You are on page 1of 8

Sa Pandayan ng Karalitaan

Rodolfo D. Izon

Narrator: Ano ang kadalasang nagiging problema ng isang pamilya? Ano ang
dapat gawin upang makaahon sa kahirapan? Hindi ba sa panahon ng
kagipitan walang ibang magtutulungan kung hindi ang magulang at ang anak.

Maliit pa lamang ako ay natuto na akong maghanapbuhay. Noon,


natatandaan ko pa, pagkagaling ko mula sa eskwela ay namimingwit ako sa
bukana ng ilog sa aming bayan, upang may maiulam ang tatlo kong maliit na
kapatid. (FLASHBACK PICTURE Screen)

Scene 1: Nag-aalsa ng mga mabibigat na sako ang itay ni Fermim sabay


pahid sa kanyang pawis.

Rj (boss) : Sweldo nyo!


Binigay ang dalawang piso at hinulog ito sa sahig.
Necessario (itay): Salamat Boss may pang baon to sa mga anak ko.

Scene 2: Angelina at si Inay.

Diegor (Inay): Maam Angelina baka may palalabhan ka dyan?


Gracelyn (Angelina): Saktong pagdating mo ang dami ng mga labahan dito.

Scene 3: Alarm clock…. Kringgg……. Kringgg….

Ina: Gumising na kayo mga anak ,kayo ay maligo at magbihis na para mag-
aral.
Fermin/Felisa/Maria/Henia: Opo inay.
(background music sa paaralan) …..

Teacher: Ngayon ay tatawagin ko ang mga Honor student sa ating paaralan.


Mula sa ika anim Fermin ikaw ay nasa Top 3 ngayon
Felisa ikaw naman ay nasa top 1
Maria ikaw ay nasa top 4
Henia : ay top 2.

Scene 4: Nasa bahay.

Fermin: Inay, Itay top 3 po ako.


Felisa. Ako po ay Top 1 napakagaling ko po.
Maria: ako naman po top 4
Henia: ako din po top 2
Ina: Wow napaka matalino ng mga anak ko.
Itay: Oo nga pagbuhtihin nyo ang inyung pag-aaral mga anak.

Narrator: Kita sa mukha na abot sa mata ang kasiyahan ng kanyang magulang


dahil yan lamang ang tanging yaman na maipagmamalaki nila ang
magkaroon ng mga anak na matatalino.

Scene 5: Sabado na naman at bukas ay linggo, maglalako nanaman ng


kakainin si fermin at henia para makatulong sa pamilya.
Alarm clock……….. Kringg…….. Kring……

Fermin: Hernia gumising ka na tayo ay maglako ng kakanin.


Henia: Sige po kuya.
Henia: Bili na po kayooo
Henia: maruya! Maruya!, barberkyung kamote!, nilagang kamoteng kahoy at
saging! . ukoy! Ukoy! Bili na po kayo masarap po ito
Namimili #1: Pabili henia , isang maruya at isang ukoy.
Fermin: Sige po, at ito po yung sukli.
Namimili #2: Magkano yang barberkyung kamote nyo?
Fermin: Sampung piso po.
Namimili # 3 : Tatlong nilagang kamoteng kahoy.
Fermin: Maraming salamat po sa inyo.
Henia: Maraming salamat.

Narrator: Nakatapos ng mababang paaralan bilang isang balediktoryan si


Fermin. Pagkaraan ng apat na taon maluwalhati siyang nakatapos ng kursong
bokasyonal. Ang kanyang kapatid na si Felisa ay nakapag patuloy ng hayskul
at ang kanyang dalawa pang kapatid ay na tigil muna at tinulungan na
lamang nila ang kanilang Inay sa paglalaba.
Isang araw, kinausap siya ng kanyang ltay.

Scene 6: Si itay at Fermin.

Necessario: "Hindi ka na mag-aaral sa kolehiyo, Fermin. Tama na sa iyo ang


makapagtapos ng hayskul, tutal maaari ka na namang mamasukan sa ilang
kompanya riyan."
Jason: "Itay, kahit na ho sa kapitolyo, gusto ko ho kasing kumuha ng
inhenyeriya, nagtatrabaho na lamang ho ako sa araw."
Necessario: Hindi!, Huwag mong yakapin ang di mo kayang yakapin,
napakataas ng iyong ambisyon.
Jason: Tama ang leksiyon namin noon sa Pop Ed, mahirap ang buhay ng
maraming anak kaysa kaunti.

Narrator: Kung matigas ang pasya ng kanyang itay, lalong matigas ang pasya
ni Fermin.
Dala ang ilang pirasong damit at kaunting naipon sa pagka kargador ng palay
sa mga makina ay walang paalam umalis si Fermin. Pumunta siya sa Maynila at
nakipagsapalaran. Kaloob marahil ng Diyos ay napasok si Fermin sa publikasyon
sa kanyang talento sa pagguhit siya ay nakaupo sa isang maliit na apartment
at hindi niya akalain na magbabago ang kanyang buhay.

