Professional Documents
Culture Documents
Gabay Sa Pag-Aaral WPP
Gabay Sa Pag-Aaral WPP
Pangkalahatang Balangkas
2. Pangkalahatang daloy:
Pambungad
I. Mga Palso at Mapanlinlang na Argumento Laban sa Sahod at sa Pakikibaka ng mga Manggagawa para sa Pagtaas Nito
II. Mga Saligang Konsepto, Pangkalahatang Batas at Relasyon ng Sahod, Presyo at Tubo
IV. Pangkalahatang Batas at Tendensya ng Sahod, Presyo at Tubo sa Malakolonyal at Malapyudal na Lipunang Pilipino
3. Mga Pangunahing Sanggunian: "Sahod, Presyo at Tubo" ni Karl Marx (1865) at "Sahurang Paggawa at Kapital" ni Karl Marx (1847),
edisyong 1891 na may Introduksyon ni F. Engels.
-----------------------------------------------------------------
Pambungad:
Bakit dapat ipaglaban ng mga manggagawa ang pagtaas ng sahod? Ano ang itinuturo ng kasaysayan at karanasan ng pakikibaka ng
proletaryado para itaas ang sahod?
Wastong ipaglaban, kinakailangang ipaglaban ng mga manggagawa ang pagtaas ng sahod. Ito'y laging makatarungan at makatwiran.
Ito'y makakamit lang sa pamamagitan ng paglaban.
Sa Pilipinas, tuluy-tuloy na bumabagsak ang sahod ng mga manggagawa habang walang tigil na tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Langit at lupa na ang agwat nito. Sa patuloy pang pagsama ng pambansang ekonomya, pulu-pulutong ang natutulak palabas ng mga
pagawaan. Kaya lalong nalulugmok ang kabuhayan ng mga manggagawa. Nagtatrabaho para lang makapagtrabaho kinabukasan.
Kumakayod para hindi sumala sa pagkain ang pamilya. Tinitiis ang pinakamabigat na gawain at sumusuong sa pinakadelikadong
trabaho kapalit ng sweldong pantawid-gutom, dahil sa tindi ng pag-aagawan sa trabaho.
Bakit ganito?
Nasa manggagawa ang mismong kasagutan. Mula sa pambubusabos ng sistema ng pasahod, bumubunsod ang kanilang paglaban. Ang
mayamang karanasan at aral ng kanilang pakikibaka laban sa sistemang ito ay dapat malalim na unawain at iugnay sa karanasan at
pakikibaka natin ngayon, partikular ang laban para sa pagtaas ng sahod.
Mula sa punto de bista at paninindigan ng proletaryado, masinsing pinag-aralan at sistematikong nilagom ni Karl Marx ang teorya ng
sahod at mga kaugnay na usapin. Binungkal at binigyang-liwanag nito ang mga pang-ekonomikong batas na nagtatakda sa antas ng
sahod, presyo at tubo, at ang mga relasyong tumutuhog sa mga ito. Ang mga konklusyon ni Marx ay nagtuturo sa mga manggagawa
na: una, ang pagtaas ng sahod ay nagpapababa sa pangkalahatang tantos ng tubo, ngunit hindi nakakaapekto, sa pangkalahatan, sa
presyo ng mga bilihin; pangalawa, ang pangkalahatang tendensya ng kapitalistang produksyon ay hindi itaas, kundi ilubog ang
karaniwang pamantayan ng sahod; at pangatlo, gayong ang mga unyon ng manggagawa ay makapangyarihang sandata para isulong
ang mga pundamental na interes ng uri at labanan ang pananalasa ng kapital, hindi dapat limitahan ang kapangyarihan nito, bagkus
dapat ituon sa pagwasak sa sistema ng sahurang pang-aalipin at sa mismong sistemang panlipunang nagpapanatili nito, sa gayon
lamang makakamit ng mga manggagawa ang tunay na paglaya ng uri.
Hindi mapapasubalian at lapat na lapat ang kabuluhan ng mga aral na ito di lamang sa atin kundi para sa lahat ng manggagawa sa
buong daigdig. Napakahalagang palalimin natin, kung gayon, ang pag-unawa sa ating teorya, sa pagsusuri't paninindigan ng uring
proletaryado hinggil sa mga saligang prinsipyo't usapin sa pampulitikang ekonomya. Sapulin natin ito bilang gabay sa ating pagkilos,
bilang makapangyarihang sandata ng uri para labanan at wakasan ang pagsasamantala ng malaking burgesya--ng mga dayuhang
monopolyo at mga kasapakat nitong burgesya kumprador.
Ang wastong landas sa pagwawakas at pagwasak sa sahurang pang-aalipin at sa panlipunang sistemang nagpapanatili nito ay
1
nagsisimula sa pag-unawa ng mga manggagawa sa katangian at mga pamamaraan ng pagsasamantala nito, at kung paano umiiral ang
sistemang ito sa kabuuan.
I. Mga Palso at Mapanlinlang na Argumento Laban sa Sahod at sa Pakikibaka ng mga Manggagawa para sa Pagtaas Nito
[PARA SA INSTRUKTOR: Sa bahaging ito ay ilalahad natin ang mga gasgas nang argumento laban sa pagtaas ng sahod. Kailangang
ipakita nating ito'y pawang mga kabalbalan lamang at produkto ng baluktot na lohika. Makakatulong ito para sa panimula at
matalas na paglalahad ng mga usapin hinggil sa sahod at mga kaugnay na punto].
Nagkokorus ang malaking burgesya (mga dayuhang monopolyo at burgesyang kumprador), ang gobyerno at mga dilawang ahente nito
sa kilusang paggawa sa pagsasabing nakakasama o nakakadiskaril ng 'paglago' ng ekonomya ang pagtaas ng sahod ng mga
manggagawa. Magbubunsod lang daw ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kaya parang multo nila itong pinananakot tuwinang
igigiit ng mga manggagawa ang dagdag na sahod. Sa kabilang banda, walang kahihiyang sinasangkalan nila ang pagtaas ng sahod
tuwinang tumataas ang presyo ng mga bilihin bunga ng paglala ng krisis ng ekonomya o dahil sa manipulasyon ng malaking burgesya.
Bukambibig nilang: "Kaya huwag nang humingi ng dagdag na sahod para hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin." O kaya, "kung
tumaas man ang presyo ng mga bilihin, kasalanan ito ng mga manggagawa dahil sa paggigiit nila ng dagdag na sahod"; o "kung hindi
sana humingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa, hindi sana tataas ang presyo ng mga bilihin."
Totoo bang ang pagtaas ng sahod ay mangangahulugan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin?
Diumano, ang pagtaas ng sahod ay magtutulak sa pagtaas ng demand para sa mga batayang pangangailangan na siya namang
magtutulak sa pagtaas ng presyo nito.
Kung isasaalang-alang ang kabuuang demand ng lipunan, ang demand para sa mga batayang pangangailangan ay butil lang
kung ikukumpara sa demand para sa mga luho. Tingnan lang kung gaano kalaking tipak sa pambansang produksyon ang kinukonsumo
ng naghaharing uri kumpara sa pinaghahatian ng mahigit 90% ng populasyon. Ibig sabihin, tumaas man ang demand para sa mga
batayang pangangailangan, tutugunan lang ito ng karampatang pagtaas sa suplay nito, nang hindi tumataas ang kabuuang laki ng
demand at kabuuang laki ng suplay ng lipunan. Sa gayon, walang batayan para tumaas ang presyo sa kabuuan.
Ang pagtaas ng demand para sa mga batayang pangangailangan at kaakibat na pagtaas ng presyo nito, ay nangangahulugan
naman, sa kabilang banda, ng pagliit ng demand para sa iba pang mga kalakal at kaakibat na pagbaba ng presyo nito. Samakatwid,
may pag-iiba-iba sa tantos ng tubo sa iba't ibang larangan ng produksyon.
Tendensya ng kapitalista na lumipat saanman mas malaking makakakuha ng tubo, at umalis saanman maliit o walang
pagtutubuan. Sa proseso, ang pagdagsa ng kapital at syempre ng suplay saanman may mataas na demand, ay magbabalik sa presyo
ng mga batayang pangangailangan sa dating antas nito. Ganoon din ang mangyayari sa presyo ng iba pang mga kalakal saan ang
pagkonti ng suplay (dulot ng paglipat ng kapital sa ibang negosyo) ay tulak ng pagliit ng demand para rito.
Sa madaling sabi, ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ay magpapataas sa kakayanan nilang gumastos at mamili ng
kanilang mga batayang pangangailangan, bagay na magpapasigla sa produksyon ng mga naturang klase ng kalakal at sa gayo'y sa
paglago ng mga industriyang may kaugnayan sa produksyon nito. Tataas ang pangangailangan sa paggawa at dadami ang oportunidad
sa pagtatrabaho. Pinapasinungalingan ng katotohanang ito ang inilalako ng mga burgesya kumprador at dilawan na maraming maliliit
na kapitalista ang malulugi at magsasara ng kanilang negosyo.
Totoo bang ang pagtaas ng sahod ay magbubunsod ng implasyon, o kaya'y magpapalala nito?
Kaugnay o halos kapareho ito ng unang argumento--ang pagtaas ng sahod ay magdudulot ng implasyon. Sinasabing sa
pagtaas ng sahod ay dadami ang kantidad ng pera sa sirkulasyon. Ibig sabihin, maraming hawak na pera ang mga manggagawa,
marami ang may kakayanang mamili kaya tataas ang presyo ng mga bilihin.
Kung ito ang sinasabing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, dapat mabatid na ang suplay ng pera o kantidad ng
perang nasa sirkulasyon o perang pinaiikot-ikot sa buong ekonomya ay nasa kontrol ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Anumang
pagbabawas o pagdaragdag sa dami ng pera sa sirkulasyon ay itinatakda ng sistemang pampinansya ng bansa.
Sapat nang sabihin na kahit walang pagtaas ng sahod ay malala ang implasyon sa Pilipinas na makikita sa tuluy-tuloy na
pagkonti ng mga produktong nabibili ng sahod ng mga manggagawa. [Ipakita ang datos sa tantos ng implasyon sa loob ng 20 taon].
Idagdag pa na sa araw-araw, nagaganap ang pagpapalitan ng halaga at kantidad ng mga kalakal, may pagbabayaran at
pagbebentahan, mga transaksyong naisasara sa paggamit ng pera. Sa kabilang banda, nagaganap din ang pagpapalitan ng halaga at
kantidad ng kalakal, naisasara ang mga transaksyon nang walang aktuwal na perang ginamit--halimbawa'y mga transaksyon sa
bangko, pangungutang, pamumuhunan, pagseseguro, pagsasangla, pagpapahiram. Ang lahat ng ito'y nagaganap at patuloy na
magaganap nang hiwalay sa paggalaw ng sahod, tumaas man ito o bumaba. Ang pagtaas sa sahod kung gayon ay walang aktuwal at
direktang kaugnayan sa bilang o kantidad ng perang ginagamit sa sirkulasyon.
Totoo bang bubweltahan ng mga kapitalista ang anumang dagdag na sahod sa anyo ng mas mataas na presyo ng mga bilihin, at kung
gayo'y balewala rin ang pagtaas ng sahod?
Ipinakita ng ating mga kasagutan sa una't ikalawang katanungan na positibo, sa pangkalahatan, ang epekto sa ekonomya ng
pagtaas ng sahod. Na ang pagtaas ng sahod ay lilikha ng maraming trabaho at magpapasigla sa produksyon, at hindi sa pagsasara ng
mga kompanya. Kaya malinaw na ang kakitiran ng lohika ng ikatlong argumento.
2
II. Mga Saligang Konsepto, Pangkalahatang Batas at Relasyon ng Sahod, Presyo at Tubo
[PARA SA INSTRUKTOR: Matapos ilantad ang kahungkagan ng mga argumento laban sa pagtaas ng sahod, ilahad naman natin ngayon
ang mga tunay na salik, ang aktwal na mga batas ng kapitalistang sistema sa produksyon na nagtatakda sa sahod at mga usaping
kaugnay pa nito. Sa bahaging ito, nililinaw din ang mga relasyon at tendensya ng mga ito na siyang salalayan ng tatlong
pangkalahatang kongklusyon ni Marx na tinukoy natin sa Pambungad.]
2. Halaga ng kalakal
Ang kalakal ay isang bagay na may halaga sa palitan, ibig sabihi'y mayroong katumbas na halaga ng ibang kalakal.
Halimbawa, maaring ang isang pares ng sapatos ay may katumbas na halagang isang pantalon, o sampung kilong bigas, o tatlong
kamiseta o kung anu-ano pang ibang bagay o kalakal. Gayunpaman, kahit papaano natin itumbas ang isang pares na sapatos sa iba
pang mga kalakal, ang halaga ng sapatos ay hindi magbabago. Ang tanong ay: sa anong batayan natin naitutumbas ang isang pares ng
sapatos sa halimbawa'y isang pantalon? Hindi natin maaring sabihin na ang isang pares ng sapatos at isang pantalon ay katumbas ng
sampung kilo ng bigas, dahil kung ganito ang paraan ng pagsagot, isanlibo't isang posibilidad ng mga kalakal ang maaring itumbas
natin sa halaga ng isang pares ng sapatos at isang pantalon.
5. Ano ang presyo ng isang kalakal? Ano ang nagtatakda ng presyo? Paano nagbabago ang presyo?
3
"Ang presyo, sa sarili nito, ay walang iba kundi halaga sa anyo ng salapi." Ang "pag-aanyong salapi ng halaga," o ang
"pagsalin ng halaga sa presyo... (ay) isang proseso saan nagbibigay sa mga halaga ng lahat ng kalakal ng anyong nagsasarili
(independent) at magkakatulad (homogeneous), o saan sinusukat ang mga ito bilang pantay na panlipunang paggawa." Ang isang
pares ng sapatos ay maaring ipalit sa iba't ibang mga kalakal sa isanlibo't isang paraan. Upang maayos ang ganitong sistema ng
palitan, ang halaga ng mga kalakal ay binibigyan ng katawagang tatanggapin sa kalahatan ng mga kumokonsumo ng mga kalakal. Ito
ang silbi ng salapi o pera. At ang presyo ay walang iba kundi pagsalin ng halaga ng kalakal sa salapi.
Sa pangkalahatan, ang presyo ng kalakal (o ang presyo nito sa pamilihan) ay itinatakda ng, o nakabatay sa halaga nito, o sa
halaga ng produksyon nito, o sa taglay nitong dami ng lakas paggawa. Maaring tumaas o bumaba ang presyo ng isang kalakal, subalit
sa pangkalahatan, itatakda ito ng kanyang halaga. Tataas at bababa ang presyo ng kalakal, ngunit hindi ito tuluyang lilihis mula sa
halaga nito. Ano ang nagtatakda ng pagtaas at pagbabang ito? Ito ay "nakasalalay sa balanse ng suplay (o dami ng kalakal sa
pamilihan) at demand (o antas ng pangangailangan at kakayahan ng mga mamimili na bilhin ang kalakal na iyon)... Walang tigil ang
paglihis ng presyo sa pamilihan mula sa halaga."
Ang suplay at demand ay mga salik sa pagbabago-bago ng presyo, ng presyo sa pamilihan, ng presyong pinagtatawaran ng
mga mamimili't nagbebenta. Kung meron mang bagay na nire-regulate/kinokontrol ang suplay at demand, ito'y walang iba kundi ang
mga temporaryong pagbabago sa galaw (fluctuations) ng mga presyo sa pamilihan. Ipinapaliwanag lang nito ang pag-akyat/pag-angat
o pagbagsak ng presyo sa pamilihan mula sa halaga nito (ang paglihis ng presyo mula sa aktuwal na halaga ng kalakal), pero hindi
nito kayang ipaliwanag ang mismong halaga.
Sa pagtutumbasan ng suplay at demand, nagpapanagpo ang presyo at ang tunay na halaga ng kalakal. Sa puntong ito
natatakda ang istandard na presyo na iniinugan ng pagtaas o pagbaba ng presyo. Samakatwid, ang interaksyon ng suplay at demand
na umeepekto sa pagbabago-bago ng presyo sa pamilihan, ay hindi nagtatakda sa tunay na halaga ng kalakal, at kung gayon, ng
presyo ng iba pang mga kalakal.
4
loob ng isang takdang oras kapalit ng perang ibinayad sa kanya ng kapitalista. Halimbawa, paano nagkasundo ang manggagawa't
kapitalista sa 'kontratang' P100 sahod kapalit ng 8 oras na pagtatrabaho? Ano ang nagtakda ng ganitong pagkakasunduan at paano
nagpanagpo ang mga kondisyones ng isa sa isa? Malinaw na may umiiral na bentahan at bilihan, may pagpapalitan ng halaga sa
pagitan ng manggagawa at kapitalista. At ang halagang ipinagpapalit ng manggagawa sa sahod ay ang kanyang lakas paggawa na
sinusukat sa oras ng paggawa.
Ang oras ng paggawang ito ang tinutumbasan ng salapi ng kapitalista--hindi ang mismong paggawa. Ang kabuuang pisikal na
lakas at talino na nagugol ng manggagawa sa loob ng takdang oras na pagtatrabaho--ito lang ang binibili ng kapitalista, at oras na
mabili niya ito (ang lakas paggawa ng manggagawa), ang kapitalista ay may absolutong kapangyarihan o kontrol sa paggamit nito.
Matapos ang takdang oras ng paggawa (ayon sa napagkasunduan), patas na sila, "malaya" na uli ang manggagawa, wala nang kontrol
sa kanya ang kapitalista, maaari niyang ibenta muli ang kanyang lakas paggawa sa sinumang nangangailangan at handang bumili nito.
Samakatwid, "ang sahod ay ispesyal na katawagan lamang sa presyo ng lakas paggawa," o presyo ng kalakal na lakas
paggawa.
"Ang sahod ay hindi bahagi o parte ng manggagawa sa kalakal na kanyang niyari. Ang sahod ay bahagi ng dati nang umiiral
na kalakal na ipinambibili ng kapitalista ng depinidong dami o kantidad ng produktibong lakas paggawa." Naitatakda na ang sahod
ng manggagawa at binayaran na siya ng kapitalista kahit hindi pa naibebenta ang kalakal. Natatanggap ng manggagawa ang
napagkasunduang halaga ng sahod maibenta man o hindi, kumita man o hindi, ang kapitalista. [Ito ang isang kaibhan ng manggagawa
sa iba pang anakpawis, tulad ng magsasaka o ng alipin]. Ang lakas paggawa na binili at nasa kontrol ng kapitalista ay kahanay ng
hilaw na materyales at iba pang mga kagamitan sa paggawa na pag-aari ng kapitalista.
Pinatitingkad ng puntong ito ang katotohanang sa ilalim ng kapitalistang sistema ng produksyon, walang karapatan ang mga
manggagawa na makibahagi sa tubo (na nilikha ng kanyang lakas paggawa), habang ginagarantiyahan o pinapalaki ang kapangyarihan
ng kapitalista para palakihin at solong angkinin ang tubo.
"Ang sahod ay presyo ng depenidong kalakal, ng lakas paggawa. Ang sahod, samakatwid, ay itinatakda ng mga batas na siya
ring nagtatakda sa presyo ng bawat iba pang kalakal."
K. Sahod at Tubo
Upang maipakita ang relasyon ng sahod at tubo, kinakailangang gumawa ng karagdagang paglilinaw sa isang katangian ng
lakas paggawa.
1. Ang lakas paggawa ay natatanging kalakal na may kakayanang lumikha ng halagang lagpas sa sarili nitong halaga.
"Ang kantidad ng paggawa na siyang nagtatakda ng hangganan ng halaga ng lakas paggawa ay di siyang hangganan ng
kantidad ng paggawang kayang gampanan ng kanyang lakas paggawa." Ibig sabihin, maaring ang halaga ng lakas paggawa ay
katumbas ng limang kilong bigas, 4 delata, 10 itlog o P120. Sabihin natin na ang halaga ng mga kalakal na ito ay kayang likhain ng
lakas paggawa ng isang manggagawa sa loob ng 3 oras. Ang 3 oras na ito na hangganan ng halaga ng lakas paggawa ay hindi katumbas
ng halaga ng lakas paggawa ng kayang likhain ng manggagawa sa panahong nakalaan ito sa kapitalista.
Dagdag na halimbawa: kung ang halaga ng lakas paggawa ay katumbas ng halaga ng pangangailangan ng manggagawa para
siya mabuhay, na nasusukat o katumbas din ng 3 oras (para likhain ang katumbas na halaga ng kanyang mga pangangailangan para
mabuhay), at sinasahuran siya ng P60. Ibig sabihin, kailangang magtrabaho ang manggagawa ng tatlong oras para likhain ang P60
halaga ng kanyang arawang pangangailangan. Subalit binayaran ng kapitalista ang arawang halaga ng kanyang lakas paggawa kaya sa
gayo'y may karapatan itong gamitin ang lakas paggawang iyon sa loob ng isang araw, at hindi lang sa loob ng tatlong oras. Dahil pag-
aari na ito ng kapitalista, wala nang makakapigil sa kanya kung hanggang kailan niya ito gagamitin liban na lang sa pisikal na
limitasyon ng lakas paggawa na may tuwirang epekto sa produktibidad nito. Habang pinahahaba ang oras ng paggawa, ang dagdag na
halagang nililikha nito ay unti-unting lumiliit (approaching negative) kung ikukumpara sa bawat oras ng paggawang idinadagdag.
Kaya ang oras ng paggawang itinatakda ng kapitalista, halimbawa 8 oras, ay ang optimum na oras ng paggawa kung saan natitiyak
ang pinakamalaking sobrang halagang kayang likhain ng lakas paggawa ng manggagawa. Kaya kung sa 8 oras na pagtatrabaho,
lumilikha ang manggagawa ng halagang katumbas ng P160 (P60/3 oras=P20 per oras x 8 oras), ang sobrang halagang nilikha niya ay
katumbas ng P100 (P160-P60) at ito'y hindi napunta sa kanya kundi inangkin sa kanya ng kapitalista. Ito ang sobrang halaga. Ang
limang oras na sobrang oras ng paggawa ay hindi binayaran sa kanya ng kapitalista. Ito ang sobrang paggawa.
Ito ang kakaibang katangian ng lakas paggawa na nag-iiba sa kanya sa iba pang ordinaryong kalakal. Narito ang 'sikretong'
pinagmumulan ng tubo ng kapitalista.
5
Ito ay karaniwan sa ating lipunan saan malaking bahagi ng tubo ay nag-aanyong tubo sa pangongomersyo o tubo ng sosyo o
manininda. Batay sa mga ipinaliwanag natin sa itaas, masasabi nating ito ay isang maling akala. Pero paano nga natin ipapaliwanag
ang tubo na nakukuha ng mga manininda at iba pang nakikibahagi sa pagtitingi ng mga kalakal?
Ipinaliwanag ni Marx na ang tubo ay maari pang hati-hatiin sa pagitan ng may-ari ng lupa, ng nagpapautang ng pera, ng
nagtitingi at iba pang kasama ng aktwal na nagpapatrabahong kapitalista. Ang mga nakukuha nilang bahagi (upa sa lupa, interes sa
pera, tubo sa pagtitingi at tubong industriyal) ay "mga bahagi ng sobrang halaga ng kalakal, o ng `di bayad na paggawang taglay
nito, at pawang halaw mula dito, at tanging dito lamang." Pero maling sabihin na ang sobrang halaga (o tubo) ay "binubuo ng
pagsasama-sama ng magkakaibang halaga ng tatlong bahaging ito." Ituon natin ang ating pansin sa tubo sa pagtitingi o commercial
profit dahil ito ang mas laganap sa Pilipinas at laging pinagmumulan ng maraming kalituhan.
