You are on page 1of 4

Maikiling Kwento

Social Media Ano Na?

Sa isang malayong lugar na naunang kinain ng modernong panahon, aligaga ang mga kabataan dahil ito
ang kanilang unang araw ng pasukan, sa bagong paaralan na pinangalanang “Internet University.” Isa sa
mga maswerteng magiging unang estudyante ng paaralan, ang napaka-sikat at napakagandang babae na
si Fhoebee, siya ay madalas na pinagkakaguluhan at marami ang nahuhulog ang loob sakanya. Dahil
bukod sa pagiging maganda siya rin ay pinagpala ng katalinuhan marahil dahil na rin sakanyang hilig sa
pagbabasa ng libro. Pagpasok siya sa paaralan ay marami na agad ang nagkagusto sakanya, ika nga nila “I
like you Fhoebee!” Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, si Fhoebee ay may tinatagong kakayahan na
madalas ay nakakagoyo sakanila. Sa pagpasok ni Fhoebee sakaniyang silid aralan ay nakita niya agad ang
isang babae na pinagkakaguluhan ng kanyang mga kaklase. At nung lumapit siya ay saka niya lang
nakilala na kaklase niya pala ang kilalang mayaman at maarteng si Igee. Ito’y di matigil sa kakakwento at
pagmamayabang sa kanyang magaganda at pagmamayabang sa kanyang magaganda at mamahalin na
gamit gaya ng Louis Vuitton na bag at pati ang pinakamahal na sapatos sa buong mundo na kanyang
nabili mula sa designer neto na si Debbie Wingham. Kanya ring pinagmamalaki na, “Alam niyo ba guys,
ifollow niyo lang ang stories ko para naman updated kayo lagi at makita niyo rin na may kaklase kayo na
araw-araw nasa Starbucks at pabalik balik sa Maldives at Bali.” Talaga naming napaka ingay niya sa
pagbabahagi ng kung anu-ano pang magagandang bagay at lugar na meron siya at napuntahan niya.
Kaya agad-agad naman na nakisawsaw si Fhoebee sa usapan sa pinagsasasabi ni Igee, pilit niyang
sinisiraan ang mga kwento neto gaya na lang ng kanyang sinabi na, “Hoy wag nga kayong mahumaling sa
sinasabi ni Igee, duh! May daga raw ang mga inumin sa starbucks at naku! Peke lamang ang mga gamit
niyan ni Igee.” Nainis si Igee kay Fhoebee ngunit hinayaan niya na lamang ito at ngumiti pa tila ba
pinakita niya ang kabaliktaran ng kanyang nararamdaman. At heto na, nagsalita na ang kani-kanina
lamang ay napakatahimik na si Twee. Kung si Twee ay magsalita ay napakalimitado sa ilang salita
lamang, ngnit napaka-pranka niya. Walang alinlangan niyang sinabihan si Igee na, “napakaplastic mo
Igee.” dahil para kay Twee hindi ni Igee pinapakita na nagagalit na siya kay Fhoebee dahil nga sa ayaw
niya na makita ng tao na hindi siya natutuwa. Kanya ring kinuha ang atensiyon ni Fhoebee, at kanyang
binansagang “Fake news Queen ng University”. Agad namang pinatulan ni Fhoebee si Twee at sinabihan
na “Excuse me nga girl, andami mong sinasabi! Andami mong alam! Kaya nag-init ang ulo ni Twee at
magkakagulo na sana sa kanilang silid-aralan ng biglang pumasok ang kanilang matipuno na guro na si
Sir Google. Saka lamang sila umupo at patuloy na nagbatuhan ng masasamang tingin. Pero si Sir Google
ay agad na nagbigay agad ng gawain at yun ay ang pagkakaroon ng debate. Ang tema ng kanilang debate
ay, “Ano bang dapat gawin mo kapag may libre kang oras? Pupunta sa sinehan o manatili sa bahay
kasama at kausap ang pamilya mo?” Nainis lahat ang mag-aaral dahil nga sa unang araw pa lamang ay
may gawain na, kaya agad nagsulat sa papel si Fhoebee na nag-lalaman ng mensahe na, “Status Update:
Sa tingin ko bobo to si Sir Google.” Marami naman agad ang naniwala at tumawa dahil akala nila ay
