako nito sa kamay at napansin ko na isa-isa nitong hinubad ang kanyang
damit. Sa sobrang pagkataranta agad akong napatalikod dito
"Sir, ano ang ginagawa nyo? hindi niyo po pwede gawin sa akin ang iniisip nyo.
Virgin pa po ako!" wala sa sarili kong wika dahil sa matinding kaba. Hindi ito
umiimik at natatakot akong muli itong lingunin. Baka naman hubot hubad na naman ito
at pagpiyestahan na naman ng makasalanan kong mga mata ang kanyang katawan.
"Tatayo ka na lang ba dyan? Mahiga ka na dito sa tabi ko. Wala akong balak na
gahasain ka kung iyan ang iniisip mo! Gusto ko lang matulog!" malakas na wika nito.
Dahan-dahan ko naman itong nilingon at nagulat pa ako ng mapansin ko na komportable
na itong nakahiga sa kama. Nakatakip sa katawan nito ang makapal na comforter. kaya
naman pala biglang lumamig ang paligid dahil nakatodo ang aircon.
"may nakita ka pa bang ibang higaan dito? Huwag kang mag-alala...hindi ikaw ang
type kong babae. Ayaw ko sa babaeng virgin dahil mahirap pasunurin sa kama." sagot
nito. Muli naman nanumbalik ang pagkailang na nararamdaman ko sa kanya. Sandali
akong natigilan. Napansin ko na lang na nakapikit na ito kaya sumampa na din ako ng
kama. Hinubad ko muna ang suot kong sapatos bago tuluyang nahiga.
Mas magandang magpahinga na din muna ako. Nararamdaman ko na din ang pagod at gusto
ko din munang matulog. Mukhang mabait naman si Sir Rafael at wala akong balak na
gawan ng masama.
Nagising na lang ako ng may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin.
Naiinis pa akong idinilat ang aking mga mata dahil antok na antok pa ako ng bigla
akong nahimasmasan.
"Alam mo, parang gusto ng magbago ang isip ko ngayun. Parang gusto kong subukan
kong talagang virgin ka pa." mahina nitong wika na may kalakip na lambing sa boses.
Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan dito
dahil pakiramdam ko hinihigop pati ang kaluluwa sa mga titig nya.
"A-ang bigat nyo po!" kunwari reklamo ko. Hindi naman talaga ito mabigat dahil
nakatukod ang mga kamay nito sa kama.
"Tsk! tsk! bakit hindi ka makatingin sa akin? Look at me!" mahina nitong anas at
unti-unti kong naramdaman ang pagbaba ng mukha nito sa mukha ko. Napalunok pa ako
ng makailang ulit ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.