You are on page 1of 1

KUYA KO YATA IYAN!

Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg at Nanay Lita. Kahit na malakas siyang kumain ay talaga
yatang patpatin ang kaniyang katawan at mga braso. Isang Sabado, lumabas si Bimbi upang makipaglaro sa
kaniyang mga kaklase. Sa harap ng tindahan ng kaniyang ninong, naabutan niyang naglalaro ng patintero sina
Boyet, Letlet, Tintin, at Maki. Sumali si Bimbi sa kanilang laro. Noong una, masaya silang naglalaro at
nagtatawanan. Dahil nga sa patpatin si Bimbi, madalas nananalo ang grupo niya dahil maliksi ang kaniyang
kilos. Hindi ito nagustuhan nina Boyet kaya, “Patpat! Patpat!
Hanging malakas, si Bimbi iyong ilipad pataas!” sigaw at panunukso nito. Nagtawanan nang malakas
sina Letlet at Maki. Hindi nagsalita si Bimbi. Sa halip, siya ay yumuko na lamang at tumahimik. Patuloy pa rin
ang malakas na panunukso nina Boyet. “Bimbing patpat, katawan mo’y ililipad, kaya’t ikaw ay humawak nang
hindi isama ng hangin pataas! Ha!Ha!Ha!” Maya-maya ay biglang natahimik ang lahat. Nagulat si Boyet sa
matipunong kamay na pumatong sa kaniyang balikat. “Kuya? Ku….Kuya! Yehey!” sigaw ni Bimbi. Walang kahit
anong salita ang lumabas sa bibig ni Kuya. Isang matalim na tingin lamang ang itinapon nito kay Boyet. Hiyang-
hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya, “Patawarin, mo ako Bimbi hindi na kita tutuksuhin,” sabi ni Boyet.
Sabay umuwi ang magkapatid. Habang nasa daan, napasigaw si Bimbi sa harap ng tinderang nakasalubong ng
ganito, “Kuya ko yata iyan!”

You might also like