pawing katotohanan ang sinasabi ni Fhoebee sakanila. Makalipas ang ilang sandal, nagsimula na ang
debate. At agad sumagot si Fhobee upang makuha niya ang atensiyon ng iba. “Para sakin ay mas mabuti
na lang na manatili sa bahay kesa pumunta sa sinehan dahil hindi naman magaganda ang pelikula at
delikado sa mall dahil alam niyo ba na napakaraming bomb threats sa lahat ng mall sa paligid natin,” ani
ni Fhoebee. Nang biglang nakisawsaw si Twee, “Edi tumunganga, mas maganda pang making ka sa
kwento ng kapamilya mo” Si Igee naman ang sunod na nagsalita at ang sabi niya ay, “Kung may libreng
oras ako? Hmmm. Aba sympre ay pupunta na lang ako sa sinehan, unang una makakapagpicture ako sa
sinehan para mapakita ko sa mga kaibigan ko at mamangha sila saakin, pangalawa napaka-boring naman
ng buhay ko kung sa bahay lang ako, ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko, at pangatlo dun tayo sa
may magandang view, pwera na lang kung mas maganda pa sa mall bahay mo”. At nang bigla nanaman
na sumabat si Twee, “Puro ka na lang paganda, painggit, ano na lang naiaambag mo sa lipunan?” Sagot
naman ni Igee, “Kung wala ako, wala silang magandang bagay na makikita, wag mo nga kaming idamay
sa boring at pathetic mong buhay Twee! Puro ka salita pero magandang impuwesiya ba na naririnig
namin na napakalutong mo rin magbura.” “Bakit ka ba nakikialam sa sinasabi ko sa buhay! At least ako
hindi ko pinipilit ang sarili ko na magpanggap para lamang ipilit na maganda ang feed ng buhay ko!”
Mainit na ang diskusyon ngunit natatawa lamang si Fhoebee. Pero si Sir Google ay pumagitna na sa
dalawa at sinabing “Oh tama na, lahat ng inyong sagot ay katanggap tanggap. Ngunit medyo may halong
pagyayabang at pang-aatake sa personal na buhay ng bawat isa.” At natapos ang araw na yun na busog
ang utak ng lahat dahil sa mga binagi na aralin ng napakatalinong si Sir Google. Kinabukasan ay nag-
anunsyo na si Sir Google na magkakaroon ang kanilang klase ng fieldtrip sa sunod na linggo. Bilang
bahagi ng kanilang aralin. Kaya lahat ng estudyante ay biglang nagging excited at halos hndi na
makapagantay sa kanilang fieldtrip. Umuwi agad sa araw nay un si Twee upang magpaalam sa kaniyang
magulang. Ngunit si Fhoebee ay natira sakanilang silid aralan na kasama si Igee at ang iba nilang kaklase.
Biglang nagkalat ng mga maling balita si Fhoebee dahil ayaw niyang sumama ang iba at para siya lang
ang makapunta at dumami pa ang mga nagkakagusto sakanya na tinatawag niyang “likers” niya. Si Igee
naman ay hindi naniwala dahil pursigido siya sa pag punta sa fieldtrip dahil gaya ng palagi niyang
ginagawa, ay magpipicture nanaman siya sa magagandang lugar, ng kanyang sarili na at sa ibang bagay
na magaganda sa paningin ng lahat, para may maipagyabang nanaman siya sa iba. Dahil sa pagiging
makasarili ni Fhoebee, naisipan niyang gamitin si Igee sakanyang plano laban kay Twee dahil madalas
siyang binibiwit neto gamit ang pangbabara. At dahil na rin sa inis ni Igee ay kinalimutan niya ang away
nila ni Igee at kanilang napagkaisahan ni Fhoebee na wag siyang isama sa filedtrip at magsinungaling kay
Sir Google na si Twee ay di makakasama. Dumating na nga ang araw ng fieldtrip at naunang dumating si
Fhobee at Igee. Dumating na rin Si Sir Google at nag-anunsyo na sa ilang minute lamang ay aalis na sila
at iiwan ang mga mahuhuli. Tuwang tuwa naman ang dalawa, dahil matutuloy na ang kanilang plano.
