You are on page 1of 81

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 - Aralin 1- 8
Pagpupunyagi ng mga Pilipino
Tungo sa Pagtugon ng mga Hamon
ng Nagsasarili at Paunlad na
Bansa

(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN__6_ARALIN 1-8)


Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Aralin 1 – 8 Pagpupunyagi ng mga Pilipino Tungo
sa Pagtugon ng mga Hamon ng Nagsasarili at Paunlad na Bansa
Binagong Edisyon 2023

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Sarah Z Duterte - Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melina F. Frago, Mary Rose R. Sendon,
Cristina R. Abaquita, Aiza P. Padilla
Leticia T. Sison, Jenifel T. Calison
Rizaldy Emanuel M. Sotor, Raquel D. De Guzman
Illustrator: Arvin C. Austria
Tagalapat: Mary Jane L. Monreal
Editor: Melina F. Frago, Gracely A. Magat
Tagasuri: Dr. Leilanie M. Mendoza, EPS
Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, SDS
Filmore R. Cabalero, CID Chief
Myron Willie III B. Roque, Division EPS In Charge of LRMS
Myron Willie III B. Roque, Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region - SDO Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela Street, Marulas, Valenzuela City
Telefax: (08)-292-4340
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 - Aralin 1 – 8:
Pagpupunyagi ng mga Pilipino
Tungo sa Pagtugon ng mga Hamon
ng Nagsasarili at Paunlad na
Bansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin sa Ikaapat na Markahan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ikaapat Markahan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

2
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
6

Araling Panlipunan
Modyul 4 - Aralin 1
Hamon at Suliranin ng Batas
Militar

4
Alamin
LAYUNIN: Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas
Militar
(AP6TDK-IVa-1)

Subukin
Panuto: Suriin ang mga pahayag na may kinalaman sa aralin sa ilalim ng
Batas Militar. Isulat ang T kung totoo ang diwa ng pangungusap at H kung
hindi totoo. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____1. Pagpapahuli sa mga nagkasala sa pamahalaan ng krimeng


paghihimagsik o rebelyon.
_____2. Pagbibigay permiso sa mga nais magsagawa ng rally, demonstrasyon
at pagwewelga.
_____3. Pagpapairal ng curfew hour mula ika- 12 ng gabi hanggang ika-4 ng
umaga.
_____4. Pagbabago ng nilalaman ng Saligang Batas.
_____5. Pagpapairal ng malayang pamamahayag.

1
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
Aralin

1 Hamon at Suliranin ng Batas Militar

Balikan
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ng may pagkakasunod sunod ang mga
bagay na nais mong pahalagahan sa pagtatanggol sa pambansang
interes ayon sa natutuhan mo sa nakaraang aralin. (pangkabuhayan,
pampolitika, panlipunan) Gamitin ang Ladder Organizer.

Tuklasin
Panuto: Anu-ano ang mga bagay na matututunan mo tungkol sa Batas
Militar.Isulat ang iyong sagot gamit ang concept mapping.

1
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
Suriin
Bakit kaya kailangang maunawaan ng mga Pilipino ang mga mahalagang
aral na dulot ng naging hamon at suliranin ng Batas Militar sa ating
bansa? Alamin natin ang mga ito sa paksang ating tatalakayin

Hamon at Suliranin ng Batas Militar


Ferdinand E. Marcos – Siya ang pinakamatagal na naging pangulo ng bansa.
Pinamunuan niya ang Pilipinas sa loob ng dalawampung taon. Limang ulit
siyang nahalal bilang pangulo. Ipinahayag niya noong September 21,1972
ang Proklamasyon Blg. 1081 na mapasailalim ang buong bansa sa Batas
Miliitar.

Batas Militar – ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar


dulot ng pangangailangan sa pamumuno ng pangulo ng bansa. Ipinatutupad
ito kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi nakagaganap sa tungkuling
gaya ng pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi makontrol ang kaguluhan
at protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, o may giyera at
pananakop.

Curfew hour – Ito ang batas na nagtatakda ng oras kung kailan maaaring
lumabas ang mga tao sa lansangan o sa labas ng kani-kanilang bahay.

Mga pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ang Batas Militar sa


buong bansa.

Sa ikalawang termino ni Pangulong Marcos ay naharap ang Pilipinas


sa maraming suliranin kaya lumaganap ang kaguluhan sa bansa at lalong
sumidhi ang kahirapan sa mga ordinaryong mamamayan. Lumaki ang
pagitan ng mga mayayaman sa mahihirap. Dito nagsimula ang pagdaing ng
mga tao dahil sa lumalalang pangyayari sa lipunan. Tulad ng lumubhang
suliranin sa katahimikan at kaayusan. Narito ang ilan sa mga pangyayari
kaya ipinahayag ang Batas Militar sa buong bansa.

1. Marami ang mga nabuong samahan na makakaliwang pangkat na


naghahangad ng pagbabago sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan.
Ilan dito ay ang Communist Party of the Philippines (CPP), New
People’s Army (NPA), at Moro National Liberation Front (MNLF)

2. Lumala ang suliranin sa katahimikan at kaayusan dahil sa kabikabilang


pagrarali sa mga lansangan ng mga estudyante sa iba’t ibang Unibersidad
at pagwewelga ng mga manggagawa upang iparating sa pamahalaan ang
kanilang mga hinaing na kadalasan ay nauuwi sa marahas at madugong
labanan ng pulis at welgista.

2
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
3. Pagbomba sa Plaza Miranda – Marami ang nasaktan at may namatay
dahil sa pagsabog ng granada habang nagtitipon ang mga kandidato ng
Partido Liberal sa Plaza Miranda. Sinasabing kagagawan ng New People’s
Army subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa napapatunayan.

4. Pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus – Dahil sa matinding kaguluhan


sa bansa, nagdesisyon si Pangulong Marcos na suspindihin ang Writ of
Habeas Corpus kung saan ito ang nagbibigay ng karapatan sa mga
mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis. Ang
pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mga mamamayan upang hindi sila
makulong ng labag sa batas. Maraming aktibista na pinaghihinalaang
lider komunismo na ang tanging layunin ay pabagsakin ang Pamahalaang
Marcos ang kanyang pinadakip.

Pagyamanin
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa guhit

1. Ito ang nagbibigay ng karapatan sa mamamayan na sumailalim sa


tamang prosesong paglitis at maprotektahan laban sa di
makatarunganpagdakip. ________
2. Ito ay batas na nagtatakda ng oras kung kailan maaaring lumabas
ang mga tao sa mga lansangan o labas ng kani kanilang tahanan.
_________
3. Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang
ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na
nito maayos magampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan
nitong kapangyarihan. _________
4. Ang pagpapahayag ng Batas Militar noong September 21,1972 ni
Pangulong Marcos sa pamamagitan ng radyo,at telebisyon ay
tinatawag ring _________.
5. Idineklara ng pangulo ng bansa ang Batas Militar sa buong Pilipinas
________.

a. Proklamasyon Blg. 1081 d. September 21, 1972


b. Writ of Habeas Corpuz e. curfew
c. Batas Militar f. Ferdinand E. Marcos

3
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
Isaisip
Anu-ano kaya ang naging epekto sa politika, pamumuhay at
pangkabuhayan ng mga Pilipino ng ipasailalim ang buong kapuluan sa
Batas Militar ni Pangulong Marcos?

Sang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Pangulong Marcos na gamitin


ang espesyal na kapangyarihan ng isang pinuno upang makontrol niya
ang mga hindi magandang kaganapan sa bansa?

Tandaan:
Nagkaroong ng espesyal na Kapangyarihan ang pangulong makagawa
at makapagpatupad ng mga batas at ito ay kaniyang naisagawa sa
pamamagitan ng iba’t-ibang kautusan tulad ng mga sumusunod:

1. Kautusang Pampanguluhan (Presidential Degree)


2. Kautusang Pangkalahatan (General Orders)
3. Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction)

Sa Panahon ng pagpapatupad ng Batas Militar ang kapangyarihan ay


nasa iisang tao lamang. Si Pangulong Marcos ay maaari ring gampanan
ang pamamahala sa batasan at gabinete bukod pa sa pagiging
tagapagpaganap sa bansa

Isagawa
Panuto:Basahin at unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (✔)
ang kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng patakaran o
pagbabagong ipinatupad ni Marcos sa ilalim ng Batas Militar na
naging suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga
Pilipino Lagyan naman ng ekis ( X ) kung hindi.

1. Binigyan ng pagkakataon ang mga rebeldeng sundalo na sumuko


sa pamahalaan.
2. Nagkaroon ng espesyal na kapangyarihan si Pangulong Marcos
para maideklara ang Batas Militar sa buong Pilipinas
3. Sinuspinde ang paghahain ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus
sa mga Pilipino na mahuhuli o madadakip.
4. Pinairal ang hustisiya at demokrasya sa lahat ng mga Pilipino.
5. Pinagbawal ang pagwewelga, pagrarali at protesta sa mga
lansanagan.

4
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang pangulo ng Pilipinas na namuno sa bansa sa loob ng
dalawampung taon.
a. Mauel Roxas c. Ramon Magsaysay
b. Jose Laurel d. Ferdinand Marcos
2. Sa araw na ito idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar
sa buong Pilipinas
a. September 21,1972 c. September 23,1973
b. September 23, 1972 d. September 21, 1973
3. Ito ay ang pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar
dulot ng pangangailangan. Naisagawa ni Pangulong Marcos upang
maiwasan ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa
mga paghihimagsik, rebelyon at karahasan.
a. Pambansang Halalan c. Pambansang Kumbensiyon
b. Batas Militar d. Referendum

4. Ang pagsususpinde ng karapatan sa Writ of Habeas Corpus ay


naisagawa dahil sa pagpapahayag ni Pangulong Marcos ng
proklamasyong ito.
a. Proklamasyon Blg. 8901 c. Proklamasyon Blg.1081
b. Proklamasyon Blg 2-A d. Proklamsyon Blg.889
5. Ito ay karapatan o prebilehiyo na nangangalaga sa mamamayan
upang hindi makulong ng hindi dumadaan sa tamang proseso ng
paglilitis.
a. subpoena c. writ of habeas corpus
b. search warrant d. warrant of arrest.

Karagdagang Gawain
Panuto: Ibigay ang mga mabuti at hindi mabuting epekto ng Batas Militar
sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Mabuting Epekto Di Mabuting Epekto


1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

5
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
MODYUL 4_ARALIN1)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
6
SUBUKIN
1.T
2.H
3.T
4.T
5.T
Tuklasin
1.Pinamunuan ang bansa ng iisang tao lamang
2.Pagpapasara sa mga pahayagan,estasyon ng radio ang telebisyon
3.Pagpapahuli sa mga kumakalaban sa pamahalaan
4.Pangangasiwa ng pamahalaan sa mga pribadong kumpanya
5.Pagsuspide sa Writ of Habeas Corpus
PAGYAMANIN ISAGAWA TAYAHIN
1. B 1. X 1. D
2. E 2. ✔ 2. A
3. C 3. ✔ 3. B
4. A 4. X 4. C
5. D 5.✔. 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

7
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
6
Araling Panlipunan
Modyul 4 - Aralin 2:
Ang mga Pagkilos at
Pagtugon ng mga Pilipino
Nagbigay -daan sa
Pagwawakas ng Batas Militar

8
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN1)
Alamin
LAYUNIN: - Natatalakay ang mga Pagkilos at Pagtugon ng mga
Pilipinong
- Nagbigay -daan sa Pagwawakas ng Batas Militar. -People
Power
- Naiisa isa ang mga Karanasan ng mga Piling Taumbayan
Sa Panahon Ng Batas Militar.
(Halimbawa:Aquino,Jr.,Salonga,Diokno,Lino Brocka,
Cervantes at iba pa.)

Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang mga pangyayari sa bansa ang
nagbigay wakas sa Batas Militar at (X) kung hindi.

____1. Pang-aabuso ng pamahalaan


____2. Pagtitiwalag ng mga sundalo sa pamahalaan
____3. Pagkawala ng karapatang bumoto
____4. Pagbagsak ng ekonomiya
____5. Pandaraya sa snap election

9
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
Aralin Ang mga Pagkilos at Pagtugon ng mga

2 Pilipino Nagbigay -daan sa Pagwawakas


ng Batas Militar

Balikan
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang
bilang.
_____1. Ang deklarasyon ng Batas Militar ay tinawag ding _______.
a. Proklamasyon 8110 c. Proklamasyon 1081
b. Proklamasyon 8210 d. Proklamasyon 1081
_____2. Kailan idineklara ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar?
a. Setyembre 21,1972 c. Setyembre 21,1973
b. Setyembre 22,1972 d. Setyembre 22,1973
_____3. Ito ang isinagawang hakbang ni Pangulong Marcos upang maiwasan
ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa mga paghimagsik,
rebelyon, at karahasang nangyayari sa bansa.
a. Coup d’ etat c. batas militar
b. pambansang kumbensyon d. referendum
_____4. Tanging pangulo ng Pilipinas na namuno nang higit sa isang termino.
a. Diosdado Macapagal c. Ramon Magsaysay
b. Elpidio Quirino d. Ferdinand Marcos
_____5. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi
makulong nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis.
a. plebisito c. writ of habeas corpus
b. referendum d. subpoena

Tuklasin
Isa sa pinakamahalagang pangyayari sa ating bansa ang
Rebolusyong EDSA o People Power.

Ano-ano ang nalaman mo tungkol dito?

Ang Rebolusyong EDSA


Sanhi o Dahilan:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Mga Epekto:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________________________________________

10
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
Suriin
Pag-aralan ang mga salita sa loob ng kahon para sa mas madali mong
pag-unawa sa ating aralin.
dekreto-mga nakasulat na kautusan o batas na kalimitang nagmumula
sa pinuno ng bansa
diktatoryal- uri ng pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao lamang
nepotismo- pagluluklok sa posisyon ng mga kamag-anak o kaibigan ng
namumuno
pamahalaang presidensiyal-pamahalaang demokratiko na
pinamumunuan ng isang pangulo
ratipikasyon- pagsasagawa ng mga pagbabago sa batas
subersiyon- paglaban ng grupong tumututol sa pamahalaan
susog- mga karagdagang o pagbabago

Mga Karanasan ng mga Piling Taumbayan sa Panahon ng Batas Militar

Marami ang hindi sumang-ayon kay Marcos nang gamitin niya ang
kanyang kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar.Marami sa
mamamayang sumalungat sa pamahalaan ay basta na lamang nawala at
hindi na muling nakita ng kanilang kamag-anak. Desaparecidos ang tawag
sa kanila. Marami ang pinahirapan at pinatay nang walang pakundangan at
basta na lamang inilibing kung saan-saan. Nang matapos ang panahon ni
Pangulong Marcos, may mga lugar kung saan natagpuang nakalibing nang
sama-sama ang ilang tao.
Ang ilan ay ikinulong sa mga piitan nang walang wastong kaparaanan
ng batas o due process, dinukot sila at ikinulong. Noong una, hindi malaman
ng kanilang mga kamag-anak kung saan sila dinala. Suspendido ang
pribilihiyo ng writ of habeas. Hindi sila dinala sa korte upang mabasahan ng
sakdal.
Isa sa mga pangyayaring hindi lubos na maunawaan at matanggap ng
mga Pilipino ay ang diumano'y ginawa ni Marcos na paghuli o pagpaslang sa
mga politikong kalaban niya sa politika at mga komentarista sa radyo at
telebisyon na tumuligsa sa kanya. llan sa kanila ay sina Senador Benigno
AquinoJr, Jose Diokno; ang mga mambabatas na sina Roque Ablan, Rafael
Aquino, David Puzon at ang mga delegado ng Con-Con na sina Napoleon
Rama, Teofisto Guingona, Alejandro Lichauco, Ramon Mitra, at Jose
Concepcion.Gayundin sina Joaquin "Chino" Roces, ang patnugot ng The
Manila Times; Teodoro M. Locsin, ang patnugot ng Philippines Free Press; at
ang mga mamamahayag sa diyaryo na sina Maximo Soliven at Amado
Doronilla.
Ang mga nakatalang pangalan ay ilan lamang sa mga piling taumbayan
na nakaranas ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng Batas
Militar.Isa-isahin natin ang kanilang mga naging karanasan sa kamay ng
diktaturang Marcos.

➢ BENIGNO “NINOY” AQUINO, JR. ay isang senador na itinuturing na


pinakamahigpit na kalaban ni Pangulong Marcos sa politika. Isa si Aquino sa
mga ipinabilanggo ni Pangulong Marcos dahil sa pagtutol niya sa
pamamalakad ng pamahalaang Marcos.Nang siya ay magkasakit, pinayagan
siyang pumunta sa Amerika upang magpagamot. Gamit ang pangalang

11
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
Marcial Bonifacio bumalik si Benigno Aquino, Jr. sa bansa noong Agosto
21,1983 nang lumapag ang eroplano sa Manila International Airport
,umakyat ang mga sundalo upang kunin siya at dalhin sa kulungan.Ngunit
habang bumababa sila sa hagdan,narinig ang putok ng baril.Nakita na
lamang si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nakabulagta sa Tarmac at may tama
ng baril sa batok na tumagos sa ulo.Ang Aviation Security
Command(AVSECOM) na siyang inatasang magprotekta sa kanya sa
anumang panganib ay walang nagawa.Ang pinagbintangan ng military sa di
makatarunganag pagpatay kay ninoy ay si Rolando Galman na sinasabing
miyembro ng NEW PEOPLE’s ARMY.

➢ JOVITO R. SALONGA ay isang Pilipinong Politiko, abogado, makabayan at


pangunahing pinuno ng oposisyon noong rehimeng Marcos na hayagang
kumontra sa diktador na si Pang. Marcos, tumutol siya sa kurapsyon,
paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa Karapatan sa pamamahayag at
kawalan ng proseso ng batas, nagsilbing abogado ni Ninoy Aquino at iba pang
bilanggong politikal, nagtatag ng Lingap Ministry, tumulong sa paglaya ng
bilanggong political. Matapos ang EDSA Revolution ay itinalaga siya bilang
Chairman ng PCGG ni Pang.Corazon Aquino.

➢ EUGENIO “GENY” LOPEZ, JR. anak ni Eugenio Lopez, Sr. ay ikinulong din
at pinagbintangang may balak ipapatay si Marcos. Inangkin ng mga Marcos
at kanyang mga crony ang malaking kompanya ng mga Lopez bilang kapalit
ng pagpapalaya kay Geny subalit hindi naman din siya pinalaya. Inangkin ng
mga Marcos at kanyang mga crony ang malalaking kompanya ng mga Lopez
bilang kapalit ng pagpapalaya kay Geny subalit hindi naman din siya
pinalaya.

➢ LINO BROCKA, isang mahusay na direktor ay inakusahan at ipinakulong din


ni Marcos dahil gumawa siya ng mga subersibong Pelikula laban kay Marcos.
Isa sa kanyang nilikha, ang "Bayan Ko, ay ipinagbawal na ipalabas sa ating
bansa. Noong 1983, itinatag ni Lino Brocka ana organisasyong Concerned
Artists of the Philippines (CAP). Dalawang taon niya itong pinamunuan. Ang
layunin nito ay ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga tao. Naging
aktibo ang mga kasapi nito sa mga rali laban sa pamahalaan lalong lalo na
ng paslangin si Ninoy Aquino.

➢ BENJAMIN "BEHN" CERVANTES, isang propesor, aktor, direktor, at freedom


fighter ay isa rin sa mga bumatikos kay Marcos. Kasama siya sa mga
ipinakulong ni Marcos. Isa siya sa nagsulong ng Free the Artist, Free the
Media Movement, Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Congress for the
Restoration of Democracy (CORD), at Nationalist Alliance for Freedom, Justice
and Democracy.

➢ JOSE “PEPE" DIOKNO ay mas kilala bilang si Ka Pepe Diokno. Dahil sa


kanyang tindig, nanalo bilang senador noong 1963 at nagsulong ng batas sa
pagpapalakas ng suporta sa mga Pilipinong negosyo. Kinilala siya ng
Philippine Free Press bilang isa sa mga pinakamahusay na senador. Bilang
katunggali ng Pangulong Marcos sa pulitika, isa siya sa pinakaunang
ipinahuli noong gabi ng September 22, 1972 nang ideklara ang batas militar.
Ibinartolina minsan kasama ni Aquino sa. Laur, Nueva Ecija. Matapos ang
dalawang taon, pinalaya nang hindi man lamang nakakasuhan ng kahit ano.
Ngunit hindi tumigil sa pagtataguYod ng Human Rights. Walang takot na

12
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
naglabas-pasok pa ng bansa at tinulungan ang mga biktima ng Martial Law
bilang tagapagtatag ngFree Legal Assistance Group 0 FLAG.
➢ Joaquin "Chino" Roces - Mas kilalá si Joaquin sa palayaw na” Chino."
Nagsimula siyáng magtrabaho sa lathalaan ng pamilya bilang aprendis sa
sirkulasyon. Noong Setyembre,1945 inilunsad niya ang The Manila Times, na
nagsimulang isang tabloid at siyá ang general manager. Nang pangulo si
Ferdinand Marcos noong 1965 at nang bumulusok ang pangalan ay Times
ang nanguna sa paglalathala ng mga eskandalo sa administrasyon. Nang
ideklara ang Batas Militar ipinasara ni Marcos ang Times at isa si Chino sa
mga naging bilang politikal. Gayunman, pinawalan siyá pagkaraan ng
dalawang buwan. Nang lumakas ang mga rali sa lansangan, lumitaw mula sa
pagreretiro si Chino at humanap sa mga parlamentaryo sa lansangan na sina
Lorenzo Tañada at Jose W. Diokno.

Pagyamanin
A. Panuto: Suriin kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag.
Isulat ang sagot sa linya.
_______1. Maituturing na isang demokratikong bansa ang pamahalaang
pinairal ni Marcos noong panahon ng Batas Militar.
_______2. Dahil sa lawak ng kapangyarihan ni Marcos, maging ang
larangan ng pangangalakal ay kanyang nakontrol.
_______3. Halos lahat ng mamamayan ay nasiyahan sa pagpapatupad ni
Marcos ng Batas Militar sa bansa.
_______4. Higit na binigyang-pansin ng administrasyong Marcos ang
pagpapabuti ng pisikal na kalagayan ng bansa gaya ng
pagpapatayo at pagpapaayos ng mga tulay at lansangan.
_______5. Lumaganap ang sistema ng nepotismo sa bansa sa panahon ng
paghahari ni Marcos.

B. Panuto: Suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng People Power


Revolution. Ipares ang naging bunga sa Hanay A sa mga sanhi sa
Hanay B.

Hanay A Hanay B
____1. Pagkakaroon ng snap election.
a. Pag-alis ng mga
____2. Pagbaba ng halaga ng piso
nagbibilang ng boto
____3. Pagprotesta sa pandaraya sa bilangan
b. Pagkakaroon ng
ng boto.
Snap Election
____4. Pagkawala ng katahimikan
c. Pagpapatunay ng
____5. Pag-alis ng dayuhang negosyante.
kredibilidad ni
Pangulong Marcos
d. Pagbagsak ng
ekonomiya
e. Paglalabanan ng
mga sundalo at
rebelde

13
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
Isaisip
Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong epekto ng Batas
Miltar sa pamumuhay ng mga Pilipino batay.
Mga Epekto ng Batas Militar
Positibong Epekto Negatibong Epekto

Isagawa
Panuto:Piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat lamang
ang letra ng sagot

____1. Pinakamahigpit na kalaban ni Pangulong Marcos sa politika.


____2. Isa raw miyembro ng NPA na pinaghinalaang pumatay kay
Ninoy.
____3. Ang tawag sa pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan at kamag-
anak?
____4. Ito ang tawag sa mga taong malalapit sa pamilyang Marcos.
____5. Ito ang naatasang magbigay ng proteksiyon kay Ninoy mula sa
panganib.

