You are on page 1of 22

lOMoARcPSD|35464336

3.3 ( Sanaysay )

Bachelor of Secondary Education (Cagayan State University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)
lOMoARcPSD|35464336

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


GRADO 7
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.3
Panitikan: Sanaysay
Teksto: “Ang Ningning at ang Liwanag” ni Emilio Jacinto
Wika: Mga Pahayag sa Panghihinuha ng Pangyayari
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIIf-g-15)


 Nahihinuha ang kaalaman at motibo/ pakay ng nagsasalita batay sa
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ((F7PB-IIIf-g-17)


 Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga
pantulong na kaisipan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ((F7PT-IIIf-g-15)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha.

PANONOOD (PD) ((F7PD-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng
napanood na dulang pantelebisyon.

PAGSASALITA (PS) ((F7PS-IIIf-g-15)


 Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng tauhan na hindi tuwirang
ibinibigay ang kahulugan.

PAGSULAT (PU) ((F7PU-IIIf-g-15)


 Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari sa
teksto.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) ((F7WG-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng pangyayari.

Ikatlong Markahan| 49

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) ((F7PD-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood
na dulang pantelebisyon.

PAGSASALITA (PS) ((F7PS-IIIf-g-15)


 Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng tauhan na hindi tuwirang ibinibigay
ang kahulugan.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Sanaysay


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (PICTURE PUZZLE)


May inihandang puzzle ang guro para sa bawat pangkat na naglalaman ng
mga larawan ng problemang kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan.
Bubuuin ng bawat pangkat ang mga larawang ito. Kung sino ang unang
makakabuo ng larawan ang siyang tatanghaling panalo.

Ikatlong Markahan | 50

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

http://media.philstar.com/images/pilipino-star-ngayon/opinyon/20150610/pinoytoon.jpg

Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga isyung panlipunan ang tinatalakay ng larawan?
b. Ibigay ang inyong sariling opinyon tungkol dito.
c. Mayroon bang mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga opinyon
ng isang tao tungkol sa isang isyu?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Pagpapanood ng video clip mula sa isang dulang pantelebisyon na
nagpapakita ng iba’t ibang isyung panlipunan.

PANGAKO SA ‘ YO
https://www.youtube.com/watch?v=2IU722ZZYqg

Ikatlong Markahan| 51

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

ANALISIS

1. Aling dayalogo sa teleserye ang pumukaw ng inyong damdamin. Ibigay ang


kahulugan ng dayalogong ito para sa inyo.
2. Anong isyung panlipunan ang tampok sa inyong pinanood? Ano-ano ang
maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng mga isyung panlipunan sa
ating bansa?
3. Mayroon ka bang sariling opinyon tungkol sa mga isyung panlipunan na
nararanasan ng bansa? Ihayag ito sa klase.
4. Bukod sa mga dulang pantelebisyon, saan pa madalas
nailalahad/naipakikita/nababasa ang mga opinyon tungkol sa mga isyu o
suliranin ng ating bansa?
5. Anong akdang pampanitikan ang nasusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay tungkol sa
isang napapanahong isyu? May pagkakaiba ba ito sa ibang akdang
pampanitikan? Isa-isahin.

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan
na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. May dalawang anyo ang
sanaysay. Ito ang pormal o maanyo at pamilyar o personal.

1. Pormal o Maanyong Sanaysay – nagtataglay ng makatotohanang


impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat na tinalakay kaya’t
masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na nakatutulong sa
lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay
karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at
paglakbayin ang guni-guni. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at
moral ng mga mambabasa.

2. Pamilyar o Di-Pormal – tinatawag ding palagayang sanaysay. Ito ay


mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga karaniwan, pang-araw-araw at personal na paksa.
Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan
ng personalidad ng may-akda ay maaaring naranasan din ng mambabasa.
Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkakaibigan kaya magaan,
madaling maintindihan at palagay na palagay ang loob ng may-akda.
Malimit itong nasusulat sa unang panauhan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan | 52

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (DEAL OR NO DEAL?)


