You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI

Pang-isahang Pansangay na Pagsusulit


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 3
Taong Panuruan 2023-2024
Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________________
Paaralan: _______________________________________________ Petsa: _________________ Iskor: ___________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


tanong. Piliin ang tamang sagot mula sa titik ⒶⒷⒸⒹ at itiman ang bilog
ng napiling sagot.

1. Nang umuwi ka galing sa paaralan, nadatnan mong may sakit ang


iyong nanay. Hindi pa siya nakapagluto dahil nanghihina ito. Ano ang
maaari mong maitulong?
Ⓐ Manghihingi ako ng pagkain sa aming kapitbahay.
Ⓑ Paiinumin ko ng tubig si Nanay upang hindi magutom.
Ⓒ Hihintayin kong dumating si Tatay upang siya ang magluto.
Ⓓ Magluluto ako upang makakain si Nanay at makainom ng gamot.

2. Napansin mong matamlay ang iyong kaklase dahil masakit daw ang
kanyang ulo. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya?
Ⓐ Hahayaan ko na lang siyang maging matamlay.
Ⓑ Patutulugin ko siya nang mawala ang sakit ng kanyang ulo.
Ⓒ Sasamahan ko siya sa School Clinic upang humingi ng gamot.
Ⓓ Patatawanin ko siya upang sumigla ang kanyang pakiramdam.

3. Nabalitaan mong may sakit ang iyong lolo. Sa iyong murang edad,
ano ang simpleng paraang magagawa mo para sa kanya?
Ⓐ Dadalawin ko siya at paiiyakin.
Ⓑ Dadalawin ko siya at kukumustahin.
Ⓒ Pagagalitan ko siya dahil nagkasakit siya.
Ⓓ Paghihintayin ko siya kung kailan ako dadalaw.

4. Dinalaw mo sa ospital ang iyong pinsan na may sakit. Hinandugan mo


siya ng paborito niyang mga awitin. Sa iyong palagay, ano kaya ang
mararamdaman ng iyong pinsan?
Ⓐ Malulungkot siya dahil nakalulungkot ang awitin.
Ⓑ Matutuwa siya dahil narinig niya ang basag mong boses.
Ⓒ Magagalit siya dahil hindi niya gusto ang iyong pagkanta.
Ⓓ Matutuwa siya dahil paborito niya ang mga awiting iyong inalay.
5. Napag-alaman mong may ubo at sipon ang iyong kaibigan kaya siya
lumiban sa klase. Ano ang maaari mong dalhin kung ikaw ay dadalaw
sa kanilang bahay?
Ⓐ gamot para sa lagnat Ⓒ paborito niyang mga laruan
Ⓑ masustansiyang pagkain Ⓓ junkfoods dahil paborito niya ito

6. Pumasok na nakasaklay ang iyong kaklase. Nahihirapan siyang


pumunta sa kanyang upuan na nakapwesto sa bandang likuran. Sa
anong paraan mo siya matutulungan?
Ⓐ Hahayaan ko siyang maglakad papunta sa likuran.
Ⓑ Tutulungan ko siyang dalhin ang kanyang bag at gamit.
Ⓒ Makipagpalit ako ng upuan sa kanya sa bandang harapan.
Ⓓ Pagsasabihan ko siyang mag-ingat at magdahan-dahan sa
paglalakad.

7. Sa isang tawiran, nakita mong suminyas ang police traffic na


nagbibigay hudyat na maaari nang tumawid ngunit nakita mo ang
isang ale na nahihirapang tumawid dahil naka-wheelchair ito. Alin sa
sumusunod ang maaari mong gawin?
Ⓐ Tutulungan ko siyang itulak ang kanyang wheelchair upang
makatawid kaagad.
Ⓑ Ipagbigay alam ko sa police traffic na may aleng naka-wheelchair.
Ⓒ Hahayaan ko na lang ang iba na tulungan siya.
Ⓓ Hintayin na lang siyang makatawid na nag- iisa.

8. Sa isang gaganaping Festival of Talents sa inyong paaralan, gustong


sumali ng kaklase mong magaling kumanta ngunit pilay ito. Ano ang
maipapayo mo sa kanya?
Ⓐ Sasabihin ko sa kanya na hindi siya mananalo.
Ⓑ Papayuhan ko siyang huwag ng sumali baka pagtawanan lang siya.
Ⓒ Sasabihin kong may mas magaling pa sa kanya na mga kalahok.
Ⓓ Papayuhan ko siyang sumali sa paligsahan at ipakita ang taglay na
talento.

9. Nakita mo ang isang anunsyo sa inyong paaralan tungkol sa


paligsahan sa pagpinta at pagkanta. Alin sa mga paligsahang ito ang
maaari lamang salihan ng iyong kaibigang may kapansanan sa
pagsasalita?
Ⓐ pagpinta upang maipakita niya sa lahat ang kanyang talento.
Ⓑ pagkanta dahil sanay naman siyang mapahiya sa harapan.
Ⓒ pagpinta dahil kaya niyang bumili ng gamit sa pagpipinta.
Ⓓ pagkanta upang pagkatuwaan siya ng mga manunuod.
10. Naglunsad ang inyong barangay ng paligsahan sa isports para sa
mga taong miyembro sa Person with Disability o PWD. Sang- ayon ka ba
rito?
Ⓐ Oo, upang maipakita nila na magaling sila sa isports kahit may
kapansanan.
Ⓑ Oo, upang mabigyan sila ng malaking premyo.
Ⓒ Hindi, dahil hindi nila kayang makipagsabayan.
Ⓓ Hindi, dahil kukutyain lamang sila ng mga tao.