Benigno Aquino Jr. Rolando Galman


AVSECOM nepotismo crony

Tayahin
Panuto: Basahin ang pangungsap at piliin ang wastong sagot. Isulat sa
sagutang papel.
1. Saan naganap ang asasinasyon ni Sen. Ninoy Aquino noong Agosto
23, 1983?
a. Manila International Airport
b. Diosdado Macapagal International Airport
c. Clark International Airport
d. Zamboanga International Airport
2. Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw
sa Pilipinas mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.
a. 1989 EDSA People Power Revolution
b. 1988 EDSA People Power Revolution
c. 1987 EDSA People Power Revolution
d. 1986 EDSA People Power Revolution

14
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
3. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa bansa ang nagbigay
wakas sa Batas Militar maliban sa isa.
a. Pang-aabuso ng pamahalaan
b. Paglapastangan sa mga karapatang pantao
c. Pagkawala ng karapatang bumoto
d. Pagdami ng mga dayuhan sa bansa
4. Ano ang patunay na ginawa ni Pangulong Marcos para malaman ang
tunay na kalagayan ng bansa at ang kanyang kredibilidad?
a.Batas Militar c. Coup d’ etat
b. Snap Election d. Suffrage
5. Ang komisyong nagsuri o nagsiyasat sa tunay na dahilan ng
pagpaslang kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
a. Schurman Commission c. Misyong OsRox
b. Taft Commission d. Agrava Commision

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumupit ng larawan ng taong lubos mong hinahangaan dahil
sa taglay nilang mga katangian at idikit sa hugis parisukat. Sa kaliwa
ay ay itala ang mga dahilan kung bakit mo siya hinahangaan.

Dahilan__________________________________________
_________________________________________________
(Larawan ng taong
Lrawan _________________________________________________
hinahangaan) _________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_

15
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
MODYUL 4_ARALIN 2)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
16
BALIKAN PAGYAMANIN
SUBUKIN
1. C Enrichment
Activity
2. A
1. /
1. MALI
3. C
2. /
2. TAMA
4. D
3. X
3. MALI
5. C
4. /
4. TAMA
5. /
5. TAMA
TAYAHIN ISAGAWA PAGYAMANIN
1. A 1. Benigno Independent
Aquino Jr. Practice
2. D
2. Rolando 1. C
3. D Galman
2.D
4.B 3. Nepotismo
3.A
5.D 4. crony
4. E
5. AVSECOM
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

17
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
6
Araling Panlipunan
Modyul 4- Aralin 3:
Pagtalakay sa mga Pagkilos at
Pagtugon ng mga Pilipinong
Nagbigay Daan sa
Pagwawakas ng Batas Militar
(People Power 1)

18
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 2)
Alamin
LAYUNIN: Natatalakay ang ang mga pagtutol sa Batas Militar na Nagbigay-
daan sa Pagbuo ng Samahan Laban sa Diktaduryang Marcos
Naiisa-isa ang mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa Pagbuo ng
“People Power 1”.

Subukin
Panuto: Ano ang masasabi ninyo sa mga sumusunod na personalidad o
simbolo? Papaano sila naiugnay sa Edsa Revolution o People Power
Revolution 1? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

19
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
Aralin Pagtalakay sa mga Pagkilos at Pagtugon
ng mga Pilipinong Nagbigay Daan sa
3 Pagwawakas ng Batas Militar
(People Power 1)

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isa o dalawang titik ang
ibibigay upang maging gabay sa pagsagot.

1. Siya ang asawa ni Pang. Corazon Aquino na binaril sa Manila


International Airport ng siya ay bumalik sa Pilipinas. N ________ A ______
2. Ibang katawagan sa Batas Militar. M _________________ L _____________
3. Tanyag na direktor na ipinakulong ni Pang. Marcos. dahil gumagawa siya
ng mga pelikulang nagpapakita ng paglaban sa kanyang pamahalaan.
L __________ B __________
4. Buwan kung kailan pinirmahan ang Batas Militar. S ___________ 21,
1972
5. May-ari ng PLDT,Manila Electric Company na ipinakulong dahil
pinagbintangang nais niyang ipapatay si Pang. Marcos.
E ________________ L ________________ Jr.

Tulkasin
Ito ay ilang linya sa awiting “ MAGKAISA “ na isinulat ni Sen. Vicente
Sotto III para sa Edsa Revolution 1.

Ngayon ganap ang Panahon na ng Kapit kamay


hirap sa mundo pagkakaisa
Unawa ang kailangan Kahit ito ay hirap at Sa bagong pag-asa.
ng tao dusa.
Ang pagmamahal sa Magkaisa at magsama
kapwa ilaan

• Ano kaya ang pakahulugan mo sa mga liriko ng awitin?

20
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
Suriin
Bakit ba naisipan ng mga mamamayang Pilipino na
magsagawa ng People Power Revolution? Hindi ba madadaan sa
mabuting usapan ang mga suliraning kinakaharap noon ng
ating bansa partikular na sa pamahalaan?

Mga Reaksyon sa mga Patakaran ng Pamahalaan


* Parami ng parami ang nagalit na mga mamamayan sa pamamalakad
ni Pang. Marcos. Naghirap ang maraming Pilipino. Nasikil ang
kanilangnkalayaan.
Nagkaroon ng sunod-sunod na rali at demonstrasyon.

* Mga Iba pang Kaganapan


Enero 17, 1981 – nilagdaan ni Pang. Marcos ang Proklamasyon
Blg.2045, na nagwakas sa Batas Militar sa
Pilipinas
Abril 07, 1981 – pinagtibay ang pamahalaang parlamentaryo
ng bagong Republika.
Hunyo 16, 1981 – nagdaos ng halalan para sa panguluhan ng
Bansa ayon sa itinakda ni Pang.Marcos

SNAP ELECTION
a. Idinaos ang Snap Election noong Pebrero 07, 1986 o tinatawag
na Biglaan o Dagliang Halalan.
b. Nakalaban niya si Corazon Aquino na sa katotohanan ay hindi
ninais na pumasok sa pulitika.
c. Bilang asawa ng pinaslang na lider na si Ninoy, siya ang
pinakabuhay na biktima ng kasamaan ng rehimeng hindi
marunong kumilala sa karapatang pantao.
d. Isang milyong pirma ang kinalap ni Cory for President Movement
sa pamumuno ni Chino Roces, si Cory ay nagpahayag na
lumaban kay Marcos.
e. Ginamit na slogan ni Marcos ang “Marcos pa rin, at Marcos- More
than Ever.” samantalang “Tama na, Sobra na, Palitan na” ang
ginamit naman ni Cory Aquino.
f. Nagkaroon ng dayaan sa pagbibilang ng boto, sapagkat magkaiba
ang lumalabas na resulta sa computer na gamit ng COMELEC at
bilang ng NAMFREL.
g. Nagdaos ng isang rali na tinatawag na Tagumpay ng Bayan ang
sambayanang Pilipino sa pangunguna nina Cory Aquino at
Salvador Laurel sa Luneta Park.

MGA PANGYAYARI SA 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION 1


# Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Peb. 22-
25,1986.

# Ang People Power ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile (Kalihim

21
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
ng Tanggulang Pambansa) at si Hen. Fidel Ramos (Vice Chief of Staff
ng Sandatahang Lakas) ay tumiwalag sa administrasyong Marcos
noong Pebrero 22, 1986, at ito ay ipinahayag nila sa telebisyon.

# Nanawagan si Arsobispo Cardinal Jaime Sin sa Radyo Veritas sa mga


taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng
sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo.

# Dumagsa ang napakaraming tao sa EDSA. May dala-dalang mga


inumin, pagkain para sa mga sundalo. Dito ganap na nagsimula ang
tinaguariang People Power Revolution 1.

# Tinatayang nasa mga hanggang 3 milyong katao (mga sibilyan, maging


ang mga madre at pari ) ang pumunta sa EDSA, sa Channel 4 at sa
Mendiola Bridge. Buong tapang nilang sinalubong ang mga tangke sa
EDSA.

# Nagpadala ng mga sundalo at mga helicopter gunship si Ferdinand


Marcos upang salakayin ang Camp Aguinaldo upang paalisin at
patigilin ang mga mamamayang Pilipino ngunit hindi sila nagtagumpay.

# Maraming nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa


pamumuno ng mga madre at pari.

# Noong Pebrero 25,1986; ganap nang nagtagumpay ang sambayanang


Pilipino.

# Sa harap ni Mahistrado Claudio Teehankee, si Corazon Aquino ay


nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ang
nanumpa bilang pangalawang pangulo sa harap ni Mahistrado Vicente
Abad Santos.

# Sa Malacañang naman ay nanumpa rin si Marcos bilang nagwaging


pangulo sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Aquino ngunit batid
nilang wala na silang magagawa dahil taong-bayan na ang kanilang
kalaban. Gabi ng Peb. 25 ay umalis ang pamilya Marcos patungong
Hawaii.

Pagyamanin
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Siya ang lumaban sa pagkapangulo kay Marcos.
2. Sa mga petsang ito nangyari ang makasaysayang EDSA
Revolution.
3. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na opisyal na namamahala sa
bilangan tuwing eleksiyon.
4. Dito nagtungo ang pamilya Marcos noong umalis sa Pilipinas.
5. Siya ang arsobispo na tumulong upang maging matagumpay ang
People Power Revolutio

22
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
6.

Isaisip

Mula sa inyong natutuhan tungkol


sa People Power Revolution 1,
ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng
larawan.
Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.

Isagawa
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa EDSA Revolution 1.
Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.
____ a. Sumalakay ang mga sundalong kakampi ni Marcos sa Camp
Aguinaldo upang patigilin ang taong bayan.
____ b. Nanawagan si Cardinal Sin sa mga Pilipino na suportahan ang
mga sundalo na nasa Kampo Krame at Camp Aguinaldo.
____ c. Nagbitiw sa tungkulin sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile.
____ d. Nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas.
____ e. Hinarangan ng taong bayan ang mga tangke at pinakiusapan
ang mga sundalo na huwag ituloy ang kanilang balak.