May ipakikitang briefcase ang guro. Sa loob ng briefcase ay may mga pahayag.
Aayusin ito upang matukoy ang pangkalahatang konsepto ng aralin. Kapag buo
na ang mensahe ay isisigaw ang DEAL!

na karaniwang Ang sanaysay ay at naglalahad ng


pumapaksa sa isang uri ng opinyon ng
mga kaisipan at panitikang manunulat
mga bagay-bagay nasusulat sa tungkol sa isang
anyong tuluyan paksa.

https://image.freepik.com/free-icon/white-case-suitcase-outline_318-56358.jp

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay at
naglalahad ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (SANAY SA PAGSASALAYSAY)


Gumawa ng isang pormal o di-pormal na sanaysay batay sa larawang ipapakita
ng guro.

“Paano ka
“Ang pamilyang
magtatagumpay
masaya”
sa buhay”

https://www.google.com.ph/search?q=google&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjU7uCqq9LPAhVBPiYKHSh
PCTYQ_AUICSgC&biw=1366&bih=662#tbm=isch&q=graduates+cartoon&imgrc=V7r4r7I2qYS1pM%3
https://www.google.com.ph/search?q=google&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjU7uCqq9LPAhVBPiYKHSh
PCTYQ_AUICSgC&biw=1366&bih=662#tbm=isch&q=mother+and+daughter+clipart&imgrc=uh6u1TPmZshA5M%3A

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng halimbawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.


2. Basahin ang sanaysay na “Ang Ningning at ang Liwanag”.
3. Ibigay ang pangkalahatang tema/ nilalaman ng sanaysay na magagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng isang kabataan.

Ikatlong Markahan| 53

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIIf-g-15)


 Nahihinuha ang kaalaman at motibo/ pakay ng nagsasalita batay sa
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ((F7PB-IIIf-g-17)


 Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong
na kaisipan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ((F7PT-IIIf-g-15)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha.

II. PAKSA

Panitikan: Sanaysay “Ang Ningning at ang Liwanag” ni Emilio Jacinto


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya ( ILISTA MO!)


Bawat pangkat ay magIilista ng mga bagay na hinihingi ng pahayag. Ibabahagi
ito sa klase.

Mga Bagay o Pangyayaring Mga Bagay o Pangyayaring


Nagpapakislap ng aking Mata Nagpapasaya ng aking Puso

Ikatlong Markahan | 54

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

Gabay na Tanong:
a. Gaano kahalaga sa inyo ang mga bagay na inyong inilista?
b. Alin sa mga bagay na ito ang higit ninyong dapat naisin? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga mahahalagang konseptong nakapaloob sa sanaysay na


“Ang NIngning at ang Liwanag”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S THE WORD?)


Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang hinuha sa mga salitang makikita sa
akdang tatalakayin.

SALITA HINUHA
1. Nakasisilaw
2. Ningning
3. Liwanag
4. Mabighani
5. nagpupugay
6. maralita
7. hinagpis

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WORD NETWORK)


Magbibigay ng hinuha ang bawat mag-aaral ukol sa pahayag na nakasulat
gamit ang word network o pagbibigay ng iba pang salitang may kaugnayan
dito.

Taong nasa Taong nasa


ningning liwanag

Ikatlong Markahan| 55

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

5. Pagkilala sa Awtor

Mungkahing Estratehiya (ATING KILALANIN!)


Magbibigay ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol kay Emilio Jacinto
na sumulat ng sanaysay.
Bukod sa pagiging manunulat ay higit na nakilala si Emilio Jacinto
bilang bayani noong panahon ng himagsikan. Siya ay sumapi sa Katipunan
sa edad na labinsiyam.

Siya ay tinaguriang Utak ng Himagsikan sapagkat tumayo siyang


kanang kamay ni Bonifacio at naging tagapayo, kalihim at piskal ng KKK.
Siya ang nagtatag at naging punong patnugot ng pahayagan ng Katipunan
na Kalayaan. Ginamit niya ang mga sagisag na Dimas-Ilaw at Pingkian.

Namatay siya sa edad na 23 bunga ng sakit na malaria at mahinang


katawan dahil sa tinamong sugat, sakit at hirap sa pakikipaglaban para sa
kalayaan ng bansa noong Abril 16, 1899 sa Magdalena Laguna.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag


ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.


Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang


isang karuwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y
marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan.


Tayo’y napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis
ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa
sipag kapagalang tunay.

