You are on page 1of 6

ANG MGA ANAK NI MANG GUSTING

Ugali nang sabihin nating ang mga anak ay siyang gabay ng mga magulang sa
pagtanda. Ngunit may mga anak na nagpapalagay na alalalahanin at pabigat ang mga
magulang na hindi nila kinakailangan pa. Mandi’y hindi nila naisip na bukas-makalawa
ay mga magulang din silang patungo sa pagtanda at mauuwi sa gayon ding kalagayan.
Ano kaya’t ang palagay nilang iyan ang tutubo rin sa isipan ng kanilang anak..
mamarapatin kaya nila?
Halos pabagsak na ibinaba ni Fely ang telepono.
“Buwisit!”
Inalis ni Gi ang salamin na mula sa ibinababang pahayagang hawak.
“Bakit na naman? Sino ba ‘yan?”
“Si Letty. Uuwi raw silang mag-anak sa Baguio at kung pwede raw ay dito muna
si Tatay.”
Nangunot ng noo ni Gi.
“Biro mo, isasaksak na naman dito ang matandang iyon!”

m
er as
Nagbuntunghininga si Gi. “Ikaw ang….Tatay mo naman iyon, a.”
“Oo nga. E kaso… alam mo namang ang hirap kapag narito ang Tatay. Ang

co
eH w
sikip-sikip na nga rito sa ‘tin. Saka sa mga anak mo lang kulang na kulang ang
sinusweldo mo…Idaragdag pa siya.”

o.
“Iyan namang si Letty…” patuloy sa pagsasalita si Fely, “hindi pa isama ‘yung
matandang iyon!” rs e
ou urc
Itinaas na muli ni Gi ang mukha at sinulyapan ang asawa. “Alam mo kung anong
napupuna ko sa inyong magkapatid? Ang sasama ng ugali ninyo sa Tatay ninyo!”
“Hindi mo naman naiintindihan, e.” padarag na sagot ni Fely. “Si Letty ang dapat
o

kumupkop sa kanya at mas may kaya sila nang kaunti kung sa atin rin lang. Saka
aC s

malaki ang lugar sa kanila, hindi paris dito na lilima-lima tayong mag-anak ay para
vi y re

tayong sardinas sa sikip.”


“Ku!” piksi si Gi at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.
Nagkukula si Fely nang marinig niya ang ugong ng pumarang sasakyan. Natiyak
niya agad na sina Letty na iyon. Padabog halos na muli niyang ibinalumbong at ibinalik
ed d

sa timba ang inilalatag nang damit. Saka kunwa’y nakangiting sinalubong ang mga
ar stu

bagong dating.
“Mano, Itay.”
“Naku, Ate, ang taba mo ngayon,” bulalas ni Letty.
is

“Tama ka na, sa’n ba ako tataba? Santambak na kunsumisyon ang inaabot ko


araw-araw sa mga pamangkin mo. Buti nga kamo kayo, puro gudtaym.”
Th

“Negosyo ang sasadyain namin sa Baguio,” paliwanag ng bayaw niyang si


Maning. “’To lang kapatid mo, mahilig sumama e. Kaya isasama na rin namin tuloy si
Boyet.” Ang nag-iisang anak ang tinutukoy ni Maning.
“Kung isinasama na rin ba ninyo ang Tatay,” padaplis ni Fely.
sh

“Damuho ka, pwede pa ba ako sa biyahe?” nakatawang sabad ng kanyang ama.


“Heto nga’t mula Quezon City hanggang Blumentritt lang e hinihingal na ako sa pagod.”
Nagtuloy sila sa sala at nagsiupo.
“Ang mga apo ko?” tanong ng matanda.

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
“Nasa eskwela ho ang dalawang malaki. Ayan ho ang bunso,” tinawag ni Fely
ang anak. “Jun, mano sa Lolo.”
Kiming inabot ni Jun ang kamay ng agwelo saka idiniit sa noo. Pagkatapos ay
yumakap sa ina at isinubsob ang mukha sa kandungan nito.
“Nahihiya. Ang tagal kasing hindi nakita ang Lolo niya. Bihira kasi kayong
pumasyal rito.”
“Hayaan mo,” hinaplos ni Letty ang buhok ng pamangkin, “Dito nang lagi ang
Lolo. Inyo na.”
Nagkatawanan.
Hindi nagtagal at nagpaalam na ang mag-asawang Maning at Letty.
“Kayo na muna ang bahala sa Tatay. Uuwi kami agad.” Si Mang Gusting ay
naiwan na sa anak niyang si Fely.
Dumaan ang tatlong araw.
Damdam ni Fely ay magkakasakit na siya. Kunsumisyon si Mang Gusting,
perhuwisyo pa sa mga bata. Sabagay, ang kay Mang Gusting ay malaking kagustuhan
lamang na makatulong. Katulad noong minsan…

m
er as
“Ako na ang maghuhugas ng pinggan, Fely. Magpahinga ka na.”
“Huwag na Itay. Ako na ho.”

