You are on page 1of 8

Discussion Guide sa Sahod, Presyo, at Tubo

April 27, 2020

BALANGKAS
I. Istorikal na Konteksto ng Akda
II. Labor Theory of Value
A. Halaga at Paggawa
1. Saan nanggagaling ang halaga ng isang kalakal?
a) Ano ang bumubuo sa halaga?
b) Paano ito itinatakda? (Socially necessary labor)
2. Use-Value
3. Exchange Value
4. Paggawa at Produktibidad ng Paggawa
B. Lakas-Paggawa
1. Ano ang lakas-paggawa?
2. Ano ang halaga ng lakas-paggawa?
III. Teorya ng Labis na Halaga
A. Produksyon ng Labis na Halaga at ang Pagkamal nito
B. Pagkakahati ng Labis na Halaga
1. Rent
2. Interest
3. Industrial Profits
C. Ang Kontradiksyon ng Labis na Halaga at Sahod
IV. Krisis ng Labis na Produksyon
A. Ang Siklo ng Kapitalistang Krisis
B. Krisis ng Labis na Produksyon at Imperyalismo (Sumangguni sa On Imperialism
ni Lenin)
V. Mga Madalas na Maitanong
A. Hindi ba magkakaroon ng implasyon kung tataas ang sahod ng mga
manggagawa?
B. Wasto bang ipanawagan ang pagpapataas ng sahod?
C. Nakukulong lang ba sa pagpapataas ng sahod ang pakikibaka ng uring
manggagawa?
VI. Pagsusuma: Ang Pangkalahatang Relasyon ng Saho, Tubo, at Presyo

ISTORIKAL NA KONTEKSTO NG AKDA


● Ang Sahod, Presyo, at Tubo ay ang naging talumpati ni Marx sa dalawang sesyon ng
Paangkalahatang konseho ng Unang Inteonal noong Hunyo 20 at 27, 1865.
● Sa panahong iyon, naging mainit na usapin ang panawagan ng mga manggagawa para
sa kahilingan para itaas ang kanilang mga sahod.
● Tinuligsa ni Marx ang mga pananaw ni John Weston, isang maipluwensyang miyembro
ng Pangkalahatang Konseho at kinatawan ng mga manggagawang Ingles. Isa si Weston
sa mga tumutol sa panukalang pagpapataas ng sahod sa mga batayang kaugnay sa
pagtaas ng presyo ng mga pangangailangan, pagiging pirmi ng produksyon, at iba pa,
na ayon kay Marx ay nakabatay sa pinakamababaw na pagsisiyasat sa mga batas
pang-ekonomikong umiiral sa ilalim ng sistemang kapitalista.
● Upang mailinaw ang mga batayan para sa pagpanig sa panawagang pagpapataas ng
sahod, inilatag ni Marx ang kanyang mga teorya hinggil sa ugnayan ng halaga at
paggawa, at pati ang kanyang mga teorya hinggil sa labis na halaga.
● Hindi nailathala ni Marx o ni Engels ang akdang ito. Natagpuan na lamang ito sa mga
papeles ni Marx ni Eleanor Aveling, ang anak ni Marx, pagkatapos mamatay si Engels.
Inilathhala ito sa wikang Ingles sa pamagat na Halaga, Presyo, at Tubo, samantalang
Sahod, Presyo, at Tubo nanaman ang pagkalathala nito sa wikang Aleman.

