You are on page 1of 1

Romelyn S.

Panidar

ESTRUKTURA NG TULA

Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

TUGMA

Ito ay pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng
himig o indayog.

Sukat

Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod. Maaaring lalabindalawahin(12 pantig), lalabing-apatin(14
pantig), lalabing-animin(16 pantig), atbp.

Tono o indayog

Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.

Tayutay

Salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin.

Kabilang sa estraktura ng tula ang tayutay. Ito ay nakakapagpaganda ng isinulat na tula.

Tatlong uri ng Tayutay;

1. Pagtutulad (simile)

Paghahambing sa dalawang tao, bagay, pangyayari, atbp. Ginagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, animo, kagaya ng, atbp.

2. Pagwawangis (metaphor)

Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya
ng, atbp.

3. Eksaherasyon (hyperbole)

Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan tao, bagay, pangyayari, atbp.

Idyoma

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulagan ay hindi komposisyunal.

You might also like