You are on page 1of 8

School: SAMPAO INTEGRATED SCHOOL Grade Level: V

GRADES 5 Teacher: JHODIE LYNNE O. PASTOR Learning Area: ESP


DAILY LESSON LOG Teaching Dates and 3RD
Time: Quarter: QUARTER

MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY


I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at
kapwa
B.Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig (EsP5PPP – IIIh – 32)
II.NILALAMAN Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa at Daigdig
III.KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro CG ph.
2.Mga pahina sa kagamitang pang-mag-aaral
3.Mga pahina sa teksbuk CATCH-UP FRIDAY
4.Karagdagang kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
B.Iba pang kagamitang panturo Kuwento (powerpoint
presentation/ tsart),
larawan, video
IV.PROCEDURES
A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Ano ang inyong maaaring
pagsisimula ng bagong aralin gamitin sa paggawa ng mga
proyekto na may kaugnayan
sa pagpapatupad ng batas
tulad ng batas sa kalinisan?
B.Paghahabi sa layunin ng aralin Ang kapayapaan na
minimithi ng bawat isa ay
nag-uugat sa pagkakaisa at
pagtutulungan ng mga
mamamayan sa mga
gawaing makatutulong sa
bansa at sa daigdig.
Maraming mga gawain na
bagaman maliit ngunit
malaki ang naitutulong nito
sa pag- unlad ng ating bansa.
Ang paggawa natin ng mga
gawaing iniatang sa atin ay
nararapat lamang na gawin
nang buong husay at may
katapatan.
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong 1. Magpapapanood ng isang
ralin video na nagpapakita ng
mga gawain na ginagawa
nang buong katapatan tulad
ng pagtatrabaho sa tamang
oras.
2. Magtatanong ang guro
tungkol sa napanood na
video.
a. Tungkol saan ang
napanood ninyong video?
b. Bilang mga mag-aaral,
ginagawa n’yo rin ba ito?
3. Maglalahad ang guro ng
maikling kuwento na may
kaugnayan sa pakikiisa nang
buong tapat sa mga gawaing
nakatutulong sa bansa.
Hindi pa Oras!
ni Beverly D. Sastrillo
Si Mang Nestor ay isang
kawani ng pamahalaan. Siya
ay nagkamit na ng mga
parangal dahil sa kanyang
matapat na paglilingkod.
Siya ay ipinagmamalaki ng
kaniyang pamilya na
bagaman sila ay hindi
mayaman ngunit mayroon
naman silang dangal na
maipagmamalaki. Isang
araw, habang abala si Mang
Nestor sa kanyang ginagawa,
niyaya siya ng kanyang
kasamahan sa trabaho na si
Mang Lino upang pumunta
sa isang okasyon na malapit
sa kanilang opisina.
Napansin ni Mang Nestor na
hindi pa oras para lumabas
ng opisina.
“Pare, hindi pa oras para
lumabas tayo at saka may
ginagawa pa
ako,” wika ni Mang Nestor.
“ Pare, wala naman si boss
at isa pa, minsan lang
naman. Hindi
naman siguro magagalit si
boss,” wika ni Mang Lino.
“Naku pare, pasensiya ka na
talaga hindi pa oras para
lumabas at kailangan ko din
itong tapusin. Kahit walang
nakakakita sa ting
ginagawa dapat natin itong
gawin nang tapat upang
makapag ambag tayo sa pag-
unlad ng ating bayan.
Salamat,” sagot ni Mang
Nestor.
“Sige pare, aalis na ako,”
saad ni Mang Lino.
Kinabukasan, ipinatawag ng
kanilang boss si Mang Lino
sa
kanyang opisina.
“Mang Lino, hinahanap ko
po kayo kahapon upang
kunin ang
ipinagawa ko sa inyong ulat.
Saan po ba kayo nagpunta?,”
tanong
ng boss nila.
“Boss, pasensiya na po kayo.
Nagpunta po ako sa bahay
ng
kumpare ko na nag-imbita sa
akin”, sagot ni Mang Lino.
“Alam ninyo po ba na hindi
pa oras ng paglabas sa
opisina
nang lumabas kayo?”,
muling tanong nito.
“Opo, boss. Pasensiya na po
kayo. Alam ko pong hindi
iyon tama at hindi na po
mauulit”, nakatungong wika
ni Mang Lino.
“Sige po. Sana po hindi na
talaga maulit ang ginawa
ninyo sapagkat mapipilitan
po akong suspindehin kayo
dahil isa po yan sa mga
patakaran ng ating
tanggapan”, wika nito.
“Salamat, boss”, wika ni
Mang Lino.
Mula noon, tinandaan na ni
Mang Lino na tama si Mang
Nestor na
dapat ay ginagawa ang
tungkulin ng tapat upang
makatulong hindi lamang sa
pamahalaan maging sa
bayan. Dapat ding sundin
ang patakaran may
