You are on page 1of 1

Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin.

Mg̃a wika sa
Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay
Huwag acong salang̃in nino man. Tinatawag din namáng Noli me
Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung
pamagatán ng̃ mg̃a pantás na mangagamot.

Sa hang̃ad na ang mg̃a librong NOLI ME TANGERE at


FILIBUSTERISMO, na kinatha ng̃ Dr. Jose Rizal ay maunáwa at
málasapang magaling ng̃ catagalugan, ang mg̃a doo'y sinasabing
nagpapakilala ng̃ tunay nating calayaan at ng̃ dapat nating gawiin,
at nacapagpapaálab, namán ng̃ ning̃as ng̃ ating puso sa pag-ibig sa
kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang
tagalog na mg̃a librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng
millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay
walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos ng̃ wicang
castila na guinamit sa mg̃a kinathang yaón.

You might also like