Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan matapos ninyong mabasa ang nilalaman ng kabanata I:
1. Bakit inihambing ang wika sa tubig?
2. Ibigay ang sunud-sunod na katawagang ikinapit sa ating Wikang Pambansa mula noong 1939 hanggang sa kasalukuyan. 3. Bakit ang Wikang Filipino na itinakda ng Konstitusyon ng 1973 ay may kabuuan at kaguluhan ng teaorya? 4. Ibigay ang depinisyon ng Wikang Filipino ayon sa Bagong Konstitusyon ng 1987. 5. Kuntento ba kayo sa kasalukuyang Filipino na umiiral? Ipaliwanag ang sagot. 6. Ang English, bukod sa Filipino, ay wikang opisyal ng Pilipinas hangga't walang ibang itinatadhana ang batas. Ano ang ibig sabihin nito? 7. Ano ang layunin ng patakarang edukasyong bilinggwal? 8. Bakit Filipino ang ginagamit sa pagtuturo ng mga asignaturang pangkultural, at English naman sa mga asignaturang pansiyensya? 9. Anu-ano ang mga asignaturang sumasailalim sa agham panlipunan na kasalukuyang kinukuha ninyo sa kolehiyo? Filipino ba nag ginagamit na panturo sa mga ito sa inyong pamantasan? Ibigay ang inyong reaksyon tungkol dito? 10. Ipaliwanag ang pinagbuhatan ng mga katutubong wika sa Pilipinas. 11. Anu-ano ang walong pangunahing wika ng Pilipinas? Pabor ba kayo ng Tagalog ang siyang naging sanligan ng WIkang Pambansa ? Ipaliwanag ang sagot.