You are on page 1of 17

Kahulugan ng Salita:

Denotatibo at
Konotatibo
Layunin
Pagtalakay
Pagtalakay

Denotasyon
● literal o konseptwal na kahulugan ng isang salita
● kahulugan ito ng salita sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari
● makikita/matatagpuan sa diksyunaryo ang
kahulugan ng salita
Pagtalakay

Halimbawa ng Denotasyon
Binigyan siya ng pulang rosas ng kanyang
kasintahan.

pulang rosas - isang uri ng bulaklak na kulay pula


Pagtalakay

Konotasyon

● mas malalim na kahulugan ng isang salita


● nakatagong kahulugan na maaaring maiugnay sa
buhay na kadalasang hindi direktang sinasabi
● simbolo o pahiwatig sa kabuuan ng isang akda.
Pagtalakay

Halimbawa ng Konotasyon

Gumuhit siya ng pulang rosas sa liham niya


para sa dalaga.

pulang rosas - simbolo ng pag-ibig


● Araw
○ Masaya ang araw na ito para sa kanilang pamilya.
○ Karaniwang ang bunso ang araw sa pamilya.

● Hayop
○ Wala silang alagang hayop dahil nagkakasakit ang mga bata
dahil dito.
○ Hayop ang ama sa paggawa niya ng mga bagay na
nakasasakit sa kaniyang pamilya.

● Papel
○ Naranasan na kaya ni Agasi na magsulat sa isang papel?
○ Hindi nagampanan ng ama ang kaniyang papel sa buhay ni Agasi hanggang sa
pumanaw ito.
● Kanang-kamay
○ Marahil, kanang kamay ang ginamit ng ama ni Norman sa
pananakit sa kanya.
○ Hindi kailanman magiging kanang kamay ng may-ari ng
lagarian ang ama ni Norman dahil madali siyang matukso
ng alak at ayaw iyon ng amo.

● haligi ng tahanan
○ Dahil sa mababang kita, hindi niya mapaayos ang haligi ng
kanilang tahanan.
○ Hindi mabuting haligi ng tahanan ang ama sa akda.
Pagtalakay

Para sa Gawain: Makakaya ko

1. Bakit nagkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita?


2. Paano matitiyak ang kahulugan ng isang salita?
3. Paano maaaring mapalawak ang kaalaman sa mga
salitang may higit sa isang kahulugan?
Pagtalakay
Maikling pagsusulit
Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa
pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.
1. Matagal siyang makapagpatawad dahil matigas ang kanyang puso.
2. Kaawa-awa ang mga basang sisiw sa kulungan.
3. Si Luisa ay nanguha ng mga bato sa ilog upang ihanay sa harapan ng kanilang
bahay.
4. Parang hangin na Nawala ang mag-aaral ni Binibining Santos.
5. Tumalbog sa malayo ang bola na nilalaro ng bata.
6. Ang mga ina ang ilaw ng tahanan.
7. Ang mga bata sa lansangan ay tila basang sisiw.
8. Inilagy ni Ruel sa matibay na plastik ang dala-dalang pinya ng nanay.
9. Ang lamig ng simoy ng hangin wari’y sasapit na ang taglamig.
10. Siya ay nanggaling sa pamilyang dugong bughaw.
TAKDANG ARALINTanong
Mahahalagang
Paglalapat

● Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagkakaroon ng


denotatibo at konotatibong kahulugan ng isang salita?
● Ano ang sinasalamin ng pagkakaroon ng maraming
kahulugan ng isang salita sa kulturang Pilipino?
● Paano matutukoy ang kahulugan ng salita sa isang
pangungusap?
Kasunduan
TAKDA
Maghanap ng lima pang salita mula sa akdang “Ama” na
may denotatibo at konotatibong kahulugan. Itala ito sa
isang buong papel, ibigay ang denotatibo at kahulugan
ng mga ito at bumuo ng pangungusap para sa bawat isa.
Kasunduan
GAWAING PAG GANAP #1
Kasunduan
Inaasahang Pagpapahalaga

Makatitiyak na denotatibo ang kahulugang inilapat sa


isang salita kung literal itong ginamit sa konteksto ng
1 usapan o akda. Maaari ding komunsulta sa diksyo
kung nais pang higit na makatiyak.

Ipinakikita nito ang pagiging malikhain ng mga


2 Pilipino sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at
4 ang pagkakaroon natin ng mayamang talasalitaan.
Inaasahang Pagpapahalaga

Kinakailangang malaman ang denotatibo at


kononatibong kahulugan ng salita upang matiyak na
3 wasto ang pagkaunawa sa pinakikinggan o binabasa.

You might also like