Hindi itinatakda ng manininda ang tubo na kaniyang makukuha sa pagbebenta ng kalakal. Ito ay mayroong hangganan.
Sabihin nating ang sobrang halaga ng isang kalakal ay P100, at ang kabuuang halaga ay P350. Kung nagbabalanse ang suplay at
demand, ang kalakal ay maibebenta sa presyong P350, ibig sabihin, katumbas ng halaga nito at hindi maaring ibenta ng mas mataas
dito. Kung ibenta ng nagpatrabahong kapitalista ang kalakal sa nagtitingi sa halagang P350, at ibinenta ng nagtitingi sa halagang
P350 din (tandaan na hindi niya ito maibebenta ng mas mataas sa halaga dahil sa balanse ng suplay at demand), hindi makakakuha
ng tubo ang nagtingi. Kaya't kung ang presyo sa pamilihan ay P350, kinakailangang bilhin ng nagtitingi ang kalakal na mas mababa
dito, ibig sabihin ibebenta ng nagpatrabahong kapitalista ang kaniyang kalakal sa maximum na halagang P349 upang bigyan ang
nagtitingi ng tubong P1 sa pagbenta ng kalakal sa mamimili. Sa ganitong sitwasyon, ang P100 na sobrang halaga ay pinaghatian ng
nagpatrabahong kapitalista (na nakakuha ng P99) at ng nagtitingi (na nakakuha ng P1). Maaring magkaroon ng mga pagbabago sa
kanilang paghahati sa sobrang halaga (maaring magkaroon pa ng ibang kahati) depende kung gaano kahalaga ang gagampanang
bahagi ng makikihati sa aktwal na produksyon o sa distribusyon ng kalakal. Ngunit hindi maaring magkaroon ng pagbabago sa
sobrang halaga. Hindi maaring, batay lamang sa kagustuhan, ay itakda ng magtitingi ang kaniyang tutubuin sa pagbebenta ng
kalakal. Ang tubo, kung gayon, "ay hindi isang arbitraryong halaga" o halagang pwedeng magbago-bago ayon sa kagustuhan.
Dagdag na punto para sa paliwanag sa usapin ng tubo: kaibhan ng pyudal sa kapitalistang upa sa lupa.
Ang pyudal na upa sa lupa ay tinatakda ng monopolyo ng mga panginoong maylupa sa pinakaproduktibong lupa, kaya
nakakakuha sila ng napakataas na upa sa lupa.
Ang kapitalistang upa sa lupa ay itinatakda ng karaniwang tantos ng tubo (average rate of profit) na ikinukumpara sa antas
ng interes sa pautang (business loan interest); tutubo ang kapitalista kung mas malaki ang karaniwang tantos ng tubo kesa sa umiiral
na interes sa pautang.
May dalawang klase ang kapitalistang upa sa lupa: ang absolutong upa (absolute or ground rent) na nakabatay sa
pinakamasamang klase ng lupa, mababa ang produktibidad; at ang differential rent na nakabatay sa produktibidad ng lupa,
paborableng lokasyon, irigasyon at iba pa. Ang karaniwang tantos ng tubo ang batayan ng pag-iiba ng upa sa lupa, mas mataas na
upa sa mas mataas na produktibidad ng lupa.
Sa kapitalistang lipunan, ang tubo ang nagtatakda ng upa sa lupa; samantalang sa pyudal na lipunan, ang monopolyo sa lupa
at kapangyarihang pampulitika ng mga panginoong maylupa ang nagtatakda sa upa sa lupa.
6
Para sa kapitalista, ang presyo ng kalakal ay kinukwenta sa pagsasama-sama ng [1] bayad sa nagastos sa hilaw na
materyales, mga kagamitan (tools o instrumento) sa paggawa, makinarya at gastos sa mentenans nito; [2] ipinambayad sa sahod ng
mga manggagawa; at [3] sobrang halaga o tubo ng kapitalista.
> ang una (kapital) ay dati na o nakaimbak (accumulated) na paggawa, anumang halagang magmumula dito ay
pamalit lang sa dati nang umiiral na halaga (ang halagang iluluwal ng makina ay siya ring halagang ikakasira o ikakabawas sa buhay o
silbi nito).
> ang ipinambayad sa sahod at tubo ng kapitalista ay mula sa bagong halagang nilikha ng manggagawa.
"Ang pangkalahatang batas na nagtatakda sa magkasalungat na relasyon ng sahod at tubo: Ang inilalaki ng tubo ay
katumbas ng karampatang pagliit ng sahod, at vice versa. Lumalaki ang tubo sa pagbaba ng sahod; lumiliit naman ito sa pagtaas ng
sahod."
Ang pangkalahatang tendensya ng kapitalistang produksyon ay ilubog ang karaniwang pasahod o ibaba ang halaga ng lakas
paggawa, humigit kumulang sa pinakaminimum nitong antas.
> may limit ang pagpapababa sa sahod at/o sa halaga ng lakas paggawa kaya minamantine ng mga kapitalista sa isang
kalkuladong antas ang sahod para tiyaking mabubuhay ng manggagawa ang kanyang sarili at pamilya, tiyaking makakabalik pa sa
pabrika kinabukasan para makapagtrabahong muli at tiyaking makapagparami at maipagpatuloy ang kanyang lahi ng mga sahurang
alipin.
> kaya upang makapagkamal ng malaking tubo, sinasagad ng kapitalista sa pisikal na minimum ang sahod, o sa pisikal na
maksimum ang oras ng paggawa; sa ganito nakakamit ng kapitalista ang maksimum na tubo.
> dahil tendensya ng kapitalistang produksyon ang patuloy na pagpapataas sa antas ng produktibidad, bumababa ang halaga
ng lakas paggawa kumpara sa mabilis na pagdami ng kalakal at mabilis na paglaki ng halagang nalilikha; ang kabilang mukha nito'y
pagliit ng demand para sa paggawa o paglaki ng hukbo ng walang trabaho; kaya bagama't may mga panahong tumataas ang sahod
(labas pa ang epekto ng pakikibaka ng mga manggagawa), "ang pangkalahatang tendensya ng sahod sa ilalim ng kapitalistang
produksyon ay pababa, at hindi pataas."
> ang pagtatakda ng mga batas sa minimum na sahod at bilang ng oras paggawa sa loob ng isang araw ay pawang mga tugon
ng estado't kapitalista sa pampulitikang pakikibaka ng mga manggagawa para itaas ang antas ng sahod.
7
naitutulak palabas sa mga pabrika, tumitindi ang kumpetisyon sa hanay nila kaya't bumababa ang sahod.
Habang lumalago ang produktibong kapital, mas sumisinsin ang hatian ng paggawa at mas lumalawak ang paggamit ng
makinarya. Habang mas sumisinsin ang hatian ng paggawa at mas lumalawak ang paggamit ng makinarya, mas tumitindi ang
kumpetisyon sa hanay ng mga manggagawa, at lalong bumababa o umuus-os ang kanilang sahod.
Kung mabilis ang paglago ng kapital, higit na mabilis ang pagtindi ng kumpetisyon sa hanay ng mga manggagawa; sa gayo'y
ibayong bumabagsak ang kanilang pinagkakakitaan at kabuhayan.
Mula dito'y malinaw na ang relasyon ng kapitalista at manggagawa, ang relasyon ng kanilang interes ay direktang
magkasalungat. Ang pagtamo ng interes ng isang panig ay magagawa lamang sa pagsupil o paglabag sa interes ng kabilang panig.
1. Ang bagong halaga "na itinakda ng oras ng paggawa ay ang tanging pondong pinagkukunan ng manggagawa at kapitalista
ng kanilang bahagi, ang tanging pondong hinahati sa sahod at tubo." Samakatwid, ang halagang ito at gayon ng buong kalakal ay di
magbabago sa pagbabago ng hatian ng sahod at tubo.
2. "Kung magbago ang sahod, magbabago ang tubo sa salungat na direksyon. Kung bumaba ang sahod, tataas ang tubo; at
kung tumaas ang sahod, bababa ang tubo... Gayon ang pangkalahatang pagtaas ng sahod ay magreresulta sa pagbagsak ng
pangkalahatang tantos ng tubo, ngunit di makakaapekto sa halaga."
