You are on page 1of 7

Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A.

Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

Detalyadong Banghay-Aralin sa Mathematics Grade 1


ni
Darline Joy L. Diala
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga hugis na may dalawang dimensiyon.


2. Nasusuri ang apat na pangunahing hugis na may dalawang dimensiyon.
3. Naibabahagi ang mga kaalaman tungkol sa apat na pangunahing hugis na may
dalawang dimensiyon.
4. Naisasabuhay ang pagkatuto sa apat na pangunahing hugis na may dalawang
dimensiyon.
5. Naipapakilala ang apat na pangunahing hugis na may dalawang dimensiyon.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Pagsusuri sa apat na pangunahing hugis na may dalawang dimensiyon
B. Sanggunian: Lesson Guide in Elementary Mathematics (Grade 1)
C. Kagamitang Panturo: PowerPoint Presentation,Visual Aid (Flash Card)

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal

Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espirito Tatayo ang mga bata at


santo, Amen. Panginoon gabayan nyo po mananalangin.
kami sa araw na ito at pagpalain po kami
ng magagandang kaalaman na
makatutulong para sa amin. Gabayan nyo
po kami ngayon sa araw na ito at sa mga
susunod pang bukas. Amen. Sa ngalan ng
ama, ng anak, ng espirito santo, Amen.

Maaari na kayong umupo mga bata. Uupo ang mga bata.

2. Pagbati ng mga dumalo

Magandang hapon mga bata. Magandang hapon din po Ma'am.

Ngayong araw ay magtatala ako ng mga Wala pong liban ngayong araw.
liban sa klase. Sino ang liban sa araw na
ito?

Kamusta kayo mga bata? Mabuti po Ma'am.


Kumain ba kayo bago pumasok? Opo!
Mabuti naman kung ganun.

Handa na ba kayong matuto Opo!


At makinig?

Saan ba dapat ang tingin ng mga batang Sa harap po.


handa ng matuto at makinig?

Pero bago ko umpisahan iyon ay may Tatayo ang mga bata. Handa na po!
1|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

pampasiglang gawain muna akong


ibibigay sa inyo. Magsitayo ang lahat at
sumabay kay Ma'am sa bawat sasabhin.
Handa na ba kayo?

 Kaya ko to.
Panuto: Habang umaawit, isadula ang Umaawit at nagsasadula ang mga bata
awiting Gumawa ng hugis. habang sumusunod sa bawat bigkas at
kilos ng guro.
GUMAWA NG HUGIS

Gumawa ng isang bilog, gumawa ng isang


bilog,
Iguhit ito sa langit.
Gamitin ang iyong daliri, gamitin ang
iyong daliri,
Iguhit ito bilang isang piso.

Gumuhit ng parisukat, gumuhit ng


parisukat,
Gawing tuwid ang mga linya.
Gumawa ng isang parisukat, gumawa ng
isang parisukat,
Gumuhit ng isang kahon sa hangin.

Gumawa ng isang parihaba, gumawa ng


isang parihaba,
Iguhit ito sa langit.
Gamitin ang iyong daliri, gamitin ang
iyong daliri,
Gumawa ng isang parihaba bilang isang
pinto.

Gumuhit ng tatsulok, gumuhit ng


tatsulok,
Laging magsimula sa tuktok.
Gumawa ng tatsulok, gumawa ng tatsulok.
Gumamit ng tatlong linya,
Isa, dalawa, tatlo. Hinto.

Palakpakan ang inyong mga sarili. Magpapalak-pakan ang mga bata.


Ano ang inyong natutunan sa ating Ang pag-guhit po ng bilog, parisukat,
ginawa. parihaba at tatsulok.

Magaling! Papalakpak ang guro.

B. Aktibiti
Ngayon naman mga bata may inihanda
akong aktibidad sa inyo na may kinalaman
sa ginawa natin kanina.
Ano nga yung ginawa natin kanina? Pag-guhit po ng bilog, parisukat, parihaba
at tatsulok.
Makakaya mo ba ako!

Panuto: Buuin ang mga linya at sabihin


2|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

kung ano ang hugis na nabuo. Maaaring sagot:

Parisukat

Parihaba

Tatsulok

Bilog

C. Analisis

Ngayon naman mga bata, talakayin


natin sa oras na ito ay tungkol sa Apat na (Nakikinig ang mga bata.)
Pangunahing Hugis.

Apat na Pangunahing Hugis

Una. Ang Bilog (Circle sa


English) ito ay hugis
na walang sulok at
gilid.

Maaari din itong makita sa inyong


paligid, katulad ng orasan, mga piso, ang
inyong ulo, maging ang inyong mga mata.

Pangalawa.
Ang Parisukat (Square sa
English) ito ay isa sa
pangunahing hugis na may
(4) apat na tuwid,
magkakapareho at
magkakasukat na haba at
gilid. Ito rin ay may (4 )
apat na sulok.

Ito rin ay tinatawag na Congruent. Maaari


din ninyo itong makita sa inyong paligid
tulad ng mga kahon at mga regalo.

Pang-tatlo. Ang Parihaba


(Rectangle sa
English) ito ay hugis
na may (2) dalawang
mahabang linya sa
itaas o sa gilid at (2)
maiksing linya naman
sa itaas o sa gilid.

