School Header Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
SDO Annex Pilar
J.S. HERRERA SR. MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
WAWA, PILAR 2101, BATAAN
Grade 3
Assessment on Least Learned Skills in Math. 3- Project AN
First Quarter (Pre- Test)
1. Solves routine and non-routine problems involving subtraction without or with
addition of whole numbers including money using appropriate problem-solving
strategies and tools
2. Divides 2- to 3- digit numbers by 1-to 2-digit numbers without and with remainder
Easy:
I. Basahin at lutasin ang bawat suliranin. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Bumili sa Leomar ng notbuk at bolpen na may kabuuang halaga na Php 30.00. Nagbayad siya sa kahera ng
Php 50.00. Magkano pa ang kanyang sukli?
a. Php 10.00 b. Php 20.00 c. Php 30.00 d. Php 40.00
2. Nagplano si Noemi na bumili ng regalo para sa kaarawan ng kanyang nanay. Ito ay nagkakahalaga ng Php
540.00. Ang hawak niyang pera ay Php 310.00. Magkano pa ang kulang ng pera niya?
a. Php 210.00 b. Php 220.00 c. Php 230.00 d. Php 240.00
3. Kailangan ni Kenneth ng Php 675.00 para sa kanyang proyekto. May naipon na siyang Php 425.00.
Magkano pa ang kailangan niyang hingin sa nanay niya?
a. Php 350.00 b. Php 450.00 c. Php 325.00 d. Php 250.00
4. Bumili si Maria ng mga gamit para sa kanyang proyekto. Gumastos siya ng Php 125.00 para sa mga gamit
at Php 100.00 para sa kanyang transportasyon. Kung ang pera niya ay P425.00, magkano ang natira sa pera
niya?
a. Php 100.00 b. Php 150.00 c. Php 200.00 d. Php 250.00
5. Bibili sana si Dino ng bagong TV set na may halagang Php 5,500.00 at oven na nagkakahalaga ng Php
2,500.00. Kung may pera siya na Php 6,000.00, magkano pa ang kailangan niya para mabili ang mga ito?
a. Php 2,000.00 b. Php 1,000.00 c. Php 3,000.00 d. Php 500.00
II. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.
6. 77 ÷ 11 = a. 6 b. 7 c. 8 d. 9
7. 600 ÷ 10 = a. 10 b. 30 c. 50 d. 60
8. 780 ÷ 78 = a. 10 b. 20 c. 30 d. 40
9. 555 ÷ 5 = a. 101 b. 201 c. 111 d. 121
10. 486 ÷ 2 = a. 242 b. 232 c. 243 d. 213
School Header Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
SDO Annex Pilar
J.S. HERRERA SR. MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
WAWA, PILAR 2101, BATAAN
Answer Key:
1. b 6. b
2. c 7. d
3. d 8. a
4. c 9. c
5. a 10. c
Average:
I. Basahin at lutasin ang bawat suliranin. Isulat ang tamang sagot sa bawat isa.
1. May 43 straw si Ben. Dalawampu’t lima ay kulay berde at ang natitira ay kulay dilaw. Ilan ang bilang ng
kulay dilaw na straw?
2. Palabasa si Ella. Mayroon siyang binasang aklat na may 220 pahina. Kung siya ay nakatapos na ng 89 na
pahina, ilang pahina na lang ang kanyang babasahin para matapos ang buong aklat?
3. Binigyan si Janice ng kanyang ama ng Php 789.00. Ibinigay naman niya sa kanyang kapatid na babae ang
kaukulang halaga at ang natira na lamang sa kanya ay Php 98.00. Magkano ang ibinigay niya sa kanyang
kapatid?
4. May dalawang bilang si David na 123 at 456. Nais niyang malaman ang lamang ng mas malaking numero
sa mas maliit na numero, ano kaya ang makukuha niyang sagot?
5. Masipag magtanim si Kevin. Nang anihan, siya ay nakaipon ng 175 na talong mula sa kanyang taniman.
Naipagbili niya ang 156 sa isang tindahan, ilan ang hindi pa niya naipagbibili?
II. Isulat ang tamang sagot sa bawat bilang.
6. 184 ÷ 11 =
7. 338 ÷ 48 =
8. 508 ÷ 21 =
9. 677 ÷ 56 =
10. 889 ÷ 78 =
Answer Key:
1. 18 ang kulay dilaw na straw
2. 131 na pahina na lang ang kanyang babasahin
3. Php 691.00 ibinigay niya sa kanyang kapatid
School Header Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
SDO Annex Pilar
J.S. HERRERA SR. MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
WAWA, PILAR 2101, BATAAN
4. 333 ang lamang ng mas malaking numero sa mas maliit na numero
5. 19 talong ang hindi pa niya naipagbibili
6. 16 r 8
7. 7 r 2
8. 24 r 4
9. 12 r 5
10. 11r 31
Difficult:
I. Basahin at lutasin ang bawat suliranin. Isulat ang tamang sagot sa bawat isa
1. Bumili si Maria ng dalawang dosenang itlog. Kung ang 15 sa mga ito ay ginamit niya sa pagluluto ng cake,
ilan pa kaya ang natira?
2. Mahilig maglaro si John ng holen. Ang bilang ng kanyang kulay dilaw na holen ay 224 at 216 naman ang
kulay pula. Kung ang 325 holen ay nasa loob ng kahon na ginagamit niya sa paglalaro, ilang holen ang nasa
labas na hindi niya ginagamit?
3. Masinop at matipid si Gng. Cruz. Sa unang buwan ng kanyang trabaho, nakaipon siya ng halagang
Php3,400.00. Noong nakaraang buwan naman ay nakapag-impok siya ng Php2,900.00. Kung ang kanyang
anak ay mangangailangan ng Php1,800.00 para sa gastusin sa pag-aaral, magkano kaya ang matitira sa
kanyang naipong pera?
4. Si Carlo ay kumita sa kanyang repair shop ng Php1,500.00 noong nakaraang buwan at Php900.00 para sa
kasalukuyang buwan. Bumili siya ng kagamitan para sa sasakyan niya na nagkakahalaga ng Php900.00 at
martilyo na may halagang Php295.00. Magkano kaya ang natira sa kanyang kinita sa loob ng dalawang
buwan niyang pagtatarabaho?
5. Si Cindy ay kumita ng Php1, 457.00 mula sa kanyang panindang buko pie. Kumita rin siya ng Php985.00
sa kanya panindang buko pie. Kung ang kanyang gastos ay umabot lang ng Php895.00 para sa mga sangkap,
magkano kaya ang perang natira sa kanya?
II. Isulat ang tamang sagot sa bawat bilang.
6. 119 ÷ 23 =
7. 324 ÷ 80 =
8. 431 ÷ 61 =
9. 753 ÷ 90 =
10. 821 ÷ 89 =
School Header Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BATAAN
SDO Annex Pilar
J.S. HERRERA SR. MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
WAWA, PILAR 2101, BATAAN
Answer Key:
1. 9 itlog
2. 115 holen
3. Php 4,500.00 ang matitira sa kanyang naipong pera
4. Php 1,205.00 ang natira sa kanyang kinita sa loob ng dalawang buwan niyang pagtatarabaho
5. Php 1,547.00 ang perang natira sa kanya
6. 5 r 4
7. 4 r 4
8. 7 r 4
9. 8 r 33
10. 9 r 20
Prepared by:
ANA LIZA V. BANZON
Class Adviser
NOTED:
MELISSA N. MIZON
Assistant School Principal II