Ang pagmimina ay prosesong paghuhukay at pagkuha ng mga mineral mula sa
lupa. Makukuha ang mga metal at mga mineral sa paghahango katukad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso at bakal, gayundin ang langis. Ngunit ano nga ba ang magiging epekto ng pagmimina sa kalikasan kung patuloy itong inaabuso?
Pero sa dinami-dami ng mga binubungkal na mineral sa ating mga lupa, nasisira
at unti-unti nang nauubos ang ating yamang mineral at kung ipapagpatuloy pa ito ay baka ito ay tuluyang maubos. Habang patuloy na hinuhubaran ng mga minahan ang ating kalikasan nawawalan din ng tirahan ang mga hayop. Huwag na sana nating hintayin pa na pati tayong mga tao ay mawalan na rin ng tirahan gaya ng mga hayop. Tama na ang pang aabuso at imulat natin ang ating mga mata sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.