nakatingin man o wala
sapagkat sa maliliit at
simpleng bagay na ating
ginagawa malaki ang
nagiging epekto nito hindi
lamang sa atin maging sa
ating bayan.
D.Pagtalakay ng bagong konspto at Talakayin ang nilalaman ng
paglalahad ng bagong kasanayan #1 kuwento sa pamamagitan ng
mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang pagkakaiba ni
Mang Nestor at Mang Lino?
b. Saan pupunta si Mang
Lino kaya niyaya niya si
Mang Nestor?
c. Ano ang naging kasagutan
ni Mang Nestor kay Mang
Lino tungkol sa paglabas niya
nang wala sa oras?
d. Bakit mahalaga ang
pagiging tapat natin sa
paggawa natin ng ating
gawain?
e. Bilang mag-aaral, ano ang
kabutihang maidudulot ng
kuwentong inilahad sa inyo?
E.Pagtalakay ng bagong konsepto at 1. Magtatanong ang guro tungkol
paglalahad ng bagong kasanayan #2 sa nakaraang aralin.
 Ano ang bunga ng ating
pakikiisa at matapat na paggawa
sa ating gawain na nakatutulong
sa ating bayan?
2. Gawain
Kagamitan: activity cards, manila
paper, pentel pen, pangkulay
a. Pangkatin sa lima ang klase.
Ipamahagi ang activity cards na
naglalaman ng gawain ng bawat
pangkat. Bigyan sila ng tig-
sasampung minuto para sa
paghahanda ng kanilang
presentasyon.
Constructivism Approach
Pangkat I – Kumatha ng isang
maikling tula tungkol sa pakikiisa
sa mga gawaing nakatutulong sa
bansa at daigdig.
Collaborative Approach
Pangk at II- Gumawa ng isang
maikling dula- dulaan na
nagpapakita ng kahalagahan ng
pakikiisa sa mga gawaing
nakatutulong sa bansa.
Integrative Approach
Pangkat III – Lumikha ng isang
maikling awit na tungkol sa
pakikiisa sa mga gawain na
makatutulong sa ating
pamayanan.
Inquiry Approach
Pangkat IV – Gumawa ng isang
poster na nagpapakita ng tapat
na paggawa ng gawain na
maaaring makatulong sa bansa.
Sumulat ng paliwanag tungkol
dito.
b. Ilalahad ng lider ng pangkat
ang natapos na gawain,
ipoproseso ito ng guro sa
pamamagitan ng pagtataya sa
natapos na gawain ng bawat
pangkat. Ipasagot ang mga
katanungang ito:
1. Ano ang inyong naramdaman
habang ginagawa ninyo ang
gawain?
2. Ano magandang katangian ang
tumanim sa inyong puso at isip
batay sa natapos na gawain?
3. Bakit mahalaga ang pakikiisa
nang tapat sa mga gawain na
nakatutulong sa pag-unlad ng
bayan?
F.Paglinang na Kabihasaan Original File Submitted and 1. Magbalik-aral tungkol sa
Formatted by DepEd Club nakaraang aralin. Itanong ang
Member - visit mga sumusunod:
 Sa inyong palagay, ano ang
depedclub.com for more
kabutihan maidudulot ng
pakikiisa sa paggawa ng
gawain? May epekto ba ito sa
kalagayan ng ating bansa?
2. Iproseso ang sagot ng mga
bata at magkaroon ng
maikling pagtalakay sa
nagging kasagutan ng mga
bata
3. Gawain
Reflective Approach
Suriin ang sitwasyon. Sagutin
ang tanong.
Si Jamine ay nasa ikalimang
baitang. Ipinagbigay alam ng
mga BHW na babakunahan
ang mga bata. Pinadalhan ng
gurong tagapayo ng parent’s
permit ang mga bata upang
maisagawa ang nasabing
gawain. Pagdating ng bahay,
kaagad na ipinabasa ni
Jamine ang permit sa
kanyang ina at pinapirmahan
ito. Kaagad naman itong
pinirmahan ng kanyang ina.
Tama ba ang ginawa ng ina ni
Jamine? Bakit?
4. Magkaroon ng talakayan at
palitan ng kuru-kuro tungkol
sa mga naging kasagutan ng
mga bata.
G.Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na Bago simulan ang gawain,
buhay magkakaroon ng maikling
pagtalakay sa nakaraang
gawain at itanong ang
sumusunod:
Sabihin:
Bilang mga mag-aaral, paano
ninyo maipakikita ang inyong
pakikiisa sa mga gawain at
programa ng pamahalaan?
 Gawain
Basahin ang sitwasyon.
Sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
May programang Clean Up
Drive ang inyong barangay.
Nagtakda ng araw ang inyong
kapitan kung kailan ito
gagawin. Kailangan mong
lumahok sa gawaing ito ayon
sa inyong guro. Ngunit, sa
hindi inaasahang
pagkakataon, nagkaroon ng
biglaang lakad ang inyong
barkada. Ano ang iyong
gagawin?
Iproseso ang sagot ng mga
bata.
 Ipabasa ang Tandaan Natin

