You are on page 1of 23

1

LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)


Manual for Teachers and Parents
English, First Edition, 2023

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education, Region 1


Secretary: Sarah Z. Duterte
Undersecretary: Gina O. Gonong

Development Team
Writers:
Maricel L. Acosta Jessica R. Cadang Mary Grace B. Casita
Editha M. De Guzman Oscar R. Gamiao Jr Maricel N. Guerrero
Moises M. Lopez III Hazel Ann S. Negranza Julius P. Pajarillo
Enrico Lee E. Suarez Allan M. Utleg Ana Fe R. Velo
Jolly T. Victorio Sherryl F. William

Layout Artists
and Illustrators: Bobbit Dale M. Bulatao, San Carlos City
Santino B. De Jesus, San Carlos City
Armando S. Vinoya, San Carlos City
Ligaya P. Daguison, Pangasinan 2

Editors:
Elisa R. Ranoy, Alaminos City Zorayda S. Paguyo, Batac City
Marilou Omotoy, Batac City Edgardo P. Pescador, Candon City
Gemma M. Erfelo, Dagupan City Editha R. Mabanag, Ilocos Norte
Remilyn P. Abrogena, Ilocos Norte Maria Teresita R. Gapate, Ilocos Sur
Juanito V. Labao, Laoag City Louisito Libatique, La Union
Melchora N. Viduya, Pangasinan I Annabelle M. Parel, Pangasinan II
Vivian V. Ofanda, San Carlos City Rowena R. Abad, San Fernando City
Perlita F. Abat, San Fernando City Edmundo A. Bisquera, Urdaneta City
Felipa T. Regaspi, Vigan City

Project Proponent: Joselito D. Daguison, EPS-Filipino


Consultants: Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD
Rhoda T. Razon, Assistant Regional Director
Tolentino G. Aquino, Director IV

2
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 1: SALITA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang sampu (10) o
higit pa mula sa dalawampung (20) salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Sabihin sa mag-aaral: Ang bahaging ito ng pagtatasa ay naglalayong masukat ang
iyong kakayahan sa pagbasa ng salita. Inaasahan ko na mabasa mo nang wasto ang
mga ito. Handa ka na ba?
2. Ibigay ang talaan ng mga babasahing salita kung handa na ang mag-aaral.
3. Ipabasa ang mga salita mula sa taas pababa.

HABANG ISINASAGAWA ANG PAGTATASA


1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Lagyan ng tsek (/) ang bawat salitang nabasa nang wasto at ekis (x) naman kung
mali. Gamitin ang nakalakip na Pormularyo ____.

MGA SALITA
kontribusyon engkuwentro kontra transaksiyon
guni-guni eskuwela plaslayt impormasyon
bantay bukang-liwayway eroplano konstruksiyon
salampay magigiliw komunikasyon pormularyo
pagpapatunay transportasyon eksportasyon kongreso

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang sampu IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
(10) o higit pa Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
mula sa mababang Antas ng Salita. MAGPATULOY SA
dalawampung SUSUNOD NA ANTAS.
(20) salita?

3
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 2: PANGUNGUSAP

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang anim (6) o higit
pa mula sa sampung (10) pangungusap.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang sipi ng sampung pangungusap na babasahin ng mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian
sa kanyang sipi.

PANGUNGUSAP
1. Masarap na pagkain ang inihain kanina.

2. Dumalo ang mga guro mula sa iba’t ibang rehiyon sa isinagawang pagsasanay.

3. Nakiisa ang lahat sa ginanap na kapistahan.

4. Siya ay nageehersisyo para pumayat, subalit hindi niya mapigilan ang kumain ng
marami.

5. Nagtatag ng isang pangako si kagawad at umisip siya ng magandang proyekto


para sa mga kabataan sa kaniyang barangay.

6. Magbasa upang isipan ay mahasa sapagkat susi ito sa pagtuklas at pagpapalawak


ng pag- unawa.

7. Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga payo ng magulang.

8. Maagang pumasok ng trabaho ang diyanitor at nilinis ng maigi ang bawat sulok ng
paaralan dahil inaasahan na darating ang Pansangay na Tagamasid.

9. Ang nanay niya ay isang guro at ang tatay ay isang doctor.

10. Nagluto ng masarap na pagkain si Aling Tinay at nakapaglaba na siya ngunit wala
pa ang kanyang mga inaasahang bisita.

4
PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag-
IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang anim
Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
(6) o higit pa
mababang Antas ng MAGPATULOY SA
mula sa
Pangungusap. SUSUNOD NA ANTAS.
sampung (10)
pangungusap?

5
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 3: TALATA

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang 90-110 salita
sa loob ng isang minuto.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay
makapagbasa siya ng 90-110 salita.

Talata:

Araw
ni Ana Fe R. Velo

Napakahalaga ang ginagampanan ng araw sa buhay ng halaman,


hayop at tao. Ang mga halaman ay nangangailangan ng sikat ng araw upang
makagawa ng potosintesis. Ito ay prosesong ginagawa ng halaman upang mabuhay
at makagawa ng pagkain para sa kani
yang sarili, sa mga hayop, tao, at marami pang buhay na organismo. Ang liwanag
at init ng araw ay nakaaapekto rin sa kulay, paglaki, at pagiging aktibo ng iba't ibang
uri ng hayop. Nagbibigay ng enerhiya upang mapalakas ang katawan ng tao.
Sa hindi inaasahang pangyayari, unting-unti ng nasisira ang ozone
layer na nagsisilbing proteksiyon sa tindi ng sikat ng araw. Maraming halaman at
hayop na ang namatay. Ganoon din ang pagkakaroon na mataas na presyon ng mga
tao.
Kung gayon, Kinakailangan na makibahagi sa programa ng lipunan
tungkol sa sagip kalikasan na kung saan ang bawat isa ay magtatanim ng puno at
iwasan ang pagsusunog ng basura upang hindi tuluyang masira ang ozone layer.

6
PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

HINDI OO
Nabasa ba nang
wasto ng mag-
IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
aaral ang 90-110
Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
salita sa loob ng
mababang Antas ng Talata. MAGPATULOY SA
isang minuto?
SUSUNOD NA ANTAS.

7
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 4: KUWENTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ibigay ang babasahing kuwento sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
2. Itala ang mga kamalian (maling bigkas, pagkakaltas, pagpapalit, pagsisingit, pag-
uulit, paglilipat, pagbaliktad) na ginawa ng mag-aaral gamit ang talahanayan ng
mga kamalian.

Talahanayan ng mga Kamalian


Kabuoang Blg.
Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
ng Kamalian

Kuwento:
Hiling
ni Oscar R. Gamiao, Jr.
Mahigit limang taon nang nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ni
Tonyo. Habang wala sila, ang lola niya ang nag-aalaga sa kaniya. Punong-puno ng
kalinga at pagmamahal ang kaniyang lola. Ibinibigay pa niya ang lahat ng kaniyang
pangangailangan at gusto.
Subalit, hindi pa rin maaalis sa isipan ni Tonyo ang labis na pangungulila sa
kaniyang mga magulang. Kung kayat, habang siya ay nakaupo sa kanilang
palababaan, naisipan niyang gumawa ng isang tiktok at ito’y kaniyang ibinahagi sa
hatirang pangmadla.
Sa kaniyang tiktok account, ganito ang naging laman ng kaniyang bidyo:
Darating muli ang kaarawan ko sa susunod na buwan. Ang hiling ko’y sana
makapiling ko kayo sa isa sa mga pinakamasayang araw ko. Sana mabuo muli ang
ating pamilya at sama-sama nating ipagdiwang ito. Mag-piknik tayo kasama nil lola.
Kakain tayo ng pansit, litson, at iba pang masasarap na pagkain. Mama at papa, uwi