Ikatlong Markahan | 56

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa


ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob
na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na
maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng
ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi
sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa
kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang


ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay


ang maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang
magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang
ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang


hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan;
nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning,
mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay


ng katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha
ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (IBUOD NATIN)


Ibubuod ang sanaysay na “Ang Ningning at ang Liwanag” sa tulong ng graphic
organizer.
PANGUNAHING KAISIPAN

PANTULONG NA KAISIPAN PANTULONG NA KAISIPAN

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (JUST DO IT!)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa sanaysay
na binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Ikatlong Markahan| 57

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

Paksa: Paksa:
Pangkalahatang Tema Aral ng Sanaysay
ng Sanaysay
Mungkahing Estratehiya: 1 Mungkahing Estratehiya:
Dula-dulaan
2
Talk Show
Pagtatanghal ng maikling dula-
Pagtatanghal ng talkshow dulaan tungkol sa aral ng
tungkol sa pangkalahatang sanaysay.
tema ng sanaysay.

Paksa: Paksa:
Mga Taong Nagliwanag
ang Buhay at hindi
Nagpadala sa Ningning
3 Paraan ng Pagtatamo ng
Maliwanag na Buhay 4
Mungkahing Estratehiya: Paglikha
Mungkahing Estratehiya: ng Awit/ Sayaw Interpretasyon
Documentary Show
Paglikha ng awiting pumapaksa
Pagtatanghal ng documentary sa mga paraan ng pagtatamo ng
show tungkol sa mga kilalang maliwanag na buhay at
taong nagliwanag ang buhay at pagpapakahulugan nito sa
hindi nagpadala sa Ningning pamamagitan ng pagsayaw.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

Ikatlong Markahan | 58

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita


ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng
guro

ANALISIS

1. Ano ang pangunahing layunin ni Emilio Jacinto sa pagsulat ng sanaysay?


2. May pagkakaiba ba ang ningning at liwanag batay sa sanaysay? Ano ito?
Alin ang higit na mabuti sa dalawa para sa iyo? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa
ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan?
4. Bakit maituturing na sanaysay ang akdang binasa? Sa anong uri ng
sanaysay ito nabibilang? Bakit?
5. Paano mo magagamit sa personal mong buhay ang mga gintong aral na
iyong nakuha sa sanaysay?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (NINGNING O LIWANAG?)


Ilalagay ng mga mag-aaral sa liwanag ang mga konseptong may kaugnayan
sa aralin at sa ningning ang walang kaugnayan.

Ang mga bagay na Ang Ningning at


maningning na Liwanag na isa sa
minsa’y mga akda ni Emilio
nakapandaraya ay Jacinto ay isang
maaaring maging maikling kuwento.
ganap na liwanag
kung magagamit nang
wasto. Ito ay kanyang isinulat
noong panahon ng
Ang Ningning at pakikipaglaban ng
Liwanag ay isa sa mga Pilipino sa mga
mga akda ni Emilio Espanyol.
Jacinto.
Ang Ningning at
Ang Ningning at Liwanag na isa sa mga
Liwanag ay isa sa mga akda ni Emilio Jacinto
akda ni Jose Rizal. ay isang nobela.
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwin3vTN-
vrPAhXKmpQKHfysDBkQjBwIBA&url=http%3A%2F%2Fupload.ecvv.com%2Fupload%2FProduct%2F20126%2FChina_Modern_Iron_Glass_Simple_Chande lier_in_China2012611731142.jpg&bv
m=bv.136811127,d.dGo&psig=AFQjCNEXXLd7zhqxPta4DFbGxrN1APTu5w&ust=1477656754511050
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=&url=https%3A%2F%2Fclipartion.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F11%2Fthinking-light-bulb-clip-
art-lamps-ideas1-1024x1024.jpg&bvm=bv.136811127,d.dGo&psig=AFQjCNFTlcP85NLfGkDkH5ZGbo8GD2eMPA&ust=1477656887614738

Ikatlong Markahan| 59

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINKING BALOON)


Pupunan ang Thinking Balloon ng mga hakbang hinggil sa mga bagay na
maaari mong gawin upang maging ganap na liwanag ang mga bagay na nasa
loob nito.