LABOR THEORY OF VALUE


I. Halaga at Paggawa
A. Saan nanggagaling ang halaga ng isang kalakal?
■ Sa palitan ng mga kalakal sa kalakalan, maaari lamang mangyari ang
isang palitan kung sa mga kalakal na pinagpapalitan ay mayroong
katumbas na halaga na ipinagpapalit sa isang kalakal.
■ Ang halaga ng mga kalakal ay hindi bunga ng kanilang likas na mga
katangian, sapagkat mayroon itong panlipunang katangian (social
function). Nagkakaroon ng interaksyon sa mga indibidwal sa kanilang
pagpapalitan ng mga kalakal.
■ Kaya’t kailangang tingnan kung ang panlipunang sangkap na
kumakatawan sa mga halaga ng kalakal kung kaya’t napagpapalitan ito
bilang mga kalakal - ito ang paggawa. Upang malikha ang isang kalakal,
kinakailangan pagkalooban o gamitan ito ng isang takdang dami ng
paggawa.
■ Sa pagpapailalim ng produksyon ng kalakal sa hatian ng paggawa sa
lipunan, hindi lamang isang manggagawa ang lumilikha ng kalakal kundi
marami ung kaya’t pinagkakalooban ang kalakal ng takdang dami ng
panlipunang paggawa.
B. Use-Value
■ Hindi lahat ng produkto ng paggawa ay nagiging kalakal. Ang mga
produkto para sa kagyat ng konsumo ay mayroong use-value, sapagkat
nagkakaroon ito ng “gamit” para sa prodyuser ng isang produkto.
■ Sa mga lipunang bago ng pag-usbong ng kapitalistang sistema, ang
produksyon ng mga tao, halimbawa ng mga magsasakang may sariling
lupa ay nakatuon sa pagprodyus ng mga produktong gagamitin para sa
kagyat na konsumo.
C. Exchange Value
■ Nagiging kalakal ang isang produkto kapag ang produksyon nito ay
nakatuon sa palitan sa merkado. Kaakibat nito, nagkakaroon ng
exchange value ang isang kalakal.
■ Nailinaw na binubuo ang isang kalakal ng panlipunang paggawa.
Subalit, paano ba ito naitatakda? Nilinaw ni Marx na ang pagtatakda ng
halaga ng panlipunang paggawang nakalakip sa mga kalakal ay batay sa
oras na nilaan ng manggagawa sa paggawa.
■ Ngunit, ibig sabihin ba nito na kapag tinamad ang manggagawa sa
paggawa at humaba ang oras na kailangan sa paggawa ay lalaki rin ang
halaga ng kalakal? Nilinaw ni Marx na ang halaga ng paggawa ay
itinatakda ng socially necessary labor time o ang “relatibong kantidad
ng paggawang kailangang sa paglikha” ng isang espesipikong kalakal sa
normal na mga kondisyon ng produksyon (average ng oras na kailangan
para malikha ang isang kalakal).
■ Sa pagkukuwenta ng halaga ng isang kalakal, kailangan ding mabigyang
pansin ang kantidad ng huling paggawang ginugol sa mga kagamitan at
sangkap na ginamit sa paggawa ng kalakal. Sa madaling salita, nagiging
bahagi ng isang kalakal ang halaga ng mga makina at gusali, ang halaga
ng mga hilaw na materyales, at ang halaga ng paggawang inalay para sa
produksyon ng isang kalakal.
D. Paggawa at Produktibidad ng Paggawa
■ Dahil walang tigil na nagbabago ang mga kakayahan sa produksyon, lagi
ring nagbabago ang kantidad ng paggawa na kailangang ilaan sa
paggawa ng isang kalakal. Sa gayon, lagi ring nagbabago ang halaga ng
mga kalakal.
■ “Kung mas malaki ang produktibong kkakayahan ng paggawa, mas
marami ang nagagawa sa isang panahon ng pagtatrabaho; at kung mas
maliit an mga kakaahan, mas kaunti ang nayayaring produkto sa
parehong haba ng panahon.
■ Mga puwersang nakakaapekto sa produktibong kakayahan: likas na
kondisyon ng pagggawa (taba ng lupa, mineral, atbp.); at ang tuloyy-tuloy
na paghusay ng panlipunan kakayahan ng paggawa (pag-abante ng
teknolohhiya sa produksyon, paghahatian sa paggawa, mga bagong
pamamaraan, kemikal, atbp.).
■ “Tuwiran ang relasyon (directly proportional) ng mga kalakal sa panahon
ng paggawang ginamit sa produksyon ng mga iyon, at baligtad (indirectly
proportional) sa mga produktibong kakayahan ng ginamit na paggawa.
■ Presyo: ekspresyon ng halaga sa salapi. Ang presyong palengke ng
isang kalakal ay kadalasa’y tumatapat sa halaga ng kalakal. Ang pag-
inog nito (pagtaas at pagbaba) na higit pa sa halaga ng kalakal ay
nakadepende sa paglaki at pagliit ng suplay at pangangailangan. “Kapag
nagpatas ang suplay at pangangailangan, ang presyong palengke ng
mga kalakal ay tumutugma sa halaga ng kalakal.’
■ Mula rito iginigiit ni Marx na ang tubo ay hindi nanggagaling sa “ipinatong
na presyo ng mga kalakal o sa pagbebenta sa mga iyo na mas mataas sa
kaniilang halaga.” Kasabay nito, nagbigay ng kontra-proposisyon si Marx
(na mas tatalakayin sa kanyang mga teorya sa labis na halaga) - “ang
mga kalakal ay ibenebenta sa tunay na halaga ng mga ito, at nakakamal
ang tubo mula sa pagbebenta ng mga iyon nang ayon sa kanilang
halaga, ibig sabihin, ayon sa dami ng paggawang nakakarga sa mga
iyon.”
II. Lakas-Paggawa
A. Ano ang lakas-paggawa?
■ Kanina mas ginamit ang terminong “paggawa” para ipaliwanag ang
panlipunang sangkap na komun sa mga kalakal. Subalit, ililinaw ni Marx
na mas angkop gamitin dito ang terminong “lakas-paggawa”, dahil ang
paggamit ng “paggawa” ay isang tawtolohiya o paikot-ikot na ekspresyon,
halimbawa: isang tawtolohiya ang “10 oras ng arawang paggawa ay
katumbas ng 10 oras ng paggawa”.
■ Sa paggamit ng terminong lakas-paggawa, mas nabigyang diin ang
mismong kalakal na binebenta ng mga manggagawa sa mga kapitalista -
ang pagod, pawis, at ang lakas na siyang nasusukat ng oras na nilaan sa
paggawa (ang mismong proseso ng paglikha ng mga produkto).
Kailangang tandaan na “hindi ang paggawa ang tuwirang ipinagbibili ng
manggagawa, kundi ang kanyang lakas-paggawa, na pansamantala
niyang ipingagamit sa kapitalista.”
B. Ano ang halaga ng lakas-paggawa?
■ Itinakda ang halaga ng lakas-paggawa ayon sa kantidad ng paggawang
kailangan para ito ay malikha.
■ Umiiral ang lakas-paggawa sa katawan kung kaya’t kinakailangan
imintina ang katawan ng manggagawa para siya’y manatiling
manggagawa. Kinakailangan dito ang pantustos sa kanyang sarili,
pantustos sa pamilya para makapagreprodyus pa ng bagong henerasyon
ng mga manggagawa, at pantustos sa edukasyon na sapat upang
idebelop ang kakayahan ng tao para maging isang manggagawa.

