Katkat
Katkat
Florante: Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang
paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa amin ang
Kapalaran! Kung ayaw dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na boses! Kung ibig
mong ako’y magdusa, isagi mo lamang sa puso’t isipan ni Laura ako’y minsang mapag-
alaala.
Tagapagsalaysay: Nagkataon ang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas,
pananamit ay Moro sa Persiyang siyudad. Siya ay si Aladin ang gererong Moro ng Persiya na
anak ni Sultan Ali-Adab, na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama at kasintahang si Flerida
ay umalis sa sariling bayan.
(Si Aladin at Florante aynasa magkalayong dako ng gubat ngunit si Aladin ay naglakad
patungo kung saan malapit si Florante.)
Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t ikaw na rin ang
umagaw sa aking kaligayahan! (exhibition with sword and shield) Kung hindi ang
iginagalang kong ama ang umagaw kay Flerida, hindi ko masabi kung ang aking sandata’y
bumuga ng laksang kamatayan.
Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y inulila sa gitna
ng sakit para kong nakikita ang malupit na parusa sa iyo ng taksil na si Adolfo.
Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako sana ay
maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!
Aladin: Ako’y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa kanyang
kasakiman na ako’y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang kasawian kong ito
ay nauuukol sa nakapanghihinayang na pag-aaruga ni ama.
Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang palad. Gayon
man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man ang aking mga laman at buto,
Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.
(magdaragdag ng iba pang sasabihin tungkol sa mga pagtangis ni Florante sa buhay habang
hahanapin ni Aladin ang Boses)
Tagapagsalaysay: nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon ay
agad niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.
Florante: Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin kung
mamamatay ako’y gunitain mo rin……- hala? Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay!
Aladin: Ligtas ka na sa panganib at sa mga sakit nakikita mo na ako’y isang moro, datapwat
hindi bininyagan ay tao rin ako, may damdamin at nasasaklaw ng mg utos ng Diyos.
Naririnig ko ang iyong panaghoy at nagdamdam ang aking puso kaya hinanap kita.
Natagpuan kitang nakatali at sasagpangin ng dalawang Leon. Hindi ako nagsawalang
bahala at kinalaban ang mga Leon.
Florante: Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nalibing na sana ako sa tiyan ng Leon.
O, bakit mo pa ako niligtas at di hinayaang malagot ang aking buhay?
Tagapagsalaysay: mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo’y nabubuhay pa kaya huwag
mong sabihin na sana’y hinayaan nalang kita sa kamay ng mga Leon.
Florante: Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyo sa kabutihang ipinagkaloob mo?
Aladin: nainiwala akong hindi ka magaaalinlangan sa akin, bagamat nakikita mong ako’y
isang moro lamang, kayat nais ko sanang ipagtapat mo ang lahat ng iyong damdamin
upang hanggang maaga ay makatulong ako sa iyo.
Florante: umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na loob
kaya’t di lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko kundi simula’t sapul sa aking
pagkabata.
Ang pangalan ko’y Florante at ako’y nakatira sa Albania. Ang ama ko’y si Duke Briseo at ang
mahal kong ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.
Noong ako’y bata pa kamuntikan na akong kunin ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako ng
Pinsan kong si Menalipo at pinana niya ito
Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni ama na akoy
mag-aral sa Atenas.
………………….
(sa Atenas)
Antenor: maligayang pagdating Florante, ito ang paaralang iyong papasukan, Ako nga pala
si Antenor ang iyong magiging guro dito sa Atenas.
Florante: Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na’t mapapalayo ako sa aking
pinakamamahal na ama’t ina.
Antenor: Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang nag-
aaral dito, lilipas rin ang lungkot mo, halika Florante at magugustuhan mo dito sa Atenas
sapagkat magkakaroon ka dito ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa paaralan
(Florante: Doon ko nakilala si Adolfo pati na rin si Menandro, Sinabi sa akin ni Maestro
Antenor na Si Adlofo’y galing sa Albanya kaya ako’y lubusang natuwa.)
Antenor: Heto si Menadro. Siya ay isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas. Aliwin mo
ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti.
(Florante: Hindi nagtagal ay naging malapit kong kaibigan si Menandro. Pagkatapos ng anim
na taon na pag-aaral ko sa Atenas. Ang kahusayan na mayroon si Adolfo ay nakikita narin
sa akin nang aming Maestro)
Tagapagsalaysay: Isang hapon ay tinipon kami ni maestro Antenor upang maipakita ang
aming kagalingan.
Nasisiraan ka na ba ng ulo?
