You are on page 1of 2

Borlagdan, Lee Matthew P.

Politics, Governance, and Citizenship


BS Mechanical Engineering 2-2

Ang mga manggagawang Pilipino, dala ng kanilang kahirapan na syang bunga


ng kapitalismo, ay progresibong humihiling ng tunay na pagbabago sa sistema tungo sa
sosyalismo. Kanilang hinahamon ang dominasyon ng international capitalism na
sinusuportahan ng mga negosyante sa bansa. Ibinalita ni Rasti Delizo (September
2021) na sa gitna ng COVID-19 pandemic, mas pinaigting ang mga batas laban sa mga
manggagawa na nagsasagawa ng kilos-protesta.

Sa tulong ng sosyalistang alyansang Pagkakaisa ng Uring Manggagawa


(Paggawa) ang mga sosyalistang manggagawang Pilipinoay masigasig na konektado
sa World Federation of Trade Unions (WFTU), na syang nangunguna sa adbokasiya
para sa mga karapatan ng mga manggagawa sa buong mundo. Pinangungunahan ng
Paggawa ang pakikibaka para sa karapatan ng mga manggagawa, laban sa pang-aapi
ng estado, at pagtataguyod sa layunin ng sosyalismo para sa isang mas progresibong
hinaharap sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ang sosyalismo, bilang isang political identity, ay isang ideolohiya na


nagtataguyod para sa kolektibong pag-aari at kontrol ng mga paraan ng produksiyon,
distribusyon, at palitan. Layunin nito na bawasan ang ekonomikong pagkakapantay-
pantay at itaguyod ang kapakanan ng lipunan sa pamamagitan ng estado at ang
pampublikong pagmamay-ari ng mga pangunahing industriya. Ang layunin ng
sosyalismo ay itatag ang isang lipunang kung saan ang mga manggagawang Pilipino ay
may mas malaking impluwensiya at kapangyarihan sa mga proseso ng pagdedesisyon.

Ang nabanggit na balita ay nagpapahayag ng pagsang-ayon sa sosyalismo


bilang isang pampulitikang pagkakakilanlan. Binibigyang-diin nito kung paano mas lalo
pang nagiging-motibado ang mga manggagawang Pilipino na ipaglaban ang tunay na
pagbabagong pangsistema tungo sa sosyalismo, at inilalarawan nito ang sosyalismo
bilang ideolohiya na aktibong kanilang itinataguyod. Ang balita rin ay nagbibigay-diin sa
kanilang pagtutol sa pagpapalaganap ng kapitalismo, ang kanilang koneksyon sa
sosyalistang alyansa ng Paggawa, at ang kanilang pagsusumikap para sa isang

Source: Delizo, R. (2021, September 3). Filipino socialists for systemic change. INQUIRER.net. Retrieved from https://opinion.inquirer.net/143755/filipino-socialists-
for-systemic-change
Borlagdan, Lee Matthew P. Politics, Governance, and Citizenship
BS Mechanical Engineering 2-2

progresibong agenda na tumutugma sa layunin ng sosyalismo para sa isang mas


makatarungan at pantay na lipunan.

Source: Delizo, R. (2021, September 3). Filipino socialists for systemic change. INQUIRER.net. Retrieved from https://opinion.inquirer.net/143755/filipino-socialists-
for-systemic-change

You might also like