You are on page 1of 4

Paaralan Baitang Grade 9

Guro Asignatura Filipino


Araw at oras Markahan Unang
ng Pagtuturo Markahan

I.LAYUNIN
A. Pamantayan ng Bawat Baitang : Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, Naipamamalas ng mag-
aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at
pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano
upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
B. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa
akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan (MELCS
Code F9PT-Ia-b-39)
Karagdagang layunin:
 Natutukoy ang denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan
II. NILALAMAN  Pagbibigay kahulugan sa malalim na salitang ginamit sa
akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan
 Pagtukoy sa denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A.Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa K to 12 MELCS Pahina 175
2. Teksbuk/SLM Ikatlong SLM sa unang markahan
3. Karagdagang Kagamitan Mula
sa LR Portal
4. Iba pang pinagkunan https://www.youtube.com/watch?v=7zkN6YOeri8 (musiko)
https://nautil.us/blog/forget-everything-you-think-you-know-about-time
(orasan)
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/01/natalo-rin-si-pilandok-
pabula.html (pabulang natalo si pilandok)
http://clipart-library.com/clipart/1367189.htm (araw)
B.Kagamitang Panturo Laptop at Projector, metacards, sipi ng activity sheet
IV.PAMAMARAAN
A. . Balik-aral sa nakaraang  Bigyang pansin ang larawan at tukuyin ang mga salitang
aralin at/o pagsisimula sa maaring iugnay dito. a. pinakasentrong bituin ng sistemang
bagong aralin
solar

b.panahon d. pag-asa

c. motibasyon e. pagkamuhi

B. Paghahabi sa layunin ng  Pansinin ang salitang may salungguhit sa pangungusap.


aralin Tukuyin ang kahulugan nito ayon sa pagkakagamit sa
pahayag.

1. Ugaliing maghugas ng kamay at manatili sa tahanan


upang maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit na
COVID -19.
2. Hindi niya inaaming siya ang nag-utos sa babae na
gawin ang bagay na iyon na naging sanhi ng
pagkabilanggo nito , siya ay hugas kamay sa mga
nangyari.
3. Nakaupo siyang dinidilaan ang kapirasong papel na
kulay itim.
4. Dalawang araw niyang pinag-isipan kung itutuloy niya
ang kaniyang maitim na balak kay Ben.
5. Nakaupo siya at nakatingala tulad ng isang astrologo na
nagmamasid sa mga bituin.
6. Mula noon hanggang ngayon, siya ang pinakaiidolo
kong bituin dahil hindi lamang siya magaling sa pag-
arte kundi maging sa pag-awit.

C. Pag-uugnay ng mga  Ano ang napansin ninyo sa mga salitang nakadikit sa


halimbawa sa bagong aralin pisara?

Pagkatapos ng aralin ay inaasahang;


1. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit
sa akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan
2. Natutukoy ang denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan
D. Pagtatalakay ng bagong  Denotatibong kahulugan
konsepto at paglalahad ng  Tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o salitang
bagong kasanayan #1 mula sa diksiyunaryo.
Halimbawa:
1. Nahuli ni Kulas ang ang ahas na nakatuklaw sa
kaniyang asawa noong isang araw.
 Konotatibong kahulugan
 Tumutukoy sa hindi tuwirang kahulugan na maaaring
pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba sa
karaniwang pakahulugan.
Halimbawa:
1. Nahuli ni Pedring ang ahas sa kanilang grupo na
sanhi ng pagkawasak ng kanilang magandang
samahan.
E. Pagtatalakay ng bagong  Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag mula
konsepto at paglalahad ng sa binasanag akda at bigyang-kahulugan ang mga malalim
bagong kasanayan #2 na salitang may salungguhit at tukuyin kung anong
pagpapakahulugan ang ginamt (denotatibo o konotatibo).
Ang mag-aaral na may odd number sa upuan ang
magbibigay ng kahulugan at ang even number naman ang
tutukoy sa kung anong pagpapakahulugan ito.

1. Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang


matalinong pilandok na magpunta sa paborito niyang
malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom.
2. Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga
ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na
kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang bola
ng pilandok sa baboy-ramo.
3. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya
rito dahil sa lagi siyang pinipigilang uminom sa batis.
4. May isang kalbong napakaputla ng mukha. Sa tingin ko’y
kalalabas lang niya sa hospital o bilangguan.
5. May isang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang
kibo’t buhaghag ang pagmumukha.

F. Paglinang sa Kabihasaan  Bibigyan ang mga mag-aaral ng activity sheet, ang


(Tungo sa Formative gawain mula dito ay sasagutan sa loob ng limang (5)
Assessment) minuto.

 Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba na galing sa


binasang akda. Bigyang-kahulugan ang malalim na salitang
may salungguhit at tukuyin kung anong pagpapakahulugan
ang ginamit. Piliin mula sa kahon sa ibaba ang maaring
kahulugan ng mga ito.

1. Nakaupo siya sa isang sulok, hindi kumikibo’t buhaghag


ang pagmumukha.
2. Nasuntok nang malakas ng ama si Mui-Mui na tumalsik
sa kabilang kuwarto.
3. Umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa lagarian.
4. Namatay si Mui-Mui pagkaraan ng dalawang araw.
5. Masaya nilang pinagsaluhan ang dalawang supot ng
pansit na dala ng ama.

tumilapon binawian ng buhay maligaya

galit na galit walang emosyon

G. Paglalapat ng aralin sa  Bakit mahalagang alam natin ang denotatibo at


pang-araw-araw na buhay konotatibong pagpapakahulugan?
H. Paglalahat ng Aralin  Ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin kaugnay sa
denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan?

Denotatibong kahulugan Konotatibong kahulugan


 Tumutukoy sa literal na  Tumutukoy sa hindi
kahulugan ng salita o tuwirang kahulugan na
salitang mula sa maaaring pansariling
diksiyunaryo. kahulugan ng isang tao
o pangkat na iba sa
karaniwang
pakahulugan.

I. Pagtataya  Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba na galing sa


binasang akda. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na
kahulugan ng salitang may salungguhit at isulat sa patlang
pagkatapos ng pangungusap kung anong pagpapakahulugan
ang ginamit (denotatibo o konotatibo).
1. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. _____________
a. alahas b. salapi c. pagkain d. kumikislap
2. Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang
ulan._____________
a. Likido mula sa ulap c. luha
b. likido mula sa mga puno d. lahat ng nabanggit
3. Umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa lagarian.
a. natanggal sa trabaho c. naalis sa trabaho
b. nawalan ng trabaho d. lahat ng nabanggit
4. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay
madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang
loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin
siya uli; para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak.
_________
a. walang puso c. matapang
b. walang pag-ibig d. walang alam
5. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang
nagmamasid sa pinagkukubliang mga halaman ang mga
bata. _____________
a. tumitingin c. sumisigaw
b. nakapikit d. nagbabantay
J. Takdang aralin  Mula sa inyong naging karanasan ngayong panahon ng
pandemya, gumawa ng isang talata na inubuo ng lima(5)
hanggang pitong (7) pangungusap na ginagamitan ng
denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan.
Salungguhitan ang malalim na salitang ginamit at ibigay
ang pakahulugan nito. Gawin ito sa isang buong papel.
Gawing gabay sa gagawin ang pamantayan sa ibaba.
 Maayos ang pagkakabuo ng talata - 5 puntos
 Nabigyan ng maayos na kahulugan ang - 5 puntos
Malalim na salita
 Gumamit ng konotatibo at - 10 puntos
Denotatibong pagpapapakahulugan
KABUOAN 20 puntos
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
D. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?

Inihanda ni: Namasid:

Guro sa Filipino 9 Punongguro

You might also like