2
Mathematics
Ikatlong Markahan - Modyul 8
Pagbuo ng Hugis Parisukat, Parihaba,
Tatsulok, Bilog, Half Circle at Quarter
Circle Gamit ang Cut-outs
at Square Grids
Matematika– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Pagbuo ng Hugis Parisukat, Parihaba, Tatsulok, Bilog,
Half Circle at Quarter Circle Gamit ang Cut-outs at Square Grids
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Annie I. Adagao, Erlinda D. Bunag
Editor ng Nilalaman: Mary Jane S. Musni, Lannie N. Peregrino, PhD.
Editor ng Wika: Arnel L. Solitario
Tagaguhit: Celeste S. Ortega, Arlene I. Galvez
Tagalapat: Annie I. Adagao
Tagasuri ng Nilalaman: Maria Divina Amor C. Medina
Tagasuri ng Wika : Ma. Christina B. Viola
Tagasuri ng Paglapat : Michael C. Samson
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________
Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
2
Mathematics
Ikatlong Markahan - Modyul 8
Pagbuo ng Hugis Parisukat, Parihaba,
Tatsulok, Bilog, Half Circle at Quarter
Circle Gamit ang Cut-outs
at Square Grids
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa modyul na ito ay matututunan ng mag-aaral
kung paano makabubuo ng representasyon ng
hugis parisukat, parihaba, tatsulok, bilog, half circle
at quarter circle gamit ang cut-outs at square grids.
Ito ay maaari nilang maiugnay sa tunay na buhay.
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na sila ay:
a. Nakabubuo ng modelo ng hugis parisukat,
parihaba, tatsulok sa pamamagitan ng pagtutupi o
paggupit ng papel at square grids;
b. Nakabubuo ng modelo ng hugis bilog, half
circle at quarter circle sa pamamagitan ng
pagtutupi o paggupit ng papel at square grids;
c. Naiuugnay sa tunay na buhay ang pag-
aaral sa paglutas ng suliranin sa matematika.
Subukin
Panuto: Iguhit sa patlang ang hugis na isinasaad ng mga
salita.
___________ 1. tatsulok ____________ 4. bilog
___________ 2. parihaba ____________ 5. half circle
___________ 3. quarter circle ____________ 6. parisukat
1
Balikan
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang bilang ng bawat hugis
na makikita mo sa larawan.
2
Tuklasin
Basahin ang kwento. Kung ikaw si Ana, ano ang
iyong mararamdaman?
Kaarawan ni Ana.
Mahigpit niyang niyakap
at hinagkan ang
kanyang tatay ng
makita niya ang ginawa
nitong bahay-bahayan.
“Maraming salamat po
Tatay! Mahal na mahal
ko po kayo!”
Panuto: Sa loob ng kahon sa ibaba ay may nakatalang
mga bagay na makikita sa loob ng bahay-bahayan ni
Ana. Piliin mula sa loob ng kahon ang sagot sa mga
katanungan na nasa ibaba.
bubong kama duyan
payong bintana unan
Tanong:
__________ 1. Anong bagay ang hugis bilog sa bahay-
bahayan ni Ana?
__________ 2. Aling bahagi ng bahay-bahayan ang hugis
tatsulok?
__________ 3. Anong bahagi naman ng bahay-bahayan
ang hugis parisukat?
__________ 4. Anong bagay sa loob ng bahay-bahayan
ang hugis parihaba?
__________ 5. Anong bagay ang hugis quarter circle sa loob
ng bahay-bahayan ni Ana?
3
__________ 6. Anong bagay naman ang hugis half circle
ang nasa bahay-bahayan ni Ana?
Suriin
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng
modelo ng mga hugis parisukat, parihaba, tatsulok, bilog,
half circle at quarter circle?
2.54 cm
Sa paggawa ng modelo ng
hugis parisukat, tandaan na dapat
2.54 cm 2.54 cm
ay magkakatulad ng sukat ang
apat na gilid nito.
