You are on page 1of 3

IBONG ADARNA

Ang kwento ng Ibong Adarna ay umiikot sa mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Don Juan
upang mahanap ang ibon at madala sa kanyang ama upang magamot ito. Tinalakay rin sa kwento
ang buhay pag-ibig ng prinsipe at ng kanyang mga kapatid. Ipinakita rin dito ang katapangan at
kabutihan ng prinsipe. Nagsimula ang kwento nang magkasakit ang hari dahil sa isang
masamang panaginip. Dahil dito, ipinahanap ang Ibong Adarna na sinasabing ang awit lamang
nito ang magiging solusyon sa sakit ng hari. Unang umalis si Don Pedro, ang panganay sa
tatlong magkakapatid. Nakarating siya sa Piedras Platas kung saan makikita ang ibon ngunit
hindi niya ito nahuli sapagkat nakatulog siya at naging bato. Sumunod na umalis si Don Diego
upang hanapin ang nasabing ibon ngunit sa kasamaang palad ay natulad siya sa kanyang kapatid.
Nang aalis na si Don Juan, ang bunso, pinigilan siya ng kanyang ama dahil sa takot nab aka
matulad siya sa kanyang mga kapatid. Ngunit dahil na rin sa kanyang pangungumbinsi ay
pinayagan siya ng kanyang ama. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya ang isang ermitanyo at
kanya itong tinulungan. Dahil dito, binigyan siya nito ng impormasyon upang mahuli ang ibon.
Siya ay nagtagumpay at nailigtas din niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging bato.

TEORYA
Ang teoryang nakapaloob dito ay Teoryang Top-Down dahil hindi nagsisimula sa teksto kundi sa
mambabasa tungo sa teksto ang pag basa sa libro na ito.
URI NG PAGBASA
MATIIM NA PAGBASA - Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts,
at iba pa.

ALAMAT NI JUAN TAMAD

Si Juan ay isang bata na alam lang gawin ay matulog. Siya ay makupad o ayaw kumilos sa mga
ni nanais niyang gawin. Kaya binansagan siya ng kanyang ina na “Juan Tamad”. Isang araw
gusto ni Juan Tamad na kumain ng isang bayabas, ngunit sa sobrang tamad niya ay ayaw niyang
mapagod sa pagpitas nito. At napansin niya na may mga bayabas na nahuhulog sa puno nito.
Nagpasiya lamang siya na humiga sa ilalim ng puno na katapat ng bunga na bayabas.Ayon kay
Juan ay hihintayin na lamang niya itong mahulog sa kaniyang bibig. Nakita siya ng isang babae
na ang ngalan ay Maria Masipag ito ay maganda at napakamasipag na babae na puro alam ay
gawin ang mga gawaing bahay. Sinabihan nya si Juan na wala siyang mapapala kung di nya iyon
pipitasin. Si Juan ay nagandahan siya kay Maria at agad niya itong sinunod. Napalapit siya dito
pero ang mama ni Maria ay ayaw siya nito. Dapat muna daw ay magbago si Juan upang
tanggapin sya ng mama ni Maria. Si Juan ay nagbabago na at nagulat ang kanyang mga
magulang na siya ay talagang masipag na ngayon. Na dating Juan ay ang alam lang ay matulog
kumain, pero ngayon ay gumgawa na sya ng mga gawaing bahay. At sinagot na siya ni Maria.

TEORYA
Ang teoryang nakapaloob sa basahing ito ay ang teoryang bottom-up, dahil nag sisimula ito mula
sa teksto patungo sa mambabasa.

URI NG PAGBASA
KASWAL - Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.

You might also like