Scene 7: Nag-iimpake si Jason. Ang taas ng pila.

Jason: iba pala ang kahit na paano ay may nalalaman.


(nag bitay word na T-Shirt Printing, Drawing, Diploma making sa iyang kwarto)
Magpapagawa 1: (Kumatok) (Pagawa po sana ako ng T-shirt sa aming
barangay Fermin.
Jasin: Magandang umaga po. Ano po sa atin?
Magpapagawa 2: Pa drawing po sana ako, para po sa birthday gift ng jowa
ko.
Magpapagawa 3: Paggawa ako ng diploma mga dalawang libo.
Jason. Sige po

Narrator: Mula noon ng dahil sa napakalakas ng negosyo ni fermin ay nag


resign na siya sa kanyang trabaho bilang Publikasyon at nakakatulong na sya
sa ibang tao sa pagkuha ng katulong sa shop na katulad niya rin noon ay
humahanap ng kapalaran dahil sa karalitaan sa probinsya.
Scene 9: Nagpadala ng sulat si Fermin dala pera.

Felissa: Inay may nagpadala ng sulat galing yata to ni kuya.


Inay : Tingnan mo may sulat galing kay Fermin
Itay: May pera pa napakalaking halaga.
Jason: (Nagbasa sa luyo)

Mahal kong ama at ina,


Kamusta na po kayo?
Sana nasa mabuti kayong kalagayan,
Paumanhin po kung pinag-alala ko kayo.
Ngunit huwat na po kayo mag-alala dahil
Nasa maayos naman akong kalagayan…
Umalis ako ng walang paalam sa atin
Dahil nais ko pong hanapin ang aking kapalaran.
Nagsusumikap po ako nang mabuti dahil alam kong
Makakamtan ko rin ang pangarap kong
Makaahon tayo sa kahirapan.
Sa ngayon, kumikita ako kahit maliit na halaga
Kaya nagtatrabaho po ako ng mabuti para mas malaki
Ang kitain ko. Nakalakip po sa liham na ito ang
Kalahati ng aking kinikita para naman makatulong
Ako sa inyo dyan sa probinsya, dahil alam ko ang hirap
ng pamumuhay dyan.
Hanggang dito na lang po ang aking sulat, lagi nyo po
Sanang tatandaan na mahal na mahal ko kayong lahat.

Nagmamahal, Fermin.
Narrator: Lulan ng isang Philippine Rabbit patungo probinsya. Makalipas ang
maraming taon, napagpasyahan niyang umuwi at bumalik sa kanilang
probinsya. Magulo ang kanyang isipan ngunit nananbik siya sa kanyang
pagbabalik. Habang sakay ng traysikel, napansin niya ang laki ng pagbabago
ng kanilang probinsya. Sa pagpasok niya sa kanilang bahay, nagulat ang
kanyang pamilya sa kanyang pagbabalik. iyakap siya nang mahigpit at nag
iiyak. Nagsermon ang kanyang tatay ngunit sandal lamang ito. Napansin niya
ang pagbabago ng kanilang bahay.

Jason: Ang daming nagbago buti nalang hindi ako sumuko sa mga sandaling
iyon. Kay ganda ng buhay. Napa ayos ko aming bahay at nagtapos na si Felisa
ng kursong komersyo, si Maria ay sekretarya, si Henia na kasama kong
naglalako ng kakanin dati ay nasa magandang paaralan sa baguio kumuha
ng kursong medisina at si Boy nasa canada nag-aaral. Kay ganda ng buhay.

Narrator: Kay ganda ng bukas. May landas ng tagumpay sa mga nagsipag


sikap. May kaginhawaan sa PANDAYAN NG KARALITAAN at kahirapan. At may
umagang sumisilay pagkatapos ng takipsilim.
GROUP 2
EE601-A
TEACHER: JEIHARA GENERALAO
Sa Pandayan ng Karalitaan
Rodolfo D. Izon

MGA TAUHAN:
Fermin: Dayangco
Itay: Necessario
Inay: Diegor
Angelina: Formentira
Felisa: Loreto
Maria: Navales
Henia: Cuevas
Boss: Pandayon
Boy: Romulo
Namili 1: Povadora
Namili 2: Bago/Bago
Namili 3: Valendez
Teacher: Mercy
Magpagawa 1: Cansancio
Magpagawa 2: Miparanum
Magpagawa 3: Gabutero
Narrator: Pasague
Organizer/Direktor: Sardido
GROUP 2 MEMBERS:
Alieca, Miparanum
Alyssa, Loreto
Ana Mae, Gerzon
Angelo, Necesario
Beverly, Sardido
Cuevas, Lovely
Diana S. Diegor
Gracelyn B. Formentira
Jason, Dayangco
Jean, Padayon
Jeaneth, Gabutero
Jenjen, Navales
Lorena, Cansancio
Lory Mae, Pasague
Lovellia U. Alonte
Mercy, Balabat
Pearly Ann, Ege
Povadora, Rosemarie
Precious, Bago
Princess, Bago
Vevcel, Valendez

You might also like