2.54 cm 3.8 cm
Ang parihaba naman ay
may dalawang mas mahabang 2.54 cm 2.54 cm
gilid na pareho din ang sukat.
3.8 cm
Samantalang sa paggawa
naman ng hugis tatsulok, maaaring
iisa ang sukat ng tatlong gilid, ng
dalawa lamang o maaari ding
magkakaiba ang sukat ng tatlong
gilid nito.
Ang bilog naman ang hugis
na walang gilid o sulok. Kung 90° 90°
babakatin ang linya nito, ang
90° 90°
iyong kamay ay iikot ng 360°.
4
Ang half circle naman ay
90°
isang bahagi ng bilog na hinati 180°
sa dalawa. Ito ay may 180° na 90°
anggulo.
Makagagawa naman
90° ng quarter circle na may
anggulong 90° kapag hinati
sa apat na bahagi ang
isang bilog.
Square Grid naman
ang tawag sa mga linya
na binubuo ng maraming
parisukat na nagsisilbing
gabay sa pag guhit ng
tuwid at kurbadang linya.
Ang lawak o sukat ay
hinahati sa 4 na bahagi sa
pamamagitan ng isang
guhit na patayo at isang
guhit na pahiga sa gitna
nito. Ang bawat bahagi
ay tinatawag na
quadrant.
5
Pagyamanin
Pamatnubay na Gawain 1
Panuto: Gumamit ng bukod na papel sa pagsasagot.
Sundan ang mga hakbang na inilalarawan. Iguhit ang
mga hugis na mabubuo sa patlang.
1.
2. ^
3.
6
Pagtataya 1
Panuto: Sundan at gayahin ang sumusunod na mga
pamamaraang inilalarawan. Anong hugis ang iyong
mabubuo? Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
____1.
a. tatsulok b. Bilog c. parisukat d. half circle
____ 2.
a. half circle b. bilog c. quarter circle d. parihaba
____ 3.
?
a. bilog b. tatsulok c. half circle d. quarter circle
7
Pamatnubay na Gawain 2
Panuto: Pagdugtungin ang mga tuldok sa square grid
upang mabuo ang mga isinasaad na hugis.
1. parisukat
2. tatsulok
3. parihaba
8
Pagtataya 2
Panuto: Gayahin ang mga sumusunod na hakbang sa
pagguhit ng quarter circle, half circle at bilog sa square
grid. Gumamit ng graphing paper.
1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5
6 6
5 5
4 4
3 3
2 2
1 1
1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1 1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5
6 6
5 5
4 4
3 3
2 2
1 1
1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1 1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5
6 6
5 5
4 4
3 3
2 2
1 1
1 2 3 4 5 6 5 4 3 2 1
9
Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Kumuha ng parisukat na papel. Itupi ito kagaya ng
nasa larawan. Isulat sa patlang ang sagot sa bawat
tanong.
Tanong:
_______ 1. Ilang tupi ang iyong ginawa sa papel upang
magaya ang nasa larawan?
_______ 2. Ilang tatsulok ang nakikita mo sa larawang
ito?
_______ 3. Ilang parihaba naman ang mayroon sa
larawan?
_______ 4. Ilang parisukat ang nakikita mo sa larawan?
_______ 5. Kung dalawang tupi lamang ang iyong
gagawin, ilang tatsulok ang magagawa mo?
10
Pagtataya 1
Panuto: Sundin ang isinasaad ng bawat pangungusap.
Gumamit ng graping paper sa gawaing ito.
1. Kulayan ang 25 na square grid upang makabuo ng
parisukat.
2. Kulayan ang 40 na square grid upang makabuo ng
isang parihaba.
3. Kulayan ang 25 ng square grid upang makabuo ng
isang tatsulok
11
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Kulayan ang larawan ayon sa sunod-sunod na
isinasaad ng mga pangungusap. Gawin ito sa
sagutang papel.
a. Kulayan ng bughaw ang lahat ng parisukat na iyong
makikita sa larawan.
b. Kulayan ng pula ang dalawang magkatapat na
quarter circle na iyong makikita.
c. Kulayan ng kahel ang isang parihaba.
d. Kulayan ng dilaw ang bilog sa larawan.
e. Kulayan ng luntian ang isang half circle.