3. "Ang bilang o dami ng kalakal na nayayari sa isang takdang oras ng paggawa, o ng isang kantidad ng paggawa ay
nakasalalay sa produktibidad ng ginamit na paggawa at di sa tagal ng paggamit nito." Samakatwid, "ang pagkakaiba sa presyo ay
resulta ng pagkakaiba sa produktibong kapangyarihan ng ginamit na paggawa (productive power of labor)."
IV. Pangkalahatang Batas at Tendensya ng Sahod, Presyo at Tubo sa Malakolonyal at Malapyudal na Lipunang Pilipino
Umiiral sa balangkas ng malakolonyal at malapyudal na sistema sa Pilipinas ang mapagsamantalang relasyong kapitalista at
manggagawa. Umaapekto ito sa humigit kumulang dalawang milyong mga manggagawa na natitipon pangunahin sa mga empresang
industriyal at komersyal. Napagsasamantalahan sila pangunahin ng mga monopolyo kapitalista katuwang ng mga malaking burgesya
komprador.
Sa isang banda, ang mga manggagawa ay napagsasamantalahan sa pangkalahatang paraang kapitalista. Ibig sabihin, ang
kanilang lakas-paggawa ay lumilikha ng sobra o labis na halaga na kinakamal naman ng mga kapitalista. Sa kabilang banda naman,
sa balangkas ng sistemang malakolonyal at malapyudal, natatangi din ang paraan ng pagsasamantala sa mga manggagawa. Suriin
natin ito.
Atrasado, pre-industriyal at agraryo ang katangian ng sistema ng produksyon sa Pilipinas. Nagsisilbi ito pangunahin sa
interes ng dayuhang monopolyo kapitalista habang ang aktwal na produksyon ay nakasalalay naman sa mga inangkat na mga
materyales.
Nananaig ang pyudal at malapyudal na pagsamantala sa malawak na dagat ng kanayunan. Atrasado ang sistema ng
produksyon na nangangahulugang walang malawakang mekanisasyon o paggamit ng mga makina sa agrikultura. Monopolyado ng
iilang malalaking panginoong maylupa ang pag-aari sa lupa. Nakatuon ang produksyong agrikultural sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng pamilihang dayuhan, tulad ng produksyon ng mga prutas o gulay pang-eksport.
Sa kapitalistang bansa saan mataas ang produktibidad, mataas rin ang antas ng pamantayan ng pamumuhay, kaya mataas
8
rin ang antas ng pangangailangan ng lipunan; gayon din ang kantidad o halaga o katangian ng mga batayang pangangailangan; sa
ganito naipagkakamaling mataas ang sahod ng mga manggagawa sa mga kapitalistang bansa.
Sa mga malakolonyal at malapyudal na lipunan, halimbawa sa Pilipinas, langit at lupa ang agwat ng sahod at presyo ng mga
bilihin - at patuloy na lumalaki ang agwat na ito. Habang ang presyo ay walang tigil sa pagtaas, tuluy-tuloy namang bumabagsak ang
tunay na sahod. [ipakita ang datos ng real wage mula 1960-1990].
Sa Pilipinas, dahil ang antas ng pasahod ay hindi makakatugon o makakaabot sa patuloy na tumataas na presyo ng mga
batayang pangangailangan, ang pamantayan ng pamumuhay ng mga manggagawa ay pwersahang ibinababa, inilulubog hanggang sa
pisikal na minimum -- antas para mamintina ang nakasasapat na lakas para makapagtrabaho. Kung dati-rati'y regular na
nakakapagmeryenda, -sigarilyo at -sine, ngayon ito'y luho na. Kung dati-rati'y nakakabili ng bagong damit o naipapasyal ang pamilya
minsan sa isang buwan, ngayo'y tuwing may bonus na lang. Kung dati-rati'y may pang-upa sa bahay, ngayo'y nangangasera na lang sa
entreswelo. Kung dati-rati'y nakakakain ng tatlong beses isang araw, ngayo'y pinag-iisa na lang ang agahan at tanghalian.
B. Sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, hindi lang tubo, kundi super tubo, dambuhalang tubo, ang pinipiga ng
mga dayuhang monopolyo kapitalista mula sa mga manggagawang Pilipino.
1. Mga Pang-ekonomikong Kondisyong Pinananatili ng Imperyalismo sa Pilipinas para Tiyakin ang Pagkamal ng Dambuhalang
Tubo
a. Permanenteng implasyon
Permanenteng implasyon ang katangian ng paggalaw ng presyo ng mga kalakal o bilihin. Minsan ay matarik ang pag-akyat
nito, minsan nama'y banayad. Subalit mabilis man o mabagal, pataas pa din tunguhin nito.
Ang batas ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pangunahi'y dulot ng monopolyong pagkontrol sa suplay at
presyo ng mga kalakal, lalong-lalo na ng kontrol sa ilang mahahalagang kalakal tulad ng langis o petrolyo. Nagagawa din nilang
itakda ang permanenteng pagtaas ng presyo sa pamamagitan ng mga patakaran sa ekonomiya at pinansya upang ang tunggalian ng
supply at demand ay laging ilihis sa panig ng demand (upang i-udyok ang pagtaas ng presyo) kahit pa tinitiyak na hindi ito hustong
maglalayo sa hangganang magreresulta ito sa sobrang implasyon.
Masasabi nating, sa kalahatan, itinatakda pa din ng halaga ang presyo. Pero kasabay nito'y dapat nating ipakita na
nagagawa ng monopolyong kontrol ng mga dayuhan at komprador sa mga susing bilihin na ang presyo ay permanenteng nakalihis sa
itaas ng halaga ng kalakal. Ibig sabihin, kahit pa monopolyado ng mga dayuhan ang industriya ng langis sa Pilipinas, hindi nila
magagawang isagad ang presyo nito ayon lamang sa kanilang kagustuhan o natitipuhang antas. Nahahangganan din sila ng umiiral na
kakayanang bumili ng sahod ng mga manggagawa. Hindi nila itataas ang presyo ng mga kalakal na lagpas sa kakayanan ng mga
mamimili na bilihin ang kalakal na iyon. (Babalikan pa natin ang puntong ito.)
Bunga ng permanenteng implasyon, ang halaga ng mga bilihin, ang halaga ng mga arawang pangangailangan para mabuhay
at maipagpatuloy ang lahi ng mga manggagawa, ang karaniwang halaga ng lakas-paggawa ng mga manggagawa ay patuloy na
tumataas. Ibig sabihin, kung ang arawang pangangailangan ng isang manggagawa ay P100/araw noong 1990 at ang implasyon
hanggang 1995 ay umabot ng kabuuan ng 100 porsyento, kakailanganin ng manggagawang iyon na kumita ng P200/araw upang
mapanatili niya ang kaniyang antas ng kabuhayan noong 1990.
b. Murang lakas-paggawa
Sa Pilipinas, katangi-tangi ang matalas na kontradiksyon sa pagitan ng sahod ng mga manggagawa at ng halaga ng kaniyang
lakas-paggawa. Habang tumataas ang halaga ng lakas-paggawa ay patuloy din naman ang pagbagsak ng tunay na halaga ng sahod,
kahit pa nangyari na ang aktwal o nominal na sahod ay tumaas. Makikita sa kasaysayan ang tuluyang pagbagsak ng tunay na halaga
ng sahod ng mga manggagawa. Tuloy-tuloy itong hinihila palubog. Noong dekada `80 lamang (?) makikita na ang tunay na halaga
ng sahod ay nanatili sa isang antas. Subalit ito ay nangyari lamang matapos ang panahon ng `di pa napapantayang kasiglahan at
kasigasigan ng mga welga at pakikibaka ng mga manggagawa para sa karagdagang sahod. Sa pag-aaral ng panahong ito ay lubos
nating mauunawaan na ang pakikibaka para sa pagpapataas ng sahod, sa esensya, ay pakikibaka para lamang panatilihin ang tunay
na halaga nito o pakikibaka upang labanan ang pagbagsak nito.
