0% found this document useful (0 votes)
14 views10 pages

2ndPT ESP

Ang dokumento ay isang table of specification para sa Second Periodical Test sa ESP 3 sa Ramon Paterno Mem. Elementary School. Naglalaman ito ng mga kategorya ng mga tanong batay sa Bloom's Taxonomy at mga halimbawa ng mga tanong na naglalayong suriin ang kaalaman ng mga estudyante sa mga konsepto ng malasakit at pagtulong sa kapwa. Ang mga tanong ay nakatuon sa mga sitwasyon na nagpapakita ng empatiya at pag-unawa sa mga taong may karamdaman o kapansanan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
14 views10 pages

2ndPT ESP

Ang dokumento ay isang table of specification para sa Second Periodical Test sa ESP 3 sa Ramon Paterno Mem. Elementary School. Naglalaman ito ng mga kategorya ng mga tanong batay sa Bloom's Taxonomy at mga halimbawa ng mga tanong na naglalayong suriin ang kaalaman ng mga estudyante sa mga konsepto ng malasakit at pagtulong sa kapwa. Ang mga tanong ay nakatuon sa mga sitwasyon na nagpapakita ng empatiya at pag-unawa sa mga taong may karamdaman o kapansanan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

SECOND PERIODICAL TEST IN ESP 3


TABLE OF SPECIFICATION
S.Y. 2023-2024

Kinalalagyan ng Bilang batay sa Bloom’s Taxonomy Level of


Learning( Item Placement)

No. No. of
of Items
Understan Applyi
Days / Remembe ding
Most Essential Learning / ring ng Evaluati
Bilan Analyzing
Competencies Pag- on Creating
Pagbab Paglal
Bilan g ng unawa Pag-
alik- apat/ Pagtata Paglikha
g ng Ayte analisa
tanaw o ya
Araw m Pagg
Kaisipan
amit

Percentage 60% 30% 10%

Nakapagpapadama ng
malasakit sa kapwa na 10
may karamdaman sa
pamamagitan ng mga
simpleng gawain
1.1.pagtulong at pag-
aalaga 1.2.pagdalaw, 5

pag-aliw at
pagdadala ng pagkain
o anumang bagay na
kailangan

EsP3P- IIa-b – 14 1 2-6 7 8-9 10

Nakapagpapakita ng
malasakit sa may 7
mga kapansanan sa
pamamagitan ng:
2.1.pagbibigay ng
simpleng tulong sa
kanilang 5
pangangailangan

2.2.pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at
lumahok sa mga palaro
11 12-16 17
o larangan ng isport at
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

iba pang programang


pampaaralan
2.3 pagbibigay ng
pagkakataon upang
sumali at lumahok sa
mga palaro at iba pang
paligsahan sa
pamayanan
EsP3P- IIc-e – 15

Naisasaalang-alang
ang katayuan/ 9
kalagayan/ pangkat
etnikong kinabibilangan
ng kapwa bata sa
pamamagitan ng: 5

pagbabahagi ng
pagkain, laruan, damit,
gamit at iba pa

EsP3P- IIf-g –16 18 19-23 24-25 26

Nakapagpapakita nang
may kasiyahan sa 4
pakikiisa sa mga
gawaing pambata
Hal. paglalaro 5
programa sa paaralan
(paligsahan,
pagdiriwang at iba pa)
EsP3P- IIh-i – 17 27 28-29 30

KABUUAN 20 30
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

SECOND PERIODICAL TEST IN ESP 3


Name: ____________________________ Iskor: ____________
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1. Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag
aalaga sa mga taong may sakit?
A. Pagkamahiyain C. Pagkamalikhain
B. Pagmamalasakit D. Pagkamadasalin
____2. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas
ng kaniyang ilong at pantakip sa kanyang bibig tuwing uubo. Pinagtatawanan
siya ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano
ang iyong gagawin?
A. Makikitawa rin ako
B. Huwag pansinin ang kaklase
C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
____3. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may
sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng
hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan.
Gustong-gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
A. Maglalaro muna saglit
B. Aawayin ang mga kaibigan
C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay
D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
____4. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa
iyong kapwang may sakit? Sa pamamagitan ng _____________.
A. pagbabalewala
B. paghingi ng pera
C.pakikipaglaro sa kanila
D.pagtulong at pag-aalaga
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

____5. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng


iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano
kaya ang nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
A. Nagagalit sa iyong pakikialam
B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin
C.Nagsasawa nang uminom ng gamut
D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga
____6. Maysakit ang nanay mo. Hindi siya makabangon dahil masakit ang
kanyang katawan.
A. Pipilitin siyang bumangon.
B. Aalalayan siya upang makabangon.
C. Ibibigay ang kaniyang kailangan upang hindi na siya tatayo sa kanyang
hinihigaan.
D. Iiwan ko mag-isa si nanay
____7. Nilalagnat ang ate mo, napakinggan mo sa paaralan na sinabi ng nars
na nagpapaseminar sa mga bata na kapag mataas ang lagnat ay kailangang
punasan ng malamig na bimpo.
A. Papainumin ng gatas
B. Pupunasan ng malamig na bimpo ang katawan ni ate
C. Kukumutan si ate
D. Iiwan mag-isa si ate
____8. Masakit ang ulo ng kuya mo. Alam mo kung anong gamot niya para sa
sakit ng ulo.
A. Bibigyan ng gamot para sa sakit ng ulo
B. Papaliguan siya
C. Papainumin ng juice
D. Paiinumin ko siya ng softdrinks
____9. Nasa ospital ang lolo mo. Hirap siyang maglakad patungong palikuran.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