12
Pagtataya 2
Panuto: Tingnan ang larawan sa Pang-isahang Gawain 2
na iyong kinulayan at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
sagutang papel.
1. Ilan ang bilog na iyong kinulayan?
a. 1 b. 2 c. 3 d. wala
2. Ilang quarter circle ang maaaring kulayan sa larawan?
a. 4 b. 8 c. 12 d. 16
3. Ano ang pinakamaraming hugis sa larawan?
a. bilog b. tatsulok c. parisukat d. half circle
4. Ilang maliit na parisukat ang iyong nakulayan?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
5. Ilang half circle ang maaaring kulayan sa larawan?
a. 8 b. 16 c. 12 d. 4
Isaisip
1. Ano-anong mga pamamaraan ang maaari mong
gamitin upang makagawa ng modelo ng mga hugis
parisukat, parihaba, tatsulok, bilog, half circle at quarter
circle?
2. Sa paggawa ng iba’t-ibang hugis, maaari bang
magkakaiba ang sukat ng kanilang mga gilid?
3. Maaari bang makagawa ng bilog gamit ang square
grids?
13
Maaaring makagawa ng modelo ng mga hugis
parisukat, parihaba, tatsulok, bilog, half circle at quarter
circle gamit ang pagtutupi o paggupit ng papel at
pagguhit sa square grids.
Sa paggawa ng parisukat at parihaba, maaari
lamang magbago ang kanilang laki. Samantalang sa
paggawa naman ng tatsulok, maaaring magkakaiba ang
sukat ng bawat gilid nito.
Sa pagguhit naman ng quarter circle sa square grid,
kailangan gumamit ng isang quadrant; dalawang
quadrant naman sa pagguhit ng half circle; at apat (4) na
quadrant naman sa pagguhit ng bilog.
Isagawa
Ngayon na alam mo na kung papaano
gumawa ng modelo ng mga hugis, maaari ka nang
gumawa ng mga larawan sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng iba’t-ibang hugis.
Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Bumuo ng
larawan ng isda sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng apat (4) na hugis. Gumawa ng iba’t-ibang uri
na tatsulok (para sa ulo, katawan at palikpik), bilog
(para sa mata), half circle (para sa kaliskis) at quarter
circle (para sa bibig). Pagkatapos ay idikit ang mga ito
ipang mabuo ang isda sa isang malinis na bond paper.
Gumuhit ng iba pang mga bagay na makikita sa ilalim
ng dagat upang magmukhang lumalangoy ang isda
sa dagat.
14
Tayahin
A. Panuto: Gumawa ng modelo ng mga sumusunod na
hugis gamit ang pamamaraan ng pagtupi o gupit ng
papel:
a. parisukat
b. tatsulok na may tatlong (3) magkakaibang sukat ang
gilid
c. half circle
d. bilog
B. Panuto: Iguhit ang modelo ng mga sumusunod na
hugis. Gumamit ng graphing paper para sa gawaing ito.
a. quarter circle
b. half circle
c. tatsulok na may dalawang (2) magkaibang sukat ng
gilid.
d. parihaba
15
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng sariling larawan gamit ang
pagsasama-sama ng modelo iba’t-ibang hugis na
nabuo gamit ang pagtutupi ng paper cut-outs at ng
paggamit ng square grids. Gawin sa isang malinis na
bond paper.
16
Susi sa Pagwawasto
17
Sanggunian
Catud, Herminio Jose C., et. al. Matehematics 2,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Publishing House Inc. 2013. p
198-201.
Catud, Herminio Jose C., et. al. Mathematics 2,
Gabay sa Pagtuturo. Pasig City, Philippines:
Vibal Publishing House Inc. 2013. p 263-272.
Department of Education Curriculum and Instruction
Strand, Most Essential Learning Competencies
(MELCs) With Corresponding CG
Codes/Suggested LRs. 2020. P 269
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph