You are on page 1of 2

Santos, John Julius R.

BSBA-MM1B

Kabataan ni Rizal.

Sa bansa ng malalaya, makata't, manunulat

Kabataan laging nag bubuklod at uma-angat

Sa mga habing sulat ni Rizal na laging salat

Salat sa katarungan, salat sa kalayaan.

Kabataan ang itunuring na pag-asa nitong bayan

Kabataan ay inihambing sa lakas nitong tanan

Lagi't laging tinitingala patnugot at nobelista

Buhay ang presenya, kami'y niyaya ng tara!

Buhay ng kabataan para narin kay Jose

pinaglalaban ang katarungan palibhayas tama kasi.

Tangay-tangay ang diwa, nagpapalaya ng marami


tungo sa tagumpay ng nayon at nakararami.

Tingnan mo't umaangat, kabataan na at lahat

sapagkat kanilang inidolo matalino't sapat

Sapat sa talino, angat sa paglingap

ganyan ang kabataang mataas ang pangarap

You might also like