0% found this document useful (0 votes)
93 views12 pages

ESP 3 2nd PT

Uploaded by

russeljohnmolina
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
93 views12 pages

ESP 3 2nd PT

Uploaded by

russeljohnmolina
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Palawan
Coron Inland District
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

PANGALAN:________________________________________ISKOR____________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


____1. Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-
aalaga sa mga taong may sakit?
A. Pagkamahiyain C. Pagkamalikhain
B. Pagmamalasakit D. Pagkamadasalin
____2. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang
pamunas ng kaniyang ilong at pantakip sa kanyang bibig tuwing uubo.
Pinagtatawanan siya ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang
kaniyang sipon sa ilong. Ano ang iyong gagawin?
A. Makikitawa rin ako
B. Huwag pansinin ang kaklase
C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
____3. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may
sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng
hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan.
Gustong-gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
A. Maglalaro muna saglit
B. Aawayin ang mga kaibigan
C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay
D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
____4. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa
iyong kapwang may sakit? Sa pamamagitan ng _____________.
A. pagbabalewala
B. paghingi ng pera
C.pakikipaglaro sa kanila
D.pagtulong at pag-aalaga
____5. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng
iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya nakakaligtaan ang pag-inom nito.
Ano kaya ang nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
A. Nagagalit sa iyong pakikialam
B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin
C.Nagsasawa nang uminom ng gamut
D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga
____6. Maysakit ang nanay mo. Hindi siya makabangon dahil masakit ang
kanyang katawan.
A. Pipilitin siyang bumangon.
B. Aalalayan siya upang makabangon.
C. Ibibigay ang kaniyang kailangan upang hindi na siya tatayo sa kanyang
hinihigaan.
D. Iiwan ko mag-isa si nanay
____7. Nilalagnat ang ate mo, napakinggan mo sa paaralan na sinabi ng nars
na nagpapaseminar sa mga bata na kapag mataas ang lagnat ay
kailangang punasan ng malamig na bimpo.
A. Papainumin ng gatas
B. Pupunasan ng malamig na bimpo ang katawan ni ate
C. Kukumutan si ate
D. Iiwan mag-isa si ate
____8. Masakit ang ulo ng kuya mo. Alam mo kung anong gamot niya para sa
sakit ng ulo.
A. Bibigyan ng gamot para sa sakit ng ulo
B. Papaliguan siya
C. Papainumin ng juice
D. Paiinumin ko siya ng softdrinks
____9. Nasa ospital ang lolo mo. Hirap siyang maglakad patungong palikuran.
A. Aalalayan si lolo patungong palikuran
B. Papainumin ng gamot si lolo
C. Papatulugin si lolo
D. Iiwan ko siya
____10. Payat na payat ang kalaro mo. Umiiyak siya sa sakit ng tiyan dahil sa
gutom.
A. Papauwiin na siya
B. Sasabihin na uminom ng maraming tubig para mabusog
C. Bibigyan ng pagkain
D. Wala akong pakialam sa kanya
____11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong
paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may
unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo
hanggang sa matapos ang palatuntunan.
D. Hindi ko siya papansinin at makikipagkwentuhan sa iba.
____12. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may
bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba
kong kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
D. Tatawanan ko siya.
____13. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa
inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang
hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula
nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa
mga manonood, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang
linya.
D. Hindi na ko manonood.
____14. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong
mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit.
D. Itutulak ko siya.
____15. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na
kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na awayin ang mga batang
nangungutya.
B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan.
C. Sasamahan ko ang mga batang nangungutya sa may kapansanan.
D. Wala akong pakialam sa kanila.
____16. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang
pagbibigay mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga luho.
C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto
nila.
D. Wala sa nabanggit.
____17. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang maaari
mong maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit ngunit
maaayos pa.
D. Maaari kong bigyan sila ng mga sirang gamit sa bahay namin.
____18. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang
pilay. Hindi mo ito kayang ipagtanggol dahil mas malalaki pa sila sa iyo. Ano
ang maaari mong gawin upang makatulong?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Aalis ako dahil maaari akong madamay.
C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o matanda na
maaaring makatulong.
____19. May paligsahan para sa mga may kapansanang may kahusayan sa
isports. Sang-ayon ka ba na bigyan ito ng halaga? Bakit?
A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga tao.
D. Hindi, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
____20. Paano mo masasabing nangangailangan ng tulong ang mga may
kapansanan?
A. Kadalasan sa kanila ay tamad.
B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye.
C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa kanilang
kapansanan.
D. Ayaw nila tumulong sa gawaing bahay.
____21. May isang batang Muslim mula sa Mindanao. Siya ay hindi marunong
magsalita ng tagalog. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak dahil wala siyang
pambili ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Gawing kaibigan.
B. Bibigyan ng pagkain.
C. Tuturuan ng salitang tagalog.
D. Lahat ng nabanggit.
____22. Si Anmar ay bagong lipat sa inyong barangay at magkatabi ang
inyong bahay. Siya ay isang bisaya. Isang araw, nakita mong tinutukso siya ng
ibang bata. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasali sa panunukso.
B. Hahayaan at hindi papansinin.
C. Lalakad na lang na parang walang nakita.
D. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawang panunukso ng mga bata.
