You are on page 1of 10

Panimula sa Aklat ng Marcos.

Si Marcos ay naging taga sunod ni Jesus noong


kabataan pa nya at nakatira sa Herusalem
kasama ng kanyang ina. Posibleng sa tahanan
nila nagtitipon ang unang kongregasyong
kristiyano. Hindi gaanong nakasalumuha ni
Marcos si Hesus ngunit nakasama niya ang mga
Apostol na sina Pedro at Pablo pati na ang
pinsan niyang si Barnabas. Karangalan niyang
samahan sina Pablo at Barnabas sa kanilang
pagmimisyoneryo, nakarating din sila sa
malalayong lugar gaya nang Babylonya at
Roma. Marahil sa pagitan ng taong 60 at 65 C. E
(Common Era) habang nasa Roma isinulat ni
Marcos ang kanyang ulat tungkol sa buhay ni
Jesus. Ito ang ika-tatlong ebanghelyo na nabasa
ng unang mga kristiyano. Maraming
impormasyon sa Marcos ang makikita rin sa iba
pang ebanghelyo pero may mga detalye na siya
lang ang nag-ulat, tulad halimbawa; maliwanag
na isinulat ang aklat na ito para sa mga hindi
Hudyo lalo na sa mga Romano. Ipinaliwanag ni
Marcos ang mga salita at kaugaliang Hudyo na
baka hindi pamilyar sa mga Romano at mga
hindi Hudyo. Posibleng ang karamihan ng
impormasyong isinulat niya ay galing kay Pedro
na naka saksi sa halos lahat na iniulat ni
Marcos. Makikita ito sa paglalarawan ni Marcos
tungkol sa mga ginawa at nadama ni Hesus.
Ang aklat ay may labing anim na kabanata at ito
ang pinaka maikli sa apat na ebanghelyo.
Saklaw nito ang panahon mula 29 hanggang 33
C. E.
Ang kabanata mula 1 hanggang 10 ay nagsimula
sa ministeryo ni Juan na taga pag baustismo at
sa Bautismo ni Hesus sa ilog Jordan, pagkatapos
inilarawan ang tatlo at kalahating taong
ministeryo ni Hesus. Iniulat din ang pagpili ni
Hesus sa mga Apostol niya . Ang karamihan sa
mga himala niya at ang kanyang magiliw na
pagmamalasakit sa mga tao.
Ipinakita sa kabanata 11-15 ang huling linggo ni
Jesus na nagtapos sa kanyang pagkakaaresto at
kamatayan .

Alam nyo ba na maaaring si Marcos ang


kabataang lalaki na tumakbo at nakaiwan ng
damit niya noong gabing arestuhin si Hesus.
Marcos 14:51-52
51 Sinundan si Jesus ng isang binatang walang
damit maliban sa balabal niyang lino.
Sinunggaban ito ng mga tao
52 ngunit iniwan niya ang kanyang balabal at
tumakas ng hubad.
Ipinakikita ng kabanata 16, ang tatlong tapat na
babae ang unang nakaalam na binuhay na muli
si Hesus.
Makikita sa ebanghelyo na ito ang
kapangyarihan ni Hesus sa sakit, kamatayan at
sa kalikasan, at kung paano siya nagpakita ng
malasakit at habag sa mga tao at ang masigasig
na paggawa niya ng kalooban ng kanyang Ama
na nakita sa pamamahala niya sa kaharian ng
Diyos.

Koneksyon sa Lumang Tipan:


Dahil alam ni Marcos na mga Hentil
ang makababasa ng kanyang aklat,
kay hindi po siya madalas na
bumanggit ng mga talata sa Lumang
Tipan gaya ni Mateo, na sumulat
naman partikular para sa mga
Hudyo. Hindi po siya nagsimula sa
talaan ng angkan na pinanggalingan
ni Hesus. Sa halip po nagsimula siya
sa pagbawtismo kay Hesus, ang
pasimula ng Kanyang ministeryo sa
lupa. Ngunit sa kabila po non,
binanggit ni Markos ang isang babala
sa Lumang Tipan at ito po ay tungkol
sa mensaherong si Juan Bautista na
"naghanda para sa daraanan ng
Panginoon" (Markos 1:3; Isaiah 40:3)
habang hinihintay ng mga tao ang
pagdating ng Messiah.

Tinukoy din ni Hesus sa Lumang


Tipan sa ilang mga talata sa Marcos.
Makikita po natin ito sa
Markos 7:6
Sinagot sila ni Hesus, “Mga
mapagkunwari! Tama nga ang
sinasabi ni Isaias tungkol sa inyo,
nang kanyang isulat,
“ang paggalang sa akin ng bayang ito
ay pakunwari lamang,
Sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa
puso bumubukal.”

Sinaway ni Jesus ang mga Pariseo


dahil sa kanilang pagkukunwari na
pagsamba sa Diyos ngunit wala
naman sa kanilang puso.
Ginamit din po ni Hesus ang
propetang si Isaias upang usigin ang
katigasan ng puso na makikita po
natin sa Isaias 29:13. Binanggit din ni
Hesus ang isang babala na
magaganap sa mismong gabi kung
kailan magkakawatak-watak po ang
mga alagad na gaya ng mga tupang
walang pastol ng arestuhin po si
Hesus at hatulan ng kamatayan
(Marcos 14:27; Zacarias 13:7).
Binanggit muli sa aklat ng Isaias ng
linisin ni Hesus ang templo sa mga
nagbebenta at mamimili roon at
nagpapalit ng salapi (Marcos 11:15-
17; Isaias 56:7; Jeremiah 7:11) at
binanggit din niya ang mga Awit ng
ipaliwanag ni Hesus na siya ang
pundasyon ng ating
pananampalataya at ng iglesya
(Marcos 12:10-11; Awit 118:22-23).
PRAKTIKAL NA APLIKASYON SA
ATING BUHAY:
Ipinakita ni Marcos si Hesus bilang
isang mapagtiis na anak na makikita
po natin sa
Marcos 10:45
“Sapagkat ang anak ng tao ay
naparito hindi upang paglingkuran
kundi upang maglingkod at upang
mag-alay ng kanyang buhay para sa
ikatutubos ng marami.”

Si Hesus po ay dumating upang


maglingkod at magsakripisyo para sa
atin at upang tubusin ang ating mga
kasalanan at himukin tayo na gawin
din natin ang katulad na ginawa ni
Hesus na maglingkod sa Panginoon
at magsakrispisyo. Dapat tayong
maglingkod kung paanong
naglingkod si Jesus ng may
kapakumbabaan at katapatan sa
paglilingkod sa iba. Pinaalalahanan
tayo ni Hesus upang maging karapat-
dapat tayo sa kaharian ng Diyos.
Ang pagpapakasakit ay dapat na
mangibabaw sa ating
pangangailangan ng ating pagkilala
gaya ni Hesus na kusang loob na
nagpakababa upang ibigay ang
kanyang buhay para sa kanyang mga
tupa.

MAGANDANG GABI PO SA INYONG LAHAT!!!


Manunulat : Marcos
Saan isinulat : Roma
Natapos isulat : mga 60-65 C. E.
Panahong saklaw :29-33 C. E

You might also like