You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Bacoor
ALAPAN I ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan 3 Using the IDEA Instructional Process

School ALAPAN I ELEMENTARY Grade Level Three


LESSON Name of Teacher Learning Area Araling Panlipunan
EXEMPLAR Teaching Date and Time Quarter Second (Labing
Pito)

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Mailalarawan ang mga lalawigan o mga
lalawigan sa rehiyon na naging katangi-tangi
para sa sarili.
B. Mabibigyang-halaga ang natatanging
katangiang ito ng sariling lalawigan o karatig
na lalawigan.
C. Makasusulat ng payak na kuwento o isa
hanggang dalawang talata tungkol sa
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na
naging katangi-tangi para sa sarili.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng
iba’t ibang kuwento at mga sagisag na naglalarawan
ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapamalas ang mga mag-aaral ng
pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at sagisag na
naglalarawan ng sariling lalawigan at karatig
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nabibigyan halaga ang katangi-tanging lalawigan


Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat (batay sa sariling pananaw) sa kinabibilangang
ang pinakamahalagang kasanayan sa rehiyon.
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Ako at Ang Kuwento ng mga Lalawigan sa
Kinabibilangan na Rehiyon
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide AP3KLR IIj-8, Patnubay ng Guro pp
120-122 , MELC 17

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul 3 Araling Panlipunan


aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk AP Kagamitan ng mag-aaral pp.242-248
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Mga larawan mula sa google.com
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para lapis, ruler,krayola, mapa ng CALABARZON, mga
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at larawan na naka powerpoint
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Pinapayuhan ang mga magulang o tagapag-alaga na
gabayan ang mag-aaral sa bahay sa pagbabasa at
pagtuklas ng nilalaman ng bahaging ito ng aralin. Ang
mga mag-aaral ay inaasahan mababasa ang mga
layunin na nakapaloob sa modyul na kanilang pag-
aaralan at sasagutan.

Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa


pagkaunawa ng mga mag-aaral:

A. Mailalarawan ang mga lalawigan o mga


lalawigan sa rehiyon na naging katangi-tangi
para sa sarili.
B. Mabibigyang-halaga ang natatanging
katangiang ito ng sariling lalawigan o karatig
na lalawigan.
C. Makasusulat ng payak na kuwento o isa
hanggang dalawang talata tungkol sa
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na
naging katangi-tangi para sa sarili.

Panimulang Gawain:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang isang katawagan para sa Rehiyon IV-


A?
a. MIMAROPA b. NCR
c. CARAGA d. CALABARZON

2. Siya ay ang ating Pambansang Bayani na


nagmula sa Laguna.
a. Apolinario Mabini b. Emilio Aguinaldo
c.Julian Felipe d. Jose Rizal
3. Saan matatagpuan ang tanyag na Bundok
Makiling?
a. Batangas b. Laguna
c. Quezon d. Rizal
4. Ito ay isang tanyag na pagdiriwang sa
Quezon bilang pasasalamat sa kanilang
masaganang ani.
a. Sublian Festival c. Pahiyas Festival
b. Regada Festival d. Higantes Festival
5. Ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga
taga Rehiyon IV-A.
a. Pagmimina c.Pagsasaka at pangingisda
b. Pagpapastol d. pagtitinda at pagtatanim

Subukin:

Basahing mabuti ang mga gabay na tanong. Hanapin


sa lipon ng mga titik sa loob ng kahon ang tinutukoy
sa bawat bilang. Bilugan ito upang mabuo ang salita.

M A K I L I N G T S
H I G A N T E S E A
R L E C H O N W D Q
B P A G S A S A K A
N G F A U T A A L Y
1. Ano ang tawag sa tanyag na bundok na
matatagpuan sa Laguna?
2. Ito ay isang pagdiriwang sa Rizal na
kinatatampukan ng malalaking puppet na
ipinaparada.
3. Isa itong pinagmamalaking pagkain ng mga
taga Batangas.
4. Ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga
taga CALABARZON.
5. Ito ay ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa
daigdig.

Balikan:
Batay sa mga nakaraang aralin, napag-alaman natin
na ang ating lalawigan tulad ng ibang lalawigan sa
ating rehiyon ay may kaniya-kaniyang bayani na
dapat ipagmalaki.
Pagtambalin ang mga larawan ng mga bayani sa
hanay A na tinutukoy sa hanay B.

A B

1. a. siya ang may


komposisyon ng
Marcha Nacional o
Lupang Hinirang, ang
Pambansang Awit ng
Pilipinas.
2. b. siya ang tinaguriang
“dakilang paralitiko” na
nagmula sa lalawigan ng
Batangas.
3. c. Siya ang tinaguriang
Pambansang Bayani ng
Pilipinas na isinilang sa
4. Calamba, Laguna.
d. Siya ang Unang
Pangulo ng Pilipinas na
nagmula sa Kawit,Cavite.

5. e. Siya ay kinilala bilang


pangalawang pangulo
ng Pilipinas at kilala
bilang Ama ng Wikang
Filipino.

Suriin:

Hulaan Mo, Saan Ito?

Tanong:

• Nakarating ka na ba rito?
• Saan matatagpuan ang mga larawan?
• Anong katangian ng mga ito ang iyong nagustuhan?
• Sino-sino ang mga taong nagbigay ng ambag upang
mapaunlad ang lalawigan?
• Ano-ano naman ang mga maipagmamalaki mong
mga katangian sa iyong lalawiagan?
• Paano mo pinahahalagahan ang mga katangi-
tanging lugar, produkto , pagdiriwang at mga tanyag
na tao sa iyong lalawigan?

B. Development (Pagpapaunlad) Alamin:


Punan ang patlang ng tamang mga titik upang mabuo
ang salitang tinutukoy sa pangungusap sa bawat
bilang. Isulat ang nabuong salita sa kuwadernong
sagutan.

1. Ang Rehiyon IV-A ay tinatawag din na


C __ __ A __ __ __ __ __ N.
2. Ang lalawigan ng Q __ __ Z __ N ay ang may
pinakamalawak na lalawigan sa Rehiyon IV-A.
3. Ang T __ __ __ __ ng P __ __ __ __ __ J __ N
ang dinarayong talon sa laguna.
4. Ang Aguinaldo Shrine naman ay matatagpuan
sa __ __ V __ __ E.
5. Sa __ A __ __ __ __ A __ matatagpuan ang
Bulkang Taal.

Tuklasin:

Sa pagpapakilala ng bawat lalawigan, kailangan


mabanggit ang natatanging katangian na
nagpapakilala ng lalawigan. Ano ang natatangi sa
lalawigan na ito? Ano ang gusto mong tularan na
katangian na ipinakita ng mga tao sa lalawigan na
ito? Bakit gusto mong tularan ang katangian na ito?
Dapat bang ipagmalaki ang katangiang ito?

Basahin natin ang sumusunod na talata:

Ang Calabarzon ,opisyal na tinatawag bilang Timog


Katagalugan at itinalagang Rehiyong IV-A, ay
binubuo ng
limang lalawigan: Batangas, Cavite, Laguna,
Quezon, at Rizal. Ang rehiyon ay ang pangalawang
may pinaka makapal na populasyon sunod
sa Pambansang Punong Rehiyon.
Matatagpuan ang rehiyon sa timog silangan
ng Kalakhang Maynila, at napapalibutan ng Look ng
Maynila sa kanluran.

• Ang Cavite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon


ng CALABARZON. Ito ay nasa katimugang bahagi ng
Look ng Maynila, Trece Martires ang kabisera nito.
Ilan sa mga tanyag na tao dito ay sina Emilio Aguinaldo,
ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas at Julian
Felipe, isang mahusay na guro ng musika at kompositor,
siya rin ang may-katha ng Pambansang awit ng Pilipinas
na kilala dati sa tawag na “Marcha Nacional Magdalo.”
Isa ang Emilio Aguinaldo Shrine sa mga dinarayong
lugar dito kung saan unang iwinagayway ni Emilio
Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa unang
pagkakataon. Ganundin ang Tagaytay Ridge na kilala
bilang ikalawang “Summer Capital ng Pilipinas sunod sa
Bagiuo.
Pinya, niyog, palay , gatas ng kalabaw, tinapa at tahong
ang pangunahing produkto ng mga magsasaka at
mangingisda dito. Sa pagdiriwang, ilan sa mga tanyag
na ginaganap ditto taon-taon ay ang Regada festival at
Wagayway Festival. Bagti ang bantog na sayaw ng mga
taga rito.

• Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na


matatagpuan
sa bahaging CALABARZON sa Luzon. Santa Cruz ang
luklukan ng pamahalaan nito at matatagpuan sa timog-
silangan ng Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan
ng Rizal, kanluran ng Quezon, hilaga ng Batangas at
silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng Laguna
ang Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa.
Nakuha ng lalawigan ang pangalan nito mula
sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa.
Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José
Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala din sa
mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan,
Liwasang Bayan ng Pila, Laguna, ang mga inukit na
kahoy na nilikha na mga tao sa Paete at Pakil, ang mga
maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok
Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.
Kesong puti, lanzones , niyog tubo at mga kakanin ang
mga tanyag na produkto sito. Dahil mayaman ang
lalwiagang ito sa niyog, taon-taong ipinagdiriwang dito
ang Niyog niyogan Festival at Tsinelas Festival.
• Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong
panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming
mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa
magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang
Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo
ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na
kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar
ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego
sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa
Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal,
ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa
Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang
pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.
Tubo, rambutan, burdadong Telang Jusi, bakahan
kakaw at kape ang pangunahing produkto dito. Dahil sa
pagkatanyag ng Batangas sa Pagkaing Lechon, sila ay
taunang nagdiriwang na Lechon Festival, mayroon din
silang Sublian Festival na pagdiriwang.
Si Apolinario Mabini, ang tinaguriang “Dakilang Lumpo”
ay dito naman isinilang.
• Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla
ng Luzon sa Pilipinas. Antipolo ang kabisera nito. Kilala
ito sa mga talon at kweba tulad ngHinulugang Taktak
Daranak falls, Tres Escalon Falls at Calinawan Cave.
Suman, kasoy , palay , kakaw , kape at mga yaring
damit ang pangunahing produkto ditto.Pinangalan ang
lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si
Gat. Jose Rizal. Higantes Festiavl ang isang sa
pagdiriwang na dinarayo ditto.
• Ang Quezon, dating Tayabas ay
isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa
pulo ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel
L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na
nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng
lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lucena.
Ilan sa mga bantog at dinarayo na mga Anyong Lupa
at Anyong Tubig dito ay
Anilon Island, Puting Bato Cave, Puting Buhangin
Beach, Sta. Lucia Falls, Agos River, Bantilan River.
Upang magbibigay ng pasasalamat sa masaganang
ani tulad ng mga produktong kapeng barako, niyog ,
palay, mais at saging taon taon silang nagdiriwang ng
Pahiyas Festival Festival na dinarayo din ng mga
turista dahil sa mga makulay nitong palamuti at
parade.

Pagyamanin:

Gamit ang talatang nabasa, ano-ano ang maaari


nating ipagmalaking mga lugar ,pagkain o produkto ,
tanyag na tao at pagdiriwang sa bawat lalawigan ng
ating rehiyon.

Mga Bagay na Nagpapatanyag sa Lalawigan

Pagkain o Pagdiriwang Mga Hanapbuhay


Produkto lugar
C. Engagement (Pagpapalihan) Isagawa

Kumuha ng kapareha (maaaring si nanay/tatay,


kapatid o alinmang kasapi ng pamilya) itanong kung
ano ang masasabi niya tungkol sa larawang ng
bawat lalawigan na ipapakita ng guro.

Linangin:

Gawain A.
Show And Tell Festival
Ang mag-aaral ay pipili ng lalawigan na nais na
maging katangi-tangi sa sarili..
Magkaroon ng show and tell festival ng iba’t-ibang
katangian ng mga lalawigan sa rehiyon. Iguhit o
isulat ang mga katangian ng lalawigan. Pagkatapos
ay ipapakita niya ito sa kanyang mag-anak.

• Natatanging lugar sa lalawigam

• Natatanging tao as lalawigan at ang


ipinagmamalaking katangian

• Natatanging produkto, sining at pagdiriwang ng


lalawigan.

Gawain B

Sumulat ng payak na kuwento o 1-2 talata sa


lalawigan na naging katangi-tangi para sa sarili.
Gamitin ang pamagat na “Ako at Ang Aking
Lalawigan.” Ipakita ang sariling saloobin at
pagpapahalag tungkol sa kinabibilangang lalawigan.

Iangkop:

Gumuhit ng isang poster o polyeto na


ipinapakilala mo ang katangi-tanging lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.

D. Assimilation (Paglalapat) Isaisip:

Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng limang (5)


lalawigan. CALABARZON ang tawag dito. Agrikultura
ang pangunahing industriya ng rehiyon. Mayaman din
sa anyong-lupa at anyong-tubig ang rehiyong ito.
Pangingisda , pagsasaaka, mga industriyang
pantahanan, pangkasuotan at iba pang negosyo ang
ikinabubuhay sa rehiyong ito.

Tayahin

Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng


pangungusap sa bawat bilang ay wasto. Isulat naman
ang MALI kung ito ay di wasto.

_____ 1. Pagmimina ang pangunahing industriya ng


Rehiyon IV-A.

_____ 2. Matatagpuan sa Rizal ang mga industriyang


pangkasuotan at iba pang negosyo.

_____ 3. Ang Cavite ang pinakamaliit na lalawigan sa


Rehiyon IV-A.

_____4. Ang lalawigan ng Quezon ay nagmula


sa Kastilang salita na lago, na
nangangahulugang lawa.
_____ 5. Ipinangalan ang lalawigan ng Rizal
kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng
Pilipinas
V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like