H.Paglalahat ng aralin Tandaan Natin


Ipaubaya ang pansariling
layunin para sa kapakanan ng
iyong kapwa kung
kinakailangan.
Sa pamamagitan ng
pagpapaubaya ay naipahayag
ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa.
I.Pagtataya ng aralin 1. Basahin ang bawat pangungusap.
Isulat ang T kung tama ang
ipinahahayag ng pangungusap at M
kung hindi tama.
a. ______ Ang pakikiisa nang buong
tapat sa mga programa at gawain
ng pamahalaan ay nakakatulong sa
pag- unlad ng bayan.
b. ______ Hindi dapat nakikiisa sa
mga gawain ng pamahalaan ang
mga mag-aaral sapagkat hindi nila
ito responsibilidad.
c. ______ Tungkulin natin ang
tumulong at makiisa sa mga gawain
sapagkat ito ay may malaking
maitutulong sa bansa natin.
d. ______ Hindi magiging maganda
ang resulta ng ating pagtulong sa
mga gawain ng ating pamayanan.
Tandaan Natin
Ipaubaya ang pansariling layunin
para sa kapakanan ng iyong kapwa
kung kinakailangan.
Sa pamamagitan ng pagpapaubaya
ay naipahayag ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa.
May programang Clean Up Drive
ang inyong barangay. Nagtakda ng
araw ang inyong kapitan kung
kailan ito gagawin. Kailangan mong
lumahok sa gawaing ito ayon sa
inyong guro. Ngunit, sa hindi
inaasahang pagkakataon,
nagkaroon ng biglaang lakad ang
inyong barkada. Ano ang iyong
gagawin?
e. ______ Maging responsible tayo
sa mga gawain na may malaking
epekto sa ating kinabibilangang
pamayanan.
2. Iproseso ang sagot ng mga bata.
Magkaroon ng palitan ng kuru-
kuro tungkol sa kinalabasan ng
maikling pagsusulit.
J.Karagdagang Gawain para sa takdang Gumawa ng isang talata na
aralin at remediation tumatalakay sa kahalagahan ng
pakikiisa sa mga gawain at
programa na makatutulong sa pag-
unlad ng bayan.
V.MGA TALA

You might also like