You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BATIARAO ELEMENTARY SCHOOL
BATIARAO, ANDA, PANGASINAN

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa MAPEH 5

Pangalan: Iskor:

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap o tanong. Isulat ang hinihiling sa bawat bilang.

MUSIC
1-8 Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit at puwang ng F- cleff.

____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____

___9. Ano ang tawag sa simbolo na ito?

A. F cleff
B. Staff
C. Barline
D. sharp

___10. Alin sa mga sumusunod ang simbolong sharp?

A.

B.

C.

D.

___11. Ang simbolong flat ay ____________?


A. ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang natural na nota.
B. nagpapabalik sa normal na tonong notang pinababa o pinataas.
C. nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na nota.
D. nagpapantay ng mga tono.

12-13. Ano ang interval ng mga nasa ibaba na nota?

12. 13.
ART

___14. Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon. Malawak at malinaw
ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang
sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis. Ano ang talon na ito?
A. Maria Cristina Falls
B. Nagcarlan Falls
C. Laguna De Bay
D. Pagsanjan Falls

___15. Ang _________ ay isang burol.napakagandang pagmasdan, ito ay matatagpuan sa Bohol.


A. Chocolate Hills
B. Mayon Volcano
C. Mt. Ulap
D. Bundok Kanlaon

___16. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.”
Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang
mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
A. Bundok Makiling
B. Banaue Rice Terraces
C. Mayon
D. Mt. Apo

___17. Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-araw-araw na gawain
na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay
nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay s
bukid.
A. Jose Rizal
B. Carlos “Botong” Francisco
C. Vicente Mansala
D. Fernando C. Amorsolo.

___18. Tinaguriang “The Poet of Angono”.


A. Fernando C. Amorsolo
B. Vicente Mansala
C. Carlos “Botong” Francisco
D. Victorino Edades

___19. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-sabay na elemento sa pagpinta
na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang
kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades
B. Fernando C. Amorsolo
C. Vicente Mansala
D. Carlos “Botong” Francisco

___20. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa pagpinta ay taliwas sa istilo ni
Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang
ginamit niyang tema upang mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
A. Carlos “Botong” Francisco
B. Fernando Amorsolo
C. Vicente Mansala
D. Victorino Edades
___21. Ang _______________ ay ang magkasalungat na kulay na matatagpuan sa color wheel. Ito ay nabuo dahil sa
nagkakaroon ng maganda kombinasyon kapag ang magkasalungat na kulay ay pinagsama.
A. Complementary colors
B. Color wheel
C. Secondary colors
D. Primary colors
___22. Anong kulay ang nililikha ng complementary colors?
A. matingkad
B. madilim
C. makulimlim
D. wala

___23. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanya dahil sa isang kasalanang ibinintang sa kanya.
A. Cavite
B. Dapitan, Zamboanga
C. Fort Santiago
D. Fort Bonifacio

___24. Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.


A. Aguinaldo Shrine
B. Rizal Shrine
C. Camp Karingal
D. Fort Bonifacio

___25. Matatagpuan sa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan
o kilala na ngayong Luneta.
A. Fort Magsaysay
B. Fort Santiago
C. Fort Bonifacio
D. Wala sa nabanggit

26-28 Magbigay ng 3 grupong etniko na matatagpuan sa Pilipinas.


26.
27.
28.

PHYSICAL EDUCATION

___29. Ang ______________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o power.
Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig.
A. lakas ng kalamnan
B. tatag ng kalamnan
C. coordination
D. katatagan ng kamay at paa

___30. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang na bagay o power
ng paulit-ulit, o mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan
B. tatag ng kalamnan
C. coordination
D. katatagan ng kamay at paa
___31. Ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig ay halimbawa
ng ____________.
A. lakas ng kalamnan
B. tatag ng kalamnan
C. Power
D. Coordination

___32. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan ay halimbawa naman
ng ___________.
A. lakas ng kalamnan
B. tatag ng kalamnan
C. Power
D. Coordination

33-36 Isulat kung ang pangungusap ay tumutukoy ng lakas ng kalamnan o tatag ng kalamnan.

____________________33. Pagbuhat ng mabigat na bagay.


____________________34. Pagtulak ng mabigat na bagay.
____________________35. Paulit-ulit na paglipat ng magaang bagay.
____________________36. Paghila ng mabigat na bagay

___37. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan na magpalit-palit o mag
iba-iba ng diresyon.
A. Agility
B. Power
C. Speed
D. Coordination

___38. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.


A. nagpapalakas ng katawan
B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa
C. nagpapatatag ng katawan
D. lahat ng nabanggit

___39. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng laro?
A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban
B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro
D. wala sa mga nabanggit

HEALTH

Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap.(40-50)

___40. Ang Puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan
ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal.

___41. Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10-11 taong gulang.

___42. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo
lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.

___43. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi mahilig sa pakikipagkaibigan ngunit ang pagiging mapag-isa kung ninanais
ay dapat pahalagahan dahil ito ang panahon upang makapag-isip ng mga dapat at di dapat para sa sarili.

___44. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata.

___45. Hindi mapili ng kagamitan.


___46. Ang Gender ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng pagkakaiba ng chromosomes,
hormonal profiles, panloob at panlabas na ari.

___47. Sa loob ng pamamahay unang-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniyang
sarili at kanyang mga tungkulin sa pamilya.

___48. Ang Gender Identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki , babae o transgender batay
sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.

___49. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata.


___50. Anuman ang mapanuod ng mga bata sa telebisyon ay maaari nilang tularan, taglayin at angkinin upang maging
basehan nila ng kanilang mga ikikilos na magiging katanggap-tanggap sa lipunan.

Prepared by: Reviewed and Checked by:

JOY CAROL G. MOLINA ALICIA C. CASIS


Teacher I Master Teacher I

Noted by:

ROSARIO C. CASAÑA
School Principal I

You might also like