You are on page 1of 14

Maikling Kuwento ng bansang SAUDI ARABIA

Liezel A. Ragas
Pamagat: SI JOHA AT ANG KANYANG
DONKEY

• ISINULAT NI Jawaher Mutlaq Alotaibi


• SALIN NI LIEZEL A. RAGAS
Isang araw,si Joha ay nakasakay sa kanyang
Donkey patungo sa palengke.Ang kanyang anak na
lalaki ay naglalakad katabi ng donkey na hawak ang
tali nito at nakikipag usap sa kanyang ama.Nang
dumaan ang mag-ama sa mga kaunti ng grupo ng
mga tao sa kilid ng daanan ay pinintasan si Joha.Ang
sabi nila sa matandang lalaki” Napakawalang puso
mo,Joha? Paano ka nakakasakay sa Donkey
samantala ang iyong anak ay naglalakad lamang
kasama mo.Nang marinig ng mag-ama ang mga
salitang iyon ay bumaba siya at itinaas ang anak at
pinaupo sa kanyang kinauupuan noon
Pinagpatuloy ng mag-ama ang paglalakbay.Naglakad si Joha
katabi ng ng donkey,hawak ang tali nito sa kanyang mga
kamay patungo sa palengke.llang milya pababa,dinaanan nila
ang mga kaunting grupo ng mga tao na nagtipon-tipon palibot
sa balon.Nang makita nang babae si Joha sila ay nabigla.Sila’y
nagtanong,Paanong naglalakad lamang ang matandang lalaki
samantala ang kanyang batang anak ay nakasakay sa donkey?
Talagang hindi ito ito tama.Kaya sumakay si Joha sa kanyang
donkey kasama amg kanyang anak at ipinagpatuloy ang
paglalakbay.Naabutan sila ng hapon,at anag araw na sumisikat
sa itaas ng langit ay napakainit ngunit ipinagpatuloy pa rin nila
ang paglalakbay patungo sa palengke
Humina ang paglalakad ng donkey dahil sa bigat ng
timabang ng mag-ama at walang namimintas sa kanila
hanggang sa dumaan ulit sila sa kaunting grupo ng mga
tao na nagtitipon-tipon sa kahulihan ng nayon na kung
saan doon nakatayo ang palengke.Pinagtuturo sila ng
mga tao tanda ng pagtutol nila nang makita si Joha at ang
kanyang anak na nakasakay sa likod ng maliit na donkey
na mahina na ang lakad dahil sa bigat nilang mag-
ama.”Bakit ba ninyo sinasakyan ang maliit na donkey?
ang iyak na sabi nila key Joha.Hindi niyo ba nakikita na
masyado kayong mabigat at hindi kaya ng donkey ang
inyong timbang?
Sa tingin ko dapat na bumaba na lang tayong dalawa sa
donkey at maglakad na lamang.ang sabi ni Joha sa kanyang
anak”Ito ang tanging paraan upang wala nang masabi sila
kahit na ano sa atin.Bumaba na ang mga-ama sa likuran ng
donkey.Kinuha ni Joha ang tali nito upang gabayan ang
donkey at naglakad na lamang sila patungo sa palengke ng
gitna ng nayon.Ngunit nang dumating sila sa palenke ay
pinagatatawanan,pinintasan at pinaglalaruan sila ng
maraming mga tao”.Napakahangal!”ang pahayag ng
nila.Anong klaseng tao ito na may ari ng donkey na
naglalakad lamang imbes na sakyan ito.Hindi nagalit si Joha
dahil napagtanto niya na hindi sa lahat ng oras ikinalulugod
ng lahat ang iyong ginagawa at mas mabuti na magpasya
ang bawa tisa kung paano mabuhay..
Balangkas B ayon kay Prop. Nenita Papa.
III- Pagsusuri

Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang maikling kuwento sapagkat ito’y
nagsasalayasay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.May iniiwan
na kakintalan o impresyon sa mga mambabasa.
Istilo ng Paglalahad
Nagsimula ang kuwento sa paglalarawan kung ano
ang ano ang ginawa ng mga tauhan at kung saaan
pupunta ang mag-ama sa maikling kuwento.
Sariling Reaksyon

• Teorya
1. Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan vHigit na
mahalaga ang katotohan kaysa sa kagandahan.May mga
bahaging nagpapakita ng mga makakatotohanang paglalarawan
sa tao,lipunan ta kapaligiran.Nais ipabatid ng kuwento na hindi
lahat ng mga tao ay nasisiyahan sa iyong mga ginagawa.Mas
mabuting sundin ang sariling desisyon kaysa sa ibang tao.
• Humanismo-sa teoryang ito ,ang tao ang
pinakasentro ng akda.Binibigyan din ng pansin ang
magagandang taglay ng isang tao.Sa mga bahagi
ng kuwento makikita natin ang pamimintas ng
mga tao sa mga ginagawa ng mag-ama.
• Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Mga pansin at Puna
• Mga tauhan-
Mahina sa simula ang tauhan sa kuwento ngunit
sa kalauna’y naging napagtanto niya nag kaibahan
ng bawat isa.Nalaman din niya kung paano
tumindig ng mag-isa ta paniwallan nag sarili.
• Galaw ng pangyayari-
Tardisyunal at nakakapukaw ng interes ng
sinumang makakabasa ng maikling kuwento na ito.
Saklaw ng pangyayari dahil sa mga reaksyon ng
mga tao na kanilang dinadaanan.
Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip
Nagbibigay ng kaliwanagan sa isipan ng mga
tao.Ipinapahiwatag sa akdang ito na ang bawat ato ay may
iba’t ibang reaksyon at paniniwala.Nais ipabatid sa mga
mambabasa ang dapat gawin ng isang tao sa kanyang buhay.
Bisa sa Damdamin
May bahagi ng kuwento na nakaktuwa ngunit may hatid
na aral sa mga mambabasa.Nakakatuwa kasi kung ano ang
narinig nila sa mga tao ay kanilang sinusunod na hindi nag-
iisip.
• Bisa sa kaasalan

Mahalaga sa tao ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili


at kakayahang magdesisiyon para sa sarili at hindi
para sa iba.Ang kailangan natin na igalang ang iba’t
ibang paniniwala ng ibang mga tao.
• Bisa sa Lipunan
Ang pagkakaroon ng respeto sa sarili at sa iba ay
nagdudulotng kapayapaan sa buhay.Dapat marunong
tayong mapaninidigan ang sariling desisyon at hindi
dumedepende palagi sa paniniwala ng iba.
Sanggunian

Retrievedhttp://
www.worldstories.org.uk/stories/story/9-joha-a
nd-his-donkey/english
retrieved on August 2014
Maraming Salamat
sa
Pakikinig!

You might also like