KAYAMANAN
KAPANGYARIHAN
KARUNUNGAN

KAGANDAHAN

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay bagay na
kapupulutan ng aral sa mga mambabasa. Bakit isang sanaysay ang akdang
“Ang Ningning at Liwanag”?
a. Ang mga pangyayari sa akda ay nagpapahalaga sa pinagmulan ng
isang bagay.
b. Ang nilalahad sa akda ay opinyon ng manunulat tungkol sa mga isyung
panlipunan.
c. Ipinakita ang tagpong tulad ng sa maikling kuwento kung saan
tumatalakay sa isang momentum lamang.
d. Nagpapakita ito ng mga balitang nagaganap sa araw-araw sa isang
partikular na lugar.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ningning?


a. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackielou upang
magpahanga sa marami niyang mga kaibigan na kasama sa pasyalan.
b. Nag-aaral at nagsisikap si John upang maging isang doktor ng kanilang
bayan.
c. Nakita ni Roland na tama ang naging pasya ng kanyang kaibigang si
Aldrin na humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong sa
kanyang pamilya.
d. Si Jackie ay maganda na, mabait at masipag pa. Nag-aaral siya sa isang
pampublikong paaralan bagama’t may kaya sa buhay .

Ikatlong Markahan | 60

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

3. Alin naman sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng liwanag?


a. Si Aling Dolores ay nagdasal sa loob ng simbahan ngunit nang may
nanghingi ng limos paglabas niya ay galit na galit niya itong itinaboy.
b. Si Ferdie ay isang politiko na magaling magsalita at mangako sa
mamamayan ngunit nauuna naman ang sariling kapakanan.
c. Si Ana ay nagsusumikap na maghanap ng trabaho kahit hindi
nakatapos.
d. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas
kaya’t hindi malayong mangyari na ang mga taong nais magsamantala
sa atin ay magpapanggap na dalisay ang kanilang hangarin.

4. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Ano ang
nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
a. Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo.
b. Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na nagniningning.
c. Madalas nadadaya ang tao ng mga bagay na kumikinang.
d. Lahat ng nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng mensahe ng


sanaysay na binasa?
a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas
lamang.
b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkahumaling sa kinang ng
sanlibutan ay mapagtagumpayan.
c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng
kasinungalingan at kapalaluan.
d. Ang ningning at liwanag ay magkatulad lamang.

Sagot:
B A C D D

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang halimbawa ng sanaysay at ibigay ang pangunahing


kaisipan at pantulong na ideya na binabanggit dito.
2. Ano- ano ang mga pahayag na ginagamit sa paghinuha? Isa-isahin ito.

Ikatlong Markahan| 61

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) ((F7WG-IIIf-g-15)


 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng pangyayari.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Panghihinuha ng Pangyayari


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANG NAIS KO!)


Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga bagay na kanilang nais na nagsisimula
sa mga titik ng salitang LIWANAG. Bibigyang paliwanag kung bakit ito ang
naisin ng bawat isa at ibibigay ang hinuha kung paano ito makukuha.

ANG NAIS KO PALIWANAG HINUHA KUNG PAANO ITO


MAKUKUHA
L
I
W
A
N
A
G
Gabay na Tanong:
a. Alin sa inyong mga naisin sa buhay ang madaling matamo? Ipaliwanag.
b. Madali ba sa inyo ang paghihinuha? Bakit?

Ikatlong Markahan | 62

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga salitang ginagamit


sa paghihinuha?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (HINUHA SA LARAWAN)


Gagawa ng isang paghihinuha ang mga mag-aaral ng maaaring maganap kung
hindi mahahawakan o magagamit nang wasto ang mga larawang ipapakita ng
guro.