11. Pumunta ka sa tindahan at nadatnan mo ang iyong kaibigang si Rex


na isang pipi. Gusto nitong bumili ng pagkain ngunit hindi siya
maintindihan ng tindera. Alam mo kung paano mag-sign language. Ano
ang gagawin mo?
Ⓐ Aalamin ko kung ano ang bibilhin ni Rex at sasabihin ko sa tindera
ang gusto kong kainin.
Ⓑ Aalamin ko mula kay Rex kung ano ang kanyang gusto at sasabihin
ko sa tindera.
Ⓒ Sabihin ko sa tindera na mag-aral ng sign language upang
maintindihan si Rex.
Ⓓ Pauwiin ko si Rex at hayaang ang kanyang kapatid ang bumalik.

12. Magtutungo ang inyong pamilya sa isang beach resort at marami


kayong baong pagkain. Biglang huminto ang sasakyan ninyo dahil sa
trapik, maya-maya ay may kumatok na isang batang katutubo sa
inyong sasakyan. Ano ang nararapat mong gawin?
Ⓐ Bibigyan ko siya ng tira-tirang pagkain.
Ⓑ Hindi ko papansinin ang batang katutubo.
Ⓒ Kukuha ako ng pagkain mula sa aming baon at ibibigay sa kanya.
Ⓓ Bibigyan ko siya ng pera at bahala na siya kung ano ang bibilhin.

13. Isa ka sa mga opisyales ng Supreme Pupil Government o SPG sa


inyong paaralan. Isa sa inyong proyekto ay ang “Laruan Ko, Para sa
Kapwa Ko”. Sino, sa palagay mo, ang dapat ninyong bigyan ng mga
laruan? Ang mga batang_________________
Ⓐ walang mga laruan.
Ⓑ nagnanakaw ng mga laruan.
Ⓒ maraming nakakalat na laruan.
Ⓓ hinding-hindi makabili ng mga laruan.

14. Tuwing sasapit ang Pasko, may mga nakakaawang tao na


nanghihingi ng mga lumang damit sa bawat bahay at isa kayo sa
napuntahan. Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Ibibigay ko ang luma at punit- punit kong mga damit.
Ⓑ Ibibigay ko ang napaglumaan ngunit magagamit pang mga damit.
Ⓒ Papayuhan ko silang pumunta sa may ukay-ukay at doon manghingi.
Ⓓ Hindi ko bubuksan ang aming pinto dahil baka nakawin ang aming
mga damit.

15. Bagong kaklase ninyo si Sara. Isa siyang Muslim mula sa Zamboanga.
Napansin mong umiiyak si Sara dahil naiwan niya ang kanyang mga
materyales sa pagguhit at wala siyang magagamit sa inyong gagawing
proyekto. Paano mo siya matutulungan?
Ⓐ Hindi ko papansinin upang hindi niya lalakasan ang pag-iyak.
Ⓑ Sasabihin ko sa buong klase na wala siyang dala kahit na isa.
Ⓒ Pahihiramin ko siya ng mga dala kong kagamitan.
Ⓓ Tutuksuhin ko para lalo siyang umiyak.

16. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa


ibang pangkat-etniko?
Ⓐ Ginagalang ko ang kanilang tradisyon at mga paniniwala.
Ⓑ Nagbabahagi ako ng mga pagkain, laruan at damit.
Ⓒ Nakikipagkaibigan ako sa mga batang-katutubo.
Ⓓ Hindi ako tatawa kapag kaharap ko sila.

17. Ang sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng pakikiisa sa mga


gawaing pambata na may kasiyahan sa kalooban maliban sa isa. Alin
dito?
Ⓐ pagsali sa mga palaro sa aming paaralan.
Ⓑ nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata.
Ⓒ makipaglaro sa mga bata kahit masama ang loob.
Ⓓ pagpapakita ng magandang katangian sa ibang bata at kalaro.

18. Masaya kayong naglalaro ng iyong mga kaibigan sa parke. Nakita


mo ang isang bata na nakatingin at gustong sumali sa inyong laro. Ano
ang gagawin mo?
Ⓐ Tatawagin at pasasalihin siya dahil mas marami, mas masaya.
Ⓑ Tatawagin at pasasalihin sa amin kung mayroon siyang laruan.
Ⓒ Tutuksuhin naming magkakaibigan na lampa upang umiyak.
Ⓓ Lalapitan ang bata at pagsasabihang umalis dahil disturbo ito sa
aming laro.

19. May paligsahan sa pagsayaw ng Hip Hop ang inyong paaralan.


Nagpalista ka upang sumali. Ngunit sumali din ang iyong mga kaibigan.
Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Isusumbong ko sila upang mapagalitan sila.
Ⓑ Sasali pa rin ako at hindi ko na sila kakaibiganin.
Ⓒ Kakausapin ko sila na galingan namin at maging kaibigan pa rin.
Ⓓ Kakausapin ko ang aking mga kaibigan na huwag ng tumuloy dahil
nauna na akong nagpalista.

20. Naglunsad ng Tree Planting ang mga opisyales ng YES-O. Paano ka


makikiisa sa programang ito?
Ⓐ Sasali ako sa susunod na tree planting.
Ⓑ Magtatanim ako ng mag-isa para sumikat.
Ⓒ Sasali at sasama ako sa pagtatanim upang matuwa ang aking guro
at tumaas ang aking marka.
Ⓓ Hikayatin ko ang aking mga kaibigan na lumahok sa tree planting
upang sama-sama kami sa pagtatanim.

You might also like