You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay-Aralin Sa Edukasyong Pangkatawan: Laro ng Koponan 4

Binagong Laro ng Koponan


I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
A. ang mga mag-aaral ay magiging maalam sa pangunahing kasanayan at
estratehiya sa binagong laro ng koponan.
B. ang mga mag-aaral ay magtratrabaho nang sama-sama kasama ang
kanilang mga kasamahan sa koponan upang makamit ang iisang layunin.
C. ang mga mag-aaral ay mauunawaan ang kahalagahan ng sportsmanship
at patas na laro sa mga larong koponan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksang Aralin: Binagong Laro ng Koponan
Kasanayan: Pagbabahagi, Pagbibigay, Pagsabi ng kaisipan, Pagpapahalaga
Kagamitan: Laptop, TV, PPT, Teacher’s made worksheets
Pagpapahalaga: Ang pagsasanay sa mga inaayos na larong pangkoponan ay
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan, respeto, at pag-unlad
ng mga kasanayan sa larangan ng pisikal na edukasyon.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

a. Panalangin

Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga po ma’am

Bilang simula ng ating aralin


ngayong umaga, hiling ko muna na
tayo ay magdasal. Panginoon,
nagpapasalamat kami sa bagong
araw na ibinigay mo sa amin, kung
saan kami ay narito upang
magkaruon ng karagdagang
kaalaman. Hinihiling namin ang
iyong tulong at gabay para sa araw
na ito. Naway iyong patnubayan ang
aming mga gawain at ingatan kami Amen.
sa lahat ng oras. Amen.

b. Tseking ng Attendance

Lahat ba ay narito ngayon sa ating Wala po ma’am


klase? Wala bang lumiban sa klase?

Mabuti naman kung ganon.

c. Pagbabalik-aral
Tayo’y magbalik-aral patungkol sa
ating napag-aralan kahapon, Ano- Tungkol sa Pagsasanay at
ano ang ating mga napag aralan Pagpapalakas ng Katawan Bilang
kahapon mga bata? Preparasyon sa Laro ng Koponan
ma’am

Magaling, tama ang iyong sagot,


Tungkol saan nga ulit ang Ang pagsasanay at pagpapalakas ng
Pagsasanay at Pagpapalakas ng katawan bilang preparasyon sa laro ng
Katawan Bilang Preparasyon sa Laro koponan ay naglalayong mapabuti ang
ng Koponan? pisikal na kondisyon ng bawat
miyembro ng koponan. Ito'y
nagbibigay daan sa mas matibay na
resistensya, lakas, at kasanayan sa
pagtutulungan, na mahalaga sa
pagganap ng mabuti sa isang laro.

Tama, Ngayon naman magbigay ng


halimbawa ng pagsasanay at Pagsasanay sa Aerobiks
pagpapalakas bilang preparasyon sa Pagsasanay sa Lakas
Laro ng Koponan? Mga Ehersisyo sa Pagiging Magaan
Pagsasanay sa Tagal ng Paghinga
Simulasyon ng Laro
Magaling!

B. Panlinang na Gawain

a. Pambungad na Gawain

Bago tayo magtuloy sa susunod na


paksa, mangyaring tumayo ang
lahat, at tayo’y magkakaron ng
(Tumayo ang mga studyante)
panandaliang laro upang magising
ang ating katawan.

(Maglaro ng pasahan ng bola, kung


sino man ang hindi maka catch ng
bola ay maalis.)

Natuwa ba kayo sa ginawang


aktibidad, klase?
Opo ma’am
Gumising ba ang inyong natutulog
na isipan?

b. Pagganyak
Saating ginawa, may ideya na ba
kayo kung ano ang ating tatalakayin Tungkol sa Laro ng Koponan po
sa araw na ito? Ma’am

Tama, Tungkol sa mga Laro ng


Koponan nga ito.
Maari ba kayong mag bigay ng (Iba-iba ang kanilang mga sagot)
halimbawa ng mga laro ng
Koponan?

Alam niyo ba kung ano ano ang mga


inyong binanggit?
Opo ma’am

Madalas niyo bang nilalaro ang mga


ito?
Opo ma’am

Magaling mga bata!

Lahat naman siguro kayo naranasan


niyo ng laruin ang mga sports na ito.

Kung ganon, ibahagi niyo nga kung


pano niyo laruin ang basketball?
(Iba-iba ang kanilang mga sagot)

Tama! Ang galing niyo mga bata.

Sa araw na ito ang ating pag aaralan


ay tungkol Laro ng Koponan

c. Paglalahad

Alam niyo ba kung ano ang Laro ng


Koponan?
Ito ay isang pangkalahatang kategorya
ng mga laro kung saan ang mga
manlalaro ay naglalaban bilang isang
koponan. Ito ay maaaring maging
anumang laro tulad ng basketball,
soccer, volleyball, o iba pang larong
kung saan ang bawat koponan ay
binubuo ng ilang manlalaro na
nagtutulungan para makamit ang
tagumpay.

Tama, Ang Larong Koponan ay isang


pangkalahatang kategorya ng mga
laro kung saan ang mga manlalaro
ay naglalaban bilang isang koponan.

Ito may nilalaman ng iba’t ibang uri


ng laro, kabilang dito ang isa sa mga
gusting gusting laruin ng mga lalaki,
alam niyo ba kung ano ito?
Kadalasang nilalaro gamit ang bola Basketbol po ma’am
at ang ring.

Tama, magaling!

Isa sa mga uri ng Larong Koponan


ay ang Basketbol

Basketbol (Basketball)

And basketbol ay isang laro kung


saan ang dalawang koponan ay
naglalaban upang itapon ang bola sa
kalabanang ring at makakuha ng
puntos.