TEORYA NG LABIS NA HALAGA


I. Produksyon ng Labis na Halaga at ang Pagkamal nito
A. Bayad at 'Di Bayad na Paggawa.
1. Sa ilalim ng sistemang kapitalista, may asumpsyon na bayad ang
kabuuang paggawa, ngunit kung susukatin ang halaga na nalilikha ng
lakas-paggawa na inalay ng manggagawa, mayroong bahagi na 'di
nababayaram ng kanilang sahod.
2. Ang bayad na bahagi ng paggawa ay siyang binabayaran ng sahod.
Ang 'di bayad na bahagi ng paggawa ang siyang kumakatawan sa labis
na halaga na kinakamal ng mga kapitalista.
3. Dahil dito, isa rin itong patunay na hindi patong na presyo ang tubo na
kinakamal ng kapitalista. Ang kalakal ay binebenta ayon sa halaga niya,
subalit, dahil sa bahagi ng paggawa na 'di nababayaran, nakakakamal ng
tubo ang mga kapitalista.
B. CASE STUDY
II. Pagkakahati ng Labis na Halaga
A. Upa
1. Hati sa may-ari ng lupa sa pamamagitan ng pagbayad ng upa. Hindi sa
lahat ng pagkakataon ang kapitalista ang nagmamay-ari ng lupa na
kinakatayuan ng kanyang paggawaan kung kaya't nakakakuua ng
bahahu ang panginoong may-lupa. Subalit, nakakamal naman ito ng
kapitalista nang buo kung pati siya ang may-ari ng lupa.
B. Interes
1. Bahagi ng labis na halaga na nakukuha ng kapitalistang nagpautang ng
salapi sa nagpapatrabahong kapitalista. Upang mailunsad ang isang
partikular na proseso ng produksyon, kinakailangan ang mga kagamitan
para rito. Ang may-ari ng kagamitan nito, na maaari ang kapitalistang
nagpahiram sa nagpapatrabahong kapitalista, ay ang kumakamal ng
interes. Kung ang mismong kapitalista ang may-ari ng kagamitan sa
produksyon, buo niyang nakakamal ang bahagi ng interes.
C. Tubong Industriyal
1. Ang bahaging nakakamal ng nagpapatrabahong kapitalista kung aawasin
ang upa at interes mula sa labis na halaga.
D. Kailangang tandaan na ang labis na halaga ang siyang kumakatawan sa
limitasyon ng hatian sa tatlong bahahi nito. Hindi kailaman naging bunga ng
arbitraryong pagpatong presyo ng kapitalista ang siyang nagbubunga ng labis na
halaga.
III. Ang Kontradiksyon ng Labis na Halaga at Sahod
A. "Ang nagtatatrabahong kapitalista ang tuwirang umaangkin ng labis na halaga sa
manggagawa kahit anupamang parte lamang ang mapunta sa kanya sa bandang
huli. Kaya sa relasyong ito ng nagpapatrabahong kapitalista at sahurang
manggagawa nakabatay ang sistemang sahuran at ang buong
kasalukuyang sistema ng produksyon."
B. Mula sa naipakitang relasyon ng labis na halaga sa kabuuang iniluluwal ng
kapital, makikita na mayroong kontradiksyon ang dalawa. Sa pagtaas ng labis na
halaga, bumababa ang sahod na natatanggap ng manggagawa, gayundin sa
kabaligtaran. Ito rin ang primaryang nagiging dahilan kung kaya't tutol ang mga
kapitalista sa pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.
C. Sa pagpapahayag ng labis na halaga, may dalawaang paraan na ginagamit -
ang una'y paghahambing ng sahod at labis na halaga (laki ng tubo); at ang
pangalawa'y ang paghahambing ng nalikhang labis na halaga at ng kabuuang
ipinaluwal na kapital (tantos ng tubo). Ang una'y nagiging katibauan ng tindi ng
pagsasamantala sa paggawa, samantala nakukubli nanaman ng pangalawa ang
nahahamig ng mga kapitalista na 'di bayad na paggawa.

