You are on page 1of 2

Ang Tanging Yaman ni Billy

Isinulat ni: Aldric A. Itliong


Sa isang kagubatan, may isang kambing na nagngangalang Billy, kilala siya sa barrio bilang isang
napakabait, masipag, matulungin at maparaan na bata kaya naman gustong gusto siya sa lugar na ito. Si
Beto naman, isang unggoy kilala rin sa barrio, pero sa kabaliktarang dahilan. Kilala siya dahil siya’y
mayaman, napakayabang, mapang asar, mapanglait at wala nang ginawang tama.
Isang araw, si Beto at Billy ay nagkasalubong habang papauwi galling eskwela, biglang binangga
ni Beto si Billy kaya’t nahulog ang hawak ni Billy na paninda’t pera. “Ano ba! Tignan mo nga
dinadaanan mo Billy!”- wika ni Beto. “Patawad Beto, binibilang ko lang kasi yung naipon ko ngayong
araw na ito nang maibigay ko na kay nanay.”- Sabi ni Billy. Agad na tinawanan ni Beto ang kawawang
Billy habang pinupulot ni Billy ang kaniyang gamit. Bigla nagsalita si Beto, sumigaw para asarin si Billy.
“Ha Ha Ha, si Billy oh nagtitinda kasi mahirap sila! Ako mayaman ako, dami naming pera di
kagaya nyo”, pagmamayabang ni Beto.
“Ano ngayon, mayaman din kami, Mayaman kami sa pagmamahal at kasipagan, punong puno
ang pamilya naming ng mga may magandang asal!” ipinagmalaki ni Billy.
“Tsk, walang silbe ha ha ha”, Patawang sabi ni Beto.
Umalis nalang si Billy at di na nagsalita, naglakad palayo na rin si Beto, patuloy na tumatawa. Di
nalang pinansin ni Billy ang pag tawa ni Beto.
Mula nung araw na iyon lagi nang inaasar ni Beto si Billy. Ngunit isang araw, sa panunukso ay di
na nakatiis si Billy kaya’t sinagot niya si Beto at sinabing, “Pagod na ko sa pang aasar mo Beto marami
ka nang sinasaktan, pwede beng magbago ka na, kundi babalik iyang mga masasamang ginagawa mo”,
tugon ni Billy.
“Bahala ka na nga diyan Billy, basta ako di ko na kelangan maghirap o magsipag pa, nakukuha
ko lahat ng gusto ko!”, tugon ni Beto. Pagkatapos non ay napaisip si Beto sa sinabi ni Billy sakanya’t
nakaramdam ng kaunting takot. Binalewala nya ito at nagpatuloy sa masamang Gawain.
Dumating na nga ang araw na pinakakinakatakutan ni Beto, nasunugan sila ng bahay isang araw,
nawala ang mga bagay na ipinagmamayabang niya at unti unti na ring nauubos ang kanilang pera. Dahil
sa sunod sunod na nangyari, nagsimula na silang maghirap kaya’t sila’y humingi ng tulong sa barrio.
Laking gulat nalang ni Beto na si Billy, ang pinakaunang tumulong sakanila.
“Teka Billy, ‘di ko inakalang tutulungan mo kami kahit pa ikaw ang tinutukso’t pinagtatawanan
ko noon, bakit?” paiyak na wika ni Beto.
“Alam mo Beto, kahit pa tinutukso mo’ko at pinagtatawanan, ‘di pa rin ako magdadalawang isip
na tulungan ka, dahil iyon ang nararapat. Mayaman man o mahirap, masama man o mabuti, lahat ng tao
ay nararapat lang na tulungan kahit sino ka pa.” tugon ni Billy.
Mula sa simpleng pag uusap ng dalawa’y natauhan at natuto na si Beto, nagsimula na ring
tumulong at maging mabait si Beto at kaniyang naging matalik na kaibigan si Billy. Natuto siyang mas
mabuting maging isang mabait, masipag, matulungin, at mapagpakumbabang bata.

You might also like