Final LP
Final LP
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy ang denotatibo at konotatibong kahulugan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang denotatibo at konotatibong kahulugan sa pagbuo ng isang sanaysay.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto( Isulat ang Code Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan. Kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalim na salitang ginamit
ng Bawat Kasanayan) sa akda. F8PT-IIe-25
II. Paksa/Nilalaman Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan
III. Mga Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
Mga Pahina mula sa Gabay ng Guro Panitikang Asyano, Fil9-Q1-W1Cpdf
Mga pahina mula sa Modyul para sa Mag-aaral
Karagdagang Kagamitan sa pagkatuto Laptop, Projector, Powerpoint presentation (PPT)
Mga Pahina sa Teksbuk
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO
IV. PAMAMARAN GAWAING-GURO GAWAING- MAG-AARAL
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Panimulang Gawain
ng bagong aralin (Panalangin) (Pupunta sa harapan si Nestor para sa panalangin)
Bago tayo mag umpisa mga bata, tumayo na muna ang Panalangin:
lahat para sa panalangin. Mahal na Diyos, hinihiling namin ang inyong
gabay at tulong sa pagsisimula ngayung araw na ito.
Bago tayo maupo pakitignan po muna kung may basura Mangyaring gabayan niyo kami sa tamang direksiyon,
sa ilalim ng ating upuan. At pakitapon na din sa ating tulungan kaming maunawaan ang aming mga aralin at
basurahan. bigyan niyo po kami ng lakas upang malampasan ang
anumang hamon na aming kinakaharap. Pagpalain ang
aking mga guro at kaibigan, at nawa ang araw na ito ay
mapuno ng karunungan, kabaitan at tagumpay. Sa
Pagbati pangalan ni Hesukristo. Amen.
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po guro!
Kumusta? Mabuti naman po guro!
May liban ba sa ating klase ngayun? (attendance checker) Anna: Wala po guro, lahat po ay
Mahusay! Ako’y nagagalak at narito ang lahat. narito ngayun.
Balik-aral
Atin munang balikan ang ating nakaraang talakayan, Ang ating tinalakay po nuong nakaraang lunes ay
tungkol saan nga ang ating tinalakay? tungkol po sa gampanin ng sarsuwela sa pagpapataas
Mabuti at naaalala pa ninyo ang ating tinalakay. ng kamalayan ng mga Pilipino.
Pagganyak
Bago tayo tumungo sa bagong aralin, ako’y may (sabay-sabay na babasahin ng mga mag-aaral ang
inihandang gawain na inyo munang sasagutan. panuto.)
Pakibasa po ng panuto. Hanap-Salita!
Panuto: Hanapin ang sampung (10) salita na makikita sa
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang bawat crossword puzzle.
pangkat ay tulong tulong na hahanapin ang (10)
sampung salita na kailangan niyong makita sa loob ng (2)
dalawang minuto. At pakatapos ay isusulat niyo ito sa
sagutang papel. Handa na ba ang lahat?
(dalawang minuto na ang lumipas)
Pakisulat na po ng inyong mga nakitang salita sa loob ng
kahon.
Pakitaas na ng kamay ang tapos na.
Okay, tignan nga natin kung nakuha ninyo ang sampung
salita.
1. Konotatibo
2. Denotatibo
3. Salita
4. Malalim
5. Kahulugan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Bago tayo tumungo sa ating talakayan, narito muna ang ating (Sabay-sabay na babasahin ng mga mag aaral ang
mga layunin. Pakibasa po sabay- sabay. layunin.)
Gabay na kaalaman
Ang pagbibigay kahulugan sa isang salita o sa isang
bagay ay hindi lamang nakabatay sa isa. Maaaring
magkaroon ito ng dalawa o higit pang kahulugan
depende sa kung paano ito inaalisa, sinusuri at
ginagamit.
May pagkakataon na nabibigyan ng kaukulang kahulugan
ang salita o bagay basi sa pananaw, karanasan at maging
sa sitwasyon ng buhay. Paano nga ba nailalapat sa
sariling sitwasyon ang denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan?
Tara na’t ating alamin ang iba’t ibang
pagpapakahulugan!
Alamin!
Ano ang Denotatibo?
Ang DENOTATIBO ay ang literal na kahulugan ng salita o
parirala.
Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita na matatagpuan sa
diksyunaryo.
HALIMBAWA:
Nakakapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init.
Araw- nagbibigay ng init at liwanag sa kalangitan.
Naku! Bakit may ahas sa likod ng bakuran?
Denotatibong Pagpapakahulugan:
Ahas- Mabangis na hayop na gumagapang
Paborito ko ang pulang rosas.
Denotatibong Pagpapakahulugan: Opo, guro!
Pulang rosas-uri ng rosas na kulay pula. Ang denotatibong pagpapakahulugan ay tumutukoy sa
hayag na kahulugan ng salita, ibig sabihin hindi
Naunawaan po ba ang ibig sabihin ng denotatibo? nakatago ang nais ipahiwatig ng nagsasalita.
Ano ba ang tinutukoy sa denotatibo?
Ngayun, atin naman alamin ang iba’t-iba pang mga (babasahin ng mga mag aaral ang mga halimbawa)
halimbawa nito.
1. Buwaya-ganid,sakim, makasarili
2. Nagsusunog ng kilay- sinusunog ang kilay (sasagutan ng mag aaral ang maikling pagsusulit)
3. Ahas- isang uri ng hayop na gumagapang
4. Bato- naglalarawan sa mga taong may matigas na
damdamin
5. Ibon- Kalayaan, kapayapaan
6. Rosas- bulaklak na kulay pula
7. Krus- ito ay simbolo ng relihiyon
8. Papel- bagay na sinusulatan
9. Ama- haligi ng tahanan
10. Buwaya- hayop na naninirahan sa tubig
11. Puso- pag ibig,pagmamahal, damdamin
12. Bituin-artista
13. Bulaklak-kababaihan
14. Ahas- traydor,pekeng kaibigan
15. Putik- uri ng lupa
Mahusay! Madaming nakakuha ng mataas na iskor.
Paano nga ba natin makikilala ang denotatibo at Ang denotatibo ay hindi nagbabago ang kahulugan
konotatibong pagpapakahulugan? ng salita at ang konotatibong pagpapakahulugan
Magaling! naman ay tumutukoy sa mga karanasan at
damdamin na kaugnay ng isang salita.
May mga katanungan ba tungkol sa ating tinalakay Wala po guro.
ngayun?
H. Pagtataya ng Aralin
Mga tanong sa pagkatuto: Sagutin ang sumusunod (sasagutan ng mga mag aaral ang mga tanong)
na mga tanong sa isang buong papel.
Ano ang konotatibong pagpapakahulugan?
Ano ang denotatibong pagpapakahulugan?
Ano ang pagkakaiba ng konotasyon at denotasyon?
Sa iyong palagay, bakit mahalaga na pag aralan ang
dalawang uri ng pagpapakahulugan?
I. Takdang-aralin/Karagdagang Gawain
Takdang Aralin:
Panuto: bumuo ng sanaysay na sumasalamin sa
sariling karanasan gamit ang denotatibo at
konotatibong pagbibigay kahulugan. Gawin ito sa
isang buong papel.
V. Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapa-tuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istrate-hiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Inihanda ni:
JENNYVEB S. DERUDAR
BSED FILIPINO IV