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa loob ng bituin.
1. Ilang araw tumagal ang People Power Revolution 1?
a. 5 b. 3 c. 6 d. 4
2. Ilang milyong pirma ang kinalap upang mapapayag si Cory
Aquino na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas?
a. 1 b. 2 c. 4 d. 7
3. Bakit nagpadala ng mga sundalo si Pang. Marcos sa Edsa?
a. Upang paslangin ang lahat ng mga tao doon.
b. Upang pakiusapan ang mga mamamayang Pilipino.
c. Upang sapilitang paalisin at patigilin ang mga taong bayan.
d. Upang makisali sa ginagawa nilang rebolusyon.
4. Kailan nagwakas ang People Power Revolution 1?
a. Peb. 20, 1986 c. Peb. 25, 1986
b. Peb. 25, 1988 d. Peb. 20, 1988

23
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
5. Sa iyong palagay, bakit nakasira sa imahe ni Pang. Marcos ang
Batas Militar?
a. Dahil sumobra na siya sa katakawan sa kapangyarihan at
puro kasamaan ang ipinakita ni Marcos sa mga
mamamayang Pilipino.
b. Dahil maraming mga nakapaligid sa kanyang mga gabinete
na nagsusulsol sa kanya.
c. Dahil nakalimot siya sa kagandahang asal.
d. Dahil sa sobrang katalinuhan, nakalimutan ang katarungan
sa kapwa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pagsama-samahin ang mga salita sa ibaba upang maipakita
ang kabutihang naidulot ng People Power Revolution 1 sa ating bansa,
Isulat ito sa sagutang papel.

demokrasya pagkakaisa pananampalataya

Pilipino matapat

24
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
MODYUL 4_ARALIN 3)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
25
SUBUKIN:
a. Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile ( nagsimula
ng coup d etat )
b. Laban sign na ginamit sa Edsa Revolution 1
c. Cardinal Jaime Sin nanawagan sa mga taong
bayan na tumungo sa Edsa
d. Edsa Shrine ( simbolo ng Edsa Revolution 1 )
e. Corazon Aquino at Ferdinand Marcos
(naglaban sa Snap Election)
ISAGAWA:
BALIKAN:
1.Ninoy Aquino 3 a.
2. Martial Law 2 b.
3. Lino Brocka 1 c.
4. Setyembre 5 d.
5. Eugenio Lopez 4 e.
PAGYAMANIN: TAYAHIN:
1.Corazon Aquino
• D
2.Peb. 22, 1986
3. COMELEC • A
4. Hawaii
5. Cardinal Jaime • C
• C
• A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

26
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
6
ARALING
PANLIPUNAN
Modyul 4 - Aralin 4:
Pagtatanggol at
Pagpapanatili sa Karapatang
Pantao at Demokratikong
Pamamahala

27
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 3)
Alamin
LAYUNIN: Napahahalagahan ang Pagtatanggol at Pagpapanatili sa
Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala.

Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga gawain ay nakatulong sa
pagpapatatag at pagkamit ng kalayaan o karapatan at demokrasya sa
bansa at ekis (x) kung hindi

_____1. Karapatang mabuhay, maging malaya, magkaroon ng ari-arian


_____2. Hindi pinahintulutang makaboto ang mga kababaihang may
wastong edad
_____3. Karapatang mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may
kinalaman sa tanan
_____4. Karapatang makapamili ng pananampalataya o relihiyon
_____5. Kahit na ang tao ay akusado o nasasakdal, marahil ay
napagbintangan, tayo ay may mga karapatan na
pinangangalagaan ng ating pamahalaan

28
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Aralin Pagtatanggol at Pagpapanatili sa

4 Karapatang Pantao at Demokratikong


Pamamahala

Balikan
Panuto: Suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng People Power. Ipares
ang naging bunga sa hanay A sa mga sanhi sa hanay B.

A B
___1. Pagkakaroon ng snap election a. Pag-alis ng mga nagbibilang
ng boto
___2. Pagbaba ng halaga ng piso b. Pagbawi ng puhunan sa
pangangalakal
___3. Pagprotesta sa pandaraya sa c. Pagpapatunay ng
bilangan kredibilidad ni ng boto
Pangulong Marcos
___4. Pagkawala ng katahimikan d. Pagkakaroon ng Snap
Election
___5. Pag-alis ng dayuhang e. Paghihirap ng mamamayan
negosyante f. Pagbagsak ng ekonomiya
g.Paglalabanan ng mga
sundalo at rebelde

Tuklasin
Panuto: Pinangangalagaan ng ating pamahalaan ang mga
karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.Subukin mong
magtala ng mga karapatang pantao na umiiral sa demokratikong
pamahalaan tulad ng Pilipinas.

1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
4. ____________________________________________
5. ____________________________________________

Marami ka bang naitala sa talahanayan? Alam kong may kaalaman


ka na ukol sa paksang ito ng pamahalaan dahil natalakay na ito noong
nakaraang taon.

29
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Suriin
Mga Karapatan ng Mamamayang PIlipino
Lahat ng karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad sa
Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987. Mahalagang maunawaan ito ng
bawat Pilipinong katulad mo nang sa gayon ay matamasa mo ito at
maipaglaban ang iyong mga karapatan. Narito ang ilan sa mahahalagang
karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

Karapatan sa Buhay. Kinikilala ng ating Saligang-Batas na ang bawat


tao ay may karapatang mabuhay. Kung ipagkakait ito sa atin ay hindi
na natin matatamasa pa ang iba pang karapatang itinakda ng batas sa
Seksiyon 1 ng Artikulo III ay nakasaad na walang sinumang tao ang
dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian o kaya ay pagkaitan ng
pantay na pangangalaga ng batas ng hindi naaayon sa kaparaanan ng
batas.

Karapatan sa Kalayaan. Bawat mamamayan ay may karapatang


mapaunlad ang kanyang sarili, mamuhay ng may kalayaang maipahayag
at makamit ang kanyang naisin at adhikain sa buhay. Ngunit walang
karapatang walang hangganan. Ang pagiging Malaya ay hindi
nangangahulugang maaaring gawin ng isang tao ang lahat ng kanyang
naisin, sa halip nararapat na laging isaalang-alang ang kapakanan ng
kapwa.

Karapatan sa Pagmamay-ari. Isinasaad ng ating Saligang-Batas na ang


bawat mamamayan ay may karapatang magmay-ari at gumamit ng mga
ari-ariang kagaya ng bahay, lupa, sasakyan, kasangkapa at iba pa nang
naaayon sa batas. Kaugnay nito nararapat namang sundin ng
mamamayan ang regulasyong may kinalaman sa pagmamay-ari ng
anumang bagay. Halimbawa, ang isang taong may pag-aari ng lupa,
gusali at maging negosyo ay kinakailangang magbayad ng karampatang
buwis sa pamahalaan. Gayun din naman sa mga taong may sariling
sasakyan, kinakailangn nilang kumuha ng rehistro para legal nilang
magamit ito. Malinaw ring itinakda ng Saligang-Batas na ang pribadong
ari-arian ay hindi dapat kunin upang gawing pampubliko. Subalit ang
batas na ito ay nililimitahan ng kapangyarihan ng pamahalaan sa
eminent domain kung saan ang pamahalaan ay may karapatang kunin
ang pribadong ari-arian alinsunod sa mga kondisyon. (1) ang pagkuha
ay dapat nauukol sa gamit-pambayan (2) dapat ibigay ang wastong
kabayaran sa taong nagmamay-ari (3) ang kaparaanan ng batas ay dapat
sundin.

Kalayaan sa Pananampalataya. Ang karapatang panrelihiyon ay


itinadhana rin ng batas. Ito ay tumutukoy sa kalayaan ng bawat
mamamayang sumamba sa Diyos at tumanggap ng mga paniniwalang
panrelihiyon. Walang sinumang tao o institusyon ang maaaring
magdikta o makialam sa pananampalataya o paniniwalang panrelihiyon
ng isang tao. Yamang kinikilala ng Saligang Batas ang ganap na
paghihiwalay ng simbahan at ng estado, mahigpit na ipinagbabawal ang
paggawa ng batas para sa pagtatatag ng isang relihiyong pambansa.

30
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Malinaw na itinakda ng batas na dapat ipahintulot magpakailanman ang
malayang paggamit at pagtatama sa paghahayag ng relihiyon at
sumamba nang walang pagtatangi o pamimilit. Gayun din ang batas na
nag-uutos ng pagsusulit panrelihiyon sa pagtatamasa ng karapatang
sibil at pampolitika ay mahigpit ding tinututulan ng Saligang Batas.
Samakatuwid, maaaring gawin ng isang indibidwal ang kanyang
pananampalataya nang hindi pinakikialaman ng estado maliban na
lamang kung ito ay makapipinsala sa kaligtasang pampubliko, maging
sa moralidad at kapakanang panlahat ng lipunan.

Kalayaan sa Pananalita o Pamamahayag. Pinagtibay rin ng Saligang


Batas ang karapatan ng mga mamamayang maipahayag ang kanilang
mga saloobin at damdamin sa pamamagitan ng malayang pagsasalita at
pamamahayag. Isa sa mga katangian ng demokratikong pamamahala ay
ang pagbibigay karapatan sa mga mamamayang tumutol o sumalungat
sa pamahalaan. Maaari silang magtalumpati upang maipahayag ang
kanilang pagtutol, magmartsa upang magprotesta, magtanghal ng dula
o palabras, o di kaya ay gumawa ng iba pang bagay na nagpapakita ng
di pagsang-ayon. Subalit kailangang isagawa ito nang hindi
makasasagabal sa kalayaan ng ibang tao at kaligtasan ng bansa. Kung
wala ang mga karapatang ito, hindi masasabing umiiral ang
demokrasya. Saklaw rin ng kalayaan sa pamamahayag ang paggamit ng
mga babasahin, magasin. dyaryo, aklat at iba pa. Kasama rin ang radyo
at iba pang anyo ng mass media o mga instrument ng komunikasyon.
Hindi rin maaaring pagbawalan ng pamahalaan ang paglalathala sa
pahayagan ng mga balitang dapat malaman ng madla, ito man ay
naglalaman ng puna o pagbatikos sa mga pinuno ng pamahalaan,
magkalat ng kasinungalingan laban sa isang tao. Ang matalinong
pamamahayag at pananalita ay laging may kaakibat na pananagutan
kung kaya’t ang sinumang lalabag sa itinadhanang limitasyon ng
pagtatamasa ng kalayaang ito ay maaaring mahatulan ng angkop na
kaparusahan.

Karapatan sa Malayang Pagdulog sa mga Hukuman. Isinasaad sa


Seksiyon 11 ng Saligang Batas na hindi dapat ipagkait sa sinumang tao
ang kalayaang dumulog sa hukuman nang dahil sa kahirapan, sa halip
ay tungkulin ng estado na tulungan ang mga nangangailangan. Ang
lahat ng mga tao ay may kani-kaniyang karapatang dumulog sa
hukuman, siya man ay nasasakdal o hindi, maging anupaman ang
kanyang kalagayan sa lipunan. Ang isang nasasakdal ay may taglay na
mga karapatan sa harapan ng hukuman, gaya ng sumusunod:

1. Karapatang mabatid ang sumbong at paratang laban sa kanya


2. Karapatan sa sapat natulong pambatas
3. Karapatan sa di- makataong pagpaparusa
4. Karapatang huwag mapiit sa mga lihim na kulungan o solitary
confinement
5. Karapatang magpiyansa

31
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Pagyamanin
Gawain 1.
Panuto: Tukuyin ang inilalarawang karapatan ng bawat pahayag.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa linya.

1. Kasama sa karapatang ito ang radyo at iba pang anyo ng mass media
o mga instrument ng komunikasyon. _________________
2. Kinikilala ng ating Saligang Batas na ang bawat tao ay may
karapatang mabuhay _____________
3. Ang isang taong may pag-aaring lupa , gusali at maging negosyo ay
kinakailangang magbayad ng karampatang buwis sa
pamahalaan._________________________
4. Hindi dapat ipagkait sa sinumang tao ang kalayaang dumulog sa
hukuman nang dahil sa kahirapan, sa halip ay tungkulin ng estado
na tulungan ang mga nangangailangan._______________
5. Walang sinumang tao o institusyon ang maaaring magdikta o
makialam sa pananampalataya o paniniwalang panrelihiyon ng isang
tao.______________________.

Karapatan sa Buhay Karapatan sa Malayang


Pagdulog sa mga Hukuman
Kalayaan sa Pananampalataya Karapatan sa Pagmamay-ari
Kalayaan sa Pananalita o Karapatan sa Kalayaan
Pamamahayag

Isaisip
1. Ano-ano ang mahahalagang tungkuling dapat gawin ng mga
mamamayan upang patuloy na mapatatag ang demokrasya ng
bansa?
___________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit kailangang ituro sa paaralan ang karapatan
sa kabataang katulad mo
_____________________________________________
3. Mahalaga ba ang pagtatamasa ng kalayaan at karapatan ng mga
mamamayan? Bakit?