Sinulsulan pa ni Fhoebee si Sir Google nab aka raw ay umulan sa knilang pupuntahan kaya kailngan na
nilang umalis. At ayun na nga, umaandar na ang bus nang makita ni Sir Google si Twee na tumatakbo,
kumakaway sakanila at papalapit na saknila. “Haynaku, nakaabot pa ang pakialamera” ani ni Fhobee.
“Oh, Twee akala ko ba di ka makakapunta sabi ni Fhobee at Igee?” Tanong ni Sir Google sakanya. “Hala,
Sir wala pa akong sinasabing ganun” ang sagot ni Twee. Siya ay agad na pumasok sa bus at hinarap ang
dalawa. “Anong pinagsasasabi niyo na di ako makakapunta ah? Fakenews queen ka talaga Fhoebee, at
ikaw namang Igee antaas ng tingin mo lagi sa sarili mo” sigaw ni Twee sa dalawa. “Hoy, Twee mas
mabuti ng wala ka dito kaysa ako ang hindi makasama kasi kung wala ako magiging boring ang tao, lahat
ng tao kailangan ako kasi magaling ako at marami akong likers. Maganda ang profile ng buhay ko at pati
na rin ang timeline ng malulupet kong achievements kasi nga ako ang pinakamatalino dito. Lahat ng
gagawin at sasabihin ko paniniwalaan nila, tandaan mo yan,” sagot ni Fhobee sakanya. Biglang nakisama
naman si Igee sa gulo, ang sabi niya naman, “Oy kayong dalawa, making kayo sakin! Dahil kung ako
naman ang wala dito, lahat kayo magmumukhang pangit. Lahat ng tao pangit kasi ako ang maganda, ako
lang, ako ang nagbibigay ganda sa mundong ito. Satingin niyo ba mamahalin kayo ng ibang tao kung ang
pangit ng ginagawa, pinupuntahan at ng kung anong meron kayo?” Hindi na nakatiis si Twee at sinabi
niya parin ang kanyang panig, “Sus, ang yabang niyong dalawa! Kung ako ang wala dto? Siguradong
maraming tao ang tahimik lang sa gilid kahit na inaapi, inaaway, at binubully na sila. Kung wala ako,
walang taong magsasabi ng totoo, walang lalaban para sa sarili nila. Kasi ehemplo ako ng katotohanan at
walang halong kaplastikan Sobrang ingay na sa loob ng bus, nagkakagulo, at nagaaway-away na. Kaya
naman ang iba nilang kaklase ay gusto nang bumaba at ayaw ng tumuloy sa field trip dahil sa tatlo. Kaya
nag-iingay na rin ang iba dahil sa pinapatigil na nila Si Sir Google sa pagdadrive. Kaya ginilid ni Sir Google
ang bus at pinababa ang mga magaaral, pero ang tatlo ay patuloy sa pag aaway. At makalipas ang isang
minuto, natahimik sila dahil napansin nila na umilaw bigla likod ng bus at tinawag nila ang atensiyon ni
Sir Google. Kaya pag tigil niya ng bus, ay bglang lumabas ang kamay ng isang hugis parihaba na bagay at
bgla itong nagkamukha at di lumaon ay nagsalita. “Ako si Sellphony, madalas ako binebenta ngunit
kakaiba ako, dahil ako ang tinalaga ni Bathala bilang kanyang messenger.” Sumabat naman si Ig at ang
sabi niya pa, “Well, maganda bay an si Bathala?” “Matalino ba yan?” ani naman ni Fhoebee. “Shhhhh,
tumhimik nga kayo!” dagdag pa ni Twee. “Kayo nga ay mga kakaibang nilalang! Wala kayong karapatang