co
eH w
Naggalit-galitan si Mang Gusting. “Bakit, akala mo ba’y mahina na ang ama mo
at hindi kayang magtrabaho kahit pakapa-kapa? Bitiw diyan at ako ang gagawa.”

o.
Nainis si Fely. Ang ginawa’y ipinagpag ang kamay at tumalikod. Pabayaan na
rs e
niya ang gusto ng ama bago siya makasagot ng hindi tama.
ou urc
Naupo si Fely sa sopa at humawak ng babasahin. Ngunit hindi pa halos niya
nabubuklat ay nagulantang na siya sa ingay na likha ng pagkahulog at pagkabasag ng
isang bagay. Takbo siya sa kusina. At halos ibig niyang mahimatay. Durug-durog sa
o

lapag ang mga kristal na basong kaytagal niyang iningatan.


aC s

“Naku…he..he.. pasensiya ka na anak. D-dumulas sa kamay.” Dinampot ng


vi y re

nanginginig na kamay ng matanda ang mga piraso ng nadurog na kasangkapan.


“E ano pa ba’ng magagawa ko kung di magpasensya? Ang kulit n’yo naman
kasi. Sinabing ako na…” padabog na kumuha si Fely ng pandakot at walis.
Habang nililinis ni Fely ang lapag ay nakamata si Mang Gusting, ayos humihingi
ed d

ng paumanhin. Talagang galit si Fely at sinadya niyang ipakita ang galit na iyon.
ar stu

Tukso! Sumabay pa ang iyakan ng mga bata. Nag-aaway. Nagmura na si Fely.


Sumugod siya sa kwarto at sa mga bata ibinunton ang galit. Pinagpapalo ang mga ito at
pinagmumura.
is

Kinagabihan. Nang inakala ni Mang Gusting na malamig na ang ulo ni Fely ay


pinasok niya ito sa kwarto.
Th

“Dahil sa nangyari kangina, anak,” pagsisimula ng matanda.


“Ang Tatay, wala na ho sa akin iyon. Ako nga ho ang dapat na humingi ng
paumanhin at sa konting bagay ay nagpuyos agad ako,” malumanay na sagot ni Fely
“Hamo’t hindi na mauulit iyon.”
sh

Noon ay napag-isip-isip ni Fely na mali ang kanyang inasal sa magulang kung


kaya nilapitan niya ito at pinagsalikop ang dalawang kamay sa batok ng matanda.
Sumaya na ang mukha ng matanda.
Minsan uli. Tanghali noon.

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
Pumasok si Fely sa kwarto ng mga anak upang hakutin ang maruruming damit
na lalabhan nang matawag ang pansin niya ng umaasok ng ulunan ng matandang
Gusting na kasalukuyang naghihilik sa tabi ng apo. Napasugod si Fely.
“Itay, gumising kayo. ‘Tay. Dali’t… sabay tapon niya ng kung anu-ano sa
nag-aapoy na unan. Mabuti’t naisip niya agad na hindi iyon ang tamang gawin.
Dinampot niya ang unan sa lapag at doon ay pinagsikapang mapatay ang apoy.
“Nakatulog kayong naninigarilyo, ‘Tay.”
“N-naku, hindi ko alam. Ng..ngayon lang nangyari ito. P-pasensiya ka na.”
Nagtiim na lamang ang mga labi ni Fely. Kung si Tito ang nakagawa nito’y
walang pagsalang makakatikim ng banat.
At ang mumunti pang pangyayaring sumunod doon, maliliit at malalaking
kunsumisyon ay siyang pumuno sa dibdib ni Fely. Wala siyang magawa kundi ang
maghimutok sa asawa.
“Talaga, Gi. Nanganing-nganing batukan ko na!”
“Pasensiya na, iha. Matanda na ang Tatay,” sagot ni Gi.
“E, putris naman! Pasensya! Pasensya! Aba’y daig pa ang mga anak mo.”

m
er as
Napatawa lamang si Gi.
Sa wakas, ang mag-asawang Letty at Maning ay bumalik din sa Maynila.

co
eH w
Pagdating kina Fely, mangyari pa, kumustahan, yakapan. Kaunting kwento at ang
pagkakataong hinihintay ni Fely na magkasarilinan silang magkapatid ay dumating din.

o.
“Kumusta ang Tatay?” ani Letty.
rs e
Sukat doon at ang pagdaing ay sunud-sunod na ibinulalas ni Fely.
ou urc
“Alagaan mo pala ang matandang iyan ay daig mo pa’ng nag-alaga ng sampung
sundalo!” patuloy na daing ni Fely.
“Kaya nga binigay ko na sa iyo, e. Aalagaan ko na ang sampung Boyet,
o

mapuwera na lang sa listahan ang matandang iyan.”


aC s

“Kung gano’n… ibig mong sabihin, akin na iyan? Aba Letty, hindi pwede! Alam
vi y re

mong tatlu-tatlong anak ko!”


“Di gawin mo nang apat. Ngayon ka lang naman. Alalahanin mong dalawang
taon na ‘kong nagsakripisyo,” panunumbat ni Letty.
“Oo nga. Pero maawa ka naman Letty.”
ed d

Tinapik ni Letty sa bisig ang kapatid, “Isi ka lang.” At tumawa na itong magbalik
ar stu

sa sala. Naiwan sa Fely na halos ay ibig magsisigaw sa matinding ngitngit.


Mangiyak-ngiyak.
Mula noon ay naging tuluyan nang mainitin ang ulo ni Fely. Aywan ba niya pero
is

habang tumatagal ay bumibigat ang dibdib niya sa matanda. Gayong kung babalikan
lamang niya sa isip ay mapaglilimi niyang noong araw ay naging napakabuting
Th

magulang sa kanila ni Mang Gusting. At napakalupit nila upang gantihan ang matanda
nang ganoon.
Ngunit iyon ay noon. Ang pagmamahal na dati’y iniuukol niya sa ama ay
natabunan ng mga kunsumisyong idinudulot nito sa kanya.
sh

Naisip niyang kailangang magkasundo sila ni Letty ukol sa bagay na ito. Hindi
siya paaagrabyado sa kapatid, ba! Hindi niya matatagalan habang-buhay na nasa piling
nilang mag-anak ang matanda. Hinding-hindi!
Isang araw ay tinawagan niya si Letty.
“Pumunta ka rito. Mag-usap tayo tungkol kay Tatay,” sabi nito sa kapatid.

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
“Anong pag-uusapan na naman?” dinaraan siya ni Letty sa tawa.
“Masinsinan, Letty,” mariing tugon niya.
At si Letty nga, kasama ang anak ay dumating. Isang biyernes ng hapon.
Upang hindi marinig ng matanda ang kanilang pag-uusap, binigyan ito ni Fely ng
pampanood sa isang malapit na sinehan at pinasama ang kanyang panganay na si Tito.
Nang makapagsarili na sila ni Letty, sabi niya: “Sabihin mong masama akong
anak, Letty. Pero, talaga… sawang-sawa na ako sa Tatay. Mahal ko siya kung sa
mahal, pero por Diyos,” tinampal niya ang noo. “Talagang daig pa’ng mga anak ko sa
kunsimisyon, maniwala ka!” bagama’t talos niyang hindi masyadong totoo.
Hindi sumasagot si Letty.
Nagpatuloy si Fely. “Kung ayaw mo siyang kunin, may naisip akong palagay ko’y
mas makabubuti. May nalalaman akong tahanang laan para sa mga matatandang
kaparis niya. Doon ay makakasama niya ang kapwa nita matanda na at… patapon na,
‘ika nga. Magtulong na lang tayo sa pagtustos sa kanya kung ibig mo.”
Napayuko si Letty. Nag-iisip.
“Hindi ko ibig na gawin ito sa Tatay, Letty,” dagdag ni Fely. “Pero ito na lang ang

m
er as
huling magagawa natin.”
“T-tutol ang loob ko, Ate,” mahinang sagot ni Letty.

co
eH w
Napalingon ang magkapatid nang pabalabag na mabuksan ang pinto. Nakita nila
si Gi. Tiim-bagang na nakatitig sa kanila. Magkakuyom ang mga palad. At sa mata’y

o.
may poot.
rs e
“Hinding-hindi ko inaasahang maaatim ninyong gawin ito sa inyong ama, Letty..
ou urc
Fely..” mariing-mariin ang pagkakabigkas niyon.
Napatayo si Fely. Namutla. Tinangka niyang magpaliwanag, ngunit sa inaanyo
ng asawa ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan.
o

“Samantalang siya ang nagbigay buhay sa inyo, nagpalaki, nag-aruga hanggang


aC s

sa marating ninyo ang kinalalagyan ninyo ngayon.


vi y re

Ang dalawa’y kapwa napipi.


“At ngayong wala na siyang silbi at panahon naman upang kayo ang magsilbi sa
kanya ay turu-turuan kayo. Anong klase kayong mga anak! Balang araw, Fely, sana’y
marinig mo namang sinasabi ni Tito kay Rita ang: “aalisin na natin ang Nanay, Rita.
ed d

Wala na siyang silbi!”


ar stu

Parang sinampal si Fely sa sinabi ng kabiyak.