Isagawa
Panuto: Iguhit ang kung ang pangunguap ay nagsasaad ng
pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikon pamamahala at
X ang hindi.
___1. Karapatang magpiyansa
___2. Karapatang hulihin ang pinagsususpetsahan ng walang
warrant of arrest
___3. Kalayaan sa pananalita o pamamahayag
___4. Karapatang pumili ng relihiyong kabibilangan
___5. Karapatan sa pagmamay-ari.

32
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Tayahin
Panuto: Tukuyin kung aling uri ng karapatan ang ipinakikita ng
sumusunod na pahayag. Isulat ang titik sa sagutang papel.

A. Karapatan sa Buhay
B. Kalayaan sa Pananampalataya
C. Karapatan sa Kalayaan
D. Karapatan sa Malayang Pagdulog sa mga Hukuman
E. Kalayaan sa Pananalita o Pamamahayag
F. Karapatan sa Pagmamay-ari

____1. Ang pagiging malaya ay hindi nangangahulugang maaaring


gawin ng isang tao ang lahat ng kanyang naisin, sa halip
nararapat na laging isaalang-alang
ang kapakanan ng kapwa.
____2. Ang isang nasasakdal ay may taglay na mga karapatan sa
harapan ng hukuman
____3. Maaaring gawin ng isang indibidwal ang kanyang
pananampalataya nang hindi pinakikialaman ng estado maliban
na lamang kung ito ay makapipinsala sa kaligtasang
pampubliko, maging sa moralidad at kapakanang panlahat ng
lipunan.
____4. Isa sa mga katangian ng demokratikong pamamahala ay ang
Pagbibigay karapatan sa mga mamamayang tumutol o
sumalungat sa pamahalaan.
____5. Itinakda ng batas sa Seksiyon 1, ng Artikulo III ay walang
sinumang tao ang dapat alisan ng buhay, kalayaan, ari-arian o
kaya ay pagkaitan ng pantay na pangangalaga ng batas ng hindi
naaayon sa kaparaanan ng batas.

Karagdagang Gawain
Panuto: Magsagawa ng sariling pagsusuri, matapos malaman ang mga
karapatan, mangalap ng iba pang karagdagang karapatan na maaaring
pag-usapan sa klase.

33
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
MODYUL 4_ARALIN 4)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
34
Tayahin Isagawa
Independent
1. C 1. Practice
2. D 2. X A. T
3. B 3.
B. M
4. E C. T
4.
5. A D. T
5.
E. M
Guided Practice
Pagyamanin (Enrichment Activity)
Karapatan sa Buhay
Karapatan sa Malayang 1.Kalayaan sa pananalita o pamamahayag Subukin
Pagdulog sa mga Hukuman
2.Karapatan sa buhay 1. /
Kalayaan sa
3.Karapatan sa pagmamay-ari 2. X
Pananampalataya
Karapatan sa Pagmamay-ari 4.Karapatan sa malayang pagdulog sa mga 3. /
Kalayaan sa Pananalita hukuman
o Pamamahayag 4. /
Karapatan sa Kalaya 5. Karapatan sa pananampalataya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

35
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
6

ARALING
PANLIPUNAN
Modyul 4 - Aralin 5:
Pagtatanggol at Pagpapanatili
sa Demokratikong
Pamamahala

36
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 4)
Alamin
LAYUNIN: Napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa
karapatang pantao at demokratikong pamamahala..

Subukin
Panuto: Bilugan ang T kung tama ang pahayag ng pangungusap, M
naman kung mali.
T M 1. Bawat tao ay may karapatan na ipagtanggol ang
demokrasya.
T M 2. Ang mga tao ay walang kalayaan sa pagpapasya sa ilalim
ng pamahalaang demokratiko.
T M 3. Ang pamahalaan ay walang karapatan sa paggawa ng batas
para sa demokrasya.
T M 4. Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at
demokratiko.
T M 5. Ang demokrasya ay nagpapakilala sa kapangyarihan ng
nakararami o rule of the majority.

37
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
Aralin
Pagtatanggol at Pagpapanatili
5 sa Demokratikong Pamamahala

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung nagpapakita ng karapatan
ang isinisaad ng bawat pangungusap at ekis naman kung hindi.

____1. Ang isang tao ay maaring malayang dumulog sa mga


hukuman.
____2. Walang kalayaan ang bawat isa sa pagbibigay ng sariling
opinyon.
____3. Hindi nabibigyan ng sapat na tulong pambatas.
____4. Ang isang tao na nasasakdal ay maaring magpiyansa.
____5. Hindi maaring pumili ng relihiyon ang isang tao.

Tuklasin
Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa “kahalagahan ng
pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao demokratikong
pamamahala.’’

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Suriin
“Pagpapahalaga sa Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang
Pantao at Demokratikong Pamamahala”

Ayon sa ating Saligang Batas ng 1987, sa ilalim ng Artikulo II,


Seksyon 2 ay isinasaad na “Ang Pilipinas ay isang estadong republikano
at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng pamahalaan
at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan.” Maituturing na pamahalaang sentralisado ang
umiiral sa Pilipinas at sinusunod din ang sistemang presidensyal.

Narito ang ilan sa mga katangiang magpapatunay na ang Pilipinas ay


isang demokratiko at republikanong estado:
➢ Pananatili ng katipunan ng karapatan ng mga mamamayan o Bill of
Rights
➢ Pagkilala sa kapangyarihan ng nakararami o rule of the majority
➢ Pagkilala sa prinsipyo sa pamamagitan ng umiiral na batas at hindi sa
lakas ng tao

38
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
➢ Pagsasagawa ng eleksyon sa pamamagitan ng pagkilala sa kagustuhan
o kapasyahan ng nakararami
➢ Pagpapahalaga sa prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng
tatlong sangay ng pamahalaan.

“Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala”


Ang lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay
pandaigdigan, hindi mapaghihiwalay, nakaasa sa isa’t-isa at
magkakaugnay at nararapat na itinataguyod at ipinapatupad sa isang
pantay at matuwid na paraan, ng walang pagkiling sa pagpapatupad ng
bawat isa sa mga karapatan at kalayaang iyon.
Binibigyang diin na ang pangunahing responsiblidad at obligasyon
na ipatupad at ipagtanggol ang mga karapatang pantao at mga saligang
kalayaan ay nasa estado. Kinikilala ang karapatan at responsiblidad ng
mga indibidwal, mga grupo at mga kapisanan na itaguyod ang paggalang
sa isa’t isa at linangin ang kaalaman ukol sa mga karapatang pantao at
saligang mga kalayaan sa pambansa at pandaigdigang antas.

Ang layunin ng pagtataguyod at pagtatanggol sa mga karapatang


pantao at mga saligang kalayaan:
➢ Magbuo, sumali at lumahok sa mga non-governmental organizations,
asosasyon o mga grupo;
➢ Makipagtalastasan sa mga non-governmental o intergovernmental na mga
organisasyon.
➢ Malaman, makahanap, makakuha, makatanggap at makahawak ng
impormasyon kaugnay ng lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang
kalayaan kasama ang pagkakaroon ng tulay sa impormasyon. (kung paano
ang mga karapatan at mga kalayaang ito ay binibigyang katuparan sa lokal
na lehislatibo, panghukuman o administratibong sistema)
➢ Pag-aralan, magtalakayan, magbuo at panghawakan ang mga opinyon
patungkol sa pagkilala sa batas at sa gawa ng pamahalaan.

Maari nating ipaabot ang ating opinyon sa pamahalaan tungkol sa


kanilang mga patakaran at gawain ng mga namumuno at mga sangay ng
pamahalaan kaugnay sa mga paglabag ng mga karapatang pantao at mga
saligang kalayaan sa pamamagitan ng pagpetisyon o iba pang nararapat na
pamamaraan, sa mga may kakayahang pambansang panghukuman,
administratibo o lehislatibong awtoridad o iba pang may kakayahang
awtoridad na ibinibigay ng legal na sistema ng estado, na nararapat
magbigay ng desisyon sa reklamo ng walang pagkaantala na hindi
nararapat.

May karapatan tayong dumalo sa mga pampublikong pagdinig,


pangyayari at paglilitis upang makapagbuo ng opinyon sa kanilang pagsunod
sa mga pambansang batas at naayon na pandaigdigang obligasyon at
pangako, maaari rin tayong lumahok sa mga mapayapang aktibidad laban
sa paglabag ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan.

Ang estado ang siyang may responsibilidad na itaguyod at padaluyin ang


patuturo ng karapatang pantao at mga batayang kalayaan sa lahat ng antas
ng edukasyon at siguruhin na ang lahat ng taong responsable sa pagsasanay
ay ipinapaloob ang mga nararapat na salik ng pagtuturo ng karapatang
pantao sa kanilang programa ng pagsasanay.

39
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
Pagyamanin
Panuto: Oo o Hindi: Isulat ang “Oo” sa sagutang papel kung sang-ayon
ka sa pahayag at “hindi” naman kung di ka sang-ayon.

1. Ang estado ang siyang may responsibilidad na itaguyod at padaluyin


ang patuturo ng karapatang pantao at mga batayang kalayaan sa
lahat ng antas ng edukasyon.
2. May karapatan tayong dumalo sa mga pampublikong pagdinig,
pangyayari at paglilitis upang makapagbuo tayo ng opinyon sa
hakbang ng pamahalaan.
3. Ang lahat ng tao’y walang karapatang mag-isa.
4. Maituturing na pamahalaang sentralisado ang umiiral sa Pilipinas
at sinusunod din ang sistemang presidensyal.
5. Ang lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay
pandaigdigan.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod batay sa nahinuha mula
sa aralin.

Bilang isang mamamayan kailangang ay may kaalaman tayo


ukol sa pagtatanggol ng ating karapatang pantao at demokratikong
pamamahala. Ano sa iyong palagay ang kahalagahan nito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung tama ang isinasaad ng
pangungusap.

1. Tungkulin ng pamahalaan na panatilihin ang katipunan ng


karapatan ng mga mamamayan o Bill of Rights.
2. May karapatan tayong magkaroon ng partisipasyon sa gobyerno sa
pagsasagawa ng pampublikong gawain
3. Ayon sa ating Saligang Batas ng 1978, sa ilalim ng Artikulo II,
Seksyon 2 ay isinasaad na “Ang Pilipinas ay isang estadong
republikano at demokratiko
4. Ang lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay
pandaigdigan, hindi mapaghihiwalay, nakaasa sa isa’t-isa at
magkakaugnay.
5. Walang kinalaman ang pamahalaan sa pagbibigya ng karapatan sa
isang tao.

40
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
Tayahin
Panuto: Sumulat ng limang karapatan natin sa pagtatanggol sa
demokratikong pamamahala.
1.___________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita na
“Pagpapahalaga sa pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang
pantao at demokratikong pamamahala”
.

41
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
MODYUL 4_ARALIN 5)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
42
Pagyamanin Balikan Subukin
Isagawa
1. Oo A. / 6. T
1. 2. Oo B. X 7. M
2.
3. Hindi C. X 8. M
3.
4. 4. Oo D. / 9. T
5.
5. Oo E. X 10. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

43
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
6
ARALING
PANLIPUNAN
Modyul 4 - Aralin 6:
Mga Suliranin at Hamong
Kinaharap ng mga Pilipino
mula 1986 Hanggang sa
Kasalukuyan

44
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 5)
Alamin
LAYUNIN: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong
kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan.

Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung ang pahayag ay
tama at iwan itong blangko kung hindi.