KRISIS NG LABIS NA PRODUKSYON (Maaari ding sumangguni sa Wage-Labor and Capital


sa bahaging ito. Para lalong mapalalim ang usapin ng monopolyo, maaaring sumangguni sa
Imperialism: the Highest Stage of Capitalism ni Lenin)
I. Ang Siklo ng Kapitalistang Krisis
A. Kompetisyon
1. Nagsisimula ang kapitalismo sa malayang kalakalan na kung saan
mayroong maraming may-ari ng kapital na nakikipagkumpitensya sa isa't
isa para madomina ang merkado. Layunin nilang maimaksimisa ang labis
na halagang nakakamal mula sa lakas-paggawa ng mga manggagawa
nang lalong mapalago ang kanilang mga negosyo.
B. Produksyon ng Labis na Halaga
1. Ang ultimong layunin ng pagpapatakbo ng negosyo at kompetisyon ay
para kumamal ng labis na halaga. Nagagawa ito ng mga kapitalista sa
pagsasamantala ng mga manggagawa. Bunga nito ang akumulasyon ng
kapital na kailangan upang palaguin ang negosyo upang madomina ng
mga kapitalista ang mga kakompetisyon nila.
C. Akumulasyon ng Kapital at Monopolyo
1. Ang tendensiya ng mga kapitalista mula sa malayang kalakalan ay
magakumula ng kapital at magdomina sa merkado. Dahil dito,
kinakailangan ng mga kapitalista na matiyak ang dominasyon nila sa
merkado sa pamamagitan ng pagkain sa hawak ng mga kakompetisyon
nila sa merkado. Nagagawa nila ito sa pagpapaabante ng kanilang
produksyon para madomina ang merkado.Tinitiyak nila ang paghila ng
mga mamimili sa kanilang mga produktong mas mura dahil sa mas
episyenteng produksyon.
2. Nagpapatuloy ang kompetisyon para sa mga kapitalistang may
kakayahang maghabol sa ganitong antas ng produksyon; samantala, ang
mga nahuhuli ay nababangkarote o kaya’y kinakain ng mas malaki pang
mga kapitalista sa pamamagiitan ng mga merger at acquisition.
D. Krisis ng Labis na Produksyon
1. Habang tumataas ang antas ng produksyon ng mga kalakal at
napapababa ng mga kapitalista ang presyo ng mga kalakal, maraming
mga di nakakahabol na kapitalista ang nakakain. Bunga nito ay ang
tuluyang monopolyo sa merkado ng mga kapitalista. Bukod pa rito, dahil
sa mas mekanisado ang produksyon, mas kakaunti ang kailangang
lakas-paggawa na lumilikha ng halaga na pinagkukuhanan ng labis na
halaga at sahod. Lumiliit ang proporsyon ng Variable Capital (sahod at
labis na halaga) sa Constant Capital (hilaw na materyales, mga
kagamitan sa produksyon, at mga makina).
2. Ang bunga ng monopolyo sa merkado ay ang saturasyon nito, at ang
pagkawala ng mga merkadong kailangan para pagkuhanan ng tubo.
Habang sa kabilang palad, bumababa ang labis na halaga ng mga
kapitalista sa bawat pag-abante ng produksyon (lumalaki lamang ang
gastos para sa constant capital katulad ng depreciation ng makina,
habang wala nang halagang nalilikha dahil sa kawalan ng lakas-paggawa
na lumilikha ng halagang kinakamal ng mga kapitalista). Tiyak na
binubunga lamang nito ang pagbaba ng tantos ng tubo, pagbarat ng
sahod, labis na suplay bunga ng kakulangan ng demand (dahil sa
pagkabarat ng sahod), malawakang disempleyo, at ang krisis ng labis na
produksyon. Dito, makikita ang kontradiksyon sa pagitan ng
sosyalisadong paggawa at pribadong akumulasyon.
II. Imperyalismo (Sumangguni sa Imperialism: The Highest Stage of Capitalism ni Lenin).