8
na kayo! Mahal na mahal ko kayo!
Napanood ng mga magulang ni Tonyo ang bidyo. Nag-usap ang mag-asawa na
sosorpresahin nila ang kanilang anak. Agad na bumili sila ng ticket.
Dumating na ang pinakasasabik na araw ni Tonyo. Nagluto ng kaniyang lola ng
pansit at suman. Masayang binati ng lola ang apo. Subalit, mayroon silang narinig
na humintong sasakyan sa tapat ng kanilang tahanan. Tiningnan ng maglola kung
sino ang mga dumating. Laking gulat nila nang makita nila ang bumaba sa sasakyan.
Kumaripas nang takbo si Tonyo at niyakap ang kaniyang mga magulang.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng Kuwento. MAGPATULOY SA
nang walang SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

9
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 5: KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
250-300 salita at nasasagot nang tama ang pito o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Kuwento:

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa


1. “Punong-puno ng kalinga at pagmamahal ang kaniyang lola.”, ano ang
kahulugan ng salitang nakaitalisado?
A. pag-aaruga
B. pag-aalipusta
C. pagdadalamhati
D. pagsasakripisyo

2. “Dumating na ang pinakasasabik na araw ni Tonyo.”, ano ang kahulugan ng


salitang nakaitalisado?
A. Matinding paghahangad na maranasan ang isang bagay o
pangyayari.
B. Matinding paghangad na makapunta sa isang lugar na puno nang
kasiyahan.
C. Matinding paghangad na makapagbakasyon sa isang lugar na malayo
sa kabihasnan.
D. Matinding paghangad na makamit ang mga materyal na bagay na
matagal nang hiling.
3. Kumaripas nang takbo si Tonyo at niyakap ang kaniyang mga magulang. Ano
ang kasalungat ng salitang kumaripas?

10
A. mabagal
B. mabilis
C. malumanay
D. matulin

4. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. ama
B. anak
C. ina
D. lola
5. Ano ang inihanda ng lola sa kaarawan ni Tonyo?
A. pansit at puto
B. pansit at litson
C. pansit at suman
D. pansit at barbecue

6. Anong hatirang pangmadla ibinahagi ni Tonyo ang kaniyang bidyo?


A. Instagram
B. Facebook account
C. Tiktok account
D. YouTube channel

7. Bakit gumawa ng bidyo si Tonyo?


A. Para maging sikat sa hatirang pangmadla.
B. Para dumami ang bilang ng kaniyang followers.
C. Para maihatid sa kaniyang mag magulang ang kahilingan.
D. Para mapakita ang kaniyang talento sa paggawa ng bidyo.

8. Bakit kumaripas nang takbo si Tonyo nang makita niya ang kaniyang mga
magulang?
A. Dahil marami silang dalang regalo.
B. Dahil masama ang loob niya sa kanila.
C. Dahil natupad ang kaniyang kahilingan.
D. Dahil matagal na niyang hindi sila nakita.

9. Kung ikaw ang mga magulang ni Tonyo, uuwi ka rin ba sa kaniyang


kaarawan? Bakit?
A. Hindi, dahil maraming trabahong maiiwan.
B. Hindi, dahil sayang ang perang magagastos.
C. Oo, dahil gusto kong matupad ang kaniyang hiling.
D. Oo, dahil sabik na rin akong mamasyal sa bansa.

10. Kagaya ni Tonyo, alam mong abala sa trabaho ang iyong mga magulang sa
ibang bansa at ang kanilang ginagawa ay para sa iyong kinabukasan. Pareho

11
ba kayo ni Tonyo ng kahilingan sa iyong kaarawan? Bakit?
A. Hindi, dahil gastos lamang ang kanilang pag-uwi.
B. Hindi, dahil sayang ang kanilang kikitain sa trabaho
C. Oo, upang makasama ang magulang sa natatanging okasyon.
D. Oo, upang makatanggap ng mga regalong galing sa ibang bansa.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo
___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita at mababang Antas ng Kuwento MAGPATULOY SA
nasasagot nang na may Komprehensiyon. SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang pito o
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

12
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 6: LOKAL NA MATERYAL

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang
kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
2. Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang lokal
na materyal.
2. Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga
kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba:

Maling Kabuoang Blg.


Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas ng Kamalian

Teksto ng Lokal na Materyal:

Hatak ng Ilocos Norte


ni Oscar R. Gamiao, Jr

Punong-puno ng likas na yaman, makulay na kultura, at natatanging tradisyon


ang masasaksihan sa lalawigan ng Ilocos Norte. Patunay lamang ang isinagawang
Tan-ok Festival of Festivals na ginanap sa Ferdinand Marcos Stadium, Lungsod
Laoag.
Halos di-mahulugang karayom ang nasabing lugar. Si Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos, Jr. ang naging panauhing pandangal. Pinuri niya ang mga
nagsipagtanghal sa ipinakitang kakaibang presentasyon ng bawat bayan. Binigyang-
diin din niya ang sakripisyo, pagtutulungan, at kooperasyon ng mga Ilokano upang
makabuo ng isang palabas na nagpapayaman sa kultura at tradisyon ng lalawigan.
Dumalo rin sa nasabing patimpalak sina Gobernador Matthew Marcos Manotoc
at Bise-Gobernador Cecillia Araneta-Marcos. Sinuportahan ng mga mayor at iba
pang opisyal ang kanilang mga pambato.

13
Ipinamalas ng bawat bayan ang sumusunod na festival na masasabing sarili
nilang pagkakakilanlan:
Ginginnubat Festival ng Adams
Bac-Bacarra Festival ng Bacarra
La Virgen Milagrosa Baro-A-Badoc Festival ng Badoc
Amian Festival ng Bangui
Abuos Festival ng Banna
Empanada Festival ng Batac City
Gamet Festival ng Burgos
Magdadaran-Talip ng Carasi
Dinaklisan Festival ng Currimao
Ani Festival ng Dingras
Panagwawagi Festival ng Dumalneg
Pamulinawen Festival ng Laoag City
Mannalon Festival ng Marcos
Tadek Festival ng Nueva Era
Kangayedan Festival ng Pagudpud
Guling-Guling Festival ng Paoay
Panagsana Festival ng Pasuquin
Basi Festival ng Piddig
Bawang Festival ng Pinili
Damili Festival ng San Nicolas
Binakol Festival ng Sarrat
Gameng Festival ng Solsona
Siwawer ng Vintar
Ang naturang aktibidad ay taunang isinasagawa sa lalawigan ng Ilocos Norte
bilang paraan upang malinang at maiangat nang husto ang kultura at tradisyong
Ilokano.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
nang walang Materyal. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

14
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 7: LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tekstong may
300-350 salita at nasasagot nang tama ang pito o higit pang tanong mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Teksto ng Lokal na Materyal

(Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 6 bilang babasahing materyal)


Mga Tanong sa Pang-unawa

1. Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang naging panauhing


pandangal. Ano ang kahulugan ng panauhing pandangal?
A. mahal na bisita
B. natatanging bisita
C. nag-iisang bisita
D. mahalagang bisita

2. Halos di-mahulugang karayom ang nasabing lugar. Ano ang kahulugan ng


nasalungguhitang salita?
A. maraming bisita
B. maraming armas
C. maraming taong nagsidalo
D. maraming tumatahi ng damit

3. Pinuri niya ang mga nagsipagtanghal sa ipinakitang kakaibang presentasyon ng


bawat bayan. Ano ang kasalungat ng salitang pinuri?
A. binati
B. pinuna
C. sinamba
D. sinaraan
15
4. Anong programang idinaos sa lalawigan ng Ilocos Norte?
A. Bangus Festival of Festivals
B. Laoag Centro Festival of Festivals
C. Pamulinawen Festival of Festivals
D. Tan-ok Festival of Festivals