___1. Ayon sa ating Saligang-Batas ng 1987, sa ilalim ng Artikulo II,


Seksyon 2 ay isinasaad na “Ang Pilipinas ay isang estadong
republikano at demokratiko.
___2. Lahat ng karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad sa
Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987.
___3. Hindi kinikilala ng Saligang Batas na ang bawat tao ay may
karapatang mabuhay.
___4. Bawat mamamayan ay may karapatang mapaunlad ang
kaniyang sarili.
___5. Ayon sa Saligang Batas ang mga mamamayan ay walang
karapatang ipahayag ang ating mga saloobin.

45
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
Aralin Mga Suliranin at Hamong Kinaharap

6 ng mga Pilipino mula 1986 Hanggang


sa Kasalukuyan

Balikan
Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng Karapatan ng
Mamamayang Pilipino ang ipinapahayag ng bawat pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Karapatan sa Buhay C. Karapatan sa Pagmamay-ari


B. Karapatan sa Kalayaan D. Kalayaan sa Pananampalataya
E. Kalayaan sa Pananalita

___1. Isinasaad ng ating Saligang Batas na ang bawat mamamayan ay


may karapatang magmay-ari at gumamit ng mga ari-arian
kagaya ng bahay, lupa, sasakyan, kasangkapan at iba pa nang
naaayon sa batas.
___2. Ito ay tumutukoy sa kalayaan ng bawat mamamayang
makapamili ng pananampalataya o relihiyon.
___3. Karapatang makapagpahayag o makapagsalita, makipagpulong
o sumali sa mapayapang pagtitipon.
___4. Ito ay isang uri ng karapatang mapaunlad ang kanyang sarili,
mamuhay ng may kalayaang maipahayag at makamit ang
kanyang naisin at adhikain sa buhay.
___5. Ito ay isang uri ng karapatang walang sinumang tao ang dapat
alisan ng buhay.

Tuklasin
Panuto: Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas. Ano sa
palagay mo ang mga suliranin at hamong ating kinakaharap sa
kasalukuyan? Itala ito sa ibaba.

1.__________________________________________
2.__________________________________________
3.__________________________________________
4.__________________________________________
5.__________________________________________

46
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
Paano mo ito sinusulusyunan?
Anu-ano ang mga hakbang na iyong ginawa/ ginagawa?

Suriin
Mga pangunahing Suliranin at Hamong kinaharap mula 1986
hanggang sa kasalukuyan
A. Mga Suliranin ng Pamahalaang Corazon C. Aquino
• Problema sa may 25,000 komunista na ibig buwagin ang
pamahalaang demokratiko
• Malawakang paghihirap ng mamamayan
• Pagkalugi ng mga bangkong pag-aari ng pamahalaan
• Malawakang katiwalian sa pamahalaan
• Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa
ekonomiya ng bansa
• Pagbawi sa mga nakaw na pera ng Pangulo at Gng. Marcos sa
kaban ng bayan.

B. Mga suliraning kinakarap ni Pangulong Fidel V. Ramos


• Dahil sa pag-alis ng kontrol sa presyo ng langis, tumaas ang
presyo ng mga bilihin
• Nagkaroon ng malawakang pangongolekta ng mas mataas na
buwis dahil sa pagpapairal ng expanded value-added tax na
kinainisan ng maraming tao.
• Marami ang katiwaliang naganap, tulad ng nawawalang mga
pondo ng gobyerno, na tinatawag na pork barrel.
• Umangat ang kaunlaran ng bansa ngunit ang dating mayaman
lamang ang lalong yumaman at ang mahihirap ay hindi gaanong
natulungan.
• Maraming lupang pansakahan ang ginawang mga subdibisyon
na tinayuan ng condominium o townhouses, golf courses, at
resorts para sa mayayaman.
• Tumaas ang kriminalidad tulad ng paggamit ng ipinagbabawal
na gamot o droga, carnapping, panggagahasa at pagpatay,
panghoholdap sa mga bangko, pagnanakaw, at kidnap for
ransom. Pinaniniwalaang sangkot dito ang mga dating pulis at
sundalo.

C. Sa pamumuno ni Pangulong Estrada, binigyan ng priyoridad ng


pamahalaan ang ekonmiya ng bansa ngunit marami ang naging
hadlang sa kanyang mga programang pangkabuhayan gaya ng:
• Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa
• Mga kalamidad na naganap sa ating bansa.
• Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asya ay nagdulot ng pagbaba
sa halaga ng piso.
• Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin dahil sa
pagbaba ng halaga ng piso.

47
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
• Ang pagsasara ng maraming pabrika, bangko, at sari-saring
kompanya dahil sa kakulangan sa pondo.
• Ang kaguluhan sa Mindanao na dulot ng Abu Sayyaf.
• Ang patuloy na kriminalidad, kidnapping, at pagkalat ng
ipinagbabawal na gamot
• Ang mga malawakang katiwalian sa pamahalaan at malaking
kakulangan sa pondo nito
• Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa
ekonomiya.

D. Nang muling manungkulan si Pangulong Arroyo, maraming


suliranin ang kinaharap ng bansa:
• Mataas ang kriminalidad sa buong bansa
• Patuloy na giyera na dulot ng pag-atake ng United States sa Iraq.
• Mabilis ang pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar.
• Malawakan ang pagpupuslit ng mga produkto mula sa ibang
bansa (smuggling).
• Patuloy ang pagtaas ng halaga ng langis, kuryente, at mga
pangunahing bilihin.
• Lumobo ng husto ang kakulangan sa badyet ng pamahalaan.
• Malala ang katiwalian sa pamahalaan
• Mababa ang moral ng mamamayan
• Walang tiwala ang mga lokal at dayuhang negosyante sa
ekonomiya ng ating bansa.
• Lumaki ang utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa.

E. Mga Hamon at suliranin sa panahon ng pamumuno ni


Pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III ay ang mga
sumusunod:
• Kakulangan sa pondo ng pamahalaan
• Malaking utang sa ibang bansa
• Katiwalian sa pamahalaan
• Kakulangan sa trabaho
• Kakulangan sa puhunan sa pangangalakal
• Kahirapan sa pamumuhay ng mga Pilipino

F. Nang maupo sa panunugkulan si Pang. Duterte, maraming


suliranin ang kinaharap ng bansa. Narito ang mga naging
hamon sa kanya:
• Kawalan ng paggalang sa batas
• Korapsyon, kapwa sa matataas at mabababang antas sa
pamahalaan
• Pagguho ng tiwala sa pamahalaan
• Laganap na pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na
gamot
• Paglaban sa terorista
• Malaki ang bilang ng mahihirap
• Patuloy na pagtaas ng mga bilihin

48
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
• Mataas ang bilang ng mga mamamayan na walang trabaho at
dumami ang bilang ng nangingibang bayan.
• Malalang smuggling o pagpupuslit ng mga inaangkat na
kalakal mula sa ibang bansa

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ay tunay na nangyari, M
kung hindi ito totoong nangyari, at O kung ito ay isang opinyo lamang.

___1. Nagkaroon ng malawakang pangongolekta ng mas mataas na


buwis dahil sa pagpapairal ng expanded value-added tax na
kinainisan ng maraming tao sa panahon ng pamumuno ni
Pangulong Ramos.
___2. Isang mahusay na pinuno ng bansa si Pangulong Erap Estrada.
___3. Nagkaisa ang mga miyembro ng gabinete sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong Ninoy Aquino.
___4. Isa sa mga suliranin at hamon na kinaharap ni Pangulong
Duterte ay kawalan ng paggalang sa batas ng mga Pilipino.
___5. Lumaki ang utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa.

Isaisip
Panuto: Batay sa iyong mga nababalitaan, anu-ano ang
pinakamalaking suliranin at hamong kinakaharap ng ating bansa
sa ngayon? Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang
matulungan ang pamahalaan sa paglutas ng mga ito?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag kung ito ay mga
suliraning kinaharap ng ating bansa.

1. Pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar.


2. Laganap ang pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
3. Mga kalamidad sa ating bansa.
4. Mataas na pagtitiwala ng lokal at mga dayuhan sa ating bansa.
5. Malawakan ang pagpupuslit ng mga produkto mula sa ibang
bansa (smuggling).

49
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
Tayahin
Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng suliranin at hamong
kinaharap ng mga sumusunod na pangulo.

Pang. Corazon C. Aquino


Pang. Fidel V. Ramos
Pang. Joseph E. Estrada
Pang. Gloria M. Arroyo
Pang. Benigno Simeon C. Aquino, III
Pang. Rodrigo R. Duterte

Karagdagang Gawain
Panuto: Magbigay ng iyong opinyon at ipaliwanag.

Alin kaya sa mga suliraning kinaharap ng ating bansa mula


1986 ang bumabagabag sa ating bansa magpahanggang sa
kasalukuyan?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

50
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
Susi sa Pagwawasto

5. O 5. T 5. A 5.
4. 4. T 4. B 4. /
3. O 3. M 3. E 3.
2. O 2. O 2. D 2. /
1. 1. T 1. C 1. /

ISAGAWA PAGYAMANIN BALIKAN SUBUKIN

Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

51
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

52
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
6
ARALING
PANLIPUNAN
MODYUL 4 - Aralin 7:
Mga Programang Ipinatupad
ng Iba’t-ibang
Administrasyon mula 1986
hanggang kasalukuyan

53
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 6)
Alamin
LAYUNIN: Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng ibat-
ibang administraston sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986
hanggang kasalukuyan.

-Natatalakay ang mga gampanin ng pamahalaan at


mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran
AP6TDK-IVef-6

Subukin
Panuto: Suriin kung kaninong administrasyon nangyari o
nabuo ang sumusunod na mga patakaran at programa ng
pamahalaan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

a. Corazon C. Aquino d. Gloria Macapagal Arroyo


b. Fidel V. Ramos e. Benigno Simeon C. Aquino
c. Joseph E. Estrada f. Rodrigo A. Duterte

___1. Pagsasagawa ng 4P’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program


___2. Pagtatatag ng Presidential Commission on Good
Government
___3. Pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap
ng ilegal na gamot
___4. Paglulunsad ng programang Philippines 2000
___5. Pagtatatag ng RORO o Strong Republic Nautical Highway

54
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Aralin Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t-ibang

7 Administrasyon
mula 1986 hanggang kasalukuyan

Balikan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga akronim. Isulat
ang iyong sagot sa linya.

1. CAPCM-_______________________________________
2. KBL-__________________________________________
3. NAMFREL-____________________________________
4. COMELEC-_____________________________________
5. EDSA-__________________________________________

Tuklasin
Ano-ano ang programa ng pamahalaan sa pagtugon ng mga
hamon sa pagkabansa ng Pilipinas mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan?

Suriin
Mga Ginawa ng Bawat Pangulo upang Matugunan ang Hamon ng
Kasarinlan, Kaunlaran, at Pagkabansa

Bahagi ng bawat lipunan ang pamahalaan. Ang pamahalaan ang


tumatayong makinarya na umaakay at gumagabay sa mga gawain ng
bansa. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan nito para sa
kapakanan ng mamamayan at bansa.
Narito ang mga programa at patakaran ng mga naging pangulo
ng bansa mula 1986 hanggang sa kasalukuyan na ginawa upang
matugunan ang mga hamon ng ating natamong kasarinlan at
demokrasya.

55
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Corazon C. Aquino
(Pebrero 1986-Hunyo 1992)

Ang 20 taong paghahari ng mga Marcos ay nagwakas noong


gabi ng Pebrero 25, 1986. Ipinahayag niya ang Proklamasyon Blg. 3
na mas kilala bilang “Freedom Constitution. Nakasaad dito ang
sumusunod na mga probisyon tulad ng pagpapahayag ng
pambansang alituntunin sa mga pagbabagong hinihingi ng mga tao;
paggamit ng pansamantalang konstitusyon at pagtiyak sa isang
maayos at payapang transisyon ng pamahalaan sa ilalim ng bagong
konstitusyon. Narito ang ilan sa kanyang programa.

