You are on page 1of 2

LETRANG “B”

Ang Bungisngis Na Biik at Balisang Butiki

“Biik…Biik…Biik… Bumungad muli ang umaga na puno ng saya!”

“Tsk…Tsk…Tsk… Ayan ka nanaman ke aga-agang puno ng balintuna.”

Sa tuwing mag tatagpo si Betty at Biki laging may bangayan na nangyayari.

Sa tuwing ngingisi si Betty may kalakip na banas ni Biki.

“Binilin sakin ni papa na laging maging masaya,

bungisngis daw ang paraan upang pawiin ang bumubulabog sa isipan”

“Haynako! Hindi totoo iyan, nasasabi mo ‘yan dahil hindi mo alam ang dinaranas ko!”

“Ikaw kaya maputulan ng buntot?”

Biik… Biik…Biik… Buntot pala ang dahilan sa pagkabalisa mo.

Tsk… Tsk…Tsk… Banaag sa bungisngis mo na baliw ako?!

Sa walang katapusang pagbabangayan,

‘di kalaunan napagtanto ni Biki na gumaan ang kanyang kalooban.

“Betty… Salamat ha, kahit ako’y balisa sinamahan mo ako tumawa”

“Walang-anuman Biki, ganito talaga ang mag-kaibigan, binabantayan ang bawat isa”

Ang pagkabalisa ay nagbibigay kaguluhan, ngunit ang bungisngis ay nagbibigay daan

tungo sa makulay may maliwanag na pagpapasiya.


Mga kagamitan:

 Showcard na may letrang “B”

Bb
 Larawan ng biik na si betty (Bumubungisngis), si Biki na butiki (Naiirita).

You might also like