Kilala niyo ba ang mga nasa


larawan?

Opo ma’am
Sila ay kilala sa pagiging sikat sa
larong basketball. Sino sa iniyo ang
makapagsasabi ng kanilang mga
pangalan?
Ako ma’am! Sila po ay sina Stephen
Curry at Lebron James.
Magaling!

Sino-sino sa inyo ang mahilig


maglaro ng larong ito?
Kami po ma’am
Magaling mga bata!

Ngayon ay dumako naman tayo sa


pangalawang uri ng Larong
Koponan , ito ay ang Pambansang
Futbol

Pambansang Futbol
(Soccer/Football)

Ang Futbol naman ay isang laro


kung saan ang dalawang koponan ay
naglalaban gamit ang paa para
maipasok ang bola sa kalabang gol.

Ang Futbol at Basketbol ay parehas


gumagamit ng bola, ngunit ano sa
tingin niyo ang pinagkaiba nila mga
Ang futbol ay larong ginagamit ang
bata?
paa sa pagpasa ng bola habang ang
basketbol ay kadalasang ginagamit ang
mga kamay.
Tama!

Balibol (Volleyball)
Ito ay isang laro kung saan ang
dalawang koponan ay nagtatagisan
ng bola sa pagitan ng isang net gamit
ang mga kamay.

Haki (Hockey)

Ito ay isang laro kung saan ang mga


koponan ay naglalaban gamit ang
isang hockey stick para maipasok
ang puck sa kalabanang gol.

Hockey Stick

Ito ay isang hockey stick na


kadalasang ginagamit sa paglaro ng
Haki (Hockey).
Beysbol (Baseball)

Ang beysbol ay isang laro kung saan


ang mga koponan ay naglalaban sa
pagtira at pagsikwat ng bola gamit
ang isang baseball bat.

Ito ang bolang gamit sa larong


baseball, kumpara sa softball, ito ay
mas matigas at kulay puti.

Malambotbola (softball)

Ang larong ito ay katulad din ng


baseball ng ngunit may mas
malambot na bola at mas maliit na
diamond.
Ito ang bolang gamit sa larong
softball, kumpara sa baseball, ito ay
mas malambot at kulay dilaw.
Ang softball ay may kulay dilaw at
mas malambot ito kumpara sa baseball
na mas matigas at kulay puti.
Ano ang pinagkaiba ng Softball at
Baseball?

Lawn Tenis (Lawn Tennis)

Isang lar kung saan ang mga


koponan aynaglalaban sa pagtira at
pagbabalik ng bola sa isang tennis
court.

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat Basketbol (Basketball)
Pambansang Futbol (Soccer/Football)
Ano nga ulit ang mga iba’t ibang uri Balibol (Volleyball)
ng Larong Koponan? Haki (Hockey)
Beysbol (Baseball)
Malambotbola (Softball)
Lawn Tenis (Lawn Tenni)

Ang futbol ay larong ginagamit ang


paa sa pagpasa ng bola habang ang
Tama, magaling! Ano naman ang basketbol ay kadalasang ginagamit ang
pinagkaiba ng basketbol at mga kamay.
pmabansang futbol?

Ang larong ito ay katulad din ng


baseball ng ngunit may mas malambot
Magaling! Ano naman ang larong na bola at mas maliit na diamond.
Malambotbola?

Ang softball ay may kulay dilaw at


mas malambot ito kumpara sa baseball
Magaling, Ano naman ang na mas matigas at kulay puti.
pinagkaiba ng beysbol at malambot
bola?

Mahusay mga bata, Naiintindihan


niyo nga ang ating mga aralin sa
araw na ito. Mahalagang malaman
natin ang mga iba’t-ibang uri ng mga
Larong Koponan ng sa ganon alam
natin kung anoa no ang mga Larong
ating napapanuod o nakikita at kung
pano laruin ang mga ito.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na angkop sa bawat


pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

BASKETBOL (BASKETBALL) PAMBANSANG FUTBOL (FOOTBALL SOCCER)

BALIBOL (VOLLEYBALL) BEYSBOL (BASEBALL) HAKI (HOCKEY)


__________1. Isang laro kung saan ang mga koponan ay naglalaban gamit
ang hockey stick para maipasok ang puck sa kalabanang gol.
__________2. Isang laro kung saan ang dalawang koponan ay naglalaban
gamit ang paa para maipasok ang bola sa kalbanang gol.
__________3. Isang laro kung saan ang dalawang koponan ay naglalaban
upang itapon ang bola sa kalabanang ring at makakuha ng puntos.
__________4. Isang laro kung saan ang dalawang koponan ay nagtatagisan ng
bola sap agita ng isang net gamit ang kamay.
__________5. Isang laro kung saan ang koponan ay naglalaban sa pagtira at
pagsikwat ng bola gamit ang baseball bat.
__________6. Isang laro na katulad ng baseball ngunit may mas malambot na
bola at mas maliit na diamond.
__________7. Isang laro ng rackets kung saan ang mga koponan ay
naglalaban sa pagtira at pagbabalik ng bola sa isang tennis court.
__________8. Ito ang kulay n bola na kadalasang ginagamit sa paglalaro ng
beysbol.
__________9. Ito ang kulay ng bola na kadalasang ginagamit sa paglalaro ng
malambotola or softball.
__________10. Kadalasang ginagamit sa paglalaro ng haki or hockey.

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang pagsusuri patungkol sa aralin at bigyan ng
pagpapahayag ng kasiyahan ang bawat isa sa mga natutunan.

METHODS:

Developmental Method
Inductive Method

STRATEGIES:

Use of Audio-Visual Materials


Teaching by Task

You might also like