You are on page 1of 22

Tagalog Pang-abay (Adverb)

A Basic Listing

Kailan pa ang larawang ito?

Tagalog pang-abay or adverb describes a verb (pandiwa), an adjective (pang-uri) or another adverb.

Malawakang sinakop ng mga dayuhan ang bagong lupain. (literal word for word: widely conquered of
the visitors the new land) "malawakan" (widely) is a pang-abay (adverb) because it describes an action
word "sinakop" (conquered)

Sadyang napakarami ng mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa. (literal word for
word: Indeed, too many Filipinos want to work abroad "sadya" (truly) is a pang-abay (adverb) because it
describes an adjective "napakarami" (too many)

Two groups of adverbs:

(1) adverbs that are "obligatory inserts" in the phrase where they belong

(2) adverbs that can be moved in a sentence, that is, their position is "not obligatory" and may be
changed.

Examples of OBLIGATORY INSERTS:

ba-indeed
Napalitan ba ang hiniram na gown para sa santacruzan?

kasi-because
Nagalit kasi ang Reyna Elena sa mantsang nakita sa gown.
kaya-possible
Parating na kaya ang inutusang kumuha ng kapalit?

na-already
Nakapila na ang ibang Reyna sa parada ng Santacruzan.

sana-could/if
Magtagal pa sana bago magsimula dahil wala pa ang Reyna Elena.

daw/raw-as said
Nag-aaway na raw ang Reyna Elena at ang Eskorte dahil naiinip na ang bata.

din/rin-also
Nakialam na rin ang Hermana Mayor ng prusisyon para lumamig ang mga ulo.

naman-indeed
Wala namang masabi ang mga nagmimiron.

yata-seem
Kaduda-duda yata ang pagkampi ng mayora sa Reyna Elena.

pala-truly
Ang alam pala ng lahat ay hindi naman ang hinihintay ang dapat na Reyna sa Santacruzang iyon.

tuloy-therefore
Nanggagalaiti tuloy ang iba na noon ay nakapila na sa ilalim ng init ng araw.

nga-indeed
Susugurin na nga sana ng mga tagabuhat ng Poon ang kinaroroonan ng Reyna para magmadali ito.

lamang/lang-only
Hindi man lamang daw magbigay pakundangan sa ibang kanina pang naghihintay.

man-least
Pero magmura man sila nang magmura ay ganoon pa rin ang sitwasyon.

muna-for a while
Kaya nagsi-uwi muna ang iba at nagpalamig ng ulo.

pa-not yet
Naghihintay pa rin sila hanggang ngayon.

Using Tagalog adverbs which are obligatory inserts in a translation will make the translation idiomatic
and natural.They are especially useful when finding equivalents for verb tenses. But back translating
sentences with these Tagalog adverbs can really be a challenge.
PANG-URI
Misspelling without a hyphen: panguri

pang-uri
adjective

Ano ang pang-uri?


What is an adjective?

Ang pang-uri ay nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.


An adjective modifies a noun or pronoun.

pang-uring panlarawan
descriptive adjective

pang-uring pamilang
cardinal adjectives

Mga Kayarian ng Pang-uri


(Forms of Adjectives)

1. payak – binubuo ng salitang-ugat lamang


Halimbawa: puti

2. maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi


Halimbawa: matalino (salitang ugat: talino)

3. inuulit – binubuo ng salitang inuulit


Ganap: sira-sira
Di-ganap: matatamis
4. tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat
Karaniwang kahulugan: balikbayan
Matalinghagang kahulugan: bukas-palad

https://samutsamot.com/2012/11/21/pang-uri-worksheets-part-2/
denotasyon
ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita. ito ang mga kahulugang nakikita sa diksyunaryo

konotasyon
ay mga pahiwatig na pang-emosyonal o pangsaloobin na kinakapit ng tagapagsalita o tagapakinig bukod
sa tiyak na kahulugan ng isang salita

plastik denotatibo lalagyan ng mga pinamili o gamit

plastik konotatibo mapagkunwari

papel denotatibo bagay na sinusulatan

papel konotasyon ginagampanan sa pelikula, telebisyon, o entablado

kanang-kamay denotatibo parte ng katawan

kanang-kamay konotaibo katiwala

bituin denotatibo tala

bituin konotasyon artista

konotasyon at denotasyon
Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Konotasyon - Malalim ang kahulugan ng salita.

si adrian ay may TENGANG KAWALI


ako ay may PUSONG MAMON
si nanay ang ILAW ng tahanan
si tatay ang HALIGI ng tahanan
nasa PAA na ang buhay ng aking lola!

Mga halimbawa ng detonasyon at konotasyon


Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Konotasyon - Malalim ang kahulugan ng salita.

Bola
denotasyon : laruan na hugis bilog
konotasyon : matamis na dila
Pusang itim
denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw
konotasyon : nagbabadya ng kamalasan

Buwaya
denotasyon : Hayop
konotasyon : Pulitiko

itim
Denotasyon : Kulay
Konotasyon : Kamatayan

Posporo
Denotasyon : bagay na panindi
Konotasyon : ilaw

Kawayan
Denotasyon : damo
Konotasyon : matayog

Rosary
Denotasyon : bagay
Konotasyon : banal

Pambura
Denotasyon : bagay
Konotasyon : kamalian

Pusong bato
denotasyon : walang puso
konotasyon : matigas ang kalooban

Kamay na bakal
denotasyon : bakal ang kamay
konotasyon : paghihigpit

Konotasyon : Mayaman na angkan

Mga Bahagi ng Liham & Kanilang Mga Halimbawa


BAHAGI NG LIHAM – Narito ang pagtalakay sa limang(5) bahagi ng sulat at mga
halimbawa.

Gaano man kalaki ang pagbabago sa komunidad ngayon dulot ng teknolohiya,


hindi pa rin mawawala ang paggamit ng liham. Ito ay maaring pangkomunikasyon,
para sa mga transaksyong legal, at sa iba pang gamit.
Sa pagsulat ng liham, hindi lamang ito basta maka-sulat ka ng iyong saloobin.
Mayroon itong iba’t ibang parte na dapat isaalang-alang para sa kalalabasan ng
iyong isinusulat.

Sa artikulong ito, ating tatalakaying ang mga bahagi ng liham at ang halimbawa
nito.

1. Pamuhatan
Ang pamuhatan ay naglalaman ng address o petsa kung kailan isinulat ang liham.
Kadalasan, kung petsa lamang, ito ay makikita sa gawing kanan ng liham sa
pinaka-itaas na parte. Pero kung may lugar, narito ang halimbawa ng pagkasulat:

Barangay Alfonso, Lungsod ng Bacolod


Ika-24 ng Hunyo 2019
2. Bating Panimula
Ito ay maikling panimula patungo sa katawan ng liham. Dito binabati ng mag-akda
ang tatanggap ng liham. Narito ang mga halimbawa:

 Mahal kong Jojiet


 Kung kanino ito maaaring alalahanin
3. Katawan ng Liham
Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng may-akda ng liham sa
bibigyan niya nito. Narito ang halimbawa:

Kumusta ka na? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. Lumipat na pala kami ng
bahay at nasa Barangay Kahel na kami ngayon nakatira. Sana sa susunod na pag-
uwi mo sa probinsya natin makadalaw ka sa amin. Miss na miss ka na namin.

4. Bating Pangwakas
Sa bahagi na ito ipinapahayag ang magalang na pamamaalam ng may sulat.
Nagtatapos ito sa kuwit at kadalasang makikita sa dakong kanan ng liham sa
ibabang bahagi bago ang lagda.

Narito ang mga halimbawa nito:

 Lubos na gumagaling,
 Nagmamahal,
5. Lagda
Sa lagda nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham. Maaari ring may lagda sa
ibabaw ng pangalan.

URI NG LIHAM – Ano Ang Dalawang Malaking Uri


At Ang Mga Kauri Nila
URI NG LIHAM – Sa paksang ito, alamin natin ang dalawang malaking uri ng liham
at ang iba’t ibang mga kauri ng dalawang uri nito.

Alamin muna natin ang kahulugan ng liham

Kahulugan
Ang liham o sulat ay isang mensaheng isinulat na naglalaman ga kaalaman, lihim,
balita, o saloobin ng isang tao na ibibigay sa kapwa tao.

