You are on page 1of 2

PNP (Pagkatao ni Pepe)

Si Jose Protacio Rizal


ay ang pambansang
bayani ng Pilipinas. Siya
ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19,
1861. Ang kaniyang mga
magulang ay sina
Francisco Mercado at
Teodora Alonzo. Sina
Francisco at Teodora ay
biniyayaan ng labing-
isang anak. Sila ay sina
Saturnina, Paciano,
Narcisa, Olympia, Lucia,
Maria, Jose, Concepcion,
Josefa, Trinidad at
Soledad. Gaya ng ibang
normal na tao, si Rizal
ay mayroon ding
palayaw, at ito ay “Pepe.”

Naging unang guro ng batang Rizal ang kaniyang ina. Maaga


siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay na ipinagpatuloy sa
Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa
Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na
karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa


Unibersidad ng Santo Tomas at Universidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya nang sabay ang medisina at pilosopiya
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang
wika, kabilang na rito ang Latin at Greko. Tinapos naman ang
kaniyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

Ang kaniyang dalawang nobelang, “Noli Me Tangere” at “El


Filibusterismo” ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle
sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892, umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P.
Rizal. Itinatag niya ang samahang, “La Liga Filipina.” Layunin ng
samahang ito na mapagkaisa ang mga Pilipino at maitaguyod ang
pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort


Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na
taon siyang namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya ng mga
maysakit at hinikayat ang mamamayan na magbukas ng paaralan at
ang pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang


magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896
ibinalik siya sa Pilipinas, at sa pangalawang pagkakataon, ikinulong
siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng


kamatayan dahil napagbintangang nagpasimula ng rebelyon laban sa
mga Kastila.

Bago bawian ng buhay si Rizal, naisulat niya ang, “Mi Ultimo


Adios” o Ang Huling Paalam habang nakapiit sa bilangguan. Ang
kaniyang layunin sa pagsulat nito ay mamulat ang mga susunod pang
henerasyon upang maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa


Bagumbayan na kilala na ngayon bilang Rizal Park.

You might also like