You are on page 1of 11

PAGSUSURI NG PELIKULANG

“DEBOSYON”

MELODY C. ABUAN
BSED MAJOR IN FILIPINO
Pamagat
“ Debosyon”

Tauhan
Paulo Avelino- bilang Mando
Mara Lopez- bilang Saling Ramona Rañeses
Mga Rebelde
Buod

Si Mando ay isang deboto ni Ina Birhen Peñafrancia.Dinayo niya ang simbahan ng Naga
upang mag-alay ng bulaklak at magdasal upang protektahan ang tanim na palay. Siya’y
dumiretso sa gubat pagkagaling niya ng simbahan upang manguha ng mga orchids na
kanyang ibebenta sa palengke. Sa kanyang paghahanap, nakakita siya ng isang magandang
uri ng orchids ngunit ito’y nasa mataas na parte ng puno. Inakyat niya pa rin ito kahit mataas
at delikado ngunit sa hindi inaasahan, siya’y nahulog at nawalan ng malay. Gabi na nang
siya’y magkamalay,at may humahabol sa kanyang mga apoy kaya siya’y nagtatakbo
hanggang siya ay napadpad kung saan naroon ang isang babaeng umaawit, si Saling na
siyang nanggamot sa kanyang sugat sa ulo. Nagtanong-tanong si Mando ukol sa buhay ng
dalaga. Pagkatapos ay nakita ni Mando ang isang pamilya ng mga katutubo na nag-aalay ng
pagkain kay Saling na di umano’y itinuturing daw siyang isang encantada ito.
Sinusubdan ni Mando si Saling habang ito’y umaawit at
tumutugtog ng gitara.Tumungo sila sa lugar kung saan nakita ni
Mando ang magandang klase ng orchids. Pagkatapos makuha ay
nagpaalam si Mando na siya’y uuwi na saka ipinangakong siya ay
babalik hindi gaya ng ibang lalaki na hindi siya binalikan pagkatapos
tulungan.
Pagtulog ni Mando kinagabihan ay may naririnig siyang kakaiba. Kinabukasan
ay nagbenta siya ng orchids sa palengke ngunit walang bumili kaya nagpunta na
lamang siya sa may sakahan nila. Pagkatapos ay nagtungo siyang muli sa gubat
upang balikan si Saling. Sa paghahanap niya kay Saling ay nakasalubong niya ang
mga at siya’y napagkamalan na espiya ng mga military. Sinabi niya sa mga ito kung
ano ang hinahanap niya ngunit sabi nila ay wala naman daw babae sa gubat kundi
mayroon lamang isang witch. Sa kanyang patuloy na paghahanap ay natagpuan
niya si Saling na naglalaba sa isang talon.
Banghay ng mga Pangyayari
 
A. Tagpuan
Bicol
B. Protagonista
Paulo Avelino- bilang Mando
C. Antagonista
Mga Rebelde

D. Suliranin
 
Mando laban sa Rebelde :
Habang papunta si Mando sa bahay ni Saling siya ay naligaw. At
nakasalubong niya ang mga Rebelde na sinasabing baka ang nakita
niyang babae ay isang aswang na nagpapaibig sa mga lalaking tulad
niya.
 
Mando laban sa Sarili:
Sa kaniyang pananatili sa tahanan ng dalaga ay mapapamahal ito sa
kaniya. Sa kaniyang paguwi ay kaniya nitong inimbitahan si Saling upang
magpunta sa bayan subalit siya ay nabigo. Di kalaunan ay isinawalat ni
Saling ang tunay niyang pagkatao, na siya ang babaeng isinumpa ng
kasaysayan na ikinagulat naman ni Mando.Siya ay naguguluhan at hindi
mapagtanto ang kaniyang nakita, na ang kanyang minamahal ay si Oryol
kaya naman ito ay nagtatakbo palayo sa dalagang minamahal .
E. Mga kaugnayan na Pangyayari at pagsubok sa paglutas ng suliranin
 
Nang malaman ni Mando ang sikreto ni Saling siya ay tumakbo papalayo dito.
Dahil sa pagmamahal ni Mando kay saling ay nagsama ito ng mananalangin upang
malaman kung ano ang maaari niyang gawin sa kondisyon ng dalaga. Subalit wala
na itong magagawa kundi ang manalangin na lamang kay Ina Birhen Peñafrancia.
Dahil isang deboto ni Ina Birhen Peñafrancia si Mando sinubukan niyang pumunta
sa parade ng Peñafrancia upang mag panata. Habang inaabot ni Mando ang Ina
Birhen Peñafracia nakita niya ang mga mata ni Saling sa mga mata nito kaya
naman ay dali-dali itong tumakbo pabalik ng kagubatan upang makapiling ang
minamahal.
F. Mga ibinunga

 Magtiwala sa Diyos at matutong maghintay sa mga bagay


na ating pinapanalangin .
MARAMING SALAMAT

You might also like