“Isipin ninyo, itatapon ninyo sa isang bahay-ampunan ang inyong ama? Upang
doon na niya hintayin ang kanyang kamatayan. Samantalang dala-dalawa kayong may
is

kaya namang makapagbigay sa kanya ng ginhawa kahit man lang sa mga huling araw
niya.”
Th

“Tama na Gi!” Itinakip ni Fely ang dalawang palad sa tainga.


Kinagabihan, matagal nang nakahiga si Fely ay ayaw pa siyang dalawin ng
antok. Sa kanya, ang gabing iyon ay gabi ng paglilimi, ng pagbabalik sa isip ng mga
nagdaang araw, ng bukas… paglaki ng kanyang mga anak at siya’y matanda na at
sh

nasa kalagayan ng kanyang ama. Iyon ay gabi din ng pagsisisi. Mataos na pagsisisi.
Paano niya maitutuwid ang lahat? Sana ay hindi pa huli.
Kinabukasan pa lang, ang lahat ay sinimulan na niyang maganda para kay Mang
Gusting. Asikaso niya ito sa agahan. Pinatulong niya ito sa mga mumunting bagay na

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
ibig makatulong ng matanda. Sinikap niyang ipadama kay Mang Gusting na ito’y may
silbi pa at may magagawa pang mahalaga liban sa humiga at maupo maghapon.
Nakita naman niyang nakasiya iyon kay Gi.
Ngunit kinalingguhan at dumating ang mag-asawang Letty at Maning. Pagkaraan
ng konting balitaan ay sinabi ni Letty: “Sa amin ka na muna uli ‘Tay. Hinahanap-hanap
ka ni Boyet.”
“Aba!” tutol agad ni Fely. “Ibinigay mo na yata sa ‘min ang Tatay.”
Napatingin sa kanya si Letty. At sila’y nagkatitigan. Naroon ang pagkaunawa sa
mga mata ng isa’t isa.
Nakatawang sumabad si Gi. “Baka mag-away pa kayo. Ang mabuti, dyak en
poy.”
“Halinhinan na lang,” sabi ni Maning. “Mga isang buwan sa inyo, isang buwan sa
amin. ‘Di walang kagalitan.”

m
er as
co
eH w
PAGSASANAY:
1. Sangayon ka ba sa salitang pag-aaruga ng mga magkakapatid sa kanilang

o.
matandang magulang? Ipaliwanag ang kasagutan.
rs e
ou urc
Hindi ako sang ayon sa pag-aaruga ng dalawang magkapatid, dahil sa
ipinakita nila ay hindi naman pag-aalaga ang maitatawag doon. Sa palagay ko
maaaring hindi natin obligasyon na alagaan ang mga magulang natin kapag may
o

pamilya na rin tayo, ngunit bilang isang anak susuklian natin ang lahat ng sakripisyo ng
aC s

ating mga magulang simula sa pagpapalaki sa atin hanggang sa kung anong mayroon
vi y re

tayo ngayon.

2. Magbigay ng maikling reaksyon sa ipinamalas ng mga magkakapatid na Fely at


Letty sa kwento.
ed d
ar stu

Nakakalungkot dahil sa ipinakita nilang pag uugali. Kapag nagkaroon na


rin ako ng pamilya hinding hindi ko gagayahin ang ginawa nila Fely at Letty, susuklian
ko lahat ng isinakripisyo ng aking mga magulang, kung ako lang ang masusunod sa
is

aming magkakapatid ako ang gagabay sa pagtanda ng magulang ko, ngunit pinalaki
kaming magkakapatid ng tama kaya sa palagay ko mag aagawan pa kaming mag
Th

aaruga sa kanila.

3. Nararapat bang magkaroon ng bahay ampunan para sa mga matatanda ang


isang lipunan? Ipaliwanag ang kasagutan.
sh

Hindi, dahil ang mga matatanda ay nararapat na tumira sa kanilang


tahanan hindi sa bahay ampunan, hindi basehan ang pagka walang silbi nila dahil hindi
na sila makapagtrabaho at makatulong sa anak nila, kung sa tutuusin hindi naman sila
walang silbi, dahil simula nung bata ka hanggang sa pagtanda mo sila ang nag aruga

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
sayo, lahat ng sakripisyo at pagod tiniis nila ng hindi nagrereklamo at ginawa nila lahat
yon ng mula sa kanilang puso, bakit hindi mo rin suklian ang lahat ng isinakripisyo nila
ng mula sa iyong puso. Sila ang nag alaga sa atin sa mga panahong mahina pa tayo,
kaya tayo naman ang mag aalaga sa kanila ngayong sila naman ang mahina.

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000828239994 from CourseHero.com on 06-22-2021 03:24:31 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97605060/ANG-MGA-ANAK-NI-MANG-GUSTINGpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like