SALAPI GANDA

TRABAHO TALINO

Ikatlong Markahan| 63

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

KAPANGYARIHAN PAG- IBIG


https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwiTn7jC_vrPAhXFNpQKHQWpDFEQjBwIBA&url=https%3A%2F%2Fprincessandtrizia.files.wordpress.c
om%2F2014%2F09%2Fteacher-man.jpg&bvm=bv.136811127,d.d24&psig=AFQjCNHzQ72rkNhmUaRJCORvgZOONFXFkQ&ust=1477657815754383
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwi15YnS__rPAhWBipQKHULYCZEQjBwIBA&url=http%3A%2F%2Fcdn5.kozzi.com%2Fb1%2F14%2F3
07%2Fphoto-25641159-cute-cartoon-nerd-with-a-bow-tie.jpg&bvm=bv.136811127,d.d24&psig=AFQjCNGEyQrfH4uUO7pcuNZzjQCVoPWtXQ&ust=1477658108251617
https://i.kinja-img.com/gawker-media/image/upload/m9dezwquofzduswmmh68.gif
http://www.clipartkid.com/images/116/mayor-clipart-cov-cop-clipart-Lc1c5F-clipart.jpg
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/236x/5c/fc/cc/5cfcccc09d46695cb5c81836b4dc8685.jpg
https://www.google.com.ph/search?q=love+cartoon&tbm=isch&imgil=FcwtBE9uyKm-
DM%253A%253BIRUymNnj9uM9jM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fwww.chobirdokan.com%25252F2209%25252Fromantic-cartoon-
wallpapers%25252F&source=iu&pf=m&fir=FcwtBE9uyKm-
DM%253A%252CIRUymNnj9uM9jM%252C_&usg=__jsrLCOUaFeM7zmHyp5MlSlj4c0s%3D&biw=1366&bih=662&ved=0ahUKEwiRvuWZmPLPAhXFkJQKHUCDCh4Qy jcIJw&ei=
X1YNWNGSOcWh0gTAhqrwAQ

ANALISIS

1. Madali ba sa inyo ang pagbibigay ng hinuha? Bakit?


2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ginamit ninyo sa paghihinuha?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga salitang ginagamit sa paghihinuha.
4. Ano-ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng wastong hinuha?
5. Ang pagbibigay ba ng hinuha ay pawang positibo lahat? Paano ang
pagpapahayag ng mga hinuhang negatibo?

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N -( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

MGA PAHAYAG SA PAGHIHINUHA NG MGA PANGYAYARI


Bukod sa mga pahayag na natalakay mo sa ikalawang kabanata, isa
rin sa madalas na gamitin sa pagpapahayag, ito man ay pasulat o pasalita
ay ang paghihinuha. Ang hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang
mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon. May mga tiyak na salitang
ginagamit sa pagbibigay ng hinuha. lan sa mga ito ang sumusunod:

ang tingin ko ay... baka... di malayo...


di kaipala.. marahil... sa palagay...
siguro... tila... yata...
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan | 64

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S THE WORD?)


Buuin ang mga salita sa tulong ng mga ginulong titik upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

Dahil ang pagbibigay ng I H N U A H

ay maaaring maging negatibo o positibo,

A M G A H L A A

na mapag-aralan ang mga pahayag sa

A P G I H H I U N A H

upang maging maingat tayo sa


G A P P P A A A H A Y G

at nang sa gayon ay A M I A W N A S

nating makasakit ng A D M A D I M N

ng ating kapwa.

Dahil ang pagbibigay ng hinuha ay maaaring maging negatibo o positibo,


mahalaga na mapag-aralan ang mga pahayag sa paghihinuha upang
maging maingat tayo sa pagpapahayag at nang sa gayon ay maiwasan
nating makasakit ng damdamin ng ating kapwa.

APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (HINUHA MO, IBIGAY MO!)
Batay sa ilang programa ng pamahalaan, ibibigay ng mga mag-aaral ang
hinuha sa maaaring maging bunga nito sa buhay ng mga Pilipino.

PROGRAMA NG PAMAHALAAN BUNGA NITO SA MGA PILIPINO


Pag-iwas sa paggamit ng plastik
Scholarship program
Pagsugpo sa kriminalidad at droga
Curfew sa kabataan

Ikatlong Markahan| 65

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAGSANAY TAYO!)
Basahing mabuti ang mga talata. Pagkatapos ay lagyan ng angkop na salitang
ginagamit sa paghihinuha ang mga pangungusap na may puwang.

1. Malaki ang kaugnayan ng paglago ng kabuhayan at ng tumitinding


kahirapan, gaya ng pinatutunayan ng mga pangyayari sa Pilipinas at
maging sa ibang bansa. Ayon sa pinakahuling ulat, 26.5 porsyento ng
populasyon ng Pilipinas noong 2009 ay nabibilang sa mga dukha. Ang 26.5
porsyento batay sa 94.01 milyong populasyon noong 2010 ay katumbas ng
24.91 milyong dukha. Ang ibig sabihin ____________ ay halos kalahating
milyong Pilipino ang naragdag sa bilang ng mga mahihirap sa loob ng isang
taon lamang.

2. Ang Pilipinas ay isang arkipelagong binubuo ng may 7,100 malalaki at


maliliit na pulo. May tatlong pangunahing pulo sa bansa ito ay ang
Luzon,Visayas, at Mindanao. ____________ kung pagmamasdang mabuti
sa globo ang Pilipinas, ito ay mistulang maliit na ibong dumadapo sa
ekwador bilang bansang tropiko.

