You are on page 1of 1

PAKIKINIG

Para sa bilang 1-5

Si Aliguyon at Dinoyagan at kapwa mahusay na madirigma. Sa kani-kanilang nayon,


tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay,
karangalan at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang
Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga Ifugao ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang
kanilang katapangan. Hindi nawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ifugao ang kagitingan ng
dalawang mandirigma kaya ganoon na lamang ang paghanga sa kanila ng kanilang mga
kanayon. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ifugao, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga
dakilang mandirigma.

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa ni


Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak din ng dibdib ni
Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Dahil dito, namuhay sila nang maligaya.

Kung pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahang pinanonood


ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung sila’y sumasayaw. Hindi lang sila mahusay sa
pakikidigma, kundi mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumapailanlang na
parang maririkit na mga ibon.

You might also like