5. Sino ang naging panauhing pandangal sa isinagawang Tan-ok Festival of


Festivals ng lalawigan ng Ilocos Norte?
A. Pangulong Fidel V. Ramos
B. Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
C. Pangulong Rodrigo Roa Duterte
D. Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

4. Anong bayan ang nagpamalas ng Dinaklisan Festival?


A. Bacarra
A. Batac City
B. Currimao
C. Laoag City

5. Anong festival ang itinanghal ng bayan ng Nueva Era?


A. Kangayedan Festival
B. Mannalon Festival
C. Panagwawagi Festival
D. Tadek Festival

6. Bakit pinagdiriwang ang Tan-ok Festival of Festivals sa Ilocos Norte?


A. upang mayroong pagkakakitaan ng mga negosyante
B. upang pang-akit sa mga turistang darating sa lalawigan
C. upang malinang at maingat ang kultura at tradsiyong Ilokano
D. upang magpatayo ng mga paaralan at negosyo na siyang tutulong sa mga
tao

7. Bakit masasabing makulay ang kultura ng lalawigan ng Iloco Norte?


A. Dahil punong-puno ito ng mga likas na yaman.
B. Dahil dinarayo ito ng mga turista at opisyal ng bansa
C. Dahil magkakaiba-iba ang festivals ng bawat bayan.
D. Dahil nakasuot ang mga tagarito ng makukulay at makikinang na damit.

8. Maipagmamalaki ba ng mga Ilokano ang pagtitipong ito? Bakit?


A. Oo, sapagkat maraming mga turista ang dumarating.
B. Oo, dahil maraming trabaho ang maisasaktuparan ng mga Ilokano
C. Oo, dahil ito ay isang behikulo para maisakatuparan ang programa sa turista
ng lalawigan.
D. Oo, dahil ito ay isang paraan upang maiapgmalaki ang kultura at
tradisyong Ilokano.

16
9. Kung ikaw ay isang turista, gusto mo bang puntahan ang Ilocos Norte? Bakit?
A. Hindi, dahil walang kabulohan ang nasabing probinsya.
B. Hindi, dahil walang maganda at natatanging handog ang Ilocos Norte.
C. Oo, sapagkat gusto kong matunghayan ang kakaiba at mayamang
kultura nito.
D. Oo, sapagkat gusto kong makakilala ng maraming kaibigan na makadaupang-
palad sa probinsyang ito.

10. Paano mo mamahalin at pagyayamanin ang kultura at tradisyong Ilokano?


a. Isapuso, isaisip at huwag itong kalimutan saan mang lupalop ng daigdig
ka pupunta.
b. Iwaglit ito at kailanma’y hindi ito yayakapin dahil hindi angkop sa panahong
kinabibilangan.
c. Isaisip na ang kultura ay mayroong maganda at di magandang dulot sa mga
millennials na kabataan.
d. Huwag itong ituro sa mga kabataan sapagkat ito ay sagabal lamang sa
kanilang pagtahak sa magandang bukas at pag-unlad.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tekstong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita at mababang Antas ng Lokal na MAGPATULOY SA
nasasagot nang Materyal na may SUSUNOD NA ANTAS.
tama ang pito o Komprehensiyon.
higit pang tanong
mula sa
sampung
katanungan?

17
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 8: AKADEMIKONG TEKSTO

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang tesktong may
250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang mapukaw
ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
2. Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral.

HABANG NAGTATASA
1. Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.
2. Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong teksto,
ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit ang
talahanayan sa ibaba:

Maling Kabuoang Blg.


Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad
Bigkas ng Kamalian

Akademikong Teksto:
ni: Editha M. De Guzman
.