* Pagpapatupad ng Trade Liberalization


* Pagtatatag ng Presidential Commission on Good Government
* Pagkakaroon ng National Housing uthority (NHA)
* Pagpapatupad ng bagong probisyon ng Comprehensive Agrarian
Reform Program
* Pagpapatibay ng Batas Republika Blg.6655 o Free Public
Secondary Education Act of 1986
* Pagpapatibay ng Atas Republika Blg. 6675 o Batas Generics

Fidel V. Ramos
(Hunyo 1992-Hunyo 1998)

Ang Philippines 2000 ang programang tumatak sa


administrasyong Ramos. Layunin ng programang ito na makamit ang
kasarinlang pang-ekonomiya at mapabilang ang Pilipinas sa mga
newly industrialized country sa taong 2000. Hinikayat niya ang mga
dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas upang magkaroon ng malayang
pakikipagkalakalan ng Pilipino sa buong mundo. Narito ang mga
programa sa kanyang administrasyon.
* Pagtatatag ng Presidential Anti-Crime Commission
* Pagtatatag ng Special Zone for Peace and Development in
Southern Philippines (SZOPAD) at ang Southern Philippines
Council for Peace and Development (SPCPD)
* Paglulunsad ng Programang Philippines 2000
* Paglikha ng mga Special Economic Zones (SEZ)
* Pagpapatupad ng Social Reform Agenda (SRA)
* Paglulunsad ng Moral Recovery Program (MRP)
* Paglulunsad ng Ecological Waste Management Program

56
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Joseph E. Estrada
(Hunyo 1998-Enero 2001)

Siya ang ikalawang pangulo ng bansa na hindi nakapagtapos ng


kolehiyo. Ang una ay si Emilio Aguinaldo na nag-aral sa Letran
College. Tulad ni Aguinaldo, siya rin ang bukod tanging nanumpa
bilang pangulo sa simbahan ng Barasoain noong Hunyo 30, 1998.
Dahil dito siya ay nakilala bilang The Centennial President. Narito
ang kanyang mga programa sa kanyang administrasyon.

* Pag-aalis ng Countrywide Development Fund


* Pagpapatupad ng Asset Privatization Trust
* Pagtataas ng pondo para sa edukasyon ng 20% at pagsasagawa
ng Adopt-a- School Program
* Pagsasagawa ng Enhanced Retail Access for the Poor Progra
o ERAP
* Pagbibigay-tuon sa Poverty Eradication Program

Impeachment Trial
Hindi niya natapos ang kanyang termino sapagkat siya ay
sumailalim sa isang paglilitis sa kasong plunder. Napakaraming tao
sa Edsa Shrine ang nanawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Estrada
kaya noong Enero 20, 2001 napilitang magbitiw sa pagkapangulo at
nanumpa bilang pangulo si Gloria Macapagal Arroyo.

Gloria Macapagal-Arroyo
(Enero 2001-Hunyo 2010)

Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa at ikalawang


naging pangulo sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon noong
Enero 20, 2001. Muli siyang nahalal bilang pangulo noong Hunyo 30,
2004. Maraming programang pang ekonomiya ang kanyang
ipinatupad. Narito ang ilan sa mga kilalang programang ito.
* Pagtatangkang sugpuin ang korupsiyon sa tulong ng EPS o
Electronic Procurement System
* Pag-atas sa Presidential Anti-Graft Commission upang
magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyales ng
pamahalaan
* Pagpapatupad ng Republic Act 8435 o ng Agricultural and
Fisheries Modernization Act o AFMA

57
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
* Pagpapatupad ng Kalahi Program o Kapit Bisig Laban sa
Kahirapan
* Pagpapatupad ng SEA-K Program o Self Employment
Assistance-Kaunlaran
* Pagsusulong ng Pambansang SME Development Program
* Pagpapatupad ng Strong Republic Nautical Highway o RORO
* Pagkakaroon ng Gloria Labandera Rolling Stores
* Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act,
Anti-Money Laundering Act at EVAT

Benigno Simeon C. Aquino III


(Hunyo 2010-Hunyo 2016)

Si Pang. Aquino ang unang naging pangulo ng bansa na binata.


Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino
at Pangulong Cory Aquino. Isa sa tumatak sa mga Pilipino ang
kanyang sinabi sa kanyang panunumpa bilang pangulo noong Hunyo
30, 2010. Ang kanyang slogan na Matuwid na Daan ang naging
batayan sa kanyang programa ng pamahalaan. Narito ang kanyang
mga programa sa kanyang administrasyon.

* Pagtatatag ng Botika ng Barangay (BnB)


* Pagsasagawa ng Expanded Program on Immunization (EPI)
* Paglulunsad ng Alaga Ka Para sa Maayos na Buhay (ALAGA KA)
* Pagpapalawak ng Saklaw ng mga Programang Pangkalusugan
ng Philhealth
* Paglulunsad ng K to 12 Program
* Pagbibigay ng Iskolarship sa Mahihirap upang makapag-aral sa
Kolehiyo
* Paglulunsad ng Abot-Alam Program
* Pagpapatupad ng Republic Act 10612
* Pagtatatag ng KALAHI-CIDDS
* Pagpapatupad ng 4Ps
* Pagpapabuti ng Kariton Klasrum
* Paglikha ng Republic Act 6713 (Code of Conduct)
* Paglulunsad ng programang Run After Tax Evaders (RATE)

58
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Rodrigo Roa Duterte
(Hunyo 30, 2016-kasalukuyan)

Nanumpa sa tungkulin si Rodrigo A. Duterte bilang Ikalabing-


anim na Pangulo ng ating bansa noong Hunyo 30, 2016. Narito ang
kanyang mga programa upang makamit ang tunay at
makabuluhang pagbabago.

* Paglaban sa matinding korupsyon sa matataas at mababang


antas sa pamahalaan
* Pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap
ng illegal na gamot
* Pakikiisa sa mga kapatid nating Muslim at pinuno upang
magkaroon ng kapayapaan
* Pagbawas ng mga rekesito at panahon sa pagproseso at
pagsumite ng mga aplikasyon
* Pagsulong ng transparency sa mga kontrata, proyekto, at
transaksiyon sa negosyo ng pamahalaan
* Paggalang ng Republika ng Pilipinas sa mga ksunduan at
internasyonal na obligasyon

Mga Tungkulin para sa Pag-unlad ng Bansa


Ang bansa ay binubuo ng mga mamamayan. Dahil dito, ang pag-
unlad ng bansa ay nakasalalay sa kanila. Bilang mamamayang may
pagmamahal sa bayan dapat tayong tumulong, makiisa at makilahok sa
anumang programa ng pamahalaan sa paglutas at pagsulong ng bansa.
Paano ito makakamit? Narito ang mga kailangan nating gawin:

1. Mahalin natin ang ating bansa.


2. Suportahan ang pamahalaan at tugunan ang ating mga karapatan.
Sundin at igalang ang mga batas.
3. Alagaan natin ang ating kapaligiran at ang mundo.
4. Tumulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa
pamahalaan.
5. Linangin at gamitin natin ang ating sariling mga kakayahan at
talento.
6. Maging produktibo tayo.
7. Pagbutihin at paunlarin natin ang mga produkto ng bansa.
8. Tangkilikin natin ang produktong Pilipino.
9. Makilahok tayo sa mga gawaing pansibiko.

59
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Pagyamanin
Panuto Isa-isahin ang programa ng bawat pangulo sa
pamamagitan ng paglalagay sa tamang hanay ng mga
kontribusyon ng bawat pangulo. Titik lamang ang isulat sa
talahanayan

Aquino Ramos Estrada Arroyo Aquino III Duterte

a. Paglikha ng Special Economic Zones


b. Pagpapatupad ng Trade Liberalization
c. Pagbibigay-tuon sa Poverty Eradication Program
d. Pagpapatupad ng K to 12 Program
e. Pagpapatupad ng KALAHI Program
f. Pagkakaroon ng transparency ng mga proyekto at kontrata ng
pamahalaan

Isaisip
Panuto: Punan ng nawawalang letra ang patlang upang mabuo ang
mga pangungusap.

a. Sa unang termino ng Pangulong Marcos ay ipinahayag niya sa


taumbayan na ang “P __ l i __ __ __ __ s” ay magiging dakila
muli. Marami ang pagbabago ang nangyari sa bansa sa unang
termino ng kanyang pamamahala kagaya ng:
b. Paglaki ng produksiyon ng “b __ _g __ __ s” at “ m __ __ s”.
c. Pagbaba ng bilang ng “K r __ __ __ n a l i __ __d”.
d. Pagbaba ng katiwalian sa “P __ __ __ __ __ l a a n.”
e. Pagpapalawak at higit na pagpapabuti ng mga programa at reporma
sa __ __ p __”.

Isagawa
Kung ikaw ang pangulo ng bansa, anong mga programa ang
iyong ipatutupad upang malutas ang kahirapan at mapaunlad ang
pamumuhay? Magbigay ng dalawa. Sabihin kung bakit.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

60
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Tayahin
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang nagpapatunay na naibalik ang karapatan ng mga
mamamayan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Corazon
Aquino?
a. Pagbabayad ng utang
b. Pagkakaroon ng eleksiyon
c. Pagkawala ng mga rebelde
d. Pagkakaroon ng Saligang Batas
2. Ano ang pangunahing programa ng pamahalaan ni Pangulong
Ramos?
a. Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
b. Pag-aangkat ng mga produkto sa ibang bansa
c. Pagpaparami ng ari-arian ng pamahalaan
d. Pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa
3. Paano napaunlad ni Pangulong Ramos ang ekonomiya ng bansa?
a. Nakapagpatayo siya ng mga daungan ng barko.
b. Nakapamuhunan ang Pilipinas sa kalakalan sa ibang bansa.
c. Nahimok niyang mamuhunan dito ang mga negosyanteng
dayuhan.
d. Nag-imbita siya ng mga dayuhanng eksperto sa ekonomiya
na tumulong sa bansa.
4. Sino ang pangulong nag-atas sa Presidential Anti-Graft Commission
upang magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng
pamahalaan?
a. Pangulong Joseph E. Estrada
b. Pangulong Gloria M. Arroyo
c. Pangulong Benigno Aquino III
d. Pangulong Rodrigo Duterte
5. Bakit patuloy na nakararanas ng paghihirap ang karamihan sa
mga Pilipino?
a. Tamad sila at hindi nakakaisip ng paraang
makapaghanapbuhay
b. Patuloy ang pakinabang na nakukuha ng mga dayuhan
dito
c. Malala ang korupsyiyon sa pamahalaan
d. May iba’t-ibang sanhi ito

61
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Karagdagang Gawain
Panuto: Sa pamamagitan ng BLOCKBUSTER ay tukuyin ang

inilalarawan ng mga pahayag. Isulat ang iyong sagot sa linya.


1. Ang k_______ l ay tawag sa mga produktong binibili at
ginagamit ng mga mamamayan.
2. P ___________d ang tawag sa serbisyong ipinagkakaloob ng
isang tao sa kanyang kapwa at lipunan.
3. Sakop ang tinatawag na e_________a ang koryente, langis,
hangin at araw.
4. Ang l_________s ay pangunahing pinagkukuhanan ng
enerhiya ng bansa.
5. Isa sa mga bansang pinag-aangkatan ng langis ng Pilipinas
ang S____i A______a.

