You are on page 1of 16

Module 2: Mga Pansariling

Salik sa Pagpili ng Track o


Kursong Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal, Sining
at Disenyo, At Isports
Ilan sa mga panlabas na
salik ay:
a.Impluwensiya ng
pamilya. Ito ay ang mga
suhestiyon o gustong kurso
ng mga magulang, kapatid,
o mga kamag-anak.
b. Impluwensiya ng
barkada. Ito ay ang mga
suhestiyon o gustong kurso
ng mga kaibigan o barkada.
Madalas sa pag-uusap ng
magkakaibigan na kukuha
ng parehong kurso para
magkakasama.
c.Gabay ng Guro o
Guidance Advocate. Sa
mga nahihirapang
magpasiya sa kukuning
kurso ay madalas na
hinihingi ang payo ng
kanilang guro na
makatutulong sa
pagbibigay-payo.
d. Kakayahang pinansiyal.
Ito ay ang kalagayan ng
inyong pamumuhay at
kakayahan ng mga
magulang mo na pag-aralin
ka sa kursong nais mo.
e.Lokal na Demand. Ito ay
ang mga trabaho na
kinakailangan sa loob ng
bansa.
Kung magagawa mo
ngayon na pumili ng
tamang track o kurso para
sa Baitang 11, kailangan
mo ang mga layuning ito:
1. Ang pagkakaroon ng
makabuluhang
hanapbuhay . Dito, hindi
lamang makatutulong na
maiangat ang antas ng iyong
buhay dahil sa magandang
kita o sweldong kalakip nito
kundi ang halaga ng
pagkamit ng iyong
kaganapan mula sa
kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong
paggawa.
2. Tataglayin mo ang
katangian ng isang
produktibong
manggagawa. Ang
produktibong manggagawa
ay masasabing isang asset ng
kaniyang kompanya o
institusyong kaniyang
kinabibilangan. Katulong
siya sa pagpapaunlad ng mga
programa at adhikain ng
kaniyang pinagtatrabahuhan
tungo sa sama-samang
paggawa.
3. Kung masisiguro ang
pagiging produktibo sa
iyong mga gawain, ikaw rin
ay nakikibahagi sa
pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.
Naipamamalas ito sa
pamamagitan ng tamang
pamamahala ng oras sa
pagtapos ng gawain,
pagpapasa ng mga proyekto
sa takdang-araw, paggamit ng
teknolohiya para sa mabilis
na produksiyon, at maayos na
pakikitungo sa iba at naaabot
mo ang iyong itinakdang
layunin.

You might also like