May dalawang uri ang liham: Pangkaibigan at Pangangalakal

Liham na Pangkaibigan
Ang liham na pangkaibigan ay kadalasang ginagamit upang binabalita,
kinukumusta, nag-aanyaya, bumabati o nakikiramay sa namatay.

Mga uri ng liham-pangkaibigan


 Pagbabalita – madalas itong sulatin. Ipinabbaatid natin ang balita ng ating
buhay o mga nangyayari sa atin sa ating mga kaibigan o mahal sa buhay.
 Paanyaya – ginagamit ito upang umanyaya sa tao sa isang mahalagang
okasyon o pagtitipon. Nakalahad nito ang ano ito, kailan, at saan ang
magaganap.
 Pagtanggap – nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo. Ang pagpapadala ng liham
nito upang matiyak ang nag-anyaya kung ilang bisita ang aasahin niya ay isang
mabuting kaugalian.
 Pagtanggi – kabutihang-asal rin ang pagpapadala ng pagtanggi upang hindi na
aasa ang nag-aanyaya na dadalo ang inaaanyayahan.
 Pakikiramay – ito naman ang pakikiisa sa kalungkutan o nararamdaman ng
sinusulatan at kadalasan itong sinusulat para sa namatayan.
 Paumanhin – ito ay nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa
pagkakamaling ginawa, sadya man o hindi.
Liham na Pangangalakal
Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-ugnayan sa mga tanggapan o
opisina. Kailangan nito ng mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat,
mabisa, maayos, malinis at makinilyado.

Mga uri ng liham-pangangalakal


 Pagpapakilala – isinulat upang irekomensa ang isang tao sa trabaho o ang
isang bagay o produkto na inendorso
 Aplikasyon – sinusulat upang humanap ng trabaho
 Pamimili – nagsasaad ng mga bagay o panindang bibilhin na ipinadadala sa
koreo
 Subskripsyon – naglalahad ng intensyon sa pagsubskribo ng pahayagan,
magasin at iba pa.
 Nagrereklamo – naglalahad ng reklamo o hinaing.
 Nagtatanong – nagsasaad ng paghihingi ng impormasyon

LIHAM - Uri, Bahagi, Anyo, Katangian, Bantas


LIHAM

Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na
pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.

2 Uri ng Liham Liham Di Pormal


Ang mga liham DI PORMAL ay mga liham na isinusulat para sa mga kaibigan, kamag
anak at iba pang mga kakilala na ang mga salitang ginagamit at kadalasang nagpapahayag ng
pagiging palakaibigan, magiliw, pagmamahal o pag aalala. Ang porma nito ay mas maluwag o di
strikto.
2 2. Liham na Pormal
Ang Pormal na liham ay isinulat na ang layunin ay seryoso, opisyal at kadalasan ay
tungkol sa pangangalakal. Ito ay isang opisyal na liham na strikto ang porma at inilalahad agad
ang layunin ng sumulat na walang halong mga magigiliw na salitang pangkaibigan. Kadalasan
ito ay tinatawag na Liham Pangkalakal ngunit kahit hindi ukol sa kalakal, kung ito ay striktong
sinunsunod ang porma at nilalaman ng liham, ito ay maaaring tawaging pormal na liham
PAMUHATAN - Ito ang nagsasaad ng lugar o tirahan kung saan ang liham ay isinulat o
nagmula. Mababasa dito ang bilang ng tirahan, ngalan ng kalsada, bayan, lungsod, at ang petsa
ng pagsulat ng liham.

PATUNGUHAN - Isinusulat dito ang buong pangalan ng tao, ang kanyang designasyon,
kumpanya, kumpletong deskripsyon ng tirahan o lugar ng kanyang opisina .

BATING PANIMULA O PAMBUNGAD - Ito ay ang magalang na pagbati ng sumusulat sa


kanyang sinusulatan. Karaniwang nagsisimula sa mga salitang " Mahal kong .. " o " Mahal
na..."
Sa mga pormal na liham, maaaring ito ay magsimula sa “Ginoo:” “Ginang:”, “Kgg. Na ..,” at iba
pa.