kwestiyunin ang Bathala! Ipapakilala ko siya sainyo! Makinig kayo mga suwail na nilalang!” ayon kay
Sellphony. “Ako si Bathala, kinalulungkot ko ang inyong pag-uugali, hindi ko inaasahan na ang mga
binigay kong pagkakaiba niyo ay gagamitin niyo laban sa isa’t isa. Di kayo matigil sa pagtutunggalian,
napakamakasarili niyo, hindi niyo na inisip ang epekto ng inyong mga ginagawa sa ibang tao! Nararapat
lamang na bigyan ko kayo ng leksiyon!” Takot na takot ang tatlo at biglang pumasok sa usapan ang
kanilang guro, “Bathala, bilang kanilang guro, ako’y humingi ng paumahin sa kanilang ginagawa at gusto
ko rin silang turuan ng tamang asal at punuin ang kanilang isipan ng kaalaman na hindi lamang sa
paaralan nila magagamit.” Sumagot ang Bathala, “Hangad ko ang kabutihan nila at hindi ko kakayanin
na makita silang lagging-nagtutunggalian para lamang sakanilang sarili. Kaya kayo ay pinaparusahan ko
ng pang-matagalang pananahimik at kayo’y kokontrolin ng inyong kapwa tao. Sa pamamagitan ni
Sellphony ay aking malalaman kung kayo ng aba ay talagang nagbago na.” Umiiyak ang tatlo, ngunit sa
isang iglap ay naglaho sila. Biglang nawalan ngbuhay si Sellphony at pinulot ito si Sir Google. At dun niya
lamang napagtanto na nakapasok sa Sistema ni Sellphony sina Fhoebee, Ig at Twee. Ito’y umiiyak at
puno ng pagsisisi ng kanyang Nakita, kaya naglakas loob si Sir Google na tawagan ang nag-iisang
nakaphonebook kay Sellphony. “Hello?” ani ni Sir Google. “Kung naririnig mo man ako Bathala ay
hinihiling ko na samahan ang tatlo sakanilang parusa, dahil bilang kanilang guro ay nararapat lamang na
naturuan ko sila ng tamang Gawain at pinaalam sakanila ang kanilang mga kamalin. San’y hindi pa huli
ang lahat para sila ay makalabas kay Sellphony at makapag-bagong buhay.” “Aking pagbibigyan ang
iyong kahilingan sir Google, ngunit ikaw ay wala na ring kasiguraduhang makabalik sa mundong ito
hangga’t sa di magbabago ang tatlong yan at hangga’t sarili lamang ang kanilang iniisip. Gusto kong
matuto sila na magtulungan at na tulungan ang tao na may iba’t iba ring hilig, pagkatao at
katayuan sa buhay.” At tuluyang naglaho si Sir Google sa bus na iyon kasabay ng alaala ng mga tao sa
Internet University kanila Fhoebee, Ig, Twee, at Sir Google. Sila ay araw-araw nating ginagamit ngunit
kapansin-pansin na hindi parin nagbabago ang tatlo kaya sila ay pare-pareho paring nagdudusa sa
kaparusahan na pinataw sakanila ni Bathala at pati na rin si Google ay wala paring magawa upang
tulungan ang tatlo kahit na siya’y napakatalino, nawa’y hindi tayo maging katulad ng kahit isa sa tatlo at
gamitin natin ang tatlo sa tamang paraan at wag payagan ang tatlo na maimpluwensiyahan tayo ng
kanilang pag-uugali.

You might also like