3|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

Ito rin ay may (4) apat na sulok. Maaari


itong makita sa paligid gaya ng lamesa,
pisara, at ang inyong mga kwaderno o
notebook at maging ang ating watawat.

Pang-apat.
Ang Tatsulok (Triangle
sa English) ito ay hugis na
may (3) tatlong
magkakasing haba na
linya o guhit. Ito rin ay
may (3) tatlong sulok.

Maaari din ninyo itong makita sa


inyong paligid gaya ng pizza, ang mga
warning sign sa daan tulad ng Bawal
tumawid.

Magbibigay ang guro ng iba’t-ibang


halimbawa ng mga na magpapakita ng
pangunahing hugis.

Tataas ng kamay ang mga bata at


Ano ang inyong mga nakikita sa sasagot sa tanong ng guro.
kanang bahagi ng larawan? Maaaring sagot:
Tatawag ng mag-aaral ang guro at Bilog po Ma'am!
sasagot sa tanong ang mga ito. Tatsulok po!
Parihaba po Ma'am!
Parisukat po!

Ano naman ang nakikita nyo sa Bola po Ma'am!


kaliwang bahagi ng larawan? Ice cream po Ma'am!
Regalo po!
Pisara po!
Mahusay mga bata.
Magaling, Palakpakan ang inyong Papalakpak ang mga bata.
sarili.
4|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

Naunawaan ba ninyo ang tinalakay Opo! Naunawaan po.


natin?

D. Abstraksyon

Ngayon naman subikin natin kong


lubos ba ninyong naunawaan ang ating
tinalakay ngayong araw na ito.

Hahatiin ko kayo sa (5) limang


pangkat.

Pamantayan sa pangkatang gawain.

Makilahok sa pangkatang gawain.

Magbibigay ang guro ng iba’t-ibang ibang


hugis at tutukuyin kung ano ang hugis na
nabanggit kalakip nito ang mga larawan
na nasa typewriting na ibinigay ng guro
na may iba’t-ibang ibang hugis.

Ipakita sa katapat na kamag-aral ang


inyong mga sagot.

Tukuyin mo ako! Itataas ng mga bata ang napiling larawan


Panuto. Itaas ang typewriting na na may iba't-ibang hugis.
naglalarawan sa nabanggit ng guro. 1. Tatsulok

Unang gawain.
1. Ito ay hugis na may (3) tatlong linya na
magkakapareho ang haba. Ito rin ay may 2. Parihaba
(3) tatlong sulok. Ano ito?

2. Ito naman ay hugis na may (2) dalawang


magkasinghaba at (2) magkasing-iksi na 3. Parisukat
linya. Ito ay may (4) na sulok. Ano ito?

3. Ito ay hugis na may (4) apat na


magkakapareho ang haba ng mga linya.
Ito rin ay may (4) apat na sulok. Tinatawag
itong Congruent sa English. Ano naman 4. Bilog
ito?

4. Panghuli, ito ay hugis na walang sulok o


gilid. Ano naman ito?

Pangalawang gawain.
Magbibigay ang guro ng mga hugis at at
tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga
bagay/pagkain na kaugnay nito.

Hulaan mo ako!
Panuto. Iguhit ang mga bagay/pagkain Maaaring mga sagot:
na may kaugnay sa hugis na nabanggit.
5|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

1. Parihaba (Rectangle) 1. Pisara, lamesa, pinto at iba pa.


2. Tatsulok (Triangle) 2. Pizza, warning sign at iba pa.
3. Parisukat (Square) 3. Kahon, regalo at iba pa.
4. Bilog (Circle) 4. Bola, donut, gulong at iba pa.

E. Aplikasyon

Magsibalik na sa inyong upuan. Bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang


tamang upuan.
Ngayon namn magbibigay ako ng
indibidwal na gawain.

Ano ako magaling!


Panuto. Kulayan ang hugis na nasa kaliwa
kaugnay ng kahon na nasa kanan. (abala ang mga bata sa pagkukulay na
ibinigay na gawain ng guro.)

Tapos na ba kayo mga bata? Opo Ma'am tapos na po!

Ngayon ating iwasto kung tama ang


inyong mga sagot.
(Pagkatapos iwasto ng guro)
Bigyan ninyo ng palakpak ang inyong Nagpalakpakan ang mga bata.
mga sarili.

F. Pagpapahalaga

Ano ang inyong mga natutunan? Tungkol sa mga hugis po tulad ng Bilog o
Circle, Parisukat o Square, Parihaba o
Rectangle, at Tatsulok o Triangle po.

Magbigay ng halimbawa na nakikita sa Magbibigay ang mga bata ng halimbawa.


inyong paligid na may kaugnay sa apat na Maaaring sagot:
pangunahing mga hugis. Pisara, notebook, lamesa at iba pa.

IV. PAGTATAYA

Panuto. Bilugan ang mga bagay na may kaugnay sa mga hugis na tinutukoy.

6|Page
Math 2-Teaching Math in Primary Grades Mrs. Mary Grace A. Desembrana
1 st semester A.Y. 2023-2024 Instructor

1. Alin ang katulad ng bilog?

2. Alin ang katulad ng parihaba?

3. Alin ang katulad ng tatsulok?

4. Alin ang katulad ng parisukat?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto 1. Ikahon ang tamang pangalan ng hugis na nasa kaliwa.

Panuto 2. Pagkabitin ang hugis at ang pangalan nito.

7|Page

You might also like