Ang pagtiyak sa murang lakas paggawa ay paraan ng masidhing pagsasamantala sa mga manggagawang Pilipino. Natutuhan
na natin na ang sahod ng mga manggaggawa at ang tubo ng mga kapitalista ay magkabilang panig sa permanenteng digma. Ang mga
patakaran sa paggawa ng gobyerno na nagtitiyak sa pagpapatuloy ng murang lakas paggawa ay isang paraan ng imperyalismo at
malalaking burgesya upang itimbang ang digmang ito sa kanilang panig. Ang agwat sa pagitan ng sahod at ng halaga ng lakas
paggawa ay katumbas ng kinakamal na tubo lagpas sa karaniwang tubo. Sabihin nang sa walong oras ay makakalikha ang
manggagawa ng halagang P800. Sabihin ding ang halagang P300 ay katumbas ng kaniyang lakas-paggawa at ang halagang P700 ay
ang karaniwang tubong kinakamal ng kapitalista. Pero dahil sa murang lakas-paggawa, ang manggagawang iyon ay pinasasahod
lamang ng P200 (sahod na mas mababa sa halaga ng kaniyang lakas-paggawa), makakapagkamal ang kapitalista ng P100 lagpas sa
kaniyang karaniwang tubo (kung ang sahod ay katumbas ng halaga ng lakas paggawa).
May mga patakaran ang gobyerno at internasyunal na burgesya para tiyakin at imantine ang murang lakas-paggawa sa
Pilipinas. Pinipigilan ang pagtaas ng sahod o hinihila pababa ang tunay na halaga nito sa pamamagitan kapwa ng pampulitikang
pwersa at ng pwersa ng umiiral na sistemang pang-ekonomiya. Ang kapangyarihan ng estado ay marahas na inihahambalos sa uring
manggagawa tuwing kumikilos upang igiit ang pagdaragdag ng sahod. Ang mga piketlayn ay palagiang larangan ng pampulitikang
tunggalian, marahas na tunggalian, sa pagitan ng mga manggagawang nangangailangan ng karagdagang sahod at ng mga kapitalistang
nais kumamal ng papalaki at papalaking tubo. Ang patakaran ng murang lakas-paggawa ay napapagtibay sa pamamagitan din ng mga
pampulitikang maniobra upang paghiwa-hiwalayin ang mga manggagawa at mga pamamaraang institusyunalisado tulad ng regional na
sistema ng pagtatakda ng minimum na sahod, sistemang kontraktwal atbp.
9
Ang isa pang singhalagang tuntungan upang tiyakin ang murang lakas-paggawa ay ang mismong umiiral na sistemang pang-
ekonomiya. Dahil ang ekonomiya ng Pilipinas ay hindi industriyalisado o mababa ang antas ng produktibidad sa kalahatan at lugmok
sa pagka-atrasado ang mas malaking bahagi ng sistema sa produksyon, hindi mangyayari na lalaki ang bilang ng mga manggagawa
kumpara sa kabuuan. Bunga nito, nangyayaring lumilitaw ang isang `di karaniwang laki at permanenteng hukbo ng reserbang
paggawa o hukbo ng walang trabaho (kahit pa ngayon sa panahong ipinapatupad ang patakaran ng pagluluwas ng mga manggagawa).
Ang hindi karaniwang laki nito ang naglulublob sa sahod mula sa isang mababang antas palubog sa mas mababa pang antas. Dahil `di
karaniwan ang laki ng suplay ng kalakal na lakas paggawa at sadya din namang mababa ang demand o pangangailangan para dito
(dulot ng mababang antas ng produksyong industriyal), mangyayari na ang sahod ng mga manggagawa ay lilihis sagad pababa
kumpara sa antas ng halaga ng kanilang lakas-paggawa.
Ang tanong ay paano nalulutas ang kontradiksyon sa pagitan ng sahod at halaga?
Mayroong dalawang paraan. Ang una ay ang pagpapabagsak ng antas ng buhay panlipunan ng mga manggagawa, ibaba ang
antas ng kaniyang mga kagustuhan at pangangailangan upang ibaba ang halaga ng lakas-paggawa at tumugma sa mababang antas ng
kaniyang sahod. Sa ganitong paraan, hinihila pababa ang antas ng kalusugan, edukasyon, kultura at iba't ibang aspeto ng buhay
panlipunan ng mga manggagawa. Sa palasak na salita, ipinagkakasya ng mga manggagawa ang kanilang buhay at buhay ng kanilang
mga pamilya sa kakarampot na sahod na kanilang tinatanggap. Kung dati ay kumakain ng tatlong beses isang araw, nagiging
kagawian na ng mga manggagawa at kumain na lamang ng dalawang beses maghapon. Natatanim sa isip ng mga manggagawa ang
ganitong mga bagong kagawian hanggang sa ang dating mga pangangailangan ay ituturing nang mga luho (tulad ng pagkain ng tatlong
beses isang araw at kahit ibang bagay na mas angkop na ituring na esensyal). Ang bagsak na katayuan ng buhay ng mga manggagawa
ay lalo pang pinatitingkad ng laganap na kultura ng konsumerismo. Ang mga manggagawa ay nagkakasya na lamang sa pagdungaw sa
mga eskaparate ng SM habang tinitiis ang hinaing ng kaniyang asawa at mga anak.
At ang ikalawang paraan. Ang pagtataas ng sahod upang tumugma sa halaga ng kaniyang lakas paggawa. Makikita natin sa
kasaysayan na ang minimum na arawang sahod ng mga manggagawa ay may ilang ulit na ding itinaas resulta ng batas na ipinatutupad
ng kongreso, utos ng presidente o ayon sa mga desisyon ng tinatawag ngayon na mga regional wage boards. Pero, ang lahat ng mga
nangyari nang pagtataas ng minimum na arawang sahod ay laging resulta ng pampulitikang pakikibaka ng mga mangagawa o ng
kanilang sama-samang pagkilos upang igiit ang karagdagang sahod.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang pagtaas sa antas ng sahod ng mga manggagawa ay nagreresulta sa pag-ayon ng
tunay na halaga ng sahod sa halaga ng kaniyang lakas-paggawa. Mula 1950 hanggang 1970, umakyat ng ___% ang sahod ng mga
manggagawa subalit ang tunay na halaga naman nito ay bumagsak ng __%. Dulot ng permanenteng implasyon, ang bawat pagtaas ng
sahod ay nagreresulta sa kagyat na pagbakbak ng tunay na halaga nito. Noon lamang dekada `80 (1980-90) nangyari na nanatili ang
tunay na sahod pero matapos lamang ng ilang ulit na pagtaas ng antas ng sahod bunga ng isang panahong kinatampukan ng
malaganap na pakikibakang unyon at welgang manggagawa.
Ang unang konklusyon na mahahalaw natin sa puntong ito ay: ang permanteng implasyon at ang patakaran ng murang lakas-
paggawa ay nagreresulta sa kontradiksyon sa pagitan ng sahod ng mga manggagawa at sa halaga ng kaniyang lakas-paggawa. Para sa
mga manggagawa, iisa ang paraan ng paglutas ng kontradiksyon na ito, at iyan ay sa pamamagitan ng paggiit ng karagdagang sahod
sa pamamagitan ng militanteng mga pakikibaka.
2. Ilang mga kasong nagpapakita kung paano kumakamal ng dambuhalang tubo ang mga dayuhang monopolyo
a. Paggawang Amerikano sa presyong Pilipino: Dobleng-pagsasamantala ng mga dayuhang korporasyon sa murang lakas-
paggawa sa Pilipinas
Ipagpalagay na may isang korporasyong Amerikano na mayroong sentral na pagawaan sa Amerika at mayroong subsidyaryo
sa Pilipinas, halimbawa sa isa sa mga "industrial enclaves". Ang isa sa mga linya ng produksyon nito ay pinatatakbo kapwa sa U.S. at
sa Pilipinas. Ibig sabihin, sa linya ng produksyong tinutukoy natin, gumagamit ng abanteng tipo ng mga makinarya, antas ng
teknolohiya at gayo'y antas ng produktibidad ng lakas-paggawa, kapwa sa U.S. at Pilipinas.
Sabihin na, na sa loob ng 8 oras ay nakalilikha ang produktibong lakas-paggawa na iyon ng bagong halagang katumbas ng
P1,600 (o P200 bawat oras). Sabihin din na ang karaniwang halaga ng lakas paggawang ginagamit sa Amerika ay P700 at sa Pilipinas
naman ay P300. Kung gayon, sa pagpapatakbo ng linya na iyon ng produksyon sa U.S., sa loob ng 3 ½ oras ay matutumbasan ang
halaga ng lakas paggawa ng manggagawang Amerikano; ang sobrang halaga, samakatuwid ay katumbas ng 4 ½ oras o P900.
Sa pagpapatakbo naman nito sa Pilipinas, ng parehong linyang ito ng produksyon, sa loob lamang ng 1 ½ oras ay
matutumbasan na ang halaga ng lakas paggawa ng manggagawang Pilipino; at samakatuwid, ang sobrang halagang nilikha niya ay
katumbas ng 6 ½ oras o P1300.
Kung gayon, sa pamamagitan ng pagbili ng lakas paggawa ng mga Pilipino, makapagkakamal ang mga monopolyo
kapitalistang ito ng P400 na sobrang halaga o tubo sa bawat manggagawa bawat araw, ibig sabihin, lagpas sa karaniwan niyang tubo
na P900/araw. Pero sa katunayan ay higit pa dito.
Dahil sa Pilipinas, sa kalahatan, hindi natatanggap ng mga manggagawang Pilipino (sa anyo ng sahod) ang aktwal na halaga
ng kaniyang lakas-paggawa. Sabihin nang mangyari na sila'y makakatanggap ng sahod na mas mataas sa tinatanggap ng karaniwang
manggagawa. Maaring ito'y mas mababa pa din sa halaga ng kaniyang lakas paggawa. Halimbawa, kung sumahod siya ng P265/araw
(na mas mataas ng P100 sa minimum na arawang sahod), ang supertubo na P400/araw ay nadadagdan pa ng P35/araw.
Kung kaya't madalas na ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga dayuhang korporasyon ay tumatanggap ng mas
mainam na sahod kaysa karaniwan. Ngunit ang tinatanggap nila sa aktwal, ay maaring mas mababa pa din sa halaga ng kanilang
lakas-paggawa.
Ang susi sa animo'y dobleng pagsasamantalang ito ng mga dayuhang korporasyon sa mga manggagawang Pilipino ay ang pag-
empleyo ng mga monopolyo kapitalista sa parehong tipo ng lakas paggawa na may magkaibang halaga o sa mas mababang halaga.
10
Ibig sabihin, nasa pareho o halos pareho ang antas ng produktibidad na ibinebenta ng manggagawang Pilipino ngunit sa
napakababang presyo. Wika nga, "paggawang Amerikano sa presyong Pinoy."
Ngunit bakit nangyayaring magkaiba ang halaga ng lakas paggawa gayong pareho lang ang produktibidad nito. Sinabi ni
Marx na "(s)a paghahambing ng mga karaniwang sahod o halaga ng paggawa ng iba't ibang bansa ... makikita na ang halaga ng lakas
paggawa ay hindi tigil ngunit isang nagbabagong magnitude..." Itinatakda ito kapwa ng pamantayang pisikal (karaniwa'y itinutulalak
sa pampisikal na minimum o katumbas lamang ng mga pangangailangan para mabuhay at magtrabaho sa isang araw at makabalik sa
susunod na araw); at ng mga pamantayang istorikal at panlipunan -- ibig sabihin, lagpas sa pagpapanatili lamang ng pisikal na buhay,
saklaw din ng halagang ito ang pagtugon sa mga kagustuhang umiiral sa kalahatan ng lipunang ginagalawan ng manggagawa. Kung
kaya't maaring sa pagkwenta ng lakas paggawa ng isang manggagawang Amerikano ay kasama ang halaga ng isang washing machine o
kotse kaya, na ayon sa antas ng kanilang pamumuhay ay mga kagamitang esensyal para sabihing disente ang kanilang buhay.
Susi kung gayon, ang panatilihing mababa ang halaga ng lakas paggawa ng mga Pilipino kaysa sa lakas paggawang Amerikano
sa pamamagitan ng pagpapanatiling mababa ng antas ng buhay ng mga manggagawang Pilipino. Nagagawa ito, una na, sa
pamamagitan ng pagpapanatiling mababa ang produktibidad ng ekonomiya sa kalahatan. Hindi nila ipinapasok ang sentral na
teknolohiya sa mga malakolonya tulad ng Pilipinas. Hiwa-hiwalay ang ipinapasok na mga teknolohiya upang hindi magbunsod ng
pangkalahatang industriyal na pagsulong. Inililimita ang ipinapapasok na mga linya ng produksyon sa mga tipong nangangailangan ng
malaking kantidad ng lakas-paggawa (labour-intensive).
Hindi interes ng imperyalismo o ng mga dayuhang monopolyo kapitalista ang pag-i-industriyalisa ng Pilipinas na karaniwang
may kaakibat na pagpapataas ng antas ng kabuhayan. Kung ma-industriyalisa ang Pilipinas, bababa ang disempleyo at aangat ang
antas ng pagpapasahod sa mga manggagawa. Sa ganoong pagbabago ng antas ng pangkalahatang produktibidad ng ekonomya, tataas
ang halaga ng parehong tipo ng lakas paggawa ng manggagawang Pilipino at gayo'y liliit ang nakakamkam na supertubo ng mga
monopolyo kapitalista.
b. Pagkamal ng supertubo sa pamamagitan ng pagtambak ng kalakal sa presyong mas mataas sa halaga nito: Isa pang
dahilan para panatilihin ang mababang produktibidad ng Pilipinas
Bakit karaniwang mas mataas ang presyo ng isang kalakal kung ito'y bibilhin sa Pilipinas kaysa halimbawa sa Amerika o sa
mga bansang industriyalisado? Dahil naibebenta ito ng mga monopolyo kapitalista sa presyong higit na mataas kaysa tunay nitong
halaga.
Pero paanong nagagawa na ang presyo ay palagiang mas mataas kaysa tunay na halaga nito?
Bigyang-pansin natin ang industriya ng kompyuter o mga kagamitang elektroniko. Unti-unti ay nagiging pangkalahatan at
halos esensyal ang paggamit sa mga ito (kahit sa Pilipinas, lalo pa't agresibong tinutulak ito ng gobyerno at bunga ng malaganap na
kampanya ng pang-aakit sa petiburgesya). Gayunpaman, ang teknolohiya sa produksyon ng mga ito (lalo na ang produksyon ng
pinaka-abanteng teknolohiya), sa buong mundo, ay nakakonsentra lamang, pangunahin, sa U.S. at Japan.
Dahil mababa ang pangkalahatang produktibidad sa Pilipinas nangyayari na relatibong mas mataas ang halaga ng mga
kalakal, ibig sabihi'y mas malaking oras ng lakas-paggawa ang naka-imbak sa bawat kalakal. Dahil hindi naman kayang iprodyus dito
ang mga kompyuter, nagagawa ng mga monopolyo kapitalista na ibenta ito na mas mataas kaysa tunay nitong halaga o mas mataas
kaysa halaga ng produksyon ng mga ito, ayon sa antas ng produktibidad sa Pilipinas at hindi ayon sa antas ng produktibidad sa
Amerika. Ang tanging hangganan ng pag-akyat ng presyo ng mga kalakal na ito ay ang karaniwang kakayanang bumili ng mga
mamimili ng mga ito o ng karaniwang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas, na itinatakda naman ng pangkalahatang antas ng
produktibidad ng ekonomya.
Upang mas maunawaan ito, tingnan natin ang ibang kalakal na kapwa nililikha sa Amerika at Pilipinas. Nakakapagprodyus
ang Pilipinas ng bigas. Ngunit mababa ang produktibidad ng ating agrikultura kung ikukumpara sa isang industriyalisadong bansa.