A. Sa istorikal na pag-unlad ng kapitalismo, naobserbahan ang tendensiya nitong
tumungo sa imperyalismo upang pansamantalang maigpawan ang krisis ng labis
na produksyon. Bunga nito ang pandaigdigang monopolyo, at paguthot ng
supertubo mula sa mga kolonya at mala-kolonya. Nagagawa nila ito sa
pamamagitan ng eksport ng kapital sa pinansya na pinapadaloy naman ng mga
bangko at multilateral na institusyon na hawak ng mga imperyalista.
B. Sa panahon na umiigting ang tunggalian sa pagitan ng mga imperyalistang
bansa upang mamonopolyo ang pagkamal ng supertubo, nagreresulta ito sa
digmaan upang agawin ang mga kolonya at mala-kolonya na siyang nagiging
pagkuhanan ng mga imperyalista ng kanilang mga supertubo.
MGA MADALAS ITANONG
I. Hindi ba magkakaroon ng implasyon kapag tumaas ang sahod ng mga
manggagawa?
A. Pansamantala na magkakaroon ng implasyon sa mga batayang
pangangailangan dahil sa pagtaas ng pangangailan (bunga ng tumaas na
buying-power ng mga manggagawa) na kung saan hindi ito matutugunan ng
kasalukuyang suplay.
B. Sa paglipas ng panahon, kikilananin din ng mga kapitalista na nagbebenta,
halimbawa nf mga luho, na bumababa ang tantos ng tubo nito kung ikukumpara
sa industriya ng mga batayang pangangailangan. Sa gayon, tatangkahin nilang
ilipat ang kanilang kapital sa mas kumikitang industriya na tuluyang magtatapat
ng suplay sa demand, at bunga nito ay ang pagbaba ng presyo. Ayon kay Marx,
ganito ang mangyayare hangga't pumantay ang tantos ng tubo sa lahat ng
sangay ng industriya.
C. Kailangang igiit na ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ng mga kapitalista sa
pagpapataas ng sahod ay dahil sa ibubunga nitong pangkalahatang pagbaba ng
tantos ng tubo sa mga industriya.
II. Wasto bang ipanawagan ang pagpapataas ng sahod?
A. Ang pakikibaka para sa pagpapataas ng sahod ay reaksyon sa mga naunang
hakbang ng kapital. Sa pagtatangka na isalba ang kanilang tubo mula sa mga
banta rito katulad ng mga mabilis pagbabago sa merkado (halimbawa, sa
kompetisyon), tinitiyak nila higit pang nakakamal ang mas maraming tubo mula
sa halagang nililikha ng lakas-paggawa. Ito'y sa pamamagitan ng mga iskema
katulad ng pagpapahaba ng oras ng paggawa, kontraktwalisasyon, at regional
wage boards. Habang nagkakaroon ang mga monopolyo ng kapangyarihan para
itakda ang mga matataas na presyo sa mga batayang pangangailangan,
nananatiling barat at 'di sapat ang sahod ng mga manggagawa para mabuhay
nang disente
III. Nakukulong lang ba sa pagpapataas ng sahod ang pakikibaka ng uring
manggagawa?
A. Ang pakikibaka para sa pagpapataas ng sahod ay hindi ang dulo ng pakikibaka
ng uring proletaryo. Kung babalikan natin ang suri kung paano sinasamantala
ang uring proletaryo, makikita ito'y nagagawa sa sistema ng sahuran - ang
paghuthot ng labis na halaga mula sa halaga na nilikha ng lakas-paggawa ng
mga manggagagawa.
B. Sa gayon, ang nagiging layunin ng kilusang paggawa ay ang pagpapabagsak ng
sistemang nagsasamantala sa kanya. Sa pamamagitan ng sosyalistang
rebolusyon, winawasak nito ang sistema ng sahuran, at ang ugat ng pagkahati-
hati ng lipunan sa mga uri - ang pribadong pagmamay-ari.