____23. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ibang pangkat
etniko? A. May paggalang sa ibang pangkat etniko.
B. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit.
C. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat etniko.
D. Lahat ng nabanggit
____24. Sa loob ng inyong silid–aralan, mayroon kang kaklase na umiiyak dahil
naiwan niya ang kaniyang kagamitan sa paggawa ng proyekto. Siya ay isang
Manobo at bagong lipat sa inyong paaralan. Paano mo siya matutulungan?
A. Hindi papansinin.
B. Ipagsasabi sa ibang kaklase.
B. Pahihiramin ng mga kagamitan.
D. Tutuksuhin para mas umiyak pa siya.
____25. May paligsahan sa inyong paaralan at ito ay ang pagsusuot ng iba’t
ibang kasuotan ng mga pangkat etniko. Napili kang maging kinatawan ng
inyong klase at ang nabunot mo ay ang pangkat ng Ita. Paano mo
maipakikita ang pagmamalasakit sa kanilang kultura?
A. Magagalit sa guro at kaklase.
B. Balewalain ang kultura ng mga Ita.
C. Pagtawanan ang nabunot na pangkat etniko
D. Magsusuot ng naaayong kasuotan ng isang Ita na may burda na gawa sa
abaka at mananaliksik kung ano pa ang ibang kultura nila.
____26. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng isang bata na
marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan ng pangkat etnikong
kinabibilangan ng kapuwa bata, maliban sa isa.
A. Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa.
B. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.
C. Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya.
D. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.
____27. Habang naglalakad kayo ng nanay mo sa isang kalsada, nakita mo
ang isang batang katutubo na nanghihingi ng pagkain sa iyo. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Hindi kikibo at pabayaan na lang.
B. Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin.
C. Lalakad nang matulin na parang walang nakita.
D. Sasabihin sa nanay na bibigyan mo ng pagkain ang batang katutubo.
____28. Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang bagong kaklase. Siya
ay isang Manobo. Paano mo siya bibigyang pansin para makilala mo siya?
A. Aawayin para makilala siya.
B. Lalapitan siya at makikipagkilala.
C. Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo.
D. Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya sa iyo.
____29. Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong
Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong kaklase. Paano mo
siya matutulungan?
A. Iiwasan siya.
B. Hahayaan siyang umiiyak.
C. Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong
kaklase na Mangyan.
D. Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa guro
ang mga nanunukso sa kaniya.
____30. Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang siya sa inyong
paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. Paano mo siya
matutulungan?
A. Lalayuan na lang.
B. Pababayaan at hindi papansinin.
C. Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.
D. Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang
sasabihin ay maaaring isulat sa papel.
____31. Ang sumusunod ay mga katangian ng pakikiisa na may kasiyahan sa
kalooban, maliban sa isa:
A. Pagsali sa mga programa sa paaralan
B. Nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata
C. Nagagalit kung kasama ang ibang bata sa paglalaro
D. Pagpapakita ng magandang katangian sa ibang bata
____32. Sa kabila ng iyong kapansanan, napili kang maging lider sa isang
paligsahan ng inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin upang
sundin ka ng iyong mga kaklase?
A. Hindi kikibo at pababayaan na lang.
B. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na sila ang gagawa.
C. Magpunta sa guro at sasabihin na hindi mo kaya ang gawaing
ipinagagawa.
D. Tawagin ang mga kaklase at pag-usapan ang dapat gawin upang
maisakatuparan ang mga gawain.
____33. May sasalihan kang patimpalak sa paaralan ninyo, at isa rin sa mga
kalahok ay ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Magpalakas sa mga hurado.
B. Pabayaan at magpatuloy sa patimpalak.
C. Takutin ang kaibigan para hindi magpatuloy.
D. Makipag-usap sa kaibigan na kahit anong mangyari, manalo man o
matalo, magkaibigan pa rin kayo.
____34. Maipakikita mo ang pakikiisa sa iyong kapuwa bata sa pamamagitan
ng __________________.
A. Paglalaro na mag-isa.
B. Pagmamalasakit sa kapuwa
C. Pagpapakita ng takot sa Diyos.
D. Pagtulong sa mga gawain sa paaralan kasama ang ibang bata.
____35. Isa sa programa sa paaralan ay ang Brigada Eskwela. Paano ka
makatutulong upang maisakatuparan ang ganitong gawain?
A. Gagawa ako na mag-isa.
B. Sasali na lang sa susunod.
C. Mag-ipon ng lakas para makatulong sa Brigada Eskwela.
D. Magyaya ng mga kaibigan at makikiisa sa gawain ng paaralan
____36.Nabalitaan mong mayroong gaganaping patimpalak sa pagkanta sa
inyong paaralan. Naisip mo ang bago mong kaklase na si Josie dahil alam
mong mayroon siyang talento sa pagkanta sa kabila ng kaniyang
pagkamahiyain. Paano mo siya kukumbinsihing sumali?
A. Takutin para kumanta.
B. Aawayin para kumanta.
C. Bibigyan siya ng pagkain para sumali.
D. Kakausapin siya nang maayos na nararapat niyang ibahagi ang angking
talent
____37. Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa inyong barangay. Isa sa
mga hurado ay kakilala ng kagrupo mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ngingitian ang hurado.
B. Magpalakas sa hurado.
C. Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw.
D. Kakausapin ang hurado na kaibigan ng kagrupo mo na kayo ang dapat
manalo sa patimpalak.
____38. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin mo na may isang
bata na gustong sumali sa laro ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata.
B. Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin.
C. Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro.
D. Manghingi muna ng pagkain sa bata para isali siya sa laro.
____39. May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal clean-
up. Gusto mong sumali, ngunit alam mo na hindi ka papayagan ng iyong
mga magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang sasali.
B. Magagalit sa magulang.
C. Sasali nang hindi magpapaalam sa mga magulang.
D. Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang maayos
upang makasali sa coastal clean-up.
____40. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng pakikiisa at
kasiyahan sa mga gawaing pambata?
A. Tumutulong sa ibang bata
B. Masayang kasama ang ibang bata
C. Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro
D. Lahat ng nabanggit
ANSWER KEY IN ESP 3

1. C

2. C

3. D

4. D

5. D

6. C

7. B

8. A

9. A

10. C

11. B

12. D

13. C

14. C

15. B

16. A

17. C

18. C

19. B

20. C

21. D

22. D

23. B

24. C
25. D

26. B

27. D

28. D

29. D

30. D

31. C

32. D

33. D

34. D

35. D

36. D

37. C

38. C

39. D

40. D
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Palawan
Coron Inland District
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III

TABLE OF SPECIFICATION
S.Y. 2023-2024
Kinalalagyan ng Bilang batay sa Bloom’s Taxonomy Level of Learning( Item
Placement)
Percentag
No. of e/
No. of
Days/ Items/ Understandin Applyin
Most Essential Learning Rememberin g g
Bilang Porsyent Bilang g
Competencies o ng Analyzing Evaluation Creating
Pag-unawa Paglala
ng Aytem ng Pagbabalik pat/ Pag-analisa Pagtataya Paglikha
Araw Aytem - tanaw o
Kaisipan Paggam
it

Nakapagpapadama ng 25%
malasakit sa kapwa na may 10
karamdaman sa
pamamagitan ng mga 5

simpleng gawain
1.1.pagtulong at pag-aalaga
1 2-6 7 8-9 10
1.2.pagdalaw, pag-aliw at
pagdadala ng pagkain o
anumang bagay na kailangan
EsP3P- IIa-b – 14

Nakapagpapakita ng 25%
malasakit sa may 10
mga kapansanan sa
pamamagitan ng:
2.1.pagbibigay ng simpleng
tulong sa kanilang
pangangailangan
2.2.pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok sa
5
mga palaro o larangan ng
isport at iba pang programang
pampaaralan
2.3 pagbibigay ng
pagkakataon upang sumali at
lumahok sa mga palaro at iba
pang paligsahan sa
pamayanan
EsP3P- IIc-e – 15 11 12-16 17 18-19 20

25%
Naisasaalang-alang ang
katayuan/ kalagayan/ 10

pangkat etnikong
kinabibilangan ng kapwa bata 5

sa pamamagitan ng:
pagbabahagi ng pagkain,
laruan, damit, gamit at iba pa 21 22-26 27 28-29 30
EsP3P- IIf-g –16

25%
Nakapagpapakita nang may
kasiyahan sa pakikiisa sa mga 10
gawaing pambata
Hal. paglalaro
5
programa sa paaralan
(paligsahan,
pagdiriwang at iba pa)
EsP3P- IIh-i – 17 31 32-36 37 38-39 40

KABUUAN 20 100% 40

You might also like