Bunga ng mataas na antas ng mekanisasyon, kahit pa sa parehong laki at taba ng lupa, aani ng mas malaki sa Amerika kaysa dito sa
Pilipinas. Maaring mas malaki ang paunang kapital na ginagamit sa agrikultura sa Amerika (traktor, irigasyon, mga kemikal atbp.)
kaysa Pilipinas (na karaniwa'y produksyong manwal pa din at malaki ang pagsalalay sa kalikasan). Pero dahil higit na mas malaki ang
ani, lalabas na mas mura ang bawat kilo ng bigas (kahit `di pa muna natin ipasok na salik ang subsidyo ng gobyernong U.S. sa
kanilang mga magsasaka na nagpapababa ng presyo at ang kartel sa bigas sa Pilipinas na nagpapataas naman ng presyo).
Ipagpalagay natin na ang presyo ng bigas sa Pilipinas ay P15 bawat kilo at ang presyo ng bigas sa Amerika ay P7 bawat kilo
(na ipalagay nating binubuo ng P2 kapital, P2 sahod at P3 sobrang halaga). Kapag ipinasok ang California rice sa Pilipinas, maari
itong ibenta sa halagang P5 at tutubo ito ng karaniwan (ibig sabihin, P3 bawat kilo). Ngunit hindi pa ito pagkamal ng supertubo.
Upang kumamal ng supertubo, ibebenta ang California rice sa antas ng presyo ng bigas sa Pilipinas, halimbawa P15/kilo o kahit mas
mababa pa ng kaunti. Kapag ibinenta ito sa halagang P15/kilo, kakamal ng P8/kilo na supertubo ang mga monopolyo kapitalista.
Ngayon, upang matiyak ng mga monopolyo kapitalista na tuloy-tuloy na lumalaki ang kanilang supertubo, titiyakin ng mga
ito na ang presyo ng mga kalakal sa Pilipinas ay patuloy na tumataas. Kaya't kahit pa nakikita nito na kakamal ito ng supertubo,
halimbawa, sa pagpasok ng kanilang sobrang produktong bigas, hindi din naman nito magawang ibuhos ang lahat ng ito sa Pilipinas.
Kung magkagayon, kung magkaroon ng sobrang suplay ng bigas sa Pilipinas, hihilahin ang presyo pababa at kasama nito'y ang pagliit
ng kanilang supertubo.
Isa sa mga paraan upang pahupain ang krisis ng sobrang produksyon ng monopolyo kapitalismo ay ang pagtatambak ng
kanilang sobrang mga produkto sa mga pamilihan sa labas ng kanilang bansa. Ngunit higit sa simpleng pagtatambak lamang ng mga
produkto at pagpapahupa ng krisis ng sobrang produksyon, itinatambak nila ang kanilang mga produkto sa presyong mas mataas sa
tunay na halaga nito o mas mataas sa halaga ng produksyon ng mga kalakal na ito-- o sa isang salita, sa antas ng pagkamkam ng
supertubo. Gayunpaman, upang matiyak nitong patuloy itong nakakakolekta ng supertubo, susukatin nito ang pagtatambak (ang
suplay) sa hangganang hindi nito hihilahin ang presyo pababa at sa halip ay patuloy pa ding tumataas.
11
Ang susi sa buong iskema na ito ay ang pagtitiyak na mayroon mga malakolonya na nananatiling atrasado o dili kaya'y mas
mababa ang antas ng produktibidad kaysa sa antas na inabot ng mga monopolyo kapitalistang bansa. Maryroon mang mga linya ng
produksyon na may mataas na antas ng produktibidad, titiyakin nilang hindi ito konektado o integrated sa buong ekonomya. Ang
agwat ng produktibidad sa pagitan ng mga industriyalisadong bansang kapitalista at mga malakolonya nito ang nagtitiyak na ang mga
kalakal ng mga monopolyo kapitalista na nalikha sa mababang halaga ay maibebenta sa mataas na presyo, sa katumbas (o mas
mababa ng kaunti) na antas ng presyo ng mga kalakal na may mataas na halaga ng produksyon sa mga bansang mababa ang antas ng
produktibidad. Sa ganitong paraan, nakakapagkamal sila ng supertubo.
Doble-doble ang kinakamal na supertubo ng mga monopolyo-kapitalistang kung ibebenta nila sa mga malakolonya ang
kanilang mga kalakal na nilikha sa pamamagitan din ng murang lakas-paggawa sa malakolonyang iyon. Bukod sa nakakapagkamal sila
ng supertubo sa pamamagitan ng pagsasamantala sa murang lakas paggawa (katulad ng ipinakita natin sa itaas), nakakapagkamal din
sila ng supertubo sa pamamagitan ng pagbenta nito sa presyong higit na mas mataas sa halaga ng produksyon nito. (Elaboration on
assembly line versus direct importation: the Toyota experience).
Sa kadulu-duluhan, ang mga mangggawa at mamamayang Pilipino ang biktima ng buong iskemang pang-ekonomya at
panlipunang ito. Ang lahat ng ito ay dumudulo sa pagpapabagsak ng antas ng sahod ng mga manggagawa. Habang pinapanatiling
mababa ang produktibidad, kapwa sa kalunsuran at kanayunan, natitiyak na patuloy na lumalaki ang hukbo ng walang trabaho, ang
reserbang mga manggagawa, na ginagamit namang salik ng imperyalismo at malaking burgesya upang palubugin ang antas ng sahod
ng mga manggagawa.
MAIKLING PAGLALAGOM:
Ngayon, balikan natin ang dalawang katanungang inihapag sa pagsisimula ng ating pag-aaral: "Bakit dapat ipaglaban ng mga
manggagawa ang pagtaas ng sahod?" "Ano ang itinuturo ng kasaysayan at karanasan ng pakikibaka ng proletaryado para itaas ang
sahod?"
Kongkretong-kongkreto para sa manggagawang Pilipino ang sagot sa unang katanungan. Sa katunayan, hindi na niya iniisip,
hindi na niya itinatanong kung bakit. Sa tuwinang kakalam ang sikmura, sa tuwinang uuwi sa pamilya sa araw ng sweldo't halos pay
envelop na lang ang ipapasalubong sa asawa't mga anak, sa kabila ng araw-araw na halos pagpapakamatay sa trabaho, batid na batid
na ng manggagawa ang dahilan. Klarong-klaro na sa kanyang wasto, kinakailangan, makatwiran at makatarungan ang paglaban para
sa pagtaas ng sahod. Ngayon, ang tanong nga niya'y hindi "bakit", kundi "paano" ang paglaban.
Malinaw ang aral ng pakikibaka ng uring manggagawa. Sa ating kasaysayan, sa ating karanasan, ang pagtaas ng sahod ay
bunga ng paggigiit ng mga manggagawa. At nakamit ito sa pamamagitan ng puspusan at militanteng paglaban. Subalit hindi pa ito
ang kabuuang aral.
Totoong pundamental na laban ng uri ang pagtaas ng sahod. Ito'y buhay-at-kamatayang usapin para sa manggagawa. Lalo pa
sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunang batbat ng krisis, ang paglaban sa pagtaas ng sahod ay, sa katunayan, laban para
idepensa ang halaga ng sahod. At kung gayo'y ang kabuhayan ng manggagawa at ng kanyang pamilya. Kung gayo'y ang mismong buhay
at kinabukasan ng buong uri.
Itinuturo ng ating karanasan na hindi lang laban para sa pagtaas ng sahod ang kinakailangang ibunsod ng mga manggagawa.
Kundi isang puspusan, malawakan at pangmatagalang gera para wasakin at wakasan ang sahurang pang-aalipin, at ang mismong
sistema ng lipunan na nagpapanatili nito. Sa ganitong balangkas dapat masigasig, walang humpay at militanteng iginigiit ang pagtaas
sa sahod at iba pang kaugnay na pang-ekonomikong pakikibaka ng mga manggagawa.
Sa Pilipinas, ang komprehensibong balangkas ng paglaban at programa para sa ganap na paglaya ng uring manggagawang
Pilipino ay humahantong sa landas ng pambansa demokratikong rebolusyon.
12