PAGSUSUMA: PANGKALAHATANG RELASYON NG SAHOD, TUBO, AT PRESYO


● Binabayaran ng sahod ang manggagawa kapalit ng kanyang lakas-paggawa na
ginagamit upang lumikha ng halaga. Ang isang bahagi ng halagang ito ay binabayad sa
sahod na sapat lang ipanatili ang katawan ng manggagawa, magparami, at makakuha
ng sapat na kakayahan para makalahok sa paggawa. Ang kabila at higit na mas
malaking bahagi ay ang labis na halaga na kinakamal ng kapitalista.
● Ang presyo ay ang ekspresyon ng halaga ng isang kalakal sa salapi. Ang pagtaas at
pagbaba nito ay bunga sa interaksyon ng suplay at pangangailangan na
pansamantalang nililihis ang presyo mula sa pagtugma nito sa tunay na halaga ng
kalakal. Maling sabihin na kinukontrol ang presyo ng sahod na tila ang pagtaas ng
sahod ay nagdidikta agad ng permanenteng pagtaas ng presyo. Gayundin, mali ring
isipin na ang tubo ay bahagi ng presyo na kung saan ito ay pinapatong bukod pa sa
halaga ng isang kalakal. Sa katunayan, binebenta ang isang kalakal sa kanyang halaga,
ngunit, sadyang may bahagi ng halagang nilikha ng lakas-paggawa kinakamal ng
kapitalista.
● Ang kontradiksyon ng sosyalisadong paggawa at pribadong akumulasyon na
naisistematisa sa sistemang sahuran tumutungo sa pagbunga ng krisis ng labis na
produksyon. Ito ang nagiging dahilan sa tiyak na pagbagsak ng kapitalismo.
● Dahil sistematiko ang problema, hindi nasasapat ang mga ekonomistikong hinaing
katulad ng pagpapataas ng sahod, bagama't ito'y isang mahalagang hakbang para sa
kilusang paggawa. Ang higit na kinakailangan upang mapalaya ang uring manggagawa
ay isang sosyalistang rebolusyon na wawasak sa sistemang sahuran at pribadong
pagmamay-ari

You might also like