(papasok si antenor)
Antenor: Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang, kaya’t hindi katanggap-tanggap ang iyong
ginawa. Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan nais kong bumalik ka sa
Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa.
(Florante: pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako’y nakatanggap ng isang sulat na ang
hatid ay isang masamang balita. Ang aking pinakamamahal na ina ay namatay na at ang
liham ay nagmula sa aking butihing ama.
Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas hanggang
sa makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama at nais niya sa Albanya’y ako’y
magbalik na sampu nang sasakyan ang sumundo sa akin)
Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha’t paggiliw, lalong pag-ingata’t kaaway na Lihim, siyang isaisip na
kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo. Muli kayong magkakasama sa isang
lugar kahit pa malawak ang Kahariang Albanya siguradong landas niyo’y muling magkikita.
Huwag mong kalilimutan na ang puso niya’y puno na nang inggit at poot mula sayo,
Datapwat huwag kang magpapahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa
(Florante: habang nag-uusap kami ni ama dumating ang embahador ng Krotona upang
ibigay ang liham galing sa hari nila. Sila ay humingi ng tulong dahil sinakop ito ni Heneral
Osmalik ng Persya, sabi-sabi ay pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo,
Alading kilabot ng mga gerero.
Aladin: (mapapangit)“ Binirang balita’y magtapat, kung magtotoo ma’y marami ang
dagdag.”
Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling? Mukha siyang
isang bunying gerero.
Briseo: Siya’y bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak,ibilang sa isang
basalyot alagad
Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging pansamantalang
heneral ng hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw ang
matapang na gerero na magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo.
Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante kailangan mo nang maghanda para sa iyong pag-
alis
(digmaan)
Florante: Walang anuman mahal na hari, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng bayan
(Ninanais ng mga morong maangkin si Laura ngunit papalag Ito kaya’t napagdesisyunan na
siya ay pugutan ng ulo)
Alagad: Heneral Florante, maynaaaninag ako tila isang binibini na nakagapos, ang mga
moro’y nagbabalak na pugutan siya.
Florante: O, Laurang aking sinta, ikay huwag ng lumuha naririto ako upang iligtas ka
Laura: O, Floranteng aking irog, salamat at akoy niligtas mula sa kamay ng morong kalaban
Laura: Florante iyo ring iligtas, ang ama ko’t ama mo kasama na ang iba pang taga-
Albanyang nabilanggo.
(magtutungo si Florante sa bilangguan upang kalabanin ang morong bantay at palayain ang
mga bilanggo)
(magbubunyi ang haring Linceo, duke Briseo at mga taga-Albanya ngunit maiinggit si Adolfo
at muling kasusuklaman si Florante)
………………
Aladin: dahil natalastas mo na ang iyong buhay, ako nama’y magpapakilala nang pormal.
Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na nakaranas at
nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako’y hindi naghirap dito, dahil wala nang
mas hihirap pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, sa pagkuha sa kanya ng aking
sariling ama.
Oo nga’t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako’y bumalik
sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo
Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito
(hindi pa siya tapos magsalita ay susunggaban siya ng mga kawal, mapupumiglas si Aladin
ngunit wala itong silbi.)
…………..
(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)
Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong Krotona
Flerida: Nung nalaman kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa
ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay pakawalan at
huwag pugutan kapalit nito’y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan ang
sultang sukaban.
Pumayag ang sultan, Prinsipe Aladin ay agad pinakawalan, ngunit siniguradong malalayo
ito sa kaharian
Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang kasuotan ng
isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang taon rin akong nagpagala-gala
rito sa kagubatan hanggang sa maabutan kitang muntik nang pagsamantalahan.
Nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan.
(habang naglalakad ay magkikita-kita ang mga magkakasintahan)
Flerida: O Aladin!
Florante:O salamat sa diyos at ika’y ligtassalamat din Flerida dahil puso moy likas
Ito’y kagagawan ni Adolfo pinapugutan niya ang ama ko at iba pang inosenteng tao
Pinadalhan kita ng isang liham umaasang magbabalik kasama ang hukbo upang lumaban
ngunit si Menandro ang dumating at kinubkob ng hukbo ang Albanyang bayan
Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo kapag dating dito ako’y
dinahas at ibig ilugso ang puri ko.
Buti’t dumating si Flerida at akoy Niligtas. Salamat sa iyo Flerida, Salamat dahil sa iyo ako’y
buhay pa
Flerida: Ako ay nahabag kay Laura ng Makita kong nilalapastangan siya kinuha ko ang
Busog at pana kinitil ang buhay ng taong masama
(uuwi sa kaharian)