You are on page 1of 24

2.

Kasanayan (Skills) =
Ang kasanayan o skills
ay isa ring maituturing
mahalagang salik sa
paghahanda sa iyong
pipiliing kurso. Ito ay
mga bagay kung saan
tayo mahusay o
magaling. Ito ay
madalas iniuugnay sa
salitang abilidad,
kakayahan
(competency) o
kahusayan
(profeciency).
Kasanayan o skills sa
pagtukoy ng pipiliing
kurso:
a. Kasanayan sa
Pakikiharap sa mga
Tao (People Skills) –
nakikipagtulungan at
nakikisama sa iba,
magiliw, naglilingkod
at nanghihikayat sa iba
na kumilos, mag-isip
para sa iba.
b. Kasanayan sa mga
Datos (Data Skills) –
humahawak ng mga
dokumento, datos,
bilang, naglilista o nag-
aayos ng mga files at
ino-organisa ito,
lumilikha ng mga
sistemang nauukol sa
mga trabahong
inatang sa kaniya.
c. Kasanayan sa mga
Bagay-bagay (Things
Skills) –
nagpapaandar,
nagpapanatili o
nagbubuo ng mga
makina, inaayos ang
mga kagamitan;
nakauunawa at
umaayos sa mga
pisikal, kemikal at
biyolohikong mga
functions.
d. Kasanayan sa mga
Ideya at Solusyon
(Idea Skills) –
lumulutas ng mga
mahihirap at teknikal
na bagay at
nagpapahayag ng mga
saloobin at damdamin
sa malikhaing paraan.
3. Hilig (Interest) =
Nasasalamin ito sa mga
paborito mong gawain
na nagpapasaya sa iyo
dahil gusto mo at buo
ang iyong puso na
ibigay ang lahat ng
makakaya nang hindi
nakararamdam ng
pagod o pagkabagot.
4. Pagpapahalaga
(Values) = Ito ay
tumutukoy sa mga
bagay na ating binigyan
ng halaga. Ang mga
ipinamamalas na
pagsisikap na abutin
ang mga ninanais sa
buhay at
makapaglingkod nang
may pagmamahal sa
bayan bilang
pakikibahagi sa pag-
unlad ng ating
ekonomiya.
5. Katayuang
Pinansiyal =
Mahalagang isaalang-
alang mo ang
kasalukuyang kalagayan
o ang kakayahang
pinansiyal ng iyong mga
magulang.
Makatutulong ang
pansariling salik na ito
upang ikaw ay
magpasya nang malaya
at kumilos ayon sa
ikabubuti ng iyong sarili
at pagiging
produktibong bahagi ng
lakas-paggawa.
6. Mithiin (Goals) = Ito
ang pagkakaroon ng
matibay na personal na
pahayag ng misyon sa
buhay. Kung ngayon
palang ay matutuhan
mong bumuo ng iyong
personal na misyon sa
buhay, hindi malabong
makamit mo ang iyong
mithiin sa buhay at sa
iyong hinaharap.

You might also like