“Ang bawat mag-aaral ay may pangarap”. Isang pahayag na nasambit ng isang


mag-aaral sa kanyang naisulat na talumpati. Habang binabasa ko ang nilalaman ng
kaniyang teksto, isang makabagbag damdamin ang aking nadama dahil sa mga
karanasang kanyang isiniwalat habang siya ay nakikibaka sa pagkamit ng kanyang
matataas na marka. Siya ay isang batang masipag, matiyaga at matiisin sa paggawa
ng mga gawaing nakapataw sa kaniya araw-araw. Isang batang pala-aral, pala-
kaibigan, masunurin at napakaresponsable, sa madaling salita siya ay isang batang
may mataas na pangarap sa buhay. Simula pa lamang ng kaniyang pag-aaral sa
elementarya ay naging konsistent siya na nakakukuha ng mataas na karangalan at
kailanman ay hindi pa nahuli sa kaniyang klase. Subalit sa kanyang pagkakabanggit
ng damdamin sa kanyang mga pahayag ay labis akong nalungkot at nagtaka kung
bakit may mga pangyayaring bumagsak lamang sa pagsusulit ay agad-agad inaalis
sa listahan ang bata. Naganap ito sa loob ng paaralan kung saan parang hindi
marunong magbigay ng konsiderasyon ang guro at ginawang rason para matanggal
sa seksyon ang bata. Bigla na lang idiniin ang naturang mag-aaral para lang sa
rason na “para daw may matanggal sa kanilang seksyon”. Bagay na hindi maganda
18
sa paningin at pandinig ng mag-aaral. Nangangahulugan lamang na may kinikilingan
ang guro. Bagama’t hindi naging patas ang pagtingin ng guro sa kaniyang mag-aaral,
ang batang idiniin ay patuloy pa rin sa pagsisikap at mas lalo pa nitong pinatunayan
na kayang ipaglaban ang kanyang paninindigan laban sa maling akusasyon at
panuntunan.
Dapat bang tratuhin ng hindi patas ang mga mag-aaral? Wala na bang ibang
paraan para matukoy ang kaniyang kahinaan? Maikling pagsusulit lamang ba ang
batayan para tuluyang tanggalin sa isang seksyon ang isang mag-aaral na
naghahangad ng isang mabuting pangarap?
Aking napagnilay-nilayan at di ko maarok kung bakit ipinagkait ang isang
bagay na maaaring ikaahon ng isang bata mula sa pagkakalugmok sa depresyon.
Hindi naman siguro kawalan kung ang simpleng bagay ay maibahagi natin sa ating
mga mag-aaral upang lalo pa natin silang magabayan at mabigyan ng inspirasyon
Paghubog ng pagkatao ang ating misyon at hindi personal na intensiyon. At para sa
mga mag-aaral na nagnanais na mabuti ang pangarap, anoman ang hindi patas na
pagtrato ang maranasan ay panatilihin pa rin ang pangarap na inaasam .
Huwag magtanim ng galit sa puso at isipan upang pangarap na inaasam ay
madaling makamtan.

PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. ANG MAG-AARAL AY
tesktong may Ang mag-aaral ay nasa mas HANDA NANG
250-300 salita mababang Antas ng MAGPATULOY SA
nang walang Akademikong Teksto. SUSUNOD NA ANTAS.
kamaliang hihigit
sa 7-10 salita?

19
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)

KEY STAGE 3: Baitang 8

ANTAS 9: AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY


KOMPRESHENSIYON

Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ng mag-aaral ang akademikong


teksto na binubuo ng 250-300 salita at masagutan ang pito o higit pa mula sa
sampung katanungan.

BAGO ANG PAGTATASA


1. Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
2. Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan.

HABANG NAGTATASA
1. Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang
pagbabasa ng teksto.
2. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
3. Maaaring uliting basahin ang mga katanungan.