A. Aalalayan si lolo patungong palikuran


B. Papainumin ng gamot si lolo
C. Papatulugin si lolo
D. Iiwan ko siya
____10. Payat na payat ang kalaro mo. Umiiyak siya sa sakit ng tiyan dahil sa
gutom.
A. Papauwiin na siya
B. Sasabihin na uminom ng maraming tubig para mabusog
C. Bibigyan ng pagkain
D. Wala akong pakialam sa kanya
____11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong
paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may
unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo
hanggang sa matapos ang palatuntunan.
D. Hindi ko siya papansinin at makikipagkwentuhan sa iba.
____12. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot.
Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba
kong kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
D. Tatawanan ko siya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

____13. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa


inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang
hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula
nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga
manonood, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.
D. Hindi na ko manonood.
____14. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal
maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit.
D. Itutulak ko siya.
____15. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na
kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na awayin ang mga batang
nangungutya.
B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan.
C. Sasamahan ko ang mga batang nangungutya sa may kapansanan.
D. Wala akong pakialam sa kanila.
____16. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang
pagbibigay mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga luho.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto


nila.
D. Wala sa nabanggit.
____17. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang maaari mong
maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit ngunit
maaayos pa.
D. Maaari kong bigyan sila ng mga sirang gamit sa bahay namin.
____18. May isang batang Muslim mula sa Mindanao. Siya ay hindi marunong
magsalita ng tagalog. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak dahil wala siyang
pambili ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Gawing kaibigan.
B. Bibigyan ng pagkain.
C. Tuturuan ng salitang tagalog.
D. Lahat ng nabanggit.
____19. Si Anmar ay bagong lipat sa inyong barangay at magkatabi ang inyong
bahay. Siya ay isang bisaya. Isang araw, nakita mong tinutukso siya ng ibang
bata. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasali sa panunukso.
B. Hahayaan at hindi papansinin.
C. Lalakad na lang na parang walang nakita.
D. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawang panunukso ng mga bata.
____20. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ibang pangkat etniko?
A. May paggalang sa ibang pangkat etniko.
B. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit.
C. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat etniko.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

D. Lahat ng nabanggit
____21. Sa loob ng inyong silid–aralan, mayroon kang kaklase na umiiyak dahil
naiwan niya ang kaniyang kagamitan sa paggawa ng proyekto. Siya ay isang
Manobo at bagong lipat sa inyong paaralan. Paano mo siya matutulungan?
A. Hindi papansinin.
B. Ipagsasabi sa ibang kaklase.
B. Pahihiramin ng mga kagamitan.
D. Tutuksuhin para mas umiyak pa siya.
____22. May paligsahan sa inyong paaralan at ito ay ang pagsusuot ng iba’t
ibang kasuotan ng mga pangkat etniko. Napili kang maging kinatawan ng
inyong klase at ang nabunot mo ay ang pangkat ng Ita. Paano mo maipakikita
ang pagmamalasakit sa kanilang kultura?
A. Magagalit sa guro at kaklase.
B. Balewalain ang kultura ng mga Ita.
C. Pagtawanan ang nabunot na pangkat etniko
D. Magsusuot ng naaayong kasuotan ng isang Ita na may burda na gawa sa
abaka at mananaliksik kung ano pa ang ibang kultura nila.
____23. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng isang bata na
marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan ng pangkat etnikong
kinabibilangan ng kapuwa bata, maliban sa isa.
A. Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa.
B. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.
C. Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya.
D. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.
____24. Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang bagong kaklase. Siya
ay isang Manobo. Paano mo siya bibigyang pansin para makilala mo siya?
A. Aawayin para makilala siya.
B. Lalapitan siya at makikipagkilala.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

C. Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo.


D. Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya sa iyo.
____25. Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong
Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong kaklase. Paano mo siya
matutulungan?
A. Iiwasan siya.
B. Hahayaan siyang umiiyak.
C. Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong
kaklase na Mangyan.
D. Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa guro
ang mga nanunukso sa kaniya.
____26. Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang siya sa inyong
paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. Paano mo siya
matutulungan?
A. Lalayuan na lang.
B. Pababayaan at hindi papansinin.
C. Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.
D. Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang sasabihin
ay maaaring isulat sa papel.
____27. Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa inyong barangay. Isa sa
mga hurado ay kakilala ng kagrupo mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ngingitian ang hurado.
B. Magpalakas sa hurado.
C. Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw.
D. Kakausapin ang hurado na kaibigan ng kagrupo mo na kayo ang dapat
manalo sa patimpalak.
____28. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin mo na may isang bata
na gustong sumali sa laro ninyo. Ano ang gagawin mo?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
RAMON PATERNO MEM. ELEM. SCHOOL
BLISS BRGY. 7, CUENCA, BATANGAS

A. Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata.


B. Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin.
C. Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro.
D. Manghingi muna ng pagkain sa bata para isali siya sa laro.
____29. May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal clean-up.
Gusto mong sumali, ngunit alam mo na hindi ka papayagan ng iyong mga
magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang sasali.
B. Magagalit sa magulang.
C. Sasali nang hindi magpapaalam sa mga magulang.
D. Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang maayos upang
makasali sa coastal clean-up.
____30. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng pakikiisa at
kasiyahan sa mga gawaing pambata?
A. Tumutulong sa ibang bata
B. Masayang kasama ang ibang bata
C. Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro
D. Lahat ng nabanggit

You might also like