3. Ang Pilipinas ay mayaman sa kagubatan at maiilap na hayop. Mayaman


din ito sa anyong tubig. ____________ ang anyong tubig na ito ay
napakahalaga sa kabuhayan at kultura ng mga taong nakatira malapit sa
mga ito.

4. Maliit lamang ang Pilipinas ngunit ____________ ito nama'y nagbibigay ng


sapat na pangangailangan ng mga Pilipino.

5. Mayaman din ang ating bansa sa mga likas na yaman at kabundukan.


____________ masuwerte tayo at biniyayaan tayo ng Diyos ng
magagandang tanawin at masaganang lupain.

EBALWASYON

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang mga salita/
pahayag na ginagamit sa paghihinuha. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Maaaring gumanda ang buhay ng taong may pera. Ang pera ang
makapagdadala sa iyo sa rurok ng tagumpay.
a. maaari b. gumanda c. ng d. may

2. Pagkalulong sa bisyo ang sa palagay ko’y maaaring kahinatnan ng isang


taong sagana sa materyal na bagay sa buhay. Kapag hindi nila magamit
nang wasto ang kasaganahan nila sa materyal na bagay ay ito ang
kahihinatnan.
a. na b. ito c. maari d. sa

Ikatlong Markahan | 66

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

3. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging mayabang sa buhay. Nagiging


palalo sila at ginagamit ang kagandahan sa masamang paraan.

a. buhay b. nagiging c. ay d. tila

4. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na


posisyon sa pamahalaan. Ang kapangyarihan ay nakasisilaw sa mga taong
ito.

a. di-malayo b. umabuso c. sa d. may

5. Baka dumami ang kanyang kaibigan dahil sa dami ng pera niya sa bangko.
Ang pera ang kadalasang sukatan sa pagkakaibigan.

a. ang b. baka c. dahil d. ng

Sagot:
A C D A B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng hinuha sa bawat isang mag-


aaral?
2. Gumawa ng talatang naghihinuha kung paano mo makakamit ang mga
sumusunod na bagay:

MGA BAGAY NA DI- MATERYAL


Magandang kinabukasan
Magandang samahan ng pamilya
Maayos na hanapbuhay
Mabuting kaibigan
Payapang pamumuhay
Tahimik na kalooban
Talino at tyaga

3. Humanda sa pagsulat ng awtput 3.3.

Ikatlong Markahan| 67

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) ((F7PU-IIIf-g-15)


 Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari sa teksto.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.3


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (PANGARAP MONG TRABAHO!)


Pipili ang guro ng mga mag-aaral na maaaring magbahagi ng kanyang mga
pangarap at mithiing trabaho sa kanilang pagtanda. Magbibigay rin ng hinuha
kung paano ito makakamit.

ANG PANGARAP KONG HINUHA KUNG PAANO KO ITO


TRABAHO MAKAKAMIT

Ikatlong Markahan | 68

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)


lOMoARcPSD|35464336

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS


GOAL: Nakasusulat ng isang talatang naghihinuha ng ilang
pangyayari sa teksto.

ROLE: Isa kang editor-in-chief ng inyong pahayagang pampaaralan.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang pahayagang “YOUTH FORUM!”, ay nangangailangan


ng mga magsusulat ng isang sanaysay tungkol sa isang
paksa para sa pagbubukas nito.

PRODUCT: Sanaysay na nagpapahayag ng mga posibleng mangyari kung


ang isang tao partikular ang sarili ay magagamit nang tama ang
mga bagay na nagbibigay-liwanag sa kanyang buhay.

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng sanaysay. nilalaman ng mga naisulat nang
(4) (4) sanaysay. mga sanaysay.
(3) (1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa sanaysay. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) sanaysay. salitang ginamit.
(2) (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) sanaysay. sanaysay. sanaysay.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang dokumentaryo hinggil sa mga taong nagmula


sa hirap na nagtagumpay sa buhay. Ibigay ang sariling hinuha sa
pagtatagumpay na napanood.
2. Ano ang maikling kuwento? Ibigay ang kahulugan nito.

Ikatlong Markahan| 69

Downloaded by Jasmin Rocafort (jasminrocafort81@gmail.com)

You might also like