Akademikong Teksto

(Sumangguni sa Tekstong ginamit sa Antas 8 bilang babasahing materyal)

Mga Tanong sa Pang-unawa


1. Ang mag-aaral ay naghahangad ng isang mabuting pangarap. Ano ang
kahulugan ng salitang nakahilig?
A. mithi
B. gusto
C. nais
D. lahat ng nabanggit

2. Hindi ko maarok ang kadahilanan. Ano ang kahulugan ng salitang may


salungguhit?
A. maunawaan
B. maintindihan
C. masalamin
D. a at b lamang
3. Maaaring ikaahon ng bata mula sa pagkakalugmok na kahirapan at depresyon.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. pagkakalubog
B. pagkagalit
C. pagkaligaw
D. pagkasira

20
4. Sino ang tinutukoy sa sanaysay na may mataas na pangarap?
A. bata
B. guro
C. mag-aaral
D. tagaturo
5. Sino ang nagsasalita sa replektibong sanaysay na nabasa?
A.mag-aaral
B. guro
C. tagaturo
D. awtor

6. Ano ang nais ng mag-aaral na dapat sana ay ibinigay ng kanyang guro?


A. Konsiderasyon
B. mataas na marka
C. karangalan
D. papuri

7. Ano ang maaaring mangyari kung ang tagaturo ay ibinigay ang


sapat na konsiderasyon sa naturang mag-aaral?
A. Maaaring mas magiging inspirado pa lalo siya sa kanyang pag-aaral
B. Mas bababa ang kanyang tiwala sa sarili
C. Lalo siyang mawawalan ng pag-asa sa pagkamit ng tagumpay
D. Malulungkot siya.

8.Paano naramdaman ng awtor ang pagkalungkot nang mabasa ang teksto ng mag-
aaral?
A. Noong mabasa ang karanasang inilahad ng mag-aaral ang tungkol sa kawalan
ng pagkakapantay-pantay sa pagtingin sa bawat mag-aaral
B. Noong nakaranas na nga pagkalungkot ang mag-aaral
C. Noong nag-aaral mabuti ang bata
D. Noong malugmok sa kahirapan ang mag-aaral.

9. Kung ikaw ang nasa katayuan ng mag-aaral, paano mo ipaglalaban ang iyong
karapatan bilang aspirante ng karangalan?
A. Sa pamamagitan ng pananahimik lamang
B. Sa pamamagitan ng pagsusumbong sa kinauukulan
C. Sa pamamagitan ng pagmumukmok sa isang silid lamang
D. Sa pamamagitan ng pagpapabuti at pagpapatunay sa aking kakayahan upang
hindi basta – basta matanggal sa naturang seksyon

10. Anong aral ang mapupulot sa tekstong nabasa? Bakit?


A. Huwag mapang-abuso dahil hindi ito uso
B. Huwag maging makasarili dahil walang maidudulot itong Mabuti
C. Huwag mapang-api dahil lahat ay pantay-pantay.
D. Maging pantay-pantay sa pagtingin sa mga mag-aaral dahil ang bawat
bata ay may karapatang pagtuunan ng pansin

21
PAGKATAPOS MAGTASA

1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
2. Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ___.

Nabasa ba nang HINDI OO


wasto ng mag-
aaral ang IHINTO ANG PAGTATASA. NATAMO NG MAG-AARAL
akademikong Ang mag-aaral ay nasa mas ANG PINAKAMATAAS NA
teksto na mababang Antas ng ANTAS.
binubuo ng 300- Akademikong Teksto na may
350 salita at Komprehensiyon.
masagutan ang
pito o higit pa
mula sa
sampung
katanungan?

Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang


pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong
mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo
pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang
pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at
partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming
Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa
gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda
ng mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang
pagtatasa.

22
Mga Susing Salita:

(Sumangguni sa antas na may mga tanong sa pang-unawa)

ANTAS 5 KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1. A
2.D
3.B
4.B
5.D
6.B
7.D
8.C
9.D
10.C

ANTAS 7 LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON:


1.A
2.D
3.D
4.C
5.A
6.D
7. A
8.A
9.C
10.A

ANTAS 9 AKADEMIKONG TEKSTO NA MAY KOMPREHENSIYON:


1.D
2.D
3.A
4.C
5.D
6.A
7.A
8.A
9.D
10.D

23

You might also like