62
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
MODYUL 4_ARALIN 7)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
63
Subukin
1. e 2. a. 3. f. 4. b. 5. d.
Balikan
1. CAPM- Corazon Aquino for President Movement
2. KBL- Kilusang Bagong Lipunan
3. NAMFREL- National Movement for Free Elections
4. COMELEC- Commission on Election
5. EDSA- Epifania Delos Santos Avenue
Pagyamanin
Aquino-b Ramos- a Estrada- c Arroyo- e
Aquino III- d Duterte- f
Isagawa
Maaaring iba-iba ang sagot. Hal. Programa sa paglinang ng likas na
yaman-Ito ang magbibigay sa ating mga kailangan at kayamanan,
Programa sa pagkakaroon ng trabaho ng mga mamamayan-Kailangan
upang magamit nila ang kanilang talion, lakas at sipag upang maging
produktibo sa paglinang ng likas na yaman ng bansa.
Tayahin
1. b 2. a 3. c 4. b 5. c
Karagdagang Gawain
1. kalakal 2. Paglilingkod 3. enerhiya
4. langis 5. Saud Arabia
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

64
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
6

ARALING
PANLIPUNAN
Modyul 4 - Aralin 8:
Pagpapahalaga ng mga
Pilipino sa Pambansang
Interes

65
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 7)
Alamin
LAYUNIN: Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan
tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at
maunlad na bansa. (Pampuliti.

Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng


mamamayan sa mga programa ng pamahalaan tungo
sa pag-unlad ng bansa.
(AP6TDK-IVef-6)

Subukin
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Magbigay ng ilang pangungusap
tungkol sa mga larawan sa ibaba.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

66
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
Aralin
Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa
8 Pambansang Interes

Balikan
Panuto: Magbigay ng isang programa ng mga sumusunod na
pangulo ng Pilipinas.
1. Fidel V. Ramos ________________________________________________
2. Corazon C. Aquino ____________________________________________
3. Gloria Macapagal Arroyo ______________________________________
4. Joseph E. Estrada ____________________________________________
5. Rodrigo R. Duterte ____________________________________________

Tuklasin
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong karanasan mula ng
ipatupad ang quarantine o ang hindi paglabas ng bahay ng mga tao
lalo na ng kabataang katulad mo dulot ng paglaganap ng Covid 19.

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin
Ano nga ba ang Kontemporaryong isyu? Bakit kailangan nating malaman
ang mga ito? Ano ang kahalagahan nito sa ating pang araw araw na
buhay?

I. KONTEMPORARYONG ISYU ay ang anumang pangyayari, ideya,


opinyon at paksa kaugnay ng isang pangkasalukuyang usapin o
suliranin na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao.

*PANGPULITIKA/PANGLIPUNAN
- ang talamak na korapsyon sa hanay ng matatas na opisyal ng
bawat ahensya ng pamahalaan
- ang hindi matigil na pagkalat ng pinagbabawal na gamot
- patuloy na pagtaas ng bilang ng nawalan ng hanapbuhay
- ang patuloy na pag abuso sa karapatang pangtao
- ang patuloy na isyu sa usaping pag agaw ng China sa teritoryong

67
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
sakop ng Pilipinas
- ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga OFW sa kabila ng
pandemya dulot ng Covid19 o Corona Virus
- ang hindi matapos na hidwaan ng mga opisyal ng bansa
- ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng New People’s Army at
pamahalaan
- ang pagtugon sa mga naging epekto ng kalamidad gaya ng
malawakang pagbaha
- ang mga batas at mga panuntunan na ipinatutupad kaugnay ng
pandemya na hindi akma sa mga ordinaryong mamamayan

*PANGKALUSUGAN
- ang paglaganap ng Corona Virus na nakaapekto sa kalusugan at
kabuhayan ng mga tao
- ang kakulangan ng wastong pagtugon sa pandemya
- ang kakulangan sa mga medical practitioner
- ang hindi sapat na pasahod sa mga nurses ng bansa
- ang pagpapatupad ng Universal Healthcare

*PANGKABUHAYAN
- ang pagtaas ng mga presyo ng pangunahing produkto sa mga
pamilihan bunga ng kakulangan ng suplay
- ang pagsasara ng mga negosyo na nagbunga ng kawalan ng
hanapbuhay ng maraming tao
- ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya

*PANGKAPALIGIRAN
- ang global warming o mabilis na pag-init ng mundo dahil sa mga
greenhouse gases na maaring magdulot sa bansa ng sobrang init o
sobrang pagbuhos ng ulan
- ang patuloy na pagdumi ng tubig dulot ng mga basurang itinatapon
na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng “red tide” o mikrobyo sa mga
lamang dagat
- ang kawalan ng sistema sa pamamahala ng basura
- ang patuloy na pagputol ng mga puno
- ang pagtatapon ng mga landfill sa mga ilog
- ang pagsira sa bundok upang gamitin na artipisyal na buhangin sa
Manila Bay
- ang pagkakaroon ng malawakang pagbaha tuwing may bagyo dulot
ng pagkakalbo ng mga kagubatan

II. PAKIKILAHOK NG MGA MAMAMAYAN SA MGA PROGRAMA NG


PAMAHALAAN
May mga programa ang pamahalaan tungo sa kaunlaran na
kailangan ang pakikilahok ng mga mamamayan. May mga grupo na
binuo upang maliwanagan ng mga tao kung bakit kailangan ang
paglahok ng mamamayan sa mga usapin at programa ng pamahalaan.
Isa na dito ay ang Galing Pook Foundation. Sa pakikilahok ng mga
mamamayan sa positibong paraan ay magkakaroon ng katuparan ang
mga proyekto ng pamahalaan. Sa kabilang banda maiiwasan ang mga
maling gawain ng mga pinuno sa dahilang alam nila na nakamasid ang
mga mamamayan.

68
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
Pagyamanin
Panuto: Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon o datos

PAKSA SANHI BUNGA


1. Isyung Pangkalusugan
2. Isyung Panglipunan
3. Isyung Pangkapaligiran
4. Isyung Pangkabuhayan
5. Pakikilahok ng Mamamayan

Isaisip
Ang anumang pangyayari, ideya, opinyon at paksa kaugnay ng
isang pangkasalukuyang usapin o suliranin na nakakaapekto sa mga
tao ngayon ay maaaring ituring na kontemporaryong isyu. Mula sa mga
isyu pangkapaligiran, edukasyon at kalusugan, ang kontemporaryong
isyu ay makikita sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay. Ang
kontemporaryong isyu ay mga isyu ng kasalukuyang panahon.
Karamihan sa mga ito ay mga isyu na hindi naranasan ng mga ninuno
natin sa mga nakaraang panahon at sa kasalukuyan lamang naging
malaking usapin ang mga ito.
Kasama rin sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na
problema sa lipunan. Ito ay mga isyu na mula noon at hanggang sa
kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng karampatang solusyon at
nanatiling bahagi ng mga usapin ng modernong lipunan.
Ang mamamayan ay inaasahang makikilahok sa mga programa
ng pamahalaan tungo sa kaunlaran. Maraming magandang epekto ang
pakikilahok ng mga mamamayan sa ating bansa.

Isagawa
Panuto: Lagyan ng (/) tsek kung ang isinasaad ng pangungusap
ay may kinalaman sa kontemporaryong isyu at (x) kung hindi ito
isyu.

______ 1. Ang pinag -uusapang extra judicial killing ay hindi nagkaroon


ng katapusan.
______ 2. Naging malubha ang kontrobersya ng usaping pondo ng
ahensya ng pamahalaan partikular na ang Philhealth.
______ 3. Ang pagbukas ng bagong kalsada na nagbibigay ng maikling
byahe mula sa Norte patungong Timog.
______ 4. Ang patuloy na pandemyang sa buong bansa ay nagdudulot ng
kahirapan sa maraming mamamayan.
______ 5. Mas magiging tapat sa tungkulin ang mga opisyal ng
pamahalaan kung ang mga mamamayan ay nakikiisa sa mga
proyekto ng pamahalaan.

69
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
Tayahin
Panuto: Isulat kung anong isyu ang ipinahihiwatig ng bawat
pangungusap. (Pangpulitka/Lipunan, Pangkapaligiran,
Pangkabuhayan at Pangkalusugan)

1. Patuloy na ipinatutupad ang iba’t-ibang uri ng quarantine


sa buong bansa upang maiwasan ang pagkalat ng
nakakahawang corona virus. _____________________________
2. Naging malaking hamon sa taong bayan lalo na sa mga
guro, magulang at mag-aaral ang pagpapatupad ng No
Face-to-Face class sa halip ay ginawa itong online o
modular class upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga
kabataan. _______________________________________________
3. Kamakailan ay tinamaan ng dalawang magkasunod na
malalakas na bagyo ang na nagdulot ng malawakang
pagbaha, pagkasira ng kabuhayan at pagkamatay ng
maraming tao. Isa ito sa mga epekto ng pagkakalbo ng mga
kagubatan. ______________________________________________
4. Sa kabila ng kinakaharap na suliranin sa pandemya ay
patuloy pa din ang pagkalat ng mga ipinagbabawal na
gamot sa buong bansa.___________________________________
5. Sa loob ng halos labing isang buwan na lumalaban ang
bansa sa Covid 19 ay marami ang nagsara na malalaki at
maliliit na negosyo. Marami din ang nawalan ng trabaho at
maging ang ibang OFW ay pinabalik sa Pilipinas. Dulotnito
ay ang malaking epekto sa ekonomiya, dahilan upang
bumagsak ang ekonomiya ng bansa.______________________

Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang isang mamamayan ng bansa ay mayroon kang
tungkulin na makibahagi sa mga programa ng pamahalan. Sa iyong
gulang at bilang isang mag-aaral, paano m maipapakitaang
pakikipbahagi sa mga programa ng pamahalaan. Isulat ang iyong sagot
sa kahon sa ibaba.

70
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
MODYUL 4_ARALIN 8)
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
71
BALIKAN
1. Pilipinas 2000
2. Presidential Commission on Good Governance (PCGG)
3. Strong Republic Nautical Highway o RORO
4. Pagsasagawa ng Enhanced Retail Access for the Poor Program o
ERAP
5. Pagsugpo sa mga kriminalidad sa lansangan at paglaganap ng
illegal na gamut
ISAGAWA TAYAHIN
1. tsek 1. Pangkalusugan
2. tsek 2. Panglipunan
3. ekis 3. Pangkapaligiran
4. tsek 4. Panglipunan
5. tsek 5. Pangkanuhayan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat sa Araling Panlipunan

• Antonio, Eleanor D. et.al., Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan 6, Rex Bookstore Inc. Quezon City,2015
• Eleonor D. Antonio, EMILIA L. Banlaygas and Evangeline M. Dallo:
Kayamanan 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Rex
Printing Company, Inc. ISBN 978-971-23-8314-4
• Marites b. Cruz, Julia T. Gorobat and Norma C. Avelino: Yaman ng Pilipinas,
Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6, EDCRISH
INTERNATIONAL INC. ISBN: 978-9710421-30-5
• Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino
6, Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City,2018
• Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, Batayang aklat sa Kasaysayan, Heograpiya
at Sibika para sa Ikaanim na Baitang: Book Media Press, Inc. ISBN 971-540-
122-8
• Araling Panlipuna 6: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa,Pahina 170- 171
• KLEAFS Publishing
• Pilipinas sa Bagong Milenyo
• Lunday ng Kalinangang Pilipino 6
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
• Vibal Publishing House, inc. · Address: 1253 G. Araneta Avenue Quezon City

Internet
• https://lrmds.deped.gov.ph
• https://tl.m.wikipedia.org/wiki
• www.slideshare.net
• https://www.ohchr.org/Documents/Issues/Defenders/Declaration/
DeclarationHRDFilipino.pdf
• https://aralipunan.com/kontemporaryong-isyu/
• https://www.slideshare.net/billyreyrillon/mga-isyung-pangkapaligiran
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4
• https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0

72
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Pio Valenzuela Street,Marulas Valenzuela


City,1440

Telefax: (08)-292-4340

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

73
(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN_6
MODYUL 4_ARALIN 8)

You might also like