KATAWAN NG LIHAM - Inilalahad dito ang mga nais ipahiwatig o ang dahilan ng sumusulat
sa kanyang pagsulat ng liham.
Sa mga liham na di pormal ang tono ng pagsulat ay magiliw o may mga salitang nagsasaad ng
pagmamahal, pag aalala o pagpapatawa.
Sa mga liham na pormal, kadalasan ang mga salita ay nagpapahiwatig ng mga opisyal o
pangkalakal na mga impormasyon. Strikto ang porma at direkta ang pagpapalalahad ng mga
pangangailangan o ideya.

BATING PANGWAKAS – Sa bahaging ito makikita ang maikling pamamaalam ng sumusulat.


Sa di pormal na mga liham, ang bating pangwakas ay kadalasang magiliw, nagsasaad ng
pagmamahal, paggalang, pagaalala, at iba pang paglalahad ng iba’t ibang emosyon. Ang mga
halimbawa ay “Lubos na nagmamahal,” “Ang iyong kaibigan,” at marami pang iba.
Sa mga pormal na liham, ito ay nagpapahiwatig ng paggalang o opisyal na pagwawakas ng
liham. Ang mga halimbawa ay “ Lubos na gumagalang,” , “Sumasaiyo,” , “Matapat na
sumasainyo,”, at marami pang iba

LAGDA – Dito makikita ang pangalan ng nagpadala at ang kanyang personal na pagpirma.
Sa di pormal na mga liham, kadalasan ay simple lamang o minsan pa ay gumuguhit ng mga
masasayang mga hugis
Sa mga pormal na liham, ang opisyal na pirma ng nagsulat ang kailangan ilagda.

ANYO NG LIHAM

Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang ginagamit sa pagsulat


nito.

1. GANAP NA BLAK (Full Block Style)


Mapapansin na mas madaling tandaan ang GANAP NA BLAK na anyo ng liham.
Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi ng liham

2. MODIFAY BLAK ( Modified Block Style )


Ang MODIFAY BLAK ay halos katulad ng GANAP NA BLAK , ang kaibahan
lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay nasa bandang kanan ng liham

3. SEMI-BLAK ( Semi-block Style)


Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang unang mga salita sa kanan ay
naka-indent of nakaurong ng konti sa kanan.

KATANGIAN NG ISANG MAAYOS NA LIHAM

Sa iyong pagsulat ng liham, tiyakin mo na taglay nito ang mga sumusunod na katangian
ng
isang maayos na liham:

1. Malinaw (clear)
Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa kung paano mo pinagsunudsunod
ang iyong mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging sobrang haba o
maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging mong tandaan na ang
kasimplihan ay daan sa madaling pagkaunawa.
2. Wasto (correct)
Lagi mong isaisip na anumang liham ay dapat magtalglay ng angkop at tiyak na
impormasyon. Tiyakin mo na wasto ang iyong bawat pahayag o sasabihin sa iyong
liham.
Kasama rin sa kawastuhan ang tamang pagbabantas.

3. Buo ang kaisipan (complete idea)


Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong isinama sa liham. Ang kasapatan ng
mga impormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan o
ideya na
nais ipabatid nito.

4. Magalang (courteous)
Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat. Gumamit ng mga salitang
nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa taong iyong
sinusulatan.

5. Maikli (concise)
Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong liham ay nakatutulong sa
pagbabatid ng nais mong sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang
kabuluhan
at hindi makatutulong sa nais mong sabihin.

6. Kombersasyonal (conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kung ang bumabasa nito’y
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa paraang natural ang mga nais mong
sabihin
upang higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.

Lagi mong tandaan na ang iyong liham ay nagsisilbing repleksyon ng iyong sarili o
pagkatao.
Kung kaya mahalagang suriin muna itong mabuti at iwasto ang mga pagkakamali bago
ipadala sa
taong padadalhan. Anumang magandang katangian ng iyong liham ay masasabing
katangian mo na
rin bilang isang tao.

MGA BANTAS
Ang paggamit ng bantas ay nakatutulong upang maging maayos ang iyong liham.
Ano ba ang mga bantas? Ang mga bantas ay mga simbolo at gabay na ginagamit sa pagsulat.
Anu-anong bantas ang nakita mong ginamit sa liham? Okey, kabilang dito ang:

tuldok (.) kuwit (,)


tandang pananong (?) tutuldok (:)
tandang panamdam (!) panipi(“”)
gitling (-) at kudlit (‘)

Alam mo na ba ang gamit ng mga ito? Kung hindi pa, pag-aralan mo ang mga ibinigay
kong
halimbawa.
1. Unahin natin ang tuldok (.). Saan-saan ito ginamit?
Napansin mo ba ito

a.) Sa hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat?


Mga Halimbawa: G. (Ginoo)
Bb. (Binibini)

b.) Sa inisyal ng pangalan?


Halimbawa: G.M.A. (Gloria Macapagal – Arroyo)
c.) Sa hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap?

Mga Halimbawa:
Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita.
Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding problema ng kahirapan sa ating bansa.
2. Ang tandang pananong (?) naman, hindi ba’t inilalagay ito sa dulo ng pangungusap
na patanong?

Halimbawa: May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan?

Saan naman ginagamit ang tandang panamdam (!)?

Halimbawa: Maraming salamat po!

3. Pansinin mo naman ang gamit ng kuwit (,). Nakita mo ba na gamit ito sa:

a.) Petsa upang ihiwalay ang araw sa taon?

Halimbawa: Oktubre 13, 2004

b.) Paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap?

Halimbawa:

Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa


policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng
polisiya nang ahensya”.

c.) Paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay talaan?

Mga Halimbawa:

Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at


pamasahe.
Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,
kung kaya, ang dating kasyang-kasyang kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang
na kulang na.
d.) Paghihiwalay ng bayan at lalawigan o ng bayan at lungsod?

Mga Halimbawa:

Muzon, San Jose del Monte City


Sampaloc, Manila

e.) Bating-panimula at bating pangwakas ng liham?

Mga Halimbawa:

Lubos na gumagalang,
Mahal kong kaibigan,

f.) Hulihan ng panimulang salita, parirala o sugnay?

Mga Halimbawa:

Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat hanggang limang porsiyento


ang implasyon taong 2004 hanggang 2006.
At bilang isang kabataang Pilipino, ako po’y mag-aaral na mabuti.

4. Ginagamit din ang tutuldok (:)sa bating panimula ng liham-pangangalakal, di ba?

Halimbawa: G. Ordoñez:

5. Ang panipi (“”) naman ay gamit sa:

a.) pamagat na kasama sa pangungusap.

Mga Halimbawa:
Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong ika-13 ng
Oktubre 2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 – BSP”.

b.) pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap.

Halimbawa:

Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa


policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng
polisiya nang ahensya”.

6. Saan naman ginamit ang gitling (-)?

a.) Ginamit ito sa pagitan ng panlaping ika at tambilang.

Halimbawa: ika-13 ng Oktubre 2004

b.) Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa


patinig.

Halimbawa:

mag-aaral

c.) Sa pagitan ng salitang inuulit.

Halimbawa:

kasyang-kasyang

tuloy-tuloy

7. Ginagamit naman ang kudlit (‘ bilang panghalili sa isang kinaltas na titik.


Mga Halimbawa:

sana’y (sana ay)


nawa’y (nawa ay)

Ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga sa anumang uri ng liham na isusulat.


Nakatutulong ito upang maging malinaw ang pagpapahayag mo ng iyong saloobin o
pananaw ukol sa
isang mahalagang isyu.
Ang kawalan ng ingat sa paggamit ng mga bantas ay kadalasang nagreresulta sa maling
pagtanggap ng mensahe na taong sinusulatan

1.
Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga
Halimbawa nito
URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng pang-abay at ang mga
halimbawa ng bawat isa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang pang-abay. Isa rin ito sa
mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.

Ano ang pang-abay?


Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o
naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay
tinatawag na adverb sa wikang Ingles.
Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong
siyam(9) na uri ng pang-abay – pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam,
panang-ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat, panulad, at pamitagan,
9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi

2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan


3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan
naganap ang kilos o pangyayari.

Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.


4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol
sa isang bagay o kilos.

Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka

5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o
pangyayari.

Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay

6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa,
ginagawa, o gagawin pa lamang.

Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.


7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang
pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.

Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?


8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng
isang tao o bagay.

Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng


pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay
nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o
pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing

You might also like