You are on page 1of 16

I.

Layunin

Sa loob ng 15 minutong talakayan ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a) Nauunawaan kung ano ang Komunikasyon at ang mga uri nito;

b) naisasagawa ang mga naiatas na gawain at;

c) nabibigyang halaga ang Komunikasyon at ang mga uri nito sa pang araw-araw na buhay.

II. Paksang Aaralin

a) Komunikasyon at ang mga Uri ng Komunikasyon

b) Kagamitan: Laptop

c) Sanggunian: Internet

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral

A. Panimulang Gawain

Panalangin

Binibining Santos, maaari mo bang pangunahan Binibining Santos: Opo.


ang ating panalangin?
Sa ngalan ng ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu
Santo. Amen.

Maraming salamat binibining Santos.

Pagbati

Isang Mapagpalang Araw sa inyong lahat. Magandang araw po ma'am!

Pagtala ng mga liban sa klase

Mayroon bang lumiban sa ating klase? Kung


mayroon, pakitala na lamang Ito. Maraming
salamat.
B. Pagganyak

Bago tayo magtungo sa ating Aralin, magkakaroon


muna tayo ng isang pampasiglang gawain.

Kung napapansin ninyo may isang kahon sa ating


screen. At ang kahong ito ay naglalaman ng ibat-
ibang larawan na may kinalaman sa ating Paksang
tatalakayin para sa araw na Ito. Anu-ano kaya ang
mga larawang Ito?

Sige simulan natin sa unang larawan.

Ano ang inyong napapansin sa unang larawan?

Salamat sa mga nagtaas ng kamay.

Sige, Binibining Bentulan ano ang iyong


napapansin sa larawan? Binibining Bentulan: Mga taong nagkukwentuhan
po ma’am.

Mahusay! mga taong nagkukwentuhan.

Para naman sa susunod na larawan.

Ano ang inyong napapansin?


Sige, Ginoong Chavez, ano ang iyong napapansin
Ginoong Chavez: dinadamayan po ng babae ang
sa ikalawang larawan?
kaniyang kaibigan o kasintahan.

Mahusay! Dalawang taong dinadamayan ang


kapwa kaibigan o kasintahan.

Susunod na larawan naman

Sige Binibining Aguas?


Binibining Aguas: Mga taong may kausap gamit
ang cellphone po ma’am.

Magaling! mga taong may kausap sa kanilang mga


sariling cellphone.

At ang huling larawan naman, ano ang inyong


napapansin?
Sige Ginoong Claveria
Ginoong Claveria: Isang lalaki po na may ibig
ipaliwanag.
Mahusay! Isang taong may nais ipaliwanag.

Maraming salamat sa mahusay ninyong pagsagot.


Bigyan natin ng limang palakpak ang ating mga
sarili.

C. Pagtalakay sa Paksa

Ngayon batay sa mga larawang inyong nakikita at


nabigyang kahulugan ano sa palagay ninyo ang
ating Paksang Aralin para sa araw na ito?

Sige,Binibining Mallari.
Binibining Mallari: Tungkol po ito sa
Komunikasyon.
Mahusay! ang ating paksang tatalakayin ay
patungkol sa Komunikasyon at ang mga Uri nito.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Komunikasyon para


sa inyo?

Okay, sige Ginoong Santos, ano ang Komunikasyon


para sa iyo?
Ginoong Santos: Ito po ay ginagamit natin para
makipag-usap sa ibang tao.
Magaling! Ano pa? Okay! sige Binibining Suba. Binibining Suba: Ito po ay ginagamit natin sa ating
pang araw-araw na buhay.

Mahusay! Maraming Salamat.

Ang Komunikasyon ay nagmula sa salitang latin na


communis na nangangahulugang karaniwan.
Tinutumbasan ito sa wikang Filipino na
pakikipagtalastasan.

May dalawang uri ang Komunikasyon ito ay ang


mga:

1. Berbal
2. Di- Berbal

Ang una ay ang Berbal. Ano nga ba ang Berbal na


Komunikasyon?

Pakibasa nga Binibining Lozares. Binibining Lozares:

Berbal- ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga


letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe.

- ito’y maaaring pasulat o pasalita.

Maraming salamat! sa madaling salita ang berbal


na komunikasyon ay gumagamit ng wika sa
paraang pasulat o pasalita.

Halimbawa:

Sa paraang pasalita, na kapag may nais tayong


sabihin sa isang tao, sinasabi natin ito ng diretso
sakanila gamit ang mga salita.

Sa paraang pasulat naman ay nagagamit natin ito


kapag hindi natin kayang sabihin ng harapan ang
nais nating ipabatid sa tao ay idadaan natin ito sa
paraang pasulat.

Sige Ginoong Cunanan, magbigay ng halimbawa ng


Berbal na Komunikasyon. Ginoong Cunanan: Kapag po aayain mong kumain
ang iyong kaibigan sasabihin po ay “tara kain tayo
sa labas”.

Mahusay! Sige Binibining Chavez, magbigay ka pa Binibining Chavez: kapag po nais kong sumulat sa
ng isa pang halimbawa ng Berbal na aking kasintahan, susulatan kop o siya ng liham.
Komunikasyon.

Magaling! Maraming salamat sa inyong binigay na


halimbawa.

Ngayon naman ang susunod na Uri ng


Komunikasyon ay ang Di-Berbal.

Pakibasa nga Ginoong Mallari.


Ginoong Mallari:

Di-Berbal

Ang paghahatid ng mensahe ay walang paggamit


ng wika.

Salamat, sa madaling salita kabaliktaran ito ng


berbal na komunikasyon. Gumagamit tayo ng wika
sa paraang pasalita o pasulat sa berbal at ang di-
berbal naman ay hindi ginagamitan ng wika.

Halimbawa:

Pag gusto mong malaman mong galit ka sa iyong


kaibibgan. Titignan mo lang siya ng masama sa
pamamagitan ng ginawa mo malalaman ng
kaibigan mong galit ka.

Paano naman kung gusto mong malaman ng crush


mo na may gusto ka sakanya paano ang gagawin
mo ng hindi gumagamit ng wika o salita? Binibining Santos- (gagawin ang sinabi ng guro at
Binibining Santos. ipapakita sa klase)

Magaling!

Paano naman kung ikaw ay kinikilig paano niyo ito Ginoong David - (gagawin ang sinabi ng guro at
maipapakita? Ginoong David. ipapakita sa klase)

Magaling!

Paano naman kung ikaw ay nagpapaalam sa iyong Binibining Canlas- (gagawin ang sinabi ng guro at
kaibigan? Binibining Canlas. ipapakita sa klase)

Magaling! Ngayong alam niyo na ang dalawang Uri


ng Komunikasyon. Magtungo naman tayo sa mga
Ibat-ibang Uri ng Komunikasyong Di-Berbal.

Mayroong sampu (10) uri ng Di-Berbal na


Komunikasyon.

Alamin natin sila isa-isa sa pamamagitan ng “2pics


1word” na kung saan sa pamamagitan ng
dalawang litratong aking ipapakita ay inyong
malalaman kung anu-ano ang mga Uri ng Di-Berbal
na Komunikasyon.

Handa na ba kayo? Ang una ay, sige Binibining


Binibining Santos: Galaw ng Katawan po.
Santos.
ALAGW GN TAKANAW

SAGOT: GALAW NG KATAWAN

Mahusay! Galaw ng Katawan o Kinesics. Pakibasa


nga ano ang ibig sabihin ng Galaw ng Katawan.

Sige Binibining Cunanan.


Binibining Cunanan:

Galaw ng katawan(kinesics)

-Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

Salamat, sa madaling salita naipapahatid ng isang


tao ang mensaheng gusto niyang iparating sa
pamamagitang lamang ng galaw ng katawan.

Halimbawa:

Sa pamamagitan ng pag-sayaw maaari mong


maipahatid ang iyong nararamdaman sa iyong
iniirog.

Magbigay pa ng iba pang halimbawa

Pag malungkot ang kaibigan mo ano ang gagawin


mo para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa?
Ginoong Mallari. Ginoong Mallari: Yayakapin po siya.

Magaling! yayakapin siya upang maramdaman


niyang hindi siya nag-iisa.

Susunod naman, ano kaya ang ikalawang Uri ng Di-


Binibing Marucut: Espasyo po ma’am.
Berbal na Komunikasyon? Binibing Marucut.

PASESOY
SAGOT: ESPASYO

Magaling! Espasyo o Proksemika. Ano ng aba ang


espasyo o proksemika? Pakibasa Ginoong David. Ginoong David: Proksemika/espasyo
-Ginagamit bilang batayan ng komunikasyon ang
espasyo. May kahulugan ang distansya (lapit o
layo) ng tao o mga bagay sa isa’t isa.

Salamat, sa madaling salita ang espasyo ay maaari


rin magpahiwatig ng kahulugan sa taong kausap.

Halimbawa:
Kung malayo ka sa iyong kinakausap
nagpapahiwatig iyon ng pagkawalang interes sa
iyong kausap.

Susunod ay ang ikatlong Uri ng Di-Berbal na


Komunikasyon. Ano sa palagay mo ito, Binibining Binibining Diaz: Oras po ma’am.
Diaz?

ARSO

SAGOT: ORAS

Mahusay! Tama ang iyong sagot Oras o


Chronemics na ang ibig sabihin ay, pakibasa
Ginoong Catiis. Ginoong Catiis: Oras(chronemics)
-Tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan
ang kultura at kung paano ito itinuturo.
Salamat! Halimbawa:
Sa kultura ng ating oras, hinahati sa Segundo,
minuto,oras,araw,lingo,buwan at taon.

Sa ibang kultura, ginagamit ang pagbabagu-bago


ng buwan o panahon sa pagpapaliwag ng oras.
Ano naman kaya ang kasunod? Sige Ginoong
Maliwat. Sa iyong palagay ano ang ika-apat na uri?
Ginoong Maliwat: Haplos po ma’am.

LOSHAP

SAGOT: HAPLOS

Tama! Magaling! Haplos o Haptics nga ang tamang


sagot. Pakibasa nga ang ibig sabihin nito, Ginoong
Maliwat. Ginoong Maliwat: Haplos(haptics)
-Ginagamit ang paghaplos ,paghawak, pagkurot sa
Salamat. Sa madaling salita sa pamamagitan lang paghahatid ng mensahe.
ng paghawak, haplos o pagkurot ay maaari ka ng
makapag pahatid ng mensahe.

Halimbawa:
Kapag may problema ang iyong kaibigan ano ang
gagawin mo para malaman niyang dinadamayan
mo siya? Binibining Cunanan. Binibining Cunanan: tatapikin ko po siya sa balikat
o kaya naman ay hahagurin ko po ang likod niya.

Ang susunod na uri ay, sige Ginoong Santos.


Ginoong Santos: Mukha po ma’am.

AHKMU

SAGOT: MUKHA

Tama! Pakibasa nga kung ano ang ibig sabihin ng


mukha o pictics. Ginoong Santos.
Ginoong Santos: Mukha (pictics)
Salamat. Dito nababasa kung anong emosyon -Nagpapakita ng emosyon.
meron ang tao.
Halimbawa: Kapag ikaw ay masaya anong
emosyon ang nakikita sayo? Ipakita mo nga ito sa Binibining Ramirez: nakangiti po (gagawin ang
klase Binibining Ramirez. sinabi at ipapakita sa klase)
Mahusay! Ano naman kaya ang susunod na uri ng
Di-Berbal na Komunikasyon?

Sige, Binibining Santos.


Binibining Santos: Paningin po ma’am.

PNIAGNIN

SAGOT: PANINGIN

Magaling! Paningin o Oculesics. Pakibasa nga


ang kahulugan nito Binibining Santos. Binibining Santos: Paningin (oculesics)
-Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag- iiba
Salamat. Sa pamamagitan ng mata nakakapaghatid
ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
ito ng mensahe sa isang tao.
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
Halimbawa:
Kapag ikaw ay galit sa tao anong tingin ang ibibigay
mo sa taong iyong kagalit? Ipakita mo nga ito sa
amin. Ginoong Cunanan.
Ginoong Cunanan: masamang tingin po (gagawin
ang sinabi at ipapakita sa klase)
Magaling! Ang susunod naman ay?

Sige Ginoong Mallari.


Ginoong Mallari: Kapaligiran po ma,am.

KLIAPARAGIN

SAGOT: KAPALIGIRAN
Tama! Pakibasa mo nga ang ibig sabihin ng Ginoong Mallari: Kapaligiran
kapaligiran, Ginoong Mallari. -Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa
anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa
ay tumutukoy sa kapaligiran.

Salamat. Sa madaling salita sa bawat lugar ay may


angkop tayong gawain o ginagawa

Halimbawa:
May isang pulong na magaganap at marami ang
dadalo kailangan naka-ayon ang lugar o kapaligiran
sa pagdadarausan ng pulong.

Susunod naman ay, sige Binibining Diaz.


Binibining Diaz: Simbolo po ma’am.

SOBMILO

SAGOT: SIMBOLO

Mahusay! Simbolo o iconics. Pakibasa


Binibining Diaz. Binibining Diaz: Simbolo (iconics)
-Mga simbolo sa paligid na may malinaw na
Salamat, halimbawa na lamang nito ay mga mensahe.
simbolo nan aka ukit sa mga palikuran.

Magbigay pa ng ibang halimbawa, Ginoong Dizon. Ginoong Dizon: mga simbolo po na bawal
manigarilyo sa isang lugar.

Mahusay! Susunod ay ang? Sige, Ginoong


Faustino. Ginoong Faustino: Kulay po ma,am.

KALUY
SAGOT: KULAY

Magaling! Kulay o Colorics. Pakibasa, Ginoong Ginoong Faustino: Kulay(colorics)


Faustino. - Nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

Salamat. Ang kulay ay maaring magpahiwatig ng


damdamin o oryentasyon.

Halimbawa:
Ang kulay pula ay nagpapahiwatig ng pag-
mamahal.

Magbigay ng iba pang halimbawa. Sige binibining


Miranda. Binibining Miranda: Kulay Puti po. Na ang ibig
sabihin po ay kalinisan.
Magaling! Ano naman kaya ang huling uri ng Di-
Berbal na Komunikasyon?
Sige, Ginoong Marin.
Ginoong Marin: Bagay po ma,am.

BGAAY
SAGOT: BAGAY

Magaling! Bagay o objectics.


Pakibasa Ginoong Marin.
Pakibasa Ginoong Marin: Bagay/gamit
(objectics)
-Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa
pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga
Salamat. Halimbawa nito ay ang mga bagay na elektronikong ekwipment.
ginagamit natin. Halimbawa kompyuter may ibat-
ibang gamit ang kompyuter para sa atin sa iba sa
pananaliksik ng mga bagay, yung iba naman
ginagamit sa komunikasyon at iba pa.

Ngayon malinaw na ba sa inyo kung ano ang


komunikasyon at mga uri nito?
Opo!
May mga katanungan ba?
Wala na po!
Kung gayon magtungo tayo sa ating susunod
na gawain.

D. Paglalahat

Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Para


mas mabilis ay grupo ng mga babae at grupo
ng mga lalake. Bawat grupo ay may naka-atas
na gawain na kailangang gawin.

Grupo ng mga babae: Gumuhit ng isang


pangyayari o okasyon na nagbigay sa inyo ng
kahulugan sa buhay.

Grupo ng mga lalake: Sumulat ng isang


maikling tula tungkol sa inyong mga mahal sa
buhay.

- Tatlong saknong
- Walong taludtod

Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong(3) minuto


sa paggawa ng inyong mga gawain.

Bago kayo magsimula sa inyong gawain, narito


muna ang pamantayan ng inyong gagawin.

Pamantayan:
40% Pagkamalikhain
40% Nilalaman
20% Kalinisan
100% Kabuuan

E. Pagpapahalaga

Anong kahalagahan ang naibibigay ng


komunikasyon?
Gaano kahalaga ang komunikasyon sa inyong pang
araw-araw na buhay?
Sige Binibining Ramirez. Sige Binibining Ramirez: Sobrang mahalaga po
ang komunikasyon sa ating buhay at pang araw-
araw na ginagawa sapagkat ito ang ginagamit natin
at dahil kung wala ang komunikasyon at hindi tayo
marunong makipag komunikasyon sa ibang tao o
sa ating kapwa ay mahihirapan at mawawalan ng
saysay ang ating pamumuhay. Sa madaling salita
magiging boring ang ating buhay.

Magaling! sa madaling salita tunay ngang


mahalaga ang komunikasyon sa atin dahil
ginagamit natin ito sa ating pang araw-araw na
pamumuhay.

F. Pagtataya

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang uri ng komunikasyon na


gumagamit ng wika sa paraang pasalita at
pasulat?
2. Ano ang kahulugan ng salitang communis?
3. Ano ang uri ng komunikasyon na hindi
gumagamit ng wika?
4-5. Magbigay ng dalawang uri ng di-berbal na
komunikasyon at ipaliwanag ang mga ito.
6-10. Gumawa ng talata na nagpapakita ng
kahalagahan ng komunikasyon.

G. Takdang Aralin

Gumawa ng sanaysay tungkol sa isang pangyayari


sa inyong buhay na hindi ninyo makakalimutan.

You might also like