You are on page 1of 18

Aralin 2.

Alamat
Pangunahing Layunin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na magagampanan ng mga mag-


aaral ang sumusunod na kasanayan:

● Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya sa isang


sitwasyon gamit ang
-pamantayang pansarili
-pamantayang itinakda (F8PS-Id-f-21).
Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na matututuhan ng


mag-aaral ang sumusunod:

● naaalala ang nabasang alamat;


● nauunawaan ang aral at tema ng nabasang akda;
● nagagamit ang iba’t ibang pamantayan sa pagbuo ng pagpapasiya;
● nasusuri ang sitwasyong gagawan ng pagpapasiya; at
● nasusuportahan ng wasto ang nabuong pagpapasiya.
Suriin ang larawan.
Pagganyak

Salikonek
Mag-isip ng mga salitang may kaugnayan sa “Alamat”.

ALAMAT
Mahahalagang Tanong

1. Ano ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng alamat?


2. Bakit mahalagang alamin ang mga hakbang sa pagbuo ng
pagpapasiya?
3. Bakit kailangang pag-isipan munang mabuti ang gagawing
pagpapasiya?
Gawain

Gawain 1: Pananaliksik

● Humanap ng iba pang impormasyon tungkol sa alamat.

● Isulat sa kuwaderno lahat ng impormasyon na makukuha


at ibahagi ito sa klase.
Gawain

Gawain 2: I-arte Mo
● Bumuo ng apat na pangkat. Itanghal ang nakatakdang bahagi mula sa
“Alamat ng Lindol” na nasa Study Guide.

○ Unang Pangkat: Unang bahagi


○ Ikalawang Pangkat: Gitnang bahagi
○ Ikatlong Pangkat: Huling bahagi
○ Ikaapat Na Pangkat: Mga hakbang na dapat gawin sa pagpapasya
Pagsusuri

Para sa Gawain 1

1. Ano sa mga impormasyong nakalap ang dati mo nang alam


at ngayon mo pa lang nalaman?
2. Ano pa ang mga nais mong alamin tungkol sa alamat?
3. Irerekomenda mo ba sa iyong mga kakilala ang pagbasa ng
alamat?
4. Ano ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng alamat?
Pagsusuri

Para sa Gawain 2

1. Naging madali ba para sa inyo ang pagsasakatuparang ng


iniatas na gawain?
2. Wasto ba ang mga eksenang inlihad batay sa kuwento?
3. Naranasan mo na bang magpasiya sa isang sitwasyon? Ano-
ano ang iyong mga ginawa bago magpasiya?
Pagsusuri

Para sa Gawain 2

4. Mahalaga ba na surrin munang mabuti ang isang sitwasyon


bago magsagawa ng isang pagpapasiya?
5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao na magpasiya nang naayon
sa kabutihan ng lahat?
Paglalapat

● Sa iyong palagay, maihahalintulad mo ba ang alamat sa


iyong buhay?
● Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat? Ano ang
benepisyong makukuha natin mula sa mga ito?
● Nagtataglay ng maraming aral sa buhay ang alamat, paano
mo ito maisasabuhay ang aral na iyong nakuha mula sa
alamat?
Pagpapahalaga

Bilang isang mag-aaral, paano mo haharapin ang isang


sitwasyon na kinakailangan ng masusing pagpapasiya?
Inaasahang Pag-unawa

● Makabubuti ang pagbabasa ng alamat dahil nakatutulong ito sa


pagtaas ng komprehensyon. Mapakikinabangan rin ang mga
aral na makukuha rito.

● Mahalagang malaman ang mga hakbang sa pagpapasiya upang


magkaroon ng gabay sakaling maharap sa sitwasyon na
kinakalingan ang masusing pagpapasiya.

● Nararapat din na pag-isipang mabuti ang pagpapasyia para sa


ikabubuti ng mga taong maapektuhan nito.
Dapat Tandaan

● Ang alamat ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa


pinagmulan ng mga bagay-bagay o pook.
● Mahalaga ang alamat sapagkat sumasalamin ito sa kultura ng
ating mga ninuno.
● Sa pagbuo ng isang angkop na pasiya mahalaga na pag-aralan
ang lahat ng posibleng solusyon at Isaalang-alang ang maaaring
ibunga ng bawat solusyon o pagpapasiyang gagawin.
Paglalagom

● Mahalagang mapag-aralan ang alamat sapagkat


maraming aral tayong makukuha rito na
makatutulong sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.

● Magiging angkop ang pagpapasiya kung susuriin


at uunawaing mabuti ang isang sitwasyon o
paksa. Mahalaga na rin na gumamit ng mga
pamantayan sa pagpapasiya.
Kasunduan

Saliksikin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang bahagi ng alamat?

2. Ano-ano ang mga elemento ng alamat?


Sanggunian

Baisa-Julian, Ailene. Pinagyamang Pluma 8. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, 2015.

Eugenio, Damiana. Philippine Folk Literature: The Folktales. Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Press. 1989

Guerrero, Perla et.al. Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12. Lungsod Quezon: Leo Ross Publication,
2017.

Gascon, Doris. “Legends: Mirror of People's Mind.” Journal of Law ang Sciences 4, blg. 2 (2015): 32 - 40.

Jan Ed. “Kasaysayan ng Maikling kuwento sa Pilipinas.” Academia.Edu. Huling inakses noong Oktubre 3,
2021. https://www.academia.edu/38167028/Kasaysayan_ng_Maikling_kuwento_sa_Pilipinas

Kapur, Radhika. Development of Teaching Learning Material. Research Gate, 2019.

Panitikang Pilipino 8 Modyul para sa mga Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon. 2013


https://www.academia.edu/15273241/8_Panitikang_Pilipino_Filipino